LOGINMATAPOS malaman ni Talia ang katotohanan mula kay Bea, kaagad siyang bumalik sa villa. At doon, nadatnan niyang wala nang malay si Caden. Nakahiga ito sa kama, maputlang-maputla ang mukha at halos walang kulay na parang papel.Mabilis siyang lumapit, ngunit sa sandaling tumama ang tingin niya sa likod ng lalaki, nanigas siya. Ang sugat nito ay nakakatakot. Ang balat sa paligid ng injection site ay nangingitim, at sa ilang bahagi ay nagsisimula nang mabulok at maglabas ng nana.Nanlabo ang paningin ni Talia. Kusang namuo ang luha sa kanyang mga mata.“Bakit ngayon mo lang sinabi sa’kin?!” sigaw niya, nanginginig ang boses, diretsong nakatingin kay Lyndon.Napatungo si Lyndon, puno ng pagsisisi ang mukha.“Ma’am, pasensya na po… ayaw po ni Sir na mag-alala kayo kaya hindi ko po masabi."Huminga nang malalim si Talia, pilit kinokontrol ang emosyon. Hindi ito ang oras para magturo ng sisi.“Scalpel,” mariin niyang sabi, iniunat ang kamay. Kahit nanginginig ang boses niya, matatag ang mga
NAPANSIN ni Talia ang bahagyang pagtigil ng ngiti ni Caden.Sa loob-loob niya, malinaw ang katotohanan na marahil ay hindi na nga siya makakaalis na lugar na iyon dahil doon na siya mamamatay. At marahil… dito na magtatapos ang lahat para sa kanya.Ang mga salitang binitiwan ni Talia ay tila karayom na dahan-dahang tumusok sa kanyang dibdib. Tahimik siyang huminga nang malalim, pilit kinokontrol ang emosyon na unti-unting umaapaw. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita, mas mahinahon ngunit may bigat ang bawat salita.“Talia… may gusto ka pa bang iba?”Bahagyang natawa si Talia. May halong panunukso ang tono niya, ngunit halatang hindi seryoso.“Marami,” sagot niya. “Kaya mo bang kunin ang mga bituin sa langit para sa akin?”Malinaw na panunukso iyon. Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ni Caden. Sa halip, seryoso siyang tumugon.“If there’s a chance in the future… gagawin ko.”Bahagyang nawala ang ngiti ni Talia. Napakunot ang noo niya at bahagyang tumagilid ang ulo habang tinititigan s
HINDI MAN lang nag-almusal si Caden bago gumawa ng cake. Diretso siyang pumasok sa kusina at tahimik na nagsimulang maghanda. Kinuha niya ang itlog, harina, at iba pang sangkap. Walang imik, maingat ang bawat galaw habang hinahalo niya ang batter.Sa gilid, nakamasid si Lyndon. Sandali siyang nag-alangan bago nagsalita, tila casual lang ang tono.“Sir… dati po, mahirap lang kami,” panimula niya. “Yung hipag ko po ang nagpaaral sa akin. Nagbebenta siya ng mga homemade pastries sa kalsada.”Hindi tumigil si Caden sa ginagawa, ngunit hindi rin siya nagsalita.“Nung una po, nahihiya siya makipag-usap sa customers. Tahimik lang, halos hindi makatingin. Pero habang tumatagal, natuto siyang ngumiti, tumawag ng pansin, hanggang sa siya na mismo ang humihila ng mga dumadaan.”Bahagyang tumingin si Lyndon kay Caden bago nagpatuloy.“Tinanong ko po siya noon kung ano ang sikreto niya. Sabi niya… una, tiyaga. Pangalawa, lakas ng loob. Pangatlo…” bahagya siyang napangiti, “…kapalan ng mukha.”Sand
NANLAKI ang mga mata ni Caden sa narinig. Parang may biglang pumiga sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Isang sakit na hindi niya maipaliwanag.Hindi na niya pinansin ang doktor. Walang pakialam sa mahina niyang katawan, agad niyang itinapon ang kumot at pilit na bumangon. Kahit bahagyang nanghihina ang mga binti niya ay hindi siya tumigil.“Mr. Montclair—!” tawag ng doktor, pilit siyang pinipigilan.Pero parang wala siyang naririnig. Diretso siyang lumabas ng kwarto at mabilis na tinungo ang silid ni Talia. Pagpasok niya, biglang tumahimik ang buong kwarto. Lahat ng tao ay kusang umurong, parang kusang nagbibigay-daan sa kanya.Sa kama, nakita niya si Talia. Namumula ang pisngi nito. Namimilipit sa hindi mapakaling tulog habang mahina itong nagmu-murmur.“Ang lamig…” mahina nitong bulong.“Huwag… wag mo ’kong hawakan…”Matapos niyon ay bigla itong nanginig.Napapikit si Caden. Parang may munting kirot siyang naramdaman sa puso niya. Sandaling nag-blanko ang isip niya.‘Paano… nangy
