Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 114 No Time Machine

Share

Kabanata 114 No Time Machine

last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-06 17:46:07
Umupo si Kiara sa tapat nito at inilapag ang bag sa bakanteng silya. Dalawang oras siyang nakipagtalo sa sarili bago nagpasiyang pumunta. Hindi dahil gusto niyang bigyan ito ng panibagong pagkakataon, kundi dahil naging masaya si Sierra sa mga nakalipas na araw.

“Hindi ito reconciliation dinner,” paglilinaw niya. “Pasasalamat lang dahil napapasaya mo si Sierra.”

“Naiintindihan ko.”

“Iyon lang ang dahilan kung bakit ako narito.”

Tumango si Cassian at naupo. “Hindi kita inimbitahan para piliting b
Maria Bonifacia

Dear readers, kung hindi pa ninyo nababasa ang Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO, I highly recommend giving it a chance. Book 1–8 na, kaya marami kayong mababasa. Maraming salamat po!

| 17
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (27)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Completed na po ang Book 1, chapter 1-150. Ongoing po ang Book 2. Thanks so much po.
goodnovel comment avatar
ۦۦ ۦۦ ۦۦ ۦۦ
babasahin ulit kita pag May ending sa ngayon bibitawan ko muna ayoko nabibitin ako sa kakabasa
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May update na po. Salamat po!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 208 A Broken Promise

    Nakatayo si Nick sa tabi ng kama, hawak ang speech na dapat sana’y binabasa niya. Bukas na ang awarding. Pagkatapos nito, hihingin ni Avery ang buong katotohanan, habang hinihintay naman ni Nessa na tuparin niya ang pangako.Bumaba ang tingin niya sa bahaging pasasalamat para sa asawa.“At sa asawa kong si Avery, salamat. Noong nagsisimula pa lang ang PrimeArc, magkatabi nating binabasa ang mga kontrata at pinag-uusapan ang bawat desisyong natatakot akong gawin. Hindi lang ako ang nagtayo ng kompanyang ito. May bahagi ka sa bawat tagumpay nito. Kasama ng mga anak natin, ikaw ang gusto kong unang pasalamatan ngayong gabi.”Natigilan siya sa huling linya. Naaalala niya ang mga gabing magkatabi silang nagtatrabaho sa hapag-kainan, bago pa sila magkaroon ng sariling opisina. Totoo ang bawat salitang isinulat niya tungkol sa tulong ni Avery. Hindi niya maaabot ang tagumpay kung wala ito sa kanyang tabi.Kinabukasan, paglabas niya sa kuwarto, nakalatag sa sofa ang mga damit at sapatos ng mg

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 207 Who Will He Choose?

    Nakatitig si Nick sa family picture na hawak ni Avery.Gusto niyang sabihing oo. Ngunit nangako siya kay Nessa na kakausapin si Avery pagkatapos ng awarding. Iba ang usapang inaasahan nang dalawang babae.“Bakit pagkatapos pa?” tanong niya.Tumaas ang tingin ni Avery mula sa litrato. “Mahalaga sa ’yo ang award na ’to. Kaya dapat unahin natin.”“Matagal ko ng pangarap na ma-nominate at masungkit ang award na ito. Kaya salamat sa suporta mo.”“Oo naman, suportado kita. May mga tanong ako na hindi ko kayang isingit lang habang naghahapunan tayo o kapag papasok ka na sa opisina. Pagkatapos ng awarding, gusto kong mag-usap tayo nang maayos. Lahat ng itatanong ko, sana sagutin mo. Kahit masakit marinig.”Hindi nagtaas ng boses si Avery. Mas nahirapan si Nick na tumingin sa asawa dahil doon.“Gusto ko ring ayusin ang pagsasama natin,” sabi niya.Lumapit siya at hinawakan ang litrato. They have a beautiful family.Kaya niyang makita ang sarili sa ganitong buhay sa mga susunod na taon. May mga

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 206 Between Two Futures

    Lumuwag ang yakap ni Avery. Hindi pa ito umaalis sa bisig ni Nick, ngunit naramdaman niyang naghihintay ito ng sagot.“Nagkikita kami sa PrimeArc,” sabi niya. “Kailangan pa rin naming magtrabaho sa iisang project.”“I mean, outside work.”“Hindi na. Noong nagpunta ako sa condo niya, kasama kita. Huwag ka nang mag-overthink.”Umatras si Avery upang makita ang mukha niya. Nasa pasilyo pa rin sila, ilang hakbang lamang mula sa kuwarto ni Nathalia.“Trabaho lang ba talaga ang dahilan ng pagkikita ninyo? Kasi kung hindi kita sinundo, kayong dalawa lang ang magdi-dinner.”Niyakao niya ng mahigpit ang asawa.“Kung hindi ka dumating, hindi ako papasok sa condo niya. Talagang ang plano ko ay kuhanin lamang ang documents. Tapos, aalis na ako agad.”“Nawalan na naman ako ng peace of mind pagkatapos ng gabing iyon sa condo niya,” sabi ni Avery. “Sinusubukan kong huwag isipin, pero bumabalik pa rin. May pa-dinner with candlelight pang nalalaman ang babaeng ‘yon.”“Hindi ko siya mapipigil sa gusto

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 205 The Family He Could Lose

    Pagkasara ng pinto ng meeting room, nanatiling nakaupo si Nick. Nasa mesa pa ang folder na dinala ni Nessa. Sa kabila ng salaming dingding, tuloy ang paglalakad ng mga empleyado, ngunit ang naririnig pa rin niya ay ang sarili niyang tinig.“Ikaw ang pipiliin ko, Nessa.”Umilaw ang laptop niya. May email mula sa award committee. Tapos na ang evaluation ng lahat ng nominees. Kumpleto ang mga dokumentong ipinasa ng PrimeArc, at wala nang karagdagang requirement bago ang awarding sa loob ng dalawang linggo.Ilang buwan niyang hinintay ang kumpirmasyong iyon. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Avery.“Nick?” sagot nito. “Bakit napatawag ka?”“Ibabalita ko lang na masaya ako. Tapos na ang evaluation. Nag-comply na tayo sa lahat.”“Talaga?” Umangat ang boses ni Avery. “Ang tagal mong hinintay iyan. Congratulations.”“Wala pang dapat i-congratulate. Hindi pa lumalabas ang resulta.”“Alam ko. Pero ang maging isang nominado ay malaking karangalan na.”Napatingin si Nick sa folder. Tapos n

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 204 Torn Between Two Lovers

    Ayaw nang isipin ni Avery ang hapunan sa condo ni Nessa. Hindi niya kayang kontrolin si Nick o hulaan ang susunod nitong gagawin. Pinunasan niya ang luha sa pisngi.“Kung bukas, masaktan ka na naman, hindi ibig sabihin no’n na wala kang naging progreso,” sabi ni Kiara.Hinaplos nito ang likod ng kamay ni Avery.“May mga araw na magaan,” pagpapatuloy ni Kiara. “May mga araw ding isang salita o isang lugar lang, babalik ang sakit. Hindi linear ang healing. Minsan uusad ka, minsan parang back to zero ka.”“Akala ko nga kaya ko nang makita si Nessa,” sabi ni Avery. “Pero kagabi, habang nakaupo kaming tatlo sa mesa niya, hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.”“Noong binigyan ko ulit ng pagkakataon ang asawa ko, binibilang ko ang mga araw na hindi ako umiyak. Akala ko kapag dumami na, ibig sabihin magaling na ako.” Umiling si Kiara. “Nasasaktan pa rin ako minsan. Hindi ko na iniisip na nabigo ako tuwing nangyayari iyon.”Napatingin si Avery sa kape niyang halos hindi nabawasan. May

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 203 Dinner for Three

    Bago pa mapag-isipan ni Nick ang sagot, pumasok ang secretary niya na may mga papeles na kailangang pirmahan.“Okay,” aniya kay Nessa.Nailapag niya ang cellphone, at maghapon na siyang hindi nakabalik sa usapan nila.Nang magligpit siya ng gamit, may panibagong mensahe si Nessa.“Dinner’s ready. Hinihintay kita.”Hawak na ni Nick ang susi ng sasakyan nang bumukas ang pinto ng opisina.“Avery?” Napahinto siya. “Bakit ka nandito?”“Nagkita kami ni Troy sa malapit. Naisip kong daanan ka para sabay na tayong umuwi.”“May pupuntahan pa ako bago umuwi.”“Saan?”“Kukunin ko ang documents kay Nessa.”Nawala ang ngiti ni Avery. Napatingin ito sa susi sa kamay niya.“Sumama ka,” sabi ni Nick kahit halos lumabas sa ilong niya ang salita. “Kukunin ko lang naman ang files.”Sandali siyang tinitigan ng asawa. “Sige.”Si Nick ang nagmaneho papunta sa condo. Hindi niya masabi kay Nessa na kasama niya si Avery.“Bakit kailangang sa condo kunin?” tanong nito habang naghihintay sila sa ilaw trapiko.“M

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status