مشاركة

Kabanata 69 Strangers Again

مؤلف: Maria Bonifacia
last update تاريخ النشر: 2026-08-27 17:47:00

Hindi maalis ni Cassian ang tingin sa mga mata ng batang nasa harap niya.

May kung anong pamilyar sa lalim at talim ng mga iyon. Maging ang seryosong pagkakunot nito ng noo habang inaayos ang nagkalat na drawings ay tila nakita na niya noon.

Ngunit kanino?

Iniabot niya ang huling papel. “Ikaw ang gumawa ng mga ito?”

“Opo.” Ipinakita ng bata ang drawing ng isang kuwintas. “Pero hindi pa po tapos. Lalagyan ko pa ng gems.”

“You like jewelry?”

Tumango ito. “Designer po kasi ang mommy ko. Paglaki ko
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (14)
goodnovel comment avatar
ۦۦ ۦۦ ۦۦ ۦۦ
sana hindi na ako mabibitin mag basa Neto ilang Linggo din ako nag tiis na paramihin ang update bago ako mag basa ulit
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
opo. paluluhain natin ng bato,hahaha! Thanks po!
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 176 Heartbroken Again

    Muling binuksan ni Avery ang usapan nila ni Nick sa cellphone.Naroon pa rin ang message nitong ipinadala noong gabing umalis ito habang natutulog siya sa sala.“May emergency sa isang building na ipinapatayo ng PrimeArc. Matulog ka na. Uuwi rin ako.”11:24 p.m.Pagkatapos ay binalikan niya ang screenshot ng story ni Nessa.11:37 p.m.Labintatlong minuto lamang ang pagitan.Kung nagsasabi ng totoo si Nick, may emergency na itong inaasikaso nang ipadala ang message. Sinabi rin nitong pumunta sa construction site si Nessa matapos malaman ang problema.Ngunit malinaw sa litrato na nasa condo pa ang babae nang 11:37. Magkapareho ang oras sa sticker at digital clock na makikita sa salamin.Hindi maaaring nasa condo at construction site si Nessa sa magkalapit na oras.Tumunog ang cellphone ni Avery.May bagong message mula sa babae.“Nakita mo na ba ang story ko?”Nanlamig ang kanyang mga daliri.Hindi aksidente ang friend request. Hindi rin nagkataong friends only ang story. Sinadya ni Nes

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 175 Behind the Friend Request

    Hindi kaagad pinindot ni Avery ang Confirm.Nakatitig lamang siya sa pangalan ni Nessa sa screen habang naririnig ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng tubig mula sa shower.Bakit siya nito pinadalhan ng friend request?Ilang oras pa lamang ang nakararaan mula nang ipaalam ni Nessa na paborito ni Nick ang kulay ng lipstick nito. Hindi sila nagkaayos sa studio. Hindi rin sila nagkaroon ng anumang usapang maaaring ituring na simula ng pagkakaibigan.Pinindot ni Avery ang profile picture ng babae.Bumungad sa kanya ang public profile nito. Karamihan sa nakikita niya ay tungkol sa PrimeArc, business events, restaurants, at mga biyahe. Naroon pa rin ang mga litrato sa golf at pickleball clubs kung saan palaging magkatabi sina Nick at Nessa.Kaunti lamang ang nakikita niyang posts at albums. Wala rin siyang nakitang active story.Bumalik siya sa friend request.Maaaring tanggihan niya iyon at tuluyang isara ang anumang pintuang gustong buksan ni Nessa.Ngunit hindi basta nagpapadala ng request an

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 174 Accept or Delete

    Nagtungo si Nessa sa harap ng salamin at inayos ang buhok. Matingkad pa rin ang pulang lipstick nito.Lumapit si Avery sa mesa upang kunin ang handbag.“Maganda ang shade ng lipstick mo,” sabi niya.Huminto ang kamay ni Nessa.Nagtagpo ang kanilang tingin sa salamin.“Thank you.”“Bagay sa iyo.”“Matagal ko nang ginagamit ito.”Humarap si Nessa sa kanya. Kumurba ang mga labi nito sa isang ngiti.“Paborito ni Nick ang shade na ito kaya madalas kong gamitin.”Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ni Avery.Bago siya makapagtanong, bumukas ang pinto.Pumasok si Nick, hawak ang cellphone at ilang dokumento.Napatingin ito sa kanilang dalawa. “Ready ka na, Avery?”Hindi sumagot si Avery. Inilapag niya ang handbag sa mesa at humarap sa asawa.“Totoo bang paborito mo ang kulay ng lipstick ni Nessa?”Nagpalipat-lipat ang tingin ni Nick sa kanilang dalawa. Tumigas ang panga nito.“Ano?”“Sinabi niyang paborito mo ang shade na suot niya.”“Avery, wala akong pakialam sa lipstick niya.

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 173 A Perfect Marriage on Air

    Nagtagpo ang mga mata nila ni Nessa.Ngumiti ito.Gumanti siya ng tipid na ngiti.Maya-maya, tinawag na sila ng production assistant.Magkatabi silang naupo ni Nick sa sofa sa gitna ng set. Nakatutok sa kanila ang mga camera, at sa likod ng mga iyon ay nakatayo si Nessa.Nagsimula ang live interview sa pagtalakay sa PrimeArc at sa nomination ni Nick. Pagkatapos ay ipinakita sa malaking screen ang viral photograph nilang naghahalikan.“Marami ang humanga sa love story ninyo,” sabi ng host. “Sampung taon na kayong magkasama bilang magkasintahan at mag-asawa. Para sa publiko, larawan kayo ng isang matatag at tapat na marriage.”Ngumiti si Nick at ipinatong ang palad sa kamay niya.Humarap sa kanila ang host.“Pero walang marriage na perpekto, kaya gusto kong itanong ito sa inyong dalawa.” Tumingin ito sa camera bago muling bumaling sa kanila. “Sa sampung taon ninyo bilang magkasintahan at mag-asawa, may pagkakataon bang nagtaksil ang isa sa inyo?”Nanatiling nakatutok sa kanila ang live

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 172 The Color of Betrayal

    Tumayo si Avery mula sa sofa nang bumukas ang pinto.Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Namumugto ang kanyang mga mata at nananakit ang ulo sa kakahintay, ngunit napalitan ng ginhawa ang takot nang makita niyang maayos na nakauwi si Nick.“Okay ka lang?” tanong niya habang papalapit.“Oo. Naayos na ang problema.”Huminto siya sa harap ng asawa. Tinignan niya ang mukha nito.Bumaba ang tingin niya sa kuwelyo nito.May pulang bahid sa puting tela.Hinaplos niya iyon. Lipstick.Parang biglang nawala ang natitirang hangin sa loob ng sala.Tumingin siya kay Nick.“Saan galing ang mantsa sa kwelyo ng damit mo?”Napunta ang tingin nito sa sariling kwelyo.“Hindi ko alam.”“Lipstick ito, Nick.” Itinaas niya ang daliri. “Paano ito napunta sa kuwelyo mo kung galing ka sa construction site?”“Avery, makinig ka muna.”“Apat na oras kitang tinawagan. Hindi ka sumagot, tapos uuwi kang may lipstick sa damit?”Hinawakan ni Nick ang braso niya, ngunit binawi niya iyon.“Naroon si Nessa,” sabi nito

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 171 The Choice He Made

    “Nasaan ka?”“Pupunta ka ba?”“Nick, sagutin mo ako.”Hindi kinuha ni Nick ang cellphone mula sa bulsa.Makalipas ang kalahating oras, nakatulog si Avery na nakasandal sa kanyang dibdib.Saka lamang niya inilabas ang cellphone.11:18 p.m.“Last chance, Nick. Kapag hindi ka dumating bago mag-midnight, tapos na tayo.”Tiningnan niya ang natutulog na asawa.Maaari niyang patayin ang cellphone, itapon ang access card, at tuparin ang lahat ng sinabi niya kay Avery.Ngunit bumalik sa isip niya ang mukha ni Nessa nang sabihin nitong tapos na sila kapag hindi siya dumating.Inalis niya ang kamay ni Avery sa kanyang dibdib at ipinatong iyon sa sofa.Pagkatapos ay tumayo siya at kinuha ang susi ng sasakyan.Hindi niya nilingon ang asawa nang lumabas siya ng bahay.Tahimik ang paligid. Halos lahat ng ilaw sa mga kalapit na bahay ay patay na. Sumakay siya sa kotse at pinaandar ang makina bago pa magkaroon ng pagkakataong magbago ng isip.Habang nagmamaneho patungo sa business district, paulit-uli

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status