LOGINDiscover my stories on GoodNovel. ONGOING • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO — Books 1–9 • Too Late to Win Back His Betrayed Wife — Books 1–3 • Secret Affair with My Hot Ninong — Books 1–2 • The Billionaire’s Exclusive Maid COMPLETED • Love for Rent — Books 1–7 • Never Fall Again to the Heartless Billionaire — Books 1–3 • The CEO’s Cold Ex-Wife • Unlove Me Not • The Ex-Convict Billionaire Mula sa puso, maraming salamat po!
Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Ana sa pasilyo. Mahigpit niyang hawak ang folder para sa birthday party ni Don Alejandro. Sa likod ng pinto, naroon ang asawang ilang oras pa lamang ang nakararaan ay pinaniwala siyang may pag-asa ang kanilang kasal.May kumalabog na upuan, kasunod ang mga yabag na papalapit.Napaatras siya. Pinunasan niya ang pisngi, niyakap ang folder, at nagtungo sa hagdan bago pa bumukas ang pinto. Hindi niya haharapin si Kurt o si Donya Victoria. Hindi niya alam ang gagawin. Magulo ang kanyang isip.Pagkapasok sa kuwarto, napaupo siya sa sahig sa tabi ng kama. Itinakip niya ang kamay sa bibig upang pigilan ang hikbi.Naroon pa ang sofa na dati niyang hinihigaan habang si Kurt ay natutulog sa kama. Tatlong taon siyang naghintay na tratuhin bilang asawa. Nang sa wakas ay pinatulog siya nito sa tabi niya, akala niya ay natapos na ang paghihintay.Naalala niya ang unang gabi nilang nagsiping. Tinanong siya ni Kurt kung komportable siya. Hinintay nito ang kanyang sag
“Kurt… are you finally starting to fall in love with me?”Nanatiling nakatingin si Ana sa asawa. Nasa tabi niya ito sa kama, ngunit tila napakalayo ng pagitan nila habang hinihintay niya ang sagot.“Why are you asking me that?” tanong ni Kurt.“Dahil mahal kita. At gusto kong malaman kung may nararamdaman ka na rin para sa akin.”Napatingin ang lalaki sa magkahawak nilang kamay. Hindi nito kaagad sinagot ang tanong.“Ana, we've been getting along better. We're finally making this marriage work.”“Pero hindi iyon ang tinatanong ko, Kurt.”Tumingin ito sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. “I wouldn't be doing all of this if I didn't want things to change between us.”Nakaramdam si Ana ng pagkadismaya, ngunit nanaig ang pag-asang ilang araw na niyang iniingatan. Hindi sinabing mahal siya ni Kurt, ngunit pinili niyang umasa.Hindi na niya pinilit ang asawa. Inayos nila ang mga unan at nahiga. Nang lumapit siya, inakbayan siya ni Kurt at hinayaang ipatong niya ang pisngi sa d
“And if you do, Ana… does that mean you're planning to leave me, too?”Natigilan si Ana. Trabaho sa resort ang pinag-uusapan nila. Bakit nadamay ang kanilang pagsasama?“Bakit mo naman naisip iyon?”“Because you're talking about leaving the firm.”“Trabaho lang naman ang pinag-uusapan natin, Kurt.” Pilit siyang ngumiti. “Hindi naman ibig sabihin na kapag lumipat ako ng trabaho, iiwan na rin kita.”Hindi alam ni Kurt ang countdown na itinatago niya sa cellphone. Wala pa naman siyang pinipiling bagong trabaho.“Ayaw mo ba akong lumipat?” tanong niya.“Hindi naman. I'm not stopping you.”“Then why did you ask if I'm leaving you?”Tumingin si Kurt sa folder sa mesa bago muling humarap sa kanya. “We've only just started figuring things out between us. I don't want us making decisions without talking to each other.”Hindi alam ni Ana ang isasagot. Tatlong taon siyang nag-isang nag-isip kung may patutunguhan ang kasal nila. Ngayon, nagsasalita si Kurt na para bang gusto nitong pangalagaan iy
“Then they'll have to say it in front of me, because I'm not leaving you alone at that party.”Matagal na nakatingin si Ana kay Kurt. Kung noon niya narinig ang pangakong iyon, marahil iisipin niyang nagbibiro lamang ang asawa.“Even if it's your mother or Bianca?”“Even them. If anyone has something to say about my wife, they can talk to me.”Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak. Ilang beses siyang napahiya sa harap ng pamilya ni Kurt habang pinili nitong manahimik. Ngayon, ito pa ang nagsasabing ipagtatanggol siya.“Parang hindi ikaw ang kausap ko,” biro niya.“Why?”“Dati, ayaw mong malaman ng iba na asawa mo ako.”Nawala ang ngiti ni Ana. Hindi niya sinadyang gawing seryoso ang usapan, ngunit hindi rin niya kayang bawiin ang sinabi.“I know things were different before,” sagot ni Kurt.Hindi ito nagbigay ng paliwanag. Sa halip, umusog ito palapit at inakbayan siya.“Get some rest. Maaga ang training mo bukas.”Sumandal si Ana sa balikat nito. May mga tanong pa siyang gustong it
“Yes, Grandpa. We're thinking about having a baby.”Napalingon si Ana kay Kurt. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kanina lamang, sapat na sa kanya ang pangakong ipakikilala siya bilang asawa. Ngayon, may isa pang pangarap na binabanggit ang lalaki na para bang matagal na nilang napag-usapan.“Aba, mas maganda kung magkakaroon na ako ng apo sa tuhod!” natutuwang sabi ni Don Alejandro.Napangiti siya kahit nag-iinit ang pisngi. “Lolo, huwag po muna kayong masyadong excited. Wala pa naman po kaming napagdedesisyunan.”Tumawa ang matanda. “Siyempre. Kayo pa rin ang magpapasya. Basta masaya akong nakikita kayong nagkakasundo bago ko tuluyang ipamahala kay Kurt ang lahat ng ari-arian ng mga Altamirano.”Hindi nakapagsalita si Ana. Matagal na niyang alam na balak nitong ipasa sa apo ang pamamahala sa mga negosyo at ari-arian, ngunit hindi niya inasahang mababanggit iyon kasabay ng usapan tungkol sa magiging anak nila.Sumulyap siya kay Kurt. Nakaharap ito sa lolo, nakikinig habang nagpa
“Ipapakilala kitang asawa ko sa party.”Hindi kaagad nakapagsalita si Ana. Nakatayo siya sa tabi ng kama, hawak ang cellphone na ginamit niya sa countdown.“Are you serious, Kurt?”“Yes.”“Hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin ng ibang tao?”“Grandpa deserves to celebrate his birthday without having to hide the truth about us.”Napakurap siya. Tatlong taon niyang hinintay na marinig ang mga salitang iyon. Madalas niyang pangarapin iyon, ngunit pinipigilan ang sariling umasa.“Talaga bang handa ka na?”Tumango ang lalaki. “I wouldn't have told you otherwise.”Hindi na napigilan ni Ana ang sarili. Lumapit siya at niyakap ang asawa.“Thank you, Kurt. You don't know how much this means to me.”Naramdaman niyang inilapat nito ang kamay sa kanyang likod. Hindi siya itinulak palayo.“I promise I'll help you with everything,” sabi niya pagkakalas ng yakap.“We'll plan it together.”Kumuha siya ng notebook at nagsimulang maglista ng mga kailangang ihanda para sa birthday party ni Don Alejandro.







