Share

Kabanata 129 Take My Hand

last update publish date: 2026-09-10 16:00:42

Bumalik si Nick sa mesa na parang walang nangyari.

Bago umupo, mabilis nitong inilagay ang cellphone sa loob ng coat. Hindi na nito ipinaliwanag kung sino ang tumawag o kung bakit kailangang iwan si Avery sa gitna ng dinner.

“Where were we?” tanong nito kay Cassian.

“Payment terms,” sagot ni Cassian.

Dumating ang kanilang pagkain. Inilapag ng waiter ang salmon sa harap ni Avery, ngunit hindi nito ginalaw ang plato. Sa halip, kinuha nito ang baso ng tubig at nakinig sa pag-uusap ng dalawang lala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Abangan ang bagong episode mamaya. Thank you very much po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 207 Who Will He Choose?

    Nakatitig si Nick sa family picture na hawak ni Avery.Gusto niyang sabihing oo. Ngunit nangako siya kay Nessa na kakausapin si Avery pagkatapos ng awarding. Iba ang usapang inaasahan nang dalawang babae.“Bakit pagkatapos pa?” tanong niya.Tumaas ang tingin ni Avery mula sa litrato. “Mahalaga sa ’yo ang award na ’to. Kaya dapat unahin natin.”“Matagal ko ng pangarap na ma-nominate at masungkit ang award na ito. Kaya salamat sa suporta mo.”“Oo naman, suportado kita. May mga tanong ako na hindi ko kayang isingit lang habang naghahapunan tayo o kapag papasok ka na sa opisina. Pagkatapos ng awarding, gusto kong mag-usap tayo nang maayos. Lahat ng itatanong ko, sana sagutin mo. Kahit masakit marinig.”Hindi nagtaas ng boses si Avery. Mas nahirapan si Nick na tumingin sa asawa dahil doon.“Gusto ko ring ayusin ang pagsasama natin,” sabi niya.Lumapit siya at hinawakan ang litrato. They have a beautiful family.Kaya niyang makita ang sarili sa ganitong buhay sa mga susunod na taon. May mga

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 206 Between Two Futures

    Lumuwag ang yakap ni Avery. Hindi pa ito umaalis sa bisig ni Nick, ngunit naramdaman niyang naghihintay ito ng sagot.“Nagkikita kami sa PrimeArc,” sabi niya. “Kailangan pa rin naming magtrabaho sa iisang project.”“I mean, outside work.”“Hindi na. Noong nagpunta ako sa condo niya, kasama kita. Huwag ka nang mag-overthink.”Umatras si Avery upang makita ang mukha niya. Nasa pasilyo pa rin sila, ilang hakbang lamang mula sa kuwarto ni Nathalia.“Trabaho lang ba talaga ang dahilan ng pagkikita ninyo? Kasi kung hindi kita sinundo, kayong dalawa lang ang magdi-dinner.”Niyakao niya ng mahigpit ang asawa.“Kung hindi ka dumating, hindi ako papasok sa condo niya. Talagang ang plano ko ay kuhanin lamang ang documents. Tapos, aalis na ako agad.”“Nawalan na naman ako ng peace of mind pagkatapos ng gabing iyon sa condo niya,” sabi ni Avery. “Sinusubukan kong huwag isipin, pero bumabalik pa rin. May pa-dinner with candlelight pang nalalaman ang babaeng ‘yon.”“Hindi ko siya mapipigil sa gusto

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 205 The Family He Could Lose

    Pagkasara ng pinto ng meeting room, nanatiling nakaupo si Nick. Nasa mesa pa ang folder na dinala ni Nessa. Sa kabila ng salaming dingding, tuloy ang paglalakad ng mga empleyado, ngunit ang naririnig pa rin niya ay ang sarili niyang tinig.“Ikaw ang pipiliin ko, Nessa.”Umilaw ang laptop niya. May email mula sa award committee. Tapos na ang evaluation ng lahat ng nominees. Kumpleto ang mga dokumentong ipinasa ng PrimeArc, at wala nang karagdagang requirement bago ang awarding sa loob ng dalawang linggo.Ilang buwan niyang hinintay ang kumpirmasyong iyon. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Avery.“Nick?” sagot nito. “Bakit napatawag ka?”“Ibabalita ko lang na masaya ako. Tapos na ang evaluation. Nag-comply na tayo sa lahat.”“Talaga?” Umangat ang boses ni Avery. “Ang tagal mong hinintay iyan. Congratulations.”“Wala pang dapat i-congratulate. Hindi pa lumalabas ang resulta.”“Alam ko. Pero ang maging isang nominado ay malaking karangalan na.”Napatingin si Nick sa folder. Tapos n

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 204 Torn Between Two Lovers

    Ayaw nang isipin ni Avery ang hapunan sa condo ni Nessa. Hindi niya kayang kontrolin si Nick o hulaan ang susunod nitong gagawin. Pinunasan niya ang luha sa pisngi.“Kung bukas, masaktan ka na naman, hindi ibig sabihin no’n na wala kang naging progreso,” sabi ni Kiara.Hinaplos nito ang likod ng kamay ni Avery.“May mga araw na magaan,” pagpapatuloy ni Kiara. “May mga araw ding isang salita o isang lugar lang, babalik ang sakit. Hindi linear ang healing. Minsan uusad ka, minsan parang back to zero ka.”“Akala ko nga kaya ko nang makita si Nessa,” sabi ni Avery. “Pero kagabi, habang nakaupo kaming tatlo sa mesa niya, hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.”“Noong binigyan ko ulit ng pagkakataon ang asawa ko, binibilang ko ang mga araw na hindi ako umiyak. Akala ko kapag dumami na, ibig sabihin magaling na ako.” Umiling si Kiara. “Nasasaktan pa rin ako minsan. Hindi ko na iniisip na nabigo ako tuwing nangyayari iyon.”Napatingin si Avery sa kape niyang halos hindi nabawasan. May

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 203 Dinner for Three

    Bago pa mapag-isipan ni Nick ang sagot, pumasok ang secretary niya na may mga papeles na kailangang pirmahan.“Okay,” aniya kay Nessa.Nailapag niya ang cellphone, at maghapon na siyang hindi nakabalik sa usapan nila.Nang magligpit siya ng gamit, may panibagong mensahe si Nessa.“Dinner’s ready. Hinihintay kita.”Hawak na ni Nick ang susi ng sasakyan nang bumukas ang pinto ng opisina.“Avery?” Napahinto siya. “Bakit ka nandito?”“Nagkita kami ni Troy sa malapit. Naisip kong daanan ka para sabay na tayong umuwi.”“May pupuntahan pa ako bago umuwi.”“Saan?”“Kukunin ko ang documents kay Nessa.”Nawala ang ngiti ni Avery. Napatingin ito sa susi sa kamay niya.“Sumama ka,” sabi ni Nick kahit halos lumabas sa ilong niya ang salita. “Kukunin ko lang naman ang files.”Sandali siyang tinitigan ng asawa. “Sige.”Si Nick ang nagmaneho papunta sa condo. Hindi niya masabi kay Nessa na kasama niya si Avery.“Bakit kailangang sa condo kunin?” tanong nito habang naghihintay sila sa ilaw trapiko.“M

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 202 One Month to Wait

    Napatingin si Nessa sa ama. “Sinasabi mong katulad mo si Nick?”“Ano sa tingin mo? Asawa nga niya niloloko niya, ikaw pa kaya?”“Dad, mahal ako ni Nick.”“Ano ang ginawa niya para patunayang tutuparin niya ang pangako sa’yo? Makikita mo ang sagot sa mga ginagawa niya.”Nasa mesa pa rin ang proposal na dinala niya. Walang pirma ni Nick doon. Sa press conference, nakita niyang hindi nito binitawan ang kamay ni Avery. Wala siyang maibigay sa ama kundi ang mga salitang sinabi sa kanya ni Nick noon.“Hindi siya basta nangangako,” sabi niya.“Pero hindi pa rin niya iniiwan ang asawa niya.”Bago makasagot si Nessa, tumayo si Don Esteban mula sa likod ng mesa. “Are you falling in love with him?”“Hindi.” Mabilis ang sagot niya.“Siguraduhin mo lang. Pokus ka sa goal. Masisira ang mga plano natin.”Hindi na siya nakipagtalo. Nahulog na siya nang tuluyan kay Nick. Sa simula, paraan lamang ang paglapit dito upang mapalapit sa PrimeArc at matulungan ang negosyo ng ama. Ngayon, gusto niyang maging

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status