LOGINAvery and Nick's love story is almost over, but our journey in Too Late to Win Back His Betrayed Wife continues! Up next: Book 3 - Ana and Kurt! I hope you're excited to meet our next couple! Thank you so much for your unwavering support.
Matagal na tinitigan ni Avery si Nick. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng mesa.“Nick, gusto kong subukan. Pero magulo pa ang utak ko. Hindi pa ako sigurado.”Tumango ang asawa.“Hindi kita mamadaliin, Avery. Hayaan mo lamang akong mahalin ka at ang mga anak natin.”“Baka mahirapan ka sa akin. Baka sumuko ka agad.”Ngumiti ito. “Nakahanda akong mahirapan para sa iyo.”“Nick!”“Joke lang, sweetheart.”Napatawa siya at kinurot ang kamay nito.Pagkatapos magbayad ni Nick, lumabas sila ng restaurant. Inalalayan siya nitong sumakay sa sasakyan bago umikot sa driver's side at pinaandar ito.Habang pauwi, napag-usapan nila ang susunod na family dinner kasama ang mga anak. Nangako si Nick na darating sa napagkasunduan nilang oras.Pagdating sa mansyon, inihatid siya nito hanggang sa pintuan.“Thank you for tonight, Nick.”“May second date ba?”“Depende.”“Pa-kiss muna. Tsaka ka magdesisyon.”Napailing siya. “Ang daya mo naman.”“Manliligaw lang na nagbabakasakali.”Hinawaka
Natigilan si Avery sa tanong ni Nick. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay habang nakatayo sa garden ng mansyon.“Nick, kasal pa rin tayo. Hindi ba weird na liligawan mo ulit ang sarili mong asawa?”Ngumiti ito. “Hindi. Gusto kitang suyuin araw-araw sa buong buhay ko.”“Baka magsawa ka.”“Hindi ako magsasawa. Pero kung magsawa ka sa akin, sasabihin mo lang. Pero sorry, hindi ako titigil sa panunuyo sa’yo.”Napatawa siya. “Ang korni mo, Nick.”“Mas gusto kong nakikita kang tumatawa kaysa umiiyak dahil sa akin.”Nawala ang ngiti ni Avery.“Nick, kapag pumayag akong ligawan mo ako, hindi ibig sabihin na siguradong magkakabalikan tayo.”“I know.”“Paano kung hindi ko na kayang ibalik ang dati nating relasyon?”“Hindi naman ang dati nating relasyon ang gusto kong ibalik, Avery. Gusto kong bumuo tayo ng mas maayos na pagsasama kaysa dati, kung papayag ka. Magsimula tayo uli.”Pinagmasdan niya ang asawa. Sa pagkakataong iyon, wala itong hinihinging pangako kundi pahintulot na subukan.“S
Hindi pinagsisihan ni Avery ang pagsisiping nilang mag-asawa. Ngunit habang nakatingin kay Nick na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, nakaramdam siya ng kaba.Paano kung umasa itong maaari na silang magsimulang muli?Naalala niya ang mga halik at yakap nila kagabi. Matagal na niyang hindi nararanasan ang ganoong kapanatagan sa piling ng asawa. Gayunman, hindi pa nawawala ang takot niyang muling masaktan.Gumalaw si Nick at iminulat ang mga mata.“Good morning, beautiful.”Napangiti siya. “Good morning.”Hinalikan nito ang kanyang noo.“Are you okay?”“Oo. Pero may gusto sana akong sabihin sa iyo.”Umupo siya sa kama at humarap dito.“Nick, gusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa atin kagabi.”Ngumiti ito.“Pero hindi ibig sabihin na handa na akong makipagbalikan.”“Avery, hindi ko naman inisip na dahil may nangyari sa atin, okay na ang lahat.”“I just don't want to give you false hope.”Hinawakan nito ang kanyang kamay.“Hindi mo ako binigyan ng false hop
Natigilan si Avery. Nakatitig sa kanya si Nick habang nakapalibot pa rin ang mga bisig nito sa kanyang baywang.Paano niya sasagutin ang tanong na matagal na niyang iniiwasan?Alam niyang kapag umamin siyang mahal pa niya ito, baka isipin nitong handa na siyang makipagbalikan.Kumalas siya sa yakap nito.“Nick, puwede bang huwag muna nating pag-usapan iyan?”“Of course. Hindi mo kailangang sagutin kung hindi ka pa handa.”Hindi siya pinigilan ni Nick nang lumapit siya sa mesa.Napansin niya ang bote ng wine na kasama sa inihandang hotel arrangement. Nagsalin siya ng kaunti sa dalawang baso.“Gusto mo?”“Sure.”Lumapit si Nick upang kunin ang inabot niyang baso. Pagkatapos, naupo sila sa magkatabing upuan malapit sa bintana.“Parang ang tagal na noong huli tayong nagkaroon ng ganito katahimik na gabi,” sabi ni Avery.“Matagal na. At kasalanan ko kung bakit nawala iyon.”Uminom siya ng kaunti. Sa labas ng bintana, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod.“Avery, may gusto ka bang sabihin sa
Hindi makapaniwala si Avery sa narinig mula kay Nessa.Napalingon siya sa asawa. Nanalilisik ang mga mata nito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. Ngunit nanatili itong nakaupo sa tabi niya.Nasa loob pa rin sila ng van ng mga pulis, nakatutok ang kanilang pansin sa monitor.“Ma'am, kailangan ko po bang ibigay sa inyo ang lahat ng dokumento?” tanong ni Engr. Santos.“Of course. Hindi ako magbabayad ng twenty million para lang itago mo ang mga iyan.”Naglabas ang engineer ng isang sobre at inilapag sa mesa. Nakita ni Avery na kinuha iyon ni Nessa at sinuri ang mga papel.“Ito na lahat?”“Opo, Ma'am. Kasama na ang kautusan ng daddy ninyo at ang mga delivery record.”Alam ni Avery na naibigay na ni Santos sa mga imbestigador ang mga orihinal at naipreserba ang mga kopyang hawak nito. Hindi na mapipigilan ni Nessa ang imbestigasyon kahit sirain nito ang mga papel.Sa monitor, nakita ni Avery na pinunit ni Nessa ang mga dokumento.“Bukas na bukas din, lilipad kayo ng pamilya mo pap
“Hindi ko sinasabing siya ang may kasalanan, Nick. Pero siya ang may pinakamaraming dapat ipaliwanag.”Tinitigan ni Avery ang asawa.“Siya ang nagpakita ng authorization na may pirma mo. Siya rin ang pumalit sa iyo bilang CEO.”“Alam ko. Pero kailangan namin ng ebidensiya bago siya akusahan.”“Then find it. Huwag mong hayaang tuluyan niyang makuha ang pinaghirapan mo.”Napabuntong-hininga si Nick.“Paano kung hindi mo na mabawi ang PrimeArc?” tanong niya.“Masakit, Avery. Pinaghirapan natin ang kumpanyang iyon. Pero kung hindi ko man mabawi ang posisyon, hindi ibig sabihin na doon na matatapos ang buhay ko. At hindi ako titigil hanggat hindi nagbabayad ang dapat managot.”“Noon, akala ko sapat nang mabigyan kita ng magandang bahay, pera, at komportableng buhay,” pagpapatuloy ni Nick.“Hindi iyon ang kailangan ko sa iyo, Nick.”“Alam ko na ngayon. Ang kailangan mo, isang asawang puwede mong pagkatiwalaan.”Hindi nakasagot si Avery. Ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat ng loob ni Nick.







