“Oh, Aviannah, mabuti at narito ka na.”
“Hi, Yaya!” nakangiting bati ni Aviannah pagkapasok nito ng gate ng kanilang mansyon.
Sinulyapan naman ni Vangie ang magarang sasakyan sa labas na siyang naghatid pauwi sa alaga niya. “Sino iyong naghatid sa iyo?” tanong ni Vangie kay Aviannah habang sinusundan niya ito papasok sa loob. Dumeretsyo si Aviannah sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge at inumin.
“Uhm… si Alfred po,” simpleng sagot ni Aviannah na bahagyang ikinatigil ni Vangie.
“Ano? Tama ba ako ng narinig? Si Alfred ba kamo ang naghatid sa iyo rito?”
“Yes, yaya. Why?”
“Ah wala naman. Pero bakit ka niya hinatid? Ibig sabihin ba’y siya ang kasama mo sa maghapon?” usisa pa ni Vangie kay Aviannah.
“What?”
“Ang aga mo kasing umalis kanina. Pagpunta ko sa kwarto mo para alukin ka ng almusal ay wala ka na.”
“I was in the shop early in the morning, yaya.”
“Tapos? Paanong hinatid ka ni Alfred dito?”
“Nagkita kami.”
“Bakit naman kayo nagkita?”
“Wait nga lang po, yaya. Bakit parang ang dami niyo yatang tanong about him?”
“Eh kasi naman, hindi ba at matagal na kayong hindi nag-uusap ng lalaki na iyon?”
“Yeah, we stop talking for so many years, but that doesn’t mean na hindi na po kami magkaibigan. We’re still friends, yaya. And isa pa, business ang reason kung bakit kami nagkita kanina,” mahabang paliwanag ni Aviannah kay Vangie.
“Ganoon ba? Kung ganoon ay magkaibigan pa rin pala kayo sa kabila nang nangyari sa inyo sa nakaraan?”
“Yaya, wala namang masamang nangyari sa amin in the past.”
“Pero… hindi ba at pakakasal dapat kayo—”
“Si dad at ang parents lang naman niya ang may gusto no’n. Isa pa, pareho pa kaming mga bata noon. Nag-decide naman kami pareho na tumutol sa kagustuhan nilang pagpapakasal sa amin and we’re still good friends with each other naman po after that.”
“Okay, naiintindihan ko na.”
“Yaya…”
“Ang akin lang, hindi lang kasi siguro ako sanay na may naghahatid sa iyong ibang lalaki rito. Kung bakit naman kasi naisipan ng kuya mo bigyan ng one week leave si Lito. Ayan tuloy at walang nagda-drive para sa’yo,” wika ni Vangie.
“Well, that’s fine, yaya. Maybe this is the right time para mag-aral na rin ako mag-drive.”
“Aba’y talaga ba? Gusto mo na mag-aral magmaneho ng sasakyan?” gulat na tanong ni Vangie.
“Yes, yaya. Actually, Alfred offered to teach me how to drive,” nakangiting sagot naman ni Aviannah.
“Talaga? Eh anong sabi mo? Pumayag ka?” sunod-sunod na tanong ni Vangie.
“Yes po—”
“Pero bakit sa kanya ka pa magpapaturo magmaneho?” mabilis na putol ni Vangie kay Aviannah.
“Po?”
“Pwede namang ang daddy mo na lang ang magturo sa’yo.”
“Yaya, alam mo naman kung gaano ka-busy si daddy ‘di ba?”
“Sa bagay. Eh kung ganoon ay si Lito na lang. Pwede namang si Lito na lang. O ‘di kaya’y ang kapatid mo. Si Andrei.”
“What about me?”
Mabilis na napalingon sina Aviannah at Vangie nang biglang sumulpot mula sa kung saan si Andrei. Nasalo ni Aviannah ang mga titig ni Andrei sa kanya.
“Ah, nandyan na pala kayo,” ani Vangie.
“Topic niyo po ako?” tanong pa ni Andrei kay Vangie ngunit nananatiling nakatuon lamang ang mga tingin kay Aviannah.
“Ah, pinag-uusapan lang kasi naman ni Aviannah kung sino ang pwedeng magturo sa kanya magmaneho ng sasakyan. Ang sabi ko ay pwedeng si Lito ang magturo sa kanya o ‘di kaya’y ikaw. Busy kasi ang daddy niya. Kaya imbis sa ibang tao tulad ni Alfred, ay sa inyo na lamang ni Lito siya magpaturo,” mahaba at madaldal na paliwanag ni Vangie.
“Oh… really? Tuturuan ka ni Alfred mag-drive?” deretsyong tanong ni Andrei kay Aviannah.
“Yup,” deretsyong sagot naman ni Aviannah. “Pero sabi nga ni yaya, pwede namang si Mang Lito na lang… o ‘di kaya’y ikaw, ang magturo sa akin.”
“What?” Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei na para ba itong nabingi.
“What do you think? Pwede mo ba akong turuan?” tanong pa ni Aviannah kay Andrei na siyang ikinagulat ng bahagya ni Andrei.
“Huh?” Tila hindi naging handa si Andrei sa naging tanong ni Aviannah sa kanya.
“Ang sabi ko, kung pwede mo ba akong turuan mag-drive?” pag-ulit na tanong ni Aviannah kay Andrei.
“S-Sure. Of course,” sagot ni Andrei na bakas pa rin ang pagtataka sa mukha dahil sa tila biglang pag-iiba ng pakikitungo ni Aviannah sa kanya.
Matamis na ngumiti si Aviannah kay Andrei. “That’s good then.”
Ilang sandali pa nang bigla silang makarinig ng mga ingay at yabag papalapit sa kanila.
“Nandyan na po pala kayo, ma’am, sir,” bati ni Vangie kay Cristy at Ark, kasama ang isang magandang babae. Si Khyline. Ang babaeng ipinakilala kagabi ni Andrei kay Aviannah na girlfriend nito.
“Yes, Vangie, kadarating lang namin,” nakangiting sagot ni Cristy kay Vangie saka nito ibinalin ang tingin kay Aviannah. “Avie, you’re here na rin pala. Tamang-tama, saluhan mo kami sa hapunan. Nagpaluto kami ng masasarap na pagkain kay Vangie dahil dito maghahapunan sa atin si Khyline—by the way, nagkakilala na ba kayong dalawa?”
“Yes po, tita,” maagap na sagot ni Aviannah habang nakangiti sa mga ito. “Nagkakilala na po kami kagabi sa party ni Kuya Andrei,” dagdag niya pa na ikinapako ng tingin ni Andrei sa kanya.
Tila natigilan naman ang lahat matapos niyang sumagot. Na para bang may nasabi siyang kakaiba sa mga ito.
“Kuya?” manghang tanong ni Cristy. “That was the first time you called Andrei kuya.”
“Ah… pasensya na po kayo. Pero huwag po kayong mag-alala dahil mula ngayon, palagi niyo na po maririnig iyon sa akin,” nakangiting sabi niya na siyang ikinaigting ng panga ni Andrei.
“Wow. That’s great, Avie. Thank you!” masayang sabi naman ni Cristy at maya-maya pa ay nagyaya na ito sa hapag-kainan.
Tahimik na naupo si Aviannah sa tapat ni Andrei, habang sa tabi naman ni Andrei si Khyline. Nang mga sandaling iyon ay mainam na pinagmamasdan ni Andrei ang bawat kilos ni Aviannah, tila hindi pa rin nito makapaniwala sa biglang pagbabago nito ng pakikitungo sa kanya.
“Vangie, sabayan mo na rin kaming kumain dito,” paanyaya ni Cristy kay Vangie.
“Naku, ma’am, mamaya na lang po ako. Sasabayan ko na lang sina Lisa,” sagot naman ni Vangie, tukoy sa kasama nitong kasambahay.
“Okay sige, kayo po ang bahala,” sagot ni Cristy saka ito bumalin ng tingin sa mga kasama. “Kain na tayo. Kain na ija,” balin din nito kay Khyline saka nito inabutan ng pagkain ang dalaga.
“Salamat po, mukhang masarap po ang lahat ng ito,” nakangiti at magalang na sabi naman ni Khyline.
Kitang-kita ni Aviannah kung gaano kagusto ni Cristy ang babae para sa anak nitong si Andrei. Masaya ang ginang dahil may ipinakilala nang girlfriend si Andrei, bagay naman na pinipilit ni Aviannah na balewalain.
“Ipinaluto lahat iyan ni Andrei, lalo na itong nilagang manok. I heard na paborito mo raw ito,” nakangiting sabi ni Cristy kay Khyline.
Napadako naman ang tingin ni Aviannah sa nilagang manok na sinasabi ni Cristy.
“Yes po, tita. Favorite ko po iyan. Kasi naman po si Andrei, noong nasa Canada po kami, palagi niya po akong nilulutuan niyan,” sagot ni Khyline na siyang ikinatigil naman ni Aviannah habang nakatingin pa rin sa nilagang manok.
Dahil doon ay may kung anong naramdamang kakaibang kirot si Aviannah sa kanyang loob. Kasabay no’n ang mumunting alaalang nagbalik sa kanyang isipan.
“Papasok ako huh,” wika ni Drei bago nito marahang binuksan ang pinto. Sumilip ang lalaki at agad namang marahang bumangon at naupo si Aviannah sa papag na kanyang hinihigaan. “Kumain ka na muna,” saad ni Drei sa kanya at may pagtataka niya itong tiningnan.
Lumapit si Drei sa kanya at naupo sa tabi niya.
“I-Ikaw ang nagluto?” tanong niya sa lalaki. Nilagang manok ang dala nitong pagkain para sa kanya, na sa tingin at sa amoy pa lang ay masarap na sa kanyang palagay.
“Oo. Kaya kumain ka na para makainom ka na rin ng gamot,” tugon nito. Sandali siyang natigilan at napatitig sa lalaki. “B-Bakit? May problema ba?” tanong ni Drei sa kanya.
Gumalaw ang lalamunan niya. “Uhm…” Saka siya nag-iwas ng tingin sa lalaki. “W-Wala. Wala naman,” nahihiyang usal niya.
“Sige na, kumain ka na,” wika muli ng lalaki sa kanya. Marahan naman siyang kumilos saka siya sumubo ng pagkain. “Okay lang ba ang lasa?” tila kinakabahan pang tanong ng lalaki sa kanya.
Ngumiti siya sa lalaki na ikinatigil nito at ikinaingay naman ng dibdib niya.
“Oo, ang sarap! Hindi ko alam na masarap ka rin pa lang magluto,” wika niya sa lalaki saka siya masayang nagpatuloy sa pagkain.
Ngunit maya-maya lang ay bigla na lamang tumayo at lumayo si Drei sa kanya, kaya naman may pagtataka niya itong tiningnan.
“S-Sige na. Lalabas na ako. Kumain ka lang at pagkatapos ay inumin mo ‘yang gamot na iyan. Kapag natapos ka na ay ilagay mo na lang dyan ang pinagkainan mo at magpahinga ka na ulit,” mahabang sabi ni Drei sa kanya.
“O-Okay sige—”
“Kuya,” mabilis na putol ni Drei sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
“Huh?”
“Hindi ba at sinabi kong tawagin mo akong kuya.”
“Pero ayaw ko nga—”
“Huwag na ngang matigas ang ulo mo. Mas matanda ako sa iyo—”
“Pero hindi naman kita kapatid. Kaya bakit kita tatawaging kuya?” mabilis na putol na tanong niya sa lalaki. Gumalaw naman ang lalamunan nito.
“K-Kahit na. Mas matanda nga sabi ako sa iyo kaya tawagin mo akong kuya gaya ng mga bata—”
“Pero hindi naman na ako bata!” muli ay putol niya rito. Nakaramdam na siya ng inis dahil sa ipinipilit nito sa kanya.
“H-Huh?”
“Hindi kita tatawaging kuya dahil hindi naman kita kapatid. At hindi na ako bata.”
“B-Bahala ka na nga!” pagsuko ni Drei sa kanya sa huli saka ito tuluyang lumabas ng silid niya.
“Ganoon ba? Andrei, sa susunod ay lutuan mo rin kaya si Avie ng nilagang manok.”
Agad na nagbalik si Aviannah sa kanyang sarili nang marinig ang sinabing iyon ni Cristy. Nag-angat siya ng tingin sa babae habang may pagtatanong itong tiningnan.
