LOGIN“Boss, sandali! Iiwan mo talaga ako rito?” tanong ni Rome kay Andrei ngunit hindi na nag-abala pa si Andrei na sagutin ang kaibigan, at sa halip ay nagpatuloy lamang siya sa paglalakad palayo sa mga ito, habang marahan na hila si Aviannah. Hindi na niya kasi kayang makitang kasama ni Aviannah si Alfred.Huminto si Andrei sa paglalakad pagkadating nila sa tapat ng kanyang sasakyan, at doon lamang niya marahan na binitiwan si Aviannah. Humigit siya ng malalim na paghinga saka niya marahan na sinulyapan ang dalaga. Nananatiling tahimik ito at walang imik.Humigit siya ng malalim na paghinga saka niya binuksan ang pinto ng passenger’s seat. Hindi naman na siya hinintay pa ni Aviannah na magsalita pa, at sa halip ay kaagad nang sumakay roon ang dalaga.Pagkasakay ni Aviannah ay marahan nang isinara ni Andrei ang pinto ng sasakyan, saka ito tahimik na umikot sa kabila upang makasakay na rin.Binuhay niya ang makina ng sasakyan saka niya muling
“Mr. Tuazon, thank you for coming all the way here,” nakangiting bati ng resort owner habang nakikipagkamay kay Andrei.“It's my pleasure, Mr. Villanueva,” tugon ni Andrei. “I wanted to personally check the progress before we proceed with the next phase.”Tumango ang resort owner bago sila sabay na naglakad papunta sa malaking glass window na nakaharap sa ongoing construction ng bagong function hall.Mula roon ay kitang-kita ang mga construction workers na abala sa kani-kanilang trabaho.“The structural work is already complete,” paliwanag ni Andrei. “Right now, we're focusing on the interior finishes, lighting installation, and the mechanical and electrical systems.”Tahimik na nakinig ang resort owner.“Will everything be completed before the grand opening?” tanong nito.Tumango si Andrei. “If the weather cooperates, yes. We're still ahead of schedule by a
Tahimik na isinara ni Andrei ang pinto ng kanyang unit. Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo roon bago napabuntong-hininga. Sa mga oras na iyon, malamang ay palabas na sina Aviannah kasama sina Jamie at Sandra. At maya-maya na lamang ay susunduin na rin sila ni Alfred.Hindi niya napigilang mapailing. Mahigpit niyang naikuyom ang kamao. Hindi niya talaga gusto ang ideyang iyon.Agad siyang nagtungo sa mini bar at nagsalin ng isang baso ng whiskey para sa sarili. Ngunit hindi pa man niya naiaangat ang baso ay biglang umalingawngaw ang doorbell sa buong unit. Napakunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahang bisita.Marahan niyang inilapag ang baso bago nagtungo sa pintuan.Pagkabukas niya nito ay bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki na may backpack sa isang balikat at maliit na maleta sa kabilang kamay.“Surprise!” Malawak ang ngiti nito.“Rome…”“Missed me?”Napailing
“Uy, Avie! Okay ka lang?” gulat na sambit ni Jamie habang mabilis na inaabot ang tissue sa mesa.“O-Okay lang… naubo lang,” hirap na saad ni Aviannah kasabay ng sunod-sunod na pag-ubo.Nagkatinginan sina Jamie at Sandra. Pareho silang napataas ng isang kilay.“Suspicious,” bulong ni Sandra kay Jamie.“I know.”Pagkatapos uminom ng isa pang lagok ng tubig ay sa wakas ay kumalma rin si Aviannah.“Nakakatakot naman kayong dalawa. Kung anu-ano ang naiisip n'yo,” saad ni Aviannah sa dalawa.“Eh bakit ka kasi nasamid?” nakangising tanong ni Sandra.“Dahil nabigla ako!”“Hindi kami naniniwala.”“Oo nga,” sang-ayon ni Jamie. “Kapag walang tinatago ang isang tao, hindi ganyan ang reaksyon.”Napangiwi si Aviannah. “Ano bang sinansabi niyo dyan?”“Sabihin mo na lang ka
Namilog ang mga mata ni Aviannah nang makita ang 11 missed calls sa cellphone niya. At ang lahat ng iyon ay galing lahat kay Alfred.“Patay!” nag-aalalang bulong niya sa kanyang sarili.Pagkatapos kasi kanina ay nakaramdam siya ng pagod. Kaya naman sa halip na maghanda para sa meeting niya ay nakatulog lamang siya ulit at hapon na nagising.Bukod sa missed calls ay maraming messages din si Alfred sa kanya. Halos lahat ng notifications sa cellphone niya ay galing lahat kay Alfred.“Lagot talaga ako,” mahinang bulong niya ulit habang napapakagat pa sa kanyang ibabang labi.Ilang saglit pa nang muling mag-ring ang cellphone niya. Alfred si calling. Kinakabahan niya naman iyong sinagot.“H-Hello?”“Avie!” Halata ang pag-aalala sa boses ni Alfred. “Are you okay? I've been trying to call you for hours.”“I-I’m so sorry. I... I overslept.”“I was worried. I even thought something had happened to you.”She closed her eyes, overcome with guilt. “I'm really sorry.”“It's okay,” mahinahon nitong
Ramdam na ramdam ni Aviannah ang unti-unting pagguho ng mga pader na matagal niyang itinayo sa paligid ng puso niya. Mga pader na pilit niyang binuo upang pigilan ang sarili na muling masaktan. Mga pader na paulit-ulit niyang pinatibay sa tuwing ipinapaalala niya sa sariling hindi na siya dapat umasa.Ngunit sa bawat salitang binitiwan ni Andrei, sa bawat titig nitong puno ng sinseridad, at sa bawat marahang paghaplos nito sa kanyang pisngi, ay unti-unting nababasag ang lahat ng iyon.Hindi na niya alam kung kailan nagsimulang manginig ang mga kamay niya. Hindi na rin niya alam kung kailan tuluyang lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang patuloy na umaagos.Mahina siyang napailing, “Pero mali ‘to.”“Hindi mo ba ako mahal?” tanong ni Andrei na nagpaangat ng tingin niya rito.“Andrei...” Hindi niya kayang magsinungaling. Dahil dinig na dinig niya ang sariling puso sa isinisigaw nito.“Hin
“Ayaw ko,” simpleng sagot ni Aviannah kay Andrei.“Ano?” kunot-noong tanong naman ni Andrei kay Aviannah.“Bakit naman kita susundin? Isa pa, sinabi ko ba sa’yong ipaghanda mo ako ng lunch? At saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka ba kasi nandito?” Kahit na nagulat si Aviannah na makita at mala
“Kung gusto mong ipagluto kita, pritong itlog lang ang maihahain ko sa’yo,” mapang-asar na sabi ni Aviannah kay Andrei nang makabalik sila sa unit ni Aviannah.“Samahan mo na rin ng hotdog, may binili ako rito,” tanging tugon naman ni Andrei kay Aviannah saka nito inayos at itinabi ang mga pinamili
Wala talaga sa intensyon ni Aviannah na ma-lock si Andrei sa loob ng unit niya. Kaya naman agad niyang tiningnan ang smart lock feature ng unit niya, at nakita niyang naka-activate ang child lock kaya naman nag-automatic itong mag-lock pagkasara niya rito mula sa labas kanina.“Bakit ba naka-activa
Nanikip ang dibdib ni Aviannah dahil sa lahat ng alaalang nagbalik sa kanyang isipan. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis sila at magpaalam sa kanyang ama, pero hindi niya alam kung bakit tila nabalikan niya ang lahat ng mga alaala niya sa kanyang nakaraan. Na para bang sa pagita