NANIGAS ang buong katawan ni Talia sa tanong ni Caden.“No…” mabilis niyang sagot, halos hindi na nag-isip. “He didn’t touch me.”Ngunit hindi agad naniwala si Caden. Sa mga mata niya, malinaw ang marka sa leeg ni Talia, ang sugat sa labi nito, at ang pamumula ng pulso na tila pinisil o itinali. Lahat iyon ay parang kutsilyong sunod-sunod na tumarak sa dibdib niya.Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin. Kahapon lang ang kasal nila. Kahapon lang… pero ngayon, may ibang lalaki na sangkot sa pagitan nila.“Talia…” mababa ang boses ni Caden, ngunit ramdam ang bigat. Dahan-dahan niyang hinawakan ang pulso ng babae. Hindi marahas, pero sapat para maramdaman ni Talia ang panginginig nito.“Did he kiss you?” diretso niyang tanong.Bahagyang napaatras si Talia. Hindi siya makasagot. At sa katahimikang iyon, may kung anong tuluyang sumabog sa loob ni Caden. Sa paningin niya, ang pananahimik ay katumbas ng pag-amin.“Answer me,” mas mariin niyang sabi.Ngunit nanatiling tahimik si Talia. Hin
KUMUNOT ang noo ni Talia, bahagyang nalilito.“Ano’ng ibig mong sabihin…?”Sandaling natahimik si Lucas, at pinagmasdan niya ang mukha ni Talia na ang malinaw na pagkalito sa mga mata at walang bahid ng pagpapanggap. At doon niya naunawaan na hindi nito alam ang tungkol sa lason sa katawan ni Caden na unti-unting sumisira sa katawan nito.Isang malamig na kislap ang dumaan sa mga mata niya. Mariin niyang kinuyom ang kamao, ngunit agad din niya itong pinigilan. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon niya, bumalik sa mahinahong anyo, parang walang tensyong naganap.“Wala,” kalmadong sagot niya. “Kumain ka muna.”Kinuha niya ang mangkok ng lugaw at marahang hinalo iyon. Maingat at kontrolado ang bawat galaw, tila walang anumang gumugulo sa isip niya.“Huwag kang magpagutom,” dagdag niya, mas mababa ang boses. “Mamaya, sasamahan kita sa deck. Maganda ang langit ngayon… maraming bituin.”Dahan-dahan siyang lumapit at iniabot ang mangkok. Subalit sa sandaling iyon, biglang tinabig ni Talia
NAIWAN si Lyndon sa labas, nakatulala.“Could it be... wala talagang nangyari sa loob?” naisip niya.Pero naalala niya ang itsura ni Miss Jessica, ‘yung pamumula ng pisngi, ‘yung pagbitin ng hininga, at ‘yung hindi makatingin nang diretso. Sandali siyang napatigil. “Hmm... pero kung ganun, bakit pa
“WHICH partner group gusto mong unahin for release?” tanong ni Lucas habang lumalapit nang bahagya kay Talia.Habang unti-unting lumiliit ang kanilang distansya, humahalimuyak sa paligid ang amoy ng cedar sa kanyang pabango, subtle pero nakakabighani.“It’s mainly for the treatment of lung cancer,”
KINABUKASAN, maagang sumikat ang araw sa Montclair Villa sa Tagaytay.Dumaan ang liwanag sa malalawak na glass window at tumama sa king-sized bed kung saan nakahiga pa si Caden Montclair.Dumilat siya, mabigat ang mga mata at halatang walang maayos na tulog.Marahang hinaplos ang sentido, saka buma
“DR. NOVA… I know who she is.”Tahimik ang opisina habang nakatingin si Professor Harris sa tasa ng kape sa harap niya. Sa sandaling iyon, para bang bumalik sa kanya ang mga alaala ng isang batang babae—ang batang minsan niyang itinuring na himala ng siyensya.“She’s quite special,” mahinahon niyan