“Hindi kasi siya kumakain niyan,” dagdag pa ni Cristy na ikinatitig ni Andrei kay Aviannah. Naramdaman naman ni Aviannah ang pagbalin ng tingin ni Andrei sa kanya, kaya naman sinalubong niya ito. “Naisip ko lang, baka kung sakaling ipagluto mo rin si Avie ay magustuhan na rin niyang kumain niyan,” nakangiting habol pa ni Cristy. Walang kaalam-alam na si Aviannah ang unang pinaglutuan ng anak at iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi na ito kumakain ng ganoong pagkain. Dahil para kay Aviannah, alaala lamang din iyon ni Andrei sa kanya na gusto na niyang alisin.
“No need na po, tita,” pagkuwan ay sagot ni Aviannah saka siya pilit na ngumiti kay Cristy. “I think po kasi kahit na lutuan ako ni kuya niyan ay hindi ko pa rin magugustuhan.”
“Sigurado ka? Ayaw mo?” biglang tanong ni Andrei kay Aviannah na ikinalingon nito.
“Oo, sigurado ako,” deretsyong sagot naman ni Aviannah sa lalaki.
“Bakit hindi mo muna ako bigyan ng chance?”
“Ano?”
“Malay mo sa huli, magbago ang isip mo at magustuhan mo rin,” seryosong sabi ni Andrei kay Aviannah.
Pumalatak si Aviannah sa sinabing iyon ni Andrei. “Sa tingin ko’y hindi na magbabago pa ang isip ko.”
“Really?”
“Yes.”
Tumikhim si Ark, dahilan upang matigil sa seryosong pagtatalo sina Aviannah at Andrei. “Kumain na kayo at huwag niyo nang pagtalunan pa iyan,” wika nito.
“O-Oo nga. Kumain na tayo,” segunda naman ni Cristy saka nagsimulang kumain ang lahat.
Ngunit maya-maya lang ay binasag din ni Ark ang katahimikan nang magtanong ito sa anak.
“Siya nga pala, where have you been last night?” lingon nito kay Aviannah.
“Po?”
“Maaga kang nawala kagabi sa party. Naiwan pa doon ang staff mo at ang sabi nila ay nagpaalam ka raw na may biglaang kailangang puntahan.”
“Ah… uhm…” Hindi malaman ni Aviannah ang isasagot sa ama. Dahil sa totoo lang, matapos ipakilala ni Andrei sa kanya si Khyline bilang girlfriend nito, ay hindi na siya naging komportable pa sa party na iyon. Nasira na ang buong gabi niya at hindi niya kayang itago ang sakit na naramdaman niya, kaya naman umalis siya at nagpalipas na lamang ng ilang oras sa kaibigang si Sandra.
Dumako ang mga tingin ni Aviannah kay Andrei na nasa kanyang harapan. At nakita naman niya itong mataman na nakatingin sa kanya na tila ba mabuting naghihintay ng sagot mula sa kanya.
“Uhm… nagkita po kami ni Sandra, dad,” pagkuwan ay sagot niya.
“Si Sandra?”
“Yes po, dad. We just talk about the business po.”
“Kaya ka rin ba maagang umalis kaninang umaga?” tanong muli ni Ark sa kanya.
“Yes, dad.”
“I see,” tatango-tango si Ark sabay subo nito ng pagkain. Ngunit maya-maya lang ay… “Then how about Alfred?” tanong nito sa kanya na siyang ikinatigil niya ng bahagya.
“P-Po?”
“I heard you were with him earlier. Is that true?”
Hindi alam ni Aviannah kung bakit kusang dumapo ang kanyang paningin sa lalaking nasa harapan niya, at ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib niya nang makita ang matalim na pagtingin nito ngayon sa kanya.
“P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga damit.“Ouch huh,” komento ni Rowena sa sinabi ni Andrei rito. “Pero totoo naman talaga. Marami pa akong hindi alam sa iyo. Pero hindi pa naman huli ang lahat at pwede pa kitang mas kilalanin, hindi ba?” Lumapit si Rowena kay Andrei at naupo rin ito sa tabi ng lalaki saka mabilis na yumakap sa braso nito. “Ikaw naman kasi eh, kailan ba kasi magiging tayo?” dagdag pa nito habang marahang hinimas ang braso ng lalaki na yakap nito. “Oo mo na lang naman ang hinihintay ko—ay!”Natigilan sa pagsasalita si Rowena at sa halip ay napatayo at napasigaw sa gulat, nang biglang tumayo at maghagis ng maliit na bato si Aviannah sa tubig.“Ay sorry, may nakita kasi akong linta banda roon,” wika ni Aviannah
Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya ni Tonya.“Good morning, Tonya!” nakangiting ganting bati naman niya sa bata.“Mukhang maganda po yata ang gising niyo ngayong umaga, ate.”Bumangon siya at matamis na ngumiti sa bata. “Sa tingin mo ba?”“Opo, ate. Hmm… mukha pong may maganda kayong napanaginipan o ‘di kaya ay mukha pong may magandang nangyari sa inyo kagabi bago kayo natulog.”Sandaling natigilan si Aviannah nang mabilis na nagbalik sa isipan niya ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ni Andrei kagabi. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang paraan ng pagngiti ng lalaki sa kanya at ang marahang paghaplos nito sa ulo niya. Napanguso siya nang tila hindi niya kayang maitago ang kilig na nararamdaman sa bata. Paano ba naman kasi a
Mariing nakagat ni Aviannah ang ibabang labi niya habang mainam na pinagmamasdan si Andrei na nakaupo sa isang tabi. Kasulukuyang nasa peryahan pa rin sila.“Kuya, kumusta? Nahihilo ka pa rin po ba?” tanong ni Tonya kay Andrei matapos nitong mapainom ito ng gamot.Mabuti na lang at nandito at kasama nila si Tonya. Dahil kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin kay Andrei sa ganitong sitwasyon.“Okay na ako, Tonya. Salamat,” sagot ni Andrei sa batang babae.“Ikaw naman kasi, kuya eh. Bakit ka pa kasi sumakay roon? Eh hindi ka naman pinilit ni ate,” panenermon pa ni Tonya sa lalaki.Hindi umimik si Andrei sa bata at sa halip ay sinulyapan lamang siya nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng guilt dahil sa mga titig na iyon ng lalaki sa kanya.Kahit na kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan, ay para pa ring siya ang may kasalanan dahil sa inamin ng lalaki sa kanya kung bakit ito napilitang sumakay roon.Sa huli, nang bumuti na ang lagay ni Andrei at nang mawala na ang pagkahilo n
Napanganga si Aviannah nang makita niya ang peryahan na sinasabi ni Tonya. Hindi niya alam na peryahan pala ang tawag sa ganitong lugar. It was like an amusement park na paboritong puntahan nila ng mga kaibigan niya. Na-miss niya tuloy bigla ang dalawa niyang kaibigan, sina Sandra at Jamie. Napaisip tuloy siya kung kumusta na kaya ang dalawa ngayon. Tiyak siyang labis na itong nag-aalala sa kanya dahil hindi na niya kinontak pa ang mga ito pagkaalis niya ng siyudad.“Ate, tara mag-rides po tayo. Ano pong gusto ninyong unahin?” masayang lapit sa kanya ni Tonya.“Huh? Uhm…”“Sanay ka ba sa rides?” tanong naman ni Andrei sa kanya at pagkuwan ay bumalin ito ng tingin kay Tonya. “Tonya, huwag mo siyang dalhin sa matataas na rides. Doon lang sa kaya niya,” bilin nito sa bata.“Opo, kuya!” magiliw na sagot ni Tonya saka ito tumingin sa kanya. “Tara na po, Ate Belle!” Hinila siya ni Tonya patungo sa caterpillar ride. Bumili roon ng ticket si Tonya para sa kanilang dalawa.“Dalawa lang?” nagta
Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa kanya. “Marunong kang umangkas?” tanong nito sa kanya na hindi niya alam kung paano sasagutin. “Okay. Pwedeng first time mo or… hindi mo maalala,” sagot ng lalaki sa sarili nitong tanong sa kanya.“Huwag ka mag-alala, Ate Belle! Ako po ang bahala sa iyo,” mayabang na sabi sa kanya ni Tonya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay saka marahang hinila palapit sa motor. Nagpatianod naman siya sa bata.Pinagmasdan niya si Andrei na binuksan ang maliit na box sa motor nito sa
Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng