Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 207 Who Will He Choose?

Share

Kabanata 207 Who Will He Choose?

last update publish date: 2026-09-29 11:22:50

Nakatitig si Nick sa family picture na hawak ni Avery.

Gusto niyang sabihing oo. Ngunit nangako siya kay Nessa na kakausapin si Avery pagkatapos ng awarding. Iba ang usapang inaasahan nang dalawang babae.

“Bakit pagkatapos pa?” tanong niya.

Tumaas ang tingin ni Avery mula sa litrato. “Mahalaga sa ’yo ang award na ’to. Kaya dapat unahin natin.”

“Matagal ko ng pangarap na ma-nominate at masungkit ang award na ito. Kaya salamat sa suporta mo.”

“Oo naman, suportado kita. May mga tanong ako na hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Susan Dalmones Batalao
Sana hindi sila aabot ng annulment huhu
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Totoo din po yan. May mga inang nagsasakripisyo talaga ng kanilang career. Thanks po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Mangyayari po yan,hehehe! Thank you so much
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 300 Our Happily Ever After

    “Mommy! Daddy! Group hug!”Hindi pa humuhupa ang palakpakan nang patakbong lumapit sina Nikolai at Nathalia.Napatawa si Avery habang lumuluhod si Nick upang salubungin ang mga anak. Lumapit din siya at niyakap ang mga ito.Hinalikan ni Nick ang magkabilang pisngi ni Nathalia bago hinalikan sa noo si Nikolai.“Mommy, kiss din!” sabi ng batang lalaki.Sunod-sunod na hinalikan ni Avery ang dalawang anak.“Okay, everybody, look here!” tawag ng photographer.Magkakayakap silang apat nang kunan nito ng litrato.Napangiti si Avery. Sa gitna ng mga bulaklak at masayang palakpakan, wala siyang ibang hiniling kundi ang marami pang araw na makasama ang kanyang pamilya.Sa garden reception, isa-isang lumapit ang mga mahal nila sa buhay.Yumakap sa kanya si Mommy Mildred habang tinatapik naman ni Daddy Francis ang balikat ni Nick.Nagkaroon sila ng family picture kasama si Don Aurelio at ang mga magulang ng asawa.Sumunod sina Kiara at Cassian, Audrey at Dominic, Tala at Vincent, at Troy.Habang

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 299 Choosing You, Again and Always

    Sa pangalawang pagkakataon, isusuot ni Avery ang puting damit para sa lalaking minsan niyang pinangakuang mamahalin habang buhay.Maaga siyang nagising at napatingin sa damit na nakasabit malapit sa aparador.Naalala niya ang kanilang unang kasal ni Nick. Napakarami niyang pangarap noon. Akala niya, sapat na ang pagmamahal upang maging masaya ang kanilang pagsasama.Ngayon, mas marami na siyang alam tungkol sa buhay at pag-aasawa.Hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan, ngunit sa araw na ito, gusto niyang ipagdiwang ang pagkakataong magsimula silang muli.Tumunog ang cellphone niya.Mula kay Nick ang mensahe.“Good morning, my beautiful bride. See you later.”Napangiti siya bago sumagot.“Don't be late, Mr. Araneta.”“I'll be waiting for you, Mrs. Araneta.”Napatawa siya bago ibinaba ang cellphone.Makalipas ang ilang oras, nakabihis na si Avery nang may kumatok sa kuwarto.“Mommy!”Pumasok sina Nikolai at Nathalia kasama si Yaya Mila.Nakasuot ng suit si Nikolai habang nakasuot

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 298 Start All Over Again

    “Ana? Si Ana talaga ang asawa mo?”Nakatitig pa rin si Avery sa marriage certificate na inilapag ni Kurt sa mesa.“Oo,” sagot nito.“Pero araw-araw ko siyang nakikita rito. Bakit walang nakakaalam?”“Napagkasunduan naming ilihim ang kasal namin.”“Bakit?”“May mga dahilan kami.”Napailing si Avery. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang itago ni Kurt ang isang bagay na hindi naman dapat ikahiya.Naalala niya ang mga panahong nagtangka itong manligaw sa kanya.“Kurt, noong nililigawan mo ako, nandito si Ana araw-araw.”“Alam ko.”“Alam mo?” Hindi niya napigilang mapataas ang boses. “Asawa mo pala ang babaeng ilang hakbang lang ang layo sa opisina mo, tapos nagawa mo pang manligaw sa akin?”“Avery, hindi mo alam ang sitwasyon namin.”“Exactly. At hindi ko na rin gustong malaman ang mga personal na detalye ng marriage ninyo. Pero bilang kaibigan mo, sasabihin ko ito sa iyo.”Tahimik na tumingin si Kurt.“Nahihiya ako kay Ana. Hay naku, Kurt, ayusin mo ang buhay mo.”Napabuntong-hi

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 297 A Second Chance at Forever

    “Avery Araneta, will you marry me again?”Napatitig si Avery sa nakaluhod na asawa. Sa likuran nito, patuloy na nagliliwanag ang kalangitan dahil sa fireworks.Hindi niya inakalang muli niyang maririnig ang tanong na iyon mula kay Nick, lalo na matapos ang lahat ng pinagdaanan nila.“Mommy?” tawag ni Nikolai. “Bakit ka po umiiyak?”Hinaplos niya ang pisngi at saka lamang napansing may luha na pala siya.“Happy tears lang, anak.”Muling tumingin si Avery sa asawa.“Yes, Nick. I will marry you again.”Lumiwanag ang mukha nito.“Thank you, love.”Tumayo si Nick, kinuha ang singsing mula sa kahon, at isinuot iyon sa daliri ni Avery.“Daddy, may wedding po ulit?” tanong ni Nikolai.“Oo, anak. Kung gusto ni Mommy.”“Gusto ko po!” sigaw ni Nathalia. “Princess dress!”Natawa si Avery.“Sige, baby. Maganda ang dress mo.”“Daddy, ako rin!” sabi ni Nikolai.“Anong gusto mong isuot?”“Suit! Katulad ng sa iyo!”“Deal.”Lumapit si Nick at hinalikan siya sa labi.Nagpalakpakan ang magkapatid.Napail

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 296 Unexpected Proposal

    Natigilan si Nick. Ilang segundo itong nakatingin sa kanya na tila hindi alam ang sasabihin.“Are you serious?”Ngumiti si Avery. “Oo, Nick. Pero may isang kondisyon ako.”“Ano iyon?”“Magpa-marriage counseling tayo.”“Of course. Kung iyan ang makatutulong sa atin, gagawin natin.”“Hindi lang para matutuhan kong magtiwala ulit. Kailangan din nating ayusin kung paano tayo makipag-usap kapag may problema. Ayokong bumalik tayo sa dati nating mga pagkakamali.”Tumango ang asawa.“At gusto kong ipagpatuloy ang trabaho ko. Hindi ko na isasantabi ang sarili kong mga pangarap para lang maging mabuting asawa.”“Hindi mo kailangang gawin iyon, Avery. Kaya naman nating magtulungan sa pag-aalaga sa mga bata.”Matagal niyang tinitigan si Nick. Hindi niya inaasahang mawawala ang lahat ng pagdududa sa isang gabi. Ngunit hindi na rin niya gustong hayaang kontrolin ng nakaraan ang bawat desisyon niya.“Then let's give our marriage another chance.”Hinawakan ni Nick ang dalawa niyang kamay.“Thank you

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 295 One More Chance to Love You

    “Nick, hindi ko na itutuloy ang pag-alis namin ng mga bata papuntang America.”Natigilan ang asawa.“Are you serious?”“Oo. Pinag-isipan ko itong mabuti.”Unti-unting lumapad ang ngiti ni Nick.“Sigurado ka? Maraming salamat.”“Nick, gusto kong maintindihan mo na hindi ko ginagawa ito dahil gusto mong manatili kami.”Tumango ito at hinayaang magpatuloy siya.“Ginagawa ko ito dahil nandito ang buhay na gusto kong ipagpatuloy. Ang trabaho ko, si Daddy, ang mga kaibigan ko, at ang mga anak natin. Ayokong umalis dahil lang nasaktan ako.”“Naiintindihan ko, Avery.”“Gusto ko ring bigyan ng pagkakataong maging maayos ang pamilya natin. Pero hindi ibig sabihin niyon na handa na akong bumalik sa dati nating pagsasama.”“Alam ko. Hindi ko naman inaasahang maaayos ang lahat dahil hindi na kayo aalis.”Ilang sandaling pinagmasdan siya ni Nick.“Puwede ba kitang yakapin?”Ngumiti si Avery bago lumapit.“Puwede.”Binalot siya ng mga bisig nito. Ipininid niya ang mga mata at isinandal ang pisngi sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status