Share

Chapter 13:

last update Huling Na-update: 2025-04-09 12:13:04

Kumunot ang noo ni Alfred kay Aviannah. "W-What? Beast?"

"Yeah. My own Beast. I mean... my own prince charming," tugon ni Aviananh saka niya muling ininom ang margarita niya.

"Wow," manghang sabi ni Alfred sabay inom rin nito sa sarili nitong inumin. "So, you're looking for your true love?"

"Mukhang kahit sino naman, 'di ba? Ganoon ang gusto? Ang matagpuan mismo nila ang taong magpapatibok sa puso nila. Hindi 'yong papayag ka na lang na magpakasal sa taong hindi mo naman kilala."

"Well, you have a point," pagsang-ayon nito sa kanya. "Kaya nga ako, heto at ginagawa ko ang lahat para kilalanin siya," dagdag pa nito.

"What? Don't tell me..." pinaningkitan niya ang lalaki habang tila bigla namang kinabahan ito sa sasabihin niya.

"W-What?" kabadong tanong nito sa kanya kasunod ng paggalaw ng lalamunan nito.

"Don't tell me na ipinagkasundo ka rin ng parents mo na maikasal sa taong hindi mo naman kilala?" deretsyong tanong niya rito.

Sa isang iglap ay naglaho ang bakas ng kaba sa mukha ng la
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Too Wrong to Love   Chapter 63:

    “What are you doing here?!” gulat na tanong ni Aviannah kay Andrei na prenteng nakatayo lamang sa harapan niya.“it’s time for dinner,” tanging saad lamang ng lalaki sa kanya.“What?” kunot ang noong tanong niya rito saka siya napasinghap. “Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito. Bakit ka nandito?”“Bakit? Bawal ba ako rito?” balik na tanong ni Andrei sa kanya na hindi niya malaman kung bakit parang iniinis siya nito.“Kung hindi ka sasagot ng ayos, get lost,” inis na sabi niya rito kasabay ng akmang pagsara niya ng pinto rito. Pero agad iyong pinigilan ng lalaki.“Fine. Nandito ako para bantayan ka,” sagot ni Andrei sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.“What?” kunot-noong tanong niya.“Iyon ang gusto ni tito.”“Really?” tila hindi niya makapaniwalang ulit na tanong sa lalaki.“Yes,” simpleng sagot naman ni Andrei sa kanya saka ito biglang humakbang palapit sa kanya na agad naman niyang ikinaatras. At ang sumunod na lamang na alam niya ay dere-deretsyo na itong nakapasok sa loo

  • Too Wrong to Love   Chapter 62:

    “Nasaan na sila?” alalang tanong ni Alfred kay Jamie pagkababa nito ng sasakyan. Tila mabuting sinusuri ang paligid upang hanapin sina Aviannah at Sandra, na ayon kay Jamie, ay kapwa nakainom.“Pasensya ka na, Alfred, inihatid na kasi sila ni Andrei,” nahihiyang tugon ni Jamie kay Alfred.“What?” kumunot ang noo ni Alfred. Sa totoo lang ay hindi niya alam na kasama pala ng mga ito si Andrei. Tumawag lamang kasi siya kay Aviannah kanina dahil may itatanong siya rito tungkol sa lakad nila bukas patungo ng Mindoro. Ni hindi rin niya alam kung bakit nasa ganitong klaseng lugar ang mga ito at kung ano ang ginagawa nila rito.“Andrei insisted kasi. Wala na rin akong nagawa pa kanina kahit na sinabi ko nang papunta ka na para sunduin kami. Pasensya ka na, naabala ka pa tuloy. Hindi ko rin kasi alam ang number mo. Tatawagan sana kita kanina para sabihing ‘wag ka nang tumuloy pa. Hindi ko rin nakuha sa cellphone ni Avie ang number mo. Kaya pasensya na talaga,” mahabang paliwanag pa ni Jamie.H

  • Too Wrong to Love   Chapter 61:

    “Avie, napaparami na yata ang naiinom mo. Alalahanin mong alis mo na bukas papuntang Mindoro,” marahang saway ni Jamie kay Aviannah, na kasalukuyang patuloy na umiinom ng alak.“It’s okay, Jamie. Kayang-kaya ‘yan ni Aviannah. Hayaan mo siyang magpakasaya ngayong gabi,” komento naman ni Sandra, na tulad ni Aviannah ay kasalukuyan ding nagpapatuloy sa pag-inom.“Hay naku, ayan ka na naman. Kinukunsinti mo na naman si Aviannah sa pag-inom,” balin ni Jamie kay Sandra.“Oh, come on, Jamie! We’re grown-ups now—we can drink as much and as long as we want!” sagot ni Sandra kay Jamie.Patuloy na nagtatalo ang dalawa habang si Aviannah naman ay tahimik lamang na nagpapatuloy sa pag-inom. Hindi niya alam kung nakailang glass na siya ng iniinom na tequila sunrise. Ramdam na rin naman niya ang pagkahilo ngunit hindi niya alam kung bakit tila ayaw tumigil ng kanyang sarili sa pag-inom. Gayong batid naman niya na kahit anong pagkalasing pa ang kanyang maramdaman, ay hinding-hindi naman siya matutulu

  • Too Wrong to Love   Chapter 60:

    Nanikip ang dibdib ni Aviannah dahil sa lahat ng alaalang nagbalik sa kanyang isipan. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis sila at magpaalam sa kanyang ama, pero hindi niya alam kung bakit tila nabalikan niya ang lahat ng mga alaala niya sa kanyang nakaraan. Na para bang sa pagitan ng mga sandaling iyon ay nakapag-time travel siya sa nakaraan.Nakaraang pilit niyang ibinabaon sa limot. Nakaraang ayaw na sana niyang mabalikan pa.Pero hindi niya maunawaan kung bakit kahit limang taon na ang nakalipas, ay para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil kahit na anong gawin niyang pagbaon sa tunay niyang nararamdaman, ay kusa pa rin itong lumilitaw na tila gustong kumawala sa kanya.“Ihinto mo ang sasakyan, bababa ako,” malamig na sabi niya kay Andrei habang tahimik na nagmamaneho ang lalaki. Ngunit hindi siya pinansin ng lalaki na para bang wala itong narinig na kahit na ano, at sa halip ay patuloy lamang sa pagmamaneho ng sasakyan.Kasulukuyan silang patungo sa kanya

  • Too Wrong to Love   Chapter 59:

    Malalim na ang gabi, at purong katahimikan na ang bumabalot sa buong paligid. Ngunit hindi pa rin mapalagay si Aviannah dahil sa dami ng mga bagay ang gumugulo ngayon sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung paano siya magre-react matapos malaman ang planong pag-alis ni Andrei ng bansa. Hindi pa nga niya natatanggap ang bagong sitwasyon nila bilang magkapatid, ay bigla naman itong aalis ngayon.Ilang sandali pa nang makaramdam siya ng matinding pagkauhaw. Kaya naman mula sa kanyang silid ay marahan siyang lumabas at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom niya. Ngunit nagitla siya nang makarinig ng tinig mula sa kung saan.“Hindi ka rin makatulog?”Agad siyang napalingon sa kanyang likuran at mula sa madilim na banda ay nakita niya si Andrei na nakatayo at tila nakapamulsa. Kumabog ang dibdib niya lalo pa nang marahang humakbang at kumilos ang lalaki palapit sa kanya, hanggang sa malinaw na niyang makita ang mukha nito nang matamaan na rin ito ng maliit na ilaw sa kusina na

  • Too Wrong to Love   Chapter 58:

    Humigit ng malalim na paghinga si Aviannah saka siya dumeretsyo ng lakad palampas kay Andrei at kay Mang Lito. Agad naman siyang sinundan at pinigilan ni Andrei.“Sandali, saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya sabay harang sa daraanan niya. Napahinto tuloy siya sa paglalakad.“Saan pa eh ‘di uuwi,” sagot niya rito.“Eh bakit dere-deretsyo ka? Ayun ‘yong sasakyan oh.”“Kaya kong umuwi mag-isa. Gusto kong umuwi mag-isa.” Pagkasabi niya no’n ay magpapatuloy ulit sana siya sa paglalakad. Pero muli siyang inawat ni Andrei.“Huwag na ngang matigas ang ulo mo. Sumakay ka na,” sabi nito sa kanya.“Wow. Sino ka ba para utusan ako?”“Kuya mo ako—”“Pwede ba?” inis na putol niya sa lalaki. “Sobrang saya mo talaga na magkapatid na tayo ngayon?"“Oo naman. Bakit ikaw? Hindi ka ba masaya magkaroon ng ganito kagwapong kapatid?”Napasinghap siya. Hindi siya makapaniwala na nagagawa pa talagang makapagbiro nito ngayon sa harapan niya.Hindi siya nagsalita o umimik at sa halip ay tumingin lamang siya n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status