Home / Romance / Trap In His Arms / Kabanata 2: SIMULA

Share

Kabanata 2: SIMULA

Author: Jhantida
last update Last Updated: 2025-06-04 17:41:01

Hindi ibig sabihin na kung magsisinungaling ka ay masama ka na. Sadya kailangan lang natin iyong gawin para sa ikabubuti ng lahat. Para wala kang masaktan na tao. Para hindi sila magtanim ng galit sa'yo.

Puno ng pagmamahal na pinagmasdan ni Hashana ang kasintahan. Kakatapos lamang nilang mag-dinner at inihatid na siya nito sa bahay ng kaibigan.

Pinagbuksan siya ni Rheo ng pinto pagkatapos makapark saka pinatakan ng halik sa noo.

"Good night, love. Think again about my offer."

Malawak na ngumiti si Hashana. "Salamat. Good night din. Ingat sa pag-drive." Tumingkayad ang dalaga para abutin ang pisngi ng nobyo bago gawaran ng halik.

Napangisi si Rheo at sumakay pabalik sa kotse. Dumungaw ang ulo nito sa bintana.

"I have to go. I love you."

"Love you too. Ingat."

Kinindatan ng lalaki ang dalaga bago pinasibad ang sasakyan. Malalim ang buntong hiningang sinundan ng tingin ni Hashana ang papalayong kotse ng binata saka binuksan ang maliit na pulang tarangkahan sa bahay ng kaibigan.

Naabutan doon ni Hashana si Cathy. Komportable itong nakaupo sa kulay dilaw na sofa habang hawak ang isang bowl na puno ng popcorn. Nawala ang atensyon nito sa pinapanood nang makita siya.

"Tumawag si Tita kanina. Kinahanap ka raw ni Jelrex."

Tumabi si Hashana sa kaibigan at kinuha ang throw pillow bago iyon ipinatong sa hita. Itinuon niya ang mata sa tv at sumubo ng popcorn.

"Naka-off ang phone ko kanina. May missed call nga si mama. Ano daw sabi?"

"Dadalaw daw sila sa susunod na linggo. Palaging nag-iiyak si Jelrex. Hinahanap ka."

Napatango si Hashana. Tumaas ang kilay niya nang mapansing mataman siyang tinigan ng kaibigan.

"Ano?"

"Si tita, alam ba ni tita ang sa inyo ni Rheo?"

"Alam ni mama. Sinabi ko sa kanya."

"Papaano ang anak mo? Sinabi mo ba kay Rheo ang tungkol kay Jelrex?"

Napaiwas ng tingin ang dalaga sa kaibigan. Itinuon na lamang nito ang mata sa pelikula na nasa tv.

"Naku, Hashana ha. Iyang pananahimik mo." Pagbabanta ni Cathy sa kaibigan at pinandilatan ito ng mata.

"Mag-iisang taon na kayo. Ilang beses mo na atang sinabi na hahanap ka ng pagkakataon para sabihin kay Rheo ang tungkol sa anak mo pero hanggang ngayon wala pa rin. Paano kung malaman niya na may anak ka bago mo pa masabi sa kanya ang totoo? Umayos ka, Hashana."

Tahimik na nakagat ng dalaga ang labi. Ilang beses na nga siyang humanap ng magandang tiyempo pero hanggang ngayon 'di niya pa din masabi-sabi sa binata. Natatakot siya na baka umayaw ito. Naalala pa niya na hindi muna prioritize nito ang magkaroon ng pamilya at anak. Natatakot siya na baka kapag sabihin niya sa nobyo ang tungkol kay Jelrex ay makikipaghiwalay ito sa kanya.

Katahimikan ang pumagitna sa dalawang babae. Natigil lang iyon sa hindi inaasahang tanong ni Cathy.

"Iyong tatay ni Jelrex? Wala ka bang balak hanapin?"

Sinamaan ito ni Hashana ng tingin at sumubo ng popcorn. Kahit kailan wala siyang balak na hanapin ito. At papaano niya hahanapin kung hindi nga niya alam kung sino ang ka-sex niya noon? Isa pa, sobrang tagal na nun. Malamang baka may pamilya na ang ama ni Jelrex. Kung bakit ba kasi umattend pa siya noon ng birthday party sa isang bar.

"Di ba suot mo ang polo niya nung umalis ka sa bar dahil sabi mo napunit ang dress mo? Tinago mo ba 'yon? Pwede mon—"

"Ano ba, Cathy, tumahimik ka nga. Wala akong balak na hanapin siya, okay? Masaya na ako sa buhay ko ngayon, at siguradong ganun din siya."

Napairap si Cathy bilang pagsuko sa kaibigan. "Okay, okay. Basta habang maaga pa sabihin mo kay Rheo ang tungkol sa inaanak ko. Mabuti na iyon para matanggap niya si Jelrex at hindi ka na mahihirapang ipaliwanag sa bata ang sitwasyon mo."

Nakakaintinding tumango siya. Kalaunan ay nagpaalam si Hashana dito na mauuna sa kwarto dahil maaga pa siya bukas. Susubukan niyang puntahan ang sinasabing hospital ng kasintahan. Ayon dito ay may hiring daw kasing mga nurses doon. Kung wala lang anomalya sa dating pinagtrabahoan niyang hospital. Hindi sana siya magququit sa trabaho. Ilang araw na din siyang naghahanap sa internet na pwedeng pag-aplayan.

Sinubukang kontakin ni Hashana ang magulang para sana makausap ang anak ngunit tulog na raw. Napagdesisyunan na lang niyang bukas na ulit tatawag para makausap ang bata.

Sa pagsikat ng bagong araw, puno ng pag-asang bumangon si Hashana. Kausap niya ang ina sa kabilang linya habang chenecheck ang mga dokumentong dadalhin mamaya sa interview.

"Ma, si Jelrex?"

"Binibihisan pa ng papa mo. Kakatapos lang kasing maligo. Teka, tatawagin ko."

Rinig ni Hashana ang pagtawag ng ina sa pangalan ng anak niya. Napangiti ang dalaga nang makita ang paglapit ng anak. Basa ang buhok nito at pinupunasan pa iyon ng papa niya.

Pinagmasdan ni Hashana ang pagnguso ng anak. Masyado iyong nakakaagaw ng pansin dahil mas nakakaattract lang ata tignan ang anak niya. Maputi ang bata gaya ng kanyang kutis. Matangos din ang ilong na namana din nito sa kanya. Ngunit ang kulay ginto nitong mata ay alam niyang hindi iyon sa kanya galing. Ganoon din ang hugis ng mukha nito. Ang makakapal nitong kilay at pilikmata ay sigurado siyang hindi iyon sa kanya namana.

Lihim na napabuntong-hininga ang babae saka malawak na nginitian ang anak.

"Good morning, baby."

"Good morning, mama. I miss you."

Parang may humaplos sa puso ni Hashana pagkarinig sa malambing na boses ni Jelrex.

"I miss you too, baby. Hindi ka ba naging pasaway kay Lola at Lolo?"

"No, mama, good boy po ako."

Mahina siyang natawa sa sinabi ng anak. Ganun din naman ang ginang.

"Talaga? Sabi ni lola umiiyak ka daw. Di ba ang good boy at big boy hindi na iiyak?"

Napanguso si Jelrex. Muli siyang natawa.

"Hay naku, tama na iyan. Ibaba ko na ang tawag, iha dahil mag-aalmusal pa kami. Sa susunod na linggo ay dadalaw kami riyan."

"Sige, po. Mag-ingat po kayo diyan." Binalingan nito ang anak. "Jelrex, huwag pasaway kay lola at lolo. Love love ka ni mama."

Pinagpatuloy ni Hashana ang pagcheck sa mga requirements bago lumabas ng kwarto. Nasa hapagkainan si Cathy nang maabutan niya, nagkakape.

"May interview ka?"

"Oo, susubukan kung puntahan ang hospital na sinabi ni Rheo."

Kumuha siya ng tinapay at kinain iyon. Mabuti at may kapeng hinanda si Cathy para sa kanya kaya iyon ang hinigop niya. Nagpaalam din si Hashana sa kaibigan na aalis. Alas siyete treinta pa naman kaya lang magcocommute pa siya. Kailangan niyang habulin ang oras dahil paniguradong traffic na naman.

Positibong napatingala si Hashana sa malawak at malaking hospital na nasa harapan. Binasa niya ulit ang address na ibinigay ni Rheo. Ito nga. Kung titignan ay mas malaki ito kumpara sa una niyang pinagtrabahoan. Saglit siyang napatingin sa mobile phone nang tumunog iyon. May message galing kay Rheo.

From: My Love

—Good luck, love. You can do it! Fighting!

Tahimik siyang natawa at napailing. Nagreply muna siya bago pumasok sa loob at nagtanong sa information desk kung nasaan ang HR management office ng hospital. Itinuro naman iyon sa kanya kaya agad na pumunta doon si Hashana. Habang tinutuntun ang daan patungo sa opisina ay hindi maiwasang hangaan nito ang paligid. Sobrang linis ng lugar. The room facilities are being taking cared of. Nangingibabaw din ang mabangong amoy ng air conditioned ng hospital. Ang equipment nila na parang lahat ay bago. Sobrang neat din tignan ng mga empleyado.

"Hashana Romero?"

Nagtaka si Hashana dahil kilala siya ng ginang.

"Yes, ma'am?"

"Can I see your resume?"

Mabilis niyang inabot dito ang resume. Binasa iyon ng ginang at nakangiti siyang hinarap.

"In fact that Dr. Auxilio recommended you. Your background was also excellent. I am pleasant to say that you are hired, miss Romero. You can start tomorrow. Bukas mo din kukunin ang schedule mo for your designated assignment."

Nangunot ang noo niya pero nagagalak siyang nakipagkamay sa HR manager. Ganun lang kabilis? Hindi siya makapaniwala pero ang saya niya. Sobrang saya. Pero recommended? Dr. Auxilio recommended her? Wala siyang kilalang doktor na Auxilio ang apelyido.

Ibinalita niya kay Cathy at sa mga magulang ang magandang balita. Tinawagan din niya ang nobyo para sabay silang maglunch.

Ngayon, malawak ang ngiting hinihintay niya si Rheo sa isang fast food chain.

Doon sila kakain. Alam niyang matatagalan pa ang kasintahan kaya inabala ni Hashana ang sarili sa pagkalikot sa cell phone.

Rheo is an engineer. Sa pagkakaalam niya ay ito ang nagmamanage sa under construction na hotel na pagmamay-ari lang din ng pamilya ng lalaki. Samakatuwid, malapit lang ang hotel na iyon sa dati niyang pinagtatrabahoan. Doon sila nagkita ng binata. Doon din nagsimula ang pag-iibigan nila ng lalaki. Mas matanda siya ng isang taon dito. Pero sabi nga, age doesn't matter. Responsable naman ito at mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Love,"

Umaangat mukha niya nang marinig ang boses ni Rheo. Malawak ang ngiting sinalubong niya ito at humalik sa nobyo.

"Sorry, did you waited long?"

"Ayos lang. Sakto lang naman ang dating mo."

Pinaghila ni Rheo ng silya ang dalaga. Umupo doon si Hashana at ganoon din naman ang ginawa ng lalaki sa katapat na bakanteng upuan.

"Guess what? Natanggap ako sa trabaho."

Napangiti ang binata sa balita ng nobya.

"I know you can do it. Congrats, love."

"Thank you, love. Kaya lang may nagrecommend daw kasi sa'kin. Dr. Auxilio recommended m—teka nga!"

Naningkit ang matang tinignan ni Hashana si Rheo nang may napagtanto. Auxilio? Eh, Auxilio din ang apelyido nito.

Isang naaaliw na tawa ang lumabas sa bibig ng binata. "Alright, it was dad. I told him about you. Sinabi kong naghahanap ng trabaho ang girlfriend ko. He had a big share to that hospital, so maybe he can help you. That's it."

Napanguso si Hashana. "Ang daya mo. Kaya pala sobrang bilis lang kanina."

Mahinang natawa si Rheo saka hinalikan ang palad niya. "I'm sorry, love. I'm just trying to help."

Naputol ang usapan ng dalawa dahil may lumapit na waiter. Umalis din naman agad ito nang maka-order sila.

"By the way, mom and dad wants to meet you. Are you free this friday night?"

Natigilan si Hashana sa pagsubo ng pagkain. Pinag-aaralan niya kung seryoso ba ang lalaki. Kaya lang seryoso si Rheo. Napalunok tuloy siya nang wala sa oras.

"Hindi ko pa alam ang sched ko. Titignan ko bukas." Nakagat niya ang pang-iibabang labi habang may pangambang nakatutok sa binata. "Do you think they will like me?"

"Of course, especially mom. No worries, love. Don't pressure yourself. I'm here."

Maginhawang sinang-ayunan ni Hashana si Rheo. Pero sa kaloob-looban ay kinakabahan siya. Never pa niyang na meet ang parents nito. Paano kung strict ang parents nito? Mayaman pa naman ang angkan ng lalaki. Ni hanggang ngayon hindi pa nga niya masabi-sabi dito na may anak siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Corazon Tivoli Lotuaco
look like it's good story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trap In His Arms   Kabanata 72

    Kinuha ni Clifton ang mikropono sa babaeng emce saka malalim na tumikhim. At nag-sanhi na naman iyon ng tilian sa loob. Ginawa na iyong pagkakataon ni Hashana para umiwas. "Good morning, everyone. It's my pleasure to be here in front of all of you." Clifton is already facing the crowd. Inilibot nito ang paningin sa buong lugar at muling humantong pabalik kay Hashana at sa lalaking katabi ng babae. Sa klase ng titig nito ay puno ng pagbabanta. Tila ba pinipigilan lang ang sariling huwag sugurin ang dalawa. At tanging nagawa na lang ni Clifton ay paigtingin ang mga panga sa pikong nararamdaman."First of all, I am honored to stand before you today as the new Head Director of this exceptional hospital. I want to express my gratitude to the board for entrusting me with this responsibility and to each of you for your warm welcome." Muli ay isinuyod ng ginoo ang mata sa mga taong nasa loob ng hall."Our hospital is a beacon of hope and healing, and I am committed to building on our streng

  • Trap In His Arms   Kabanata 71

    Gimbal pa rin si Hashana sa mga nangyayari. Nagsisimula na ang programa pero tulala lang siyang nakikinig sa emce na tinatawag at pinakikilala ang bagong senior doctor."Now, let's give a warm welcome to our new respected colleague, Dr. Francis Spencer Li! He's a top-performing OB-GYN doctor with multiple awards and recognitions! Having him join our healthcare institution were a great privilege! Dr. Li, please come forward and share a few words with us."Napatingin si Hashana sa lalaking tumayo patungo sa gitna ng stage. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti nitong nakatingin sa maraming taong nakaantabay kung anong sasabihin nito. Umalingawngaw sa buong hall ang tilian ng mga babae at hindi naman pinapalampas sa tinis ng boses ng mga baklang nurses.Kung wala lang talagang mata na umaarok kay Hashana. Makakangiti na sana siya sa nakakahawang ngiti ng bagong doktor. Ang singkit nitong mata ay lalong sumingkit nung bumungisngis ito. Hindi makikitaan sa lalaki ang kayabangan kahit pa mataas n

  • Trap In His Arms   Kabanata 70

    Bumuga ng hangin si Hashana at nilingon si doc Bayones na hindi pa din binibitawan ang kamay niya. Nang makitang nakatingin siya rito at nabasa ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay mabilis itong bumitaw. Tumikhim siya. Na realize na baka need niyang turuan ang sariling unawain ang doktor. Susubukan niyang buksan ang pader na iniharang niya sa kanilang dalawa. At kapag wala talaga. Maybe that would be the right time that she should talk to him about those matter."Kilala mo ba kung sino ang papalit kay doc Galo?" usisa niya para basagin ang katahimikan."Yes, I meet him earlier. He's good. He's known in Manila as top performing ob-gyne doctors."Tumango siya. Out of nowhere. Bigla niyang naisip si Clifton. May posibilidad bang ito ang papalit? Kahibangan mang isipin pero he's a type of man that would make the impossible things to possible. Also, kaparehas ni doc Galo ay obstetrician-gynecologist din ang lalaki. Kanina nung sabihin nila Jessa na galing sa Manila ang bagong senior

  • Trap In His Arms   Kabanata 69

    Minaobra na ni Hashana ang kotse at payapang iniliko ang sasakyan sa main exit. Hatid tanaw ito ni doc Bayones na kung makatingin ay sobrang lalim. Kita sa mata nito ang nakakubling kadiliman at nagbabagang mga titig.Binaling ng lalaki ang mata sa hawak ng bulaklak. Napakahigpit ng kapit nito roon. Halos mabali na ang tangkay ng rosas. Ilang saglit lang ay walang pasubaling nilukumot nito ang rosas. Nadurong ang bulaklak at hindi na maitsura ang mga petals nun. Hindi pa nakuntento at inihulog ito ni doc Bayones sa semento saka gamit ang talampakan ng sapatos ay walang awa nito iyong dinurog. Napangisi ang binata. Para itong baliw na natawa at muling sumeryoso. Nang makontento ay natatawa itong pumasok sa loob ng kotse para umuwi."Saan kayo pupunta?" tanong ni Hashana.Panibagong araw na naman at late siyang nakapasok sapagkat kinausap pa niya ang bagong yaya ni Cheslyn. Madami siyang inihabilin sa ale kung ano ang dapat nitong gawin at tandaan. Nagkaroon din ng aksidente habang p

  • Trap In His Arms   Kabanata 68

    Is it okay to avoid someone who doesn't have any bad intentions towards you? Ayos lang bang hayaan ang isang taong gumawa ng efforts kung wala ka namang planong tugunan ang pinapakita nito?Everything is so mess up with Hashana. Papalabas na siya sa hospital sapagkat kakatapos lang ng shift niya, ngunit ang balak niyang paghakbang ay nahinto pagkakita kay doc Bayones sa labas. Nakasandal ito sa uluhan ng kotse nito habang nakatingin sa kanyang direksyon.May kalayuan pa man ay dumako ang mata ng dalaga sa bitbit nitong bulaklak. Kunot ang noo niya at napayuko upang tignan ang hawak niyang isang tangkay ng puting rosas. Galing iyon sa locker niya. Kinuha na niya dahil alam na naman niya kung kanino galing.Hindi niya magawang makaiwas pa sa binata sapagkat nilapitan na siya nito. Malawak ang ngiti ng doktor sa kabila ng ginawa niyang pag-iwas kanina.Tipid siyang ngumiti at binati ang huli. Nang sulyapan niya ito. Nakapako na ang titig ng lalaki sa kaliwa niyang kamay kung saan naroon

  • Trap In His Arms   Kabanata 67

    Tila lahat ng inerhiya ni Hashana pag-uwi ng bahay ay naubos. Nauupos siyang napaupo sa kama at hinilot ang pumipitik na sentido. Kakahatid lang sa kanya ni doc Bayones. Pasado alas diyes na at tanging ang ina na lang ang sumalubong sa kanya pagkarating.Para maibsan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ay napagdesisyunan ng dalaga na tumungo sa banyo para maligo. Baka kapag mababad ang katawan niya sa malamig na tubig ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.Halos kalahating oras din siyang nagbabad sa tubig. Suot ang tartan na pulang pares ng pantulog ay tinunton niya ang silid na panganay. Tulog na ang bata nang silipin niya kaya si Cheslyn naman ang sunod niyang pinuntahan. Just like Jelrex, Cheslyn is already sleeping while tightly hugging one of her favorite unicorn doll.Napangiti siya at nilapitan ang bata. Tumabi si Hashana ng upo sa tabi nito at inilapit ang mukha upang bigyan ito ng halik sa noo. Parang kailan lang kasama pa niya ito sa iisang silid. Ngayon may sarili ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status