"Tito?"
Gulat na gulat si Hashana nang may biglang humablot sa braso niya. Dama niya ang kagaspangan ng palad sa taong iyon at nanunuot sa ilong niya ang pamilyar na pabango nito. Itinapon ng dalaga ang tingin sa braso niyang ngayon ay mahigpit na kinahawakan ni Clifton. Pinipilit niyang magpumiglas upang kumawala subalit ang higpit ng pagkakahawak. Napakahigpit dahilan upang hindi siya nagtagumpay sa ginagawa. Nanghihina siya. Ramdam ang hapdi sa braso na hinuha niya ay namumula na ngayon. Bakit ba ayaw siya nitong tantanan? Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari? "Pakiusap, tito. Bitawan niyo 'ko, please . . ." It's almost begged for her. Nawawalan siya ng lakas. Ang matalim na titig ng ama ng kanyang nobyo ang nagpapakaba kay Hashana. Hindi niya kailanman naisip na darating siya sa ganitong punto. Sana pala hindi na lang siya pumayag na makipagmeet sa magulang ng kanyang boyfriend. Nagsisisi tuloy siya. Sobrang nagsisi. "Bakit hindi ka pa rin nakikipaghiwalay kay Rheo, Hashana?" Mariin iyong untag ni Clifton dahilan pa mapapikit siya. Ito na naman, nandito na naman sila. Nangangatog ang mga tuhod na iniyuko niya ang ulo. Hindi alam kung anong itutugon sa taong kausap. Sobrang tatalim ng mga tinging ipinukol ni Clifton sa kanya. Nag-aapoy iyon at puno ng pagbabanta. Para bang kapag magsasalita siya ng maling sagot, isang pitik lang malalagutan siya ng hininga. Alam naman niya, galit ito. Galit na galit. Kahit siya walang nagawa kundi piping manalangin na sana matapos na ito. "Gusto mo bang ako ang magsabi sa kanya na may anak na tayo?" Nanlaki ang dalawang bilog sa mata ni Hashana. Mabilis na iniangat nito ang tingin kasabay ng paglabas ng masaganang luha na kanina pa niya pinipigilan. Umiling iling siyang napatitig sa lalaki. Nagmamakaawa ang mga mata pero tanging walang emosyon lang ang lalaking kaharap. Naninikip ang dibdib niya sa mga oras na ito. Nakagat ang pang-ibabang labi sa sobrang hirap ng nararamdaman. Takot siya. Natatakot aminin ang katotohanan kay Rheo. Mahal na mahal niya ito. Ni hindi niya kayang hiwalayan ang anak ng taong kaharap niya ngayon. "Please, huwag niyo pong sabihin." Humagulhol na si Hashana. Mabuti na lamang at walang tao na dumadaan sa kanilang pwesto sa pinakadulong pasilyo. Baka kapag nagkataon, magkakaroon ng malaking gulo sa hospital kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse. May asawa na ang lalaking kaharap niya ngayon. Kapag may makakita sa kanila na ganito ang posisyon, paniguradong patatalsikin sila sa hospital. Mali, siya lang pala dahil malaki ang ranggo ni Clifton sa hospital bilang doktor. Hinahabol niya ang hininga bago inayos ng tayo. Nagmamakaawang tinitigan ang kulay gintong mata ng lalaki. Hinahagilap doon kung may awa pa bang makaukit sa likod ng nagbabaga nitong titig. Ibinuka niya ang bibig para sana magsalita subalit nagdadalawang-isip siya. Sumasakit ang lalamunan ng dalaga sa pagpipigil ng pag-iyak. Nanunuyo ito. Sigurado siya na kapag ibubuka iyon, mababasag lang ang kanyang boses. "A-ako na ang magsasabi sa kanya. Please po, 'wag kayong magsabi kay Rheo . . ." hirap na hirap siyang magsalita. Bakit ba kasi napunta siya sa ganitong sitwasyon? Sino ba dapat ang sisisihin? Sarili niya lang ba ang dapat niyang pagbintangan sa mga nangyayari ngayon? Kung bakit kasi ang ama pa ni Rheo ang tatay ng anak niya. Nakagat ni Hashana ang loob ng pisngi. Ilang ulit ding napabuntong-hininga sa mga naisip. Baka kasalanan din niya. Kung sana hindi na niya pinilit ang sariling gumawa ng DNA test, hindi sana nito malalaman ang lahat. Hindi rin sana mabubuko ang iniingatan niyang sekreto kung mas naging maingat pa siya. Kalmado na ang mukha ni Clifton nang muling balingan ni Hashana, subalit kaakibat pa rin nito ang pagiging istrikto. Unti-unti na ring niluluwagan ng lalaki ang hawak sa braso niya. Pero nanatili itong nakahawak, wari ba ayaw siyang pakawalan pa. Batid niyang nagustuhan ni Clifton ang lumabas sa labi niya. Iyon lang naman ang gusto nitong marinig, simula una pa lang. Isa din sa nagpapataka sa kanya ay kung bakit tila hindi nababahala ang lalaki sa sitwasyon nila ngayon. Ang mas nakapahirap pa ay ama siya ni Rheo. May asawa ito tapos nang malaman nitong may anak sila ay parang hindi man lang namomublema ang lalaki. Sