Share

CHAPTER 204

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-05-03 18:16:37

SANDALING natahimik si Talia matapos marinig ang sagot ni Caden.BSa loob-loob niya, agad niyang naunawaan ang nangyayari.

‘Ang memory niya… may problema.’

Huminga siya nang malalim, pilit inayos ang kanyang ekspresyon bago marahang nagsalita.

“Si Lyndon ang assistant mo,” kalmado niyang paliwanag. “New hire. Hindi ko pa lang nasasabi sa’yo.”

Bahagyang sumulyap si Caden kay Lyndon. Walang emosyon ang kanyang mga mata, ngunit may halong paghamak at lamig ang titig nito.

“Fire him,” diretso at wal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
dawen
nku bka tauhan n lucas more update ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 205

    TAHIMIK ang loob ng laboratory ngunit ramdam ang bigat ng sitwasyon. Hindi man marangya ang kagamitan, malinaw na high-end ang lahat. Kumpleto ito sa mga system para sa extraction, preservation, at culture ng biological samples.Nakatayo si Talia sa harap ng whiteboard, seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa grupo.“The extraction process na gagawin natin is relatively simple,” kalmado niyang paliwanag. “May kabuuang dalawampu’t apat na plant samples. Hahatiin ko kayo. Each of you will handle four.” Sandali siyang huminto, saka itinuro ang mga nakasulat sa board. “After extraction, imimix ito sa dalawang solutions based sa formula ko. If the data matches the expected results, successful na tayo.”Agad na umalingawngaw ang palakpakan sa loob ng silid. Hindi nila maitago ang excitement. Ang makatrabaho si Doctor Nova ay isang malaking oportunidad.Sa gilid, umabante si Lyndon at malinaw na nagsalita.“Sir Caden announced,” direkta niyang sabi, “na ang sinumang makakapasa sa task na

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 204

    SANDALING natahimik si Talia matapos marinig ang sagot ni Caden.BSa loob-loob niya, agad niyang naunawaan ang nangyayari.‘Ang memory niya… may problema.’Huminga siya nang malalim, pilit inayos ang kanyang ekspresyon bago marahang nagsalita.“Si Lyndon ang assistant mo,” kalmado niyang paliwanag. “New hire. Hindi ko pa lang nasasabi sa’yo.”Bahagyang sumulyap si Caden kay Lyndon. Walang emosyon ang kanyang mga mata, ngunit may halong paghamak at lamig ang titig nito.“Fire him,” diretso at walang pag-aalinlangan na sabi ni Caden. “Mag-hire ka ng babae,” dagdag pa niya, malamig ang tono. “What kind of setup is that? Male assistant?”Sa likuran, parang biglang nawasak ang mundo ni Lyndon. Nanigas siya sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa narinig. Siya… na matagal nang kasama ni Caden… ngayon ay parang wala lang.Agad namang tumango si Talia, mabilis at walang pagdadalawang-isip na nagsalita.“Okay,” mahinahon niyang sagot. “I’ll handle it. Bibigyan ko lang siya ng ilang araw.”Bahagy

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 203

    MAGKAKASUNOD na tumawag si Talia sa tatlong tao, gamit ang iba’t ibang lenggwahe. Lahat sila ay mga eksperto na matagal na niyang pinahahalagahan at pinagkakatiwalaan.NAlam niyang kapag nagsama-sama ang tatlong iyon, mas magiging mabilis at mas epektibo ang resulta ng kanilang gagawin.Pagkatapos noon, tinawagan niya si Rosita Cruz, ang head researcher ng kanilang lab sa Singapore. “Prepare everything,” direkta niyang utos. “I-ready mo ang lahat ng raw materials at siguraduhin mong maipadala agad dito ang pinaka-advanced equipment mula sa main laboratory.”Para kay Talia, mas ligtas na manatili siya sa Grey Wharf kaysa bumalik pa sa Pilipinas sa mga oras na iyon. Doon din nakabase ang pundasyon ng organisasyon ni Lucas. At sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaang magkamali pa sila pagdating sa antidote.Matapos niyang maibigay ang lahat ng instructions, tahimik siyang naglakad palabas at nagtungo sa hardin.Malamig ang hangin. Dumating na ang taglamig, at ramdam ang malaking agwat

