Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 176 Heartbroken Again

Share

Kabanata 176 Heartbroken Again

last update publish date: 2026-09-22 16:58:24

Muling binuksan ni Avery ang usapan nila ni Nick sa cellphone.

Naroon pa rin ang message nitong ipinadala noong gabing umalis ito habang natutulog siya sa sala.

“May emergency sa isang building na ipinapatayo ng PrimeArc. Matulog ka na. Uuwi rin ako.”

11:24 p.m.

Pagkatapos ay binalikan niya ang screenshot ng story ni Nessa.

11:37 p.m.

Labintatlong minuto lamang ang pagitan.

Kung nagsasabi ng totoo si Nick, may emergency na itong inaasikaso nang ipadala ang message. Sinabi rin nitong pumunta sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May update na po. Thank you so much po
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May new episode na po. Maraming salamat po
goodnovel comment avatar
Victoria Suganob
UPDATE PLS..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 181 Dancing with a Liar

    Nanigas ang katawan ni Nick.Hindi lumapit ang babae. Hawak nito ang isang baso ng wine habang nakikipag-usap sa dalawang lalaking kabilang sa award committee, ngunit hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.“May problema ba?” tanong ni Avery.Sinundan nito ang direksiyong tinitingnan niya.Nakita nito si Nessa.Humiwalay si Avery sa pagkakayakap. “Bakit narito siya?”“Kinakatawan niya ang pamilya Benitez.” Pinanatiling kalmado ni Nick ang boses. “Isa ang pamilya nila sa major donors ng charity event.”“Akala ko inalis mo na siya bilang liaison.”“Inalis ko siya sa campaign team ko. Hindi ko kontrolado ang mga event na dinadaluhan niya bilang kinatawan ng pamilya nila.”Muling tumingin si Avery kay Nessa. Nakataas ang baba ng babae habang sumisimsim ng wine. Walang mababasa sa mukha nito maliban sa propesyonal na ngiti.Bago pa makapagtanong si Avery, nilapitan sila ng photographer ng award committee.“Mr. and Mrs. Araneta, puwede po bang makahingi ng official couple photo?”Tumango si

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 180 Lies After Lies

    “Dahil mahal ko pa rin ang asawa ko,” sagot ni Avery. “At mayroon kaming dalawang anak. Ayokong lumaki silang hiwalay ang mga magulang kung may paraan pa para ayusin ang pamilya namin.”“Naniniwala ka bang kaya mo siyang patawarin?” tanong ng counselor.“Hindi ko alam.” Napalunok si Avery. “Hindi ko rin alam kung kaya ko pa siyang pagkatiwalaan. Pero gusto kong subukan.”Hinawakan ni Nick ang kamay nito.Sa pagkakataong iyon, hinayaan siya ni Avery.Tumango ang counselor bago humarap sa kanya.“Nick, kung gusto mong maibalik ang tiwala ng asawa mo, kailangan mong sabihin ang buong katotohanan.” Sandali itong tumigil bago nagpatuloy. “Mayroon ka pa bang itinatago kay Avery?”Nagtagpo ang mga mata nilang mag-asawa.Nabakas ni Nick ang munting pag-asa sa likod ng namumugtong mga mata ni Avery. Isang maling sagot lamang at maaari nitong bawiin ang pagkakataong ibinigay sa kanya.“Wala na,” sagot niya. “Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa anim na buwan naming relasyon ni Nessa.”Hindi siy

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 179 A Second Chance

    Hindi nakatulog si Avery.Magdamag siyang nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ang pag-amin ni Nick.“Nagkaroon kami ng relasyon.”Anim na buwan. Tang-ina. Tinarantado siya ng taong pinakamamahal niya.Pagsikat ng araw, bumangon siya at tumayo sa harap ng salamin.Namamaga ang kanyang mga mata. Maputla ang mukha at gusot ang buhok. Sa loob lamang ng isang gabi, parang nawala ang munting kumpiyansang muli niyang nabuo nitong mga nakaraang araw.Hindi niya alam kung paano magsisimula ulit kung tuluyan niyang iiwan si Nick.Saan sila pupunta ng mga anak niya? Paano niya ipaliliwanag na hindi na sila matutulog sa iisang bahay bilang isang pamilya? Paano niya bubuuing muli ang sarili matapos umikot ang buhay niya kay Nick sa loob ng sampung taon?Hindi pa siya handang sumuko.Hindi dahil maliit na bagay ang ginawa nito. Hindi dahil napatawad na niya ang pagtataksil. Kundi baka kaya pang maisalba ang pagsasama nila.Pagbaba niya sa dining area, naroon na sina Nikolai

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 178 Two More Months of Lies

    Kapag hindi sinagot ni Nick ang tawag, lalo lamang niyang patutunayang may itinatago pa siya. Maaaring kunin ni Avery ang mga bata at umalis bago sumikat ang araw. Maaari rin nitong ilabas ang screenshots at sirain ang malinis na imaheng kailangan niya sa award evaluation.Hindi niya hahayaang mangyari iyon.Sinagot niya ang tawag at pinindot ang speaker. Inilapag niya ang cellphone sa kama, sa pagitan nila.“Hello?”“Babe, bakit hindi ka sumasagot?”Parang may malamig na kamay na dumagan sa dibdib ni Nick.Napapikit si Avery. Kumibot ang mga labi nito, at isang panibagong luha ang gumulong sa pisngi. Matagal na niyang tinatawag na Love si Avery. Hindi niya naisip kung gaano kasakit para rito na marinig ang endearment na ginagamit niya para kay Nessa.Bago pa muling magsalita ang babae, pinutol niya ito.“Kasama ko si Avery. Alam na niya ang lahat.”Natahimik ang kabilang linya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Nessa.“Alam na niya ang tungkol sa atin.”Napunta ang tingin ni Nick

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 177 A Confession Built on Lies

    Hindi na kinaya ni Avery ang kinikimkim na sama ng loob.Binuksan niya ang bedside lamp at hinila ang kumot ni Nick.“Bumangon ka, Nick. Kailangan nating mag-usap.”Napadilat ito. “Ano’ng nangyari?”“Bumangon ka.”May kung ano sa boses niya kaya hindi na ito nagtanong. Umupo si Nick at sumandal sa headboard habang kinukusot ang mga mata.Nakahanda na sa cellphone ni Avery ang screenshot ng story ni Nessa. Inilapit niya iyon sa asawa.“Sinabi mong dumating si Nessa sa Verde Residences nang eleven-thirty.”Kumunot ang noo nito. “Oo.”“Paano siya nakarating doon nang eleven-thirty kung nasa condo pa siya nang 11:37?”Tuluyan itong natauhan. Inabot nito ang cellphone, ngunit inilayo iyon ni Avery.“Ito ang story niya,” patuloy niya. “May time sticker. Kita rin sa salamin ang digital clock. Parehong 11:37 p.m.”“Maaaring lumang picture iyan.”“Magkapareho ang oras sa sticker at orasan.”“Puwede niyang baguhin ang oras sa sticker.”Binuksan ni Avery ang screenshot ng ruta mula sa condominiu

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 176 Heartbroken Again

    Muling binuksan ni Avery ang usapan nila ni Nick sa cellphone.Naroon pa rin ang message nitong ipinadala noong gabing umalis ito habang natutulog siya sa sala.“May emergency sa isang building na ipinapatayo ng PrimeArc. Matulog ka na. Uuwi rin ako.”11:24 p.m.Pagkatapos ay binalikan niya ang screenshot ng story ni Nessa.11:37 p.m.Labintatlong minuto lamang ang pagitan.Kung nagsasabi ng totoo si Nick, may emergency na itong inaasikaso nang ipadala ang message. Sinabi rin nitong pumunta sa construction site si Nessa matapos malaman ang problema.Ngunit malinaw sa litrato na nasa condo pa ang babae nang 11:37. Magkapareho ang oras sa sticker at digital clock na makikita sa salamin.Hindi maaaring nasa condo at construction site si Nessa sa magkalapit na oras.Tumunog ang cellphone ni Avery.May bagong message mula sa babae.“Nakita mo na ba ang story ko?”Nanlamig ang kanyang mga daliri.Hindi aksidente ang friend request. Hindi rin nagkataong friends only ang story. Sinadya ni Nes

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status