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 202

    SA ISANG bahagi ng masukal na kagubatan, tahimik na nakatayo si Lucas habang pinagmamasdan ang helicopter na unti-unting naglalaho sa kalangitan. Ang kanyang mga mata ay puno ng malamig at malalim na galit.Muli niyang naiwala si Talia, at ngayon umaasa pa siyang maililigtas ito ni Caden. Pero sa kabilang banda, hindi niya napigilang mapangiti nang malamig.Wala na ang antidote at hindi aabot ng sampung araw si Caden. Unti-unting naglaro sa isip ni Lucas ang susunod na hakbang ni Talia. Kilala niya ito. Siguradong gagawin nito ang lahat para muling buuin ang antidote.Ngunit imposible iyon dahil wala nang oras ang mga ito. Kung may gagawin man si Talia, malamang dadalhin nito si Caden sa isang high-level laboratory sa Singapore. O kaya naman, sa ilalim ng pangalan ni Doctor Nova, tipunin ang pinakamagagaling na eksperto upang muling buuin ang formula.Ngunit kahit anong gawin nila… huli na.Malamig na ngumiti si Lucas.“Prepare everything. Isama ninyo si Professor Haris,” mababa niyan

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 201

    “LUCAS, ibigay mo na sa’kin ang antidote. Sasama ako sa’yo. I promise, hindi ko na siya makikita ulit. Never again...” pagmamakaawa ni Talia.Nalason si Caden dahil sinusubukan nitong iligtas ang kanyang professor. Kaya kahit anong mangyari ay hindi niya hahayaan na mamatay ito.Mas lalo pang nagalit si Lucas sa narinig. Lumitaw ang mga ugat sa kanyang noo habang mas nagiging mapanganib ang kanyang ekspresyon.“Talia, I forbid you to cry!” mariin niyang saad, bawat salita ay parang pilit na kinikiskis sa pagitan ng kanyang mga ngipin. “Hindi ka pwedeng umiyak para sa kanya!”“O-Okay! I won’t cry, I won’t…” nanginginig na sagot ni Talia.Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha, ngunit kahit anong gawin niya, patuloy pa rin itong tumutulo, parang ulan na walang katapusan.Ang eksenang iyon ay muling tumama sa kaibuturan ni Caden. Parang may mababasag sa loob niya habang pinagmamasdyan niya ang tagpong iyon“Talia, don’t cry…” mahina niyang saad, puno ng pagpipigil, na para bang gusto

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 200

    SA LOOB ng cabin, nakatayo si Talia sa harap ng maliit na bintana, nakatanaw sa malayong pier. Sa gitna ng malamlam na ilaw at alon ng dagat, may isang pigura na agad niyang nakilala.Tumigil ang paghinga niya nang makita si Caden.‘He really came…’Sa sandaling iyon, parang unti-unting bumigay ang lahat ng pinipigilan niyang emosyon. Ang lakas na matagal niyang kinapitan at ang matigas na maskarang suot niya, halos gumuho.Gusto niyang tumakbo palabas. Gusto niyang puntahan ito. Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit, na para bang doon lang siya ligtas.Sa likod niya, marahang naglakad si Lucas palapit. Huminto ito sa likuran niya at may sinabi sa mahinang boses.“Talia, lunch is ready.”Malumanay ang boses ni Lucas nang sabihin iyon ngunit may bigat na hindi maaaring suwayin.Bahagyang iniwas naman ni Talia ang tingin, malamig ang tono.“I’m not hungry.”Nanatili ang ngiti ni Lucas, ngunit ang mga mata nito ay unti-unting lumamig.“You’re not going to eat?” mabagal niyang tanong. “F

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 155:

    “DO YOU want to sleep with me?”Diretso ang tanong ni Mr. Crest. Walang paligoy-ligoy. Walang pag-aalinlangan. Pero hindi nagpanic si Bea. Sa halip ay bahagya siyang ngumiti, isang ngiting kalmado na para bang inaasahan na niya ang tanong na iyon.“Mr. Crest,” mahinahon niyang sagot, “you really lo

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 129

    BAGO pa matapos ni Talia ang sinasabk, biglang umabante si Lucas. Sa isang iglap, hinila niya ang babae papalapit at niyakap nang mahigpit, sobrang higpit na parang ayaw na niyang pakawalan pa. Parang doon lang niya na-realize ang posibilidad na mawala ito sa kanya.“Talia…” usal ni Lucas sa paos n

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 124

    GABI na nang tuluyang bumagsak ang dilim sa siyudad.Sa loob ng isang high-end restaurant sa BGC, kumikislap ang malalaking crystal chandelier sa kisame. Tumatama ang ilaw sa mga plato at baso na maayos ang plating, mamahalin ang wine, at tahimik ang private dining area.Ngunit si Talia ay halos wa

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 125

    SAMANTALA, saglit na nanahimik ang buong auditorium habang pinoproseso ng lahat ang rebelasyon. Pagkatapos ay muling nagsalita si Lucas. Mas mabigat na ngayon ang boses, mas may diin.“Today,” malinaw niyang saad, “since nandito na rin ang media at mga partners natin, I’ll take this chance to offic

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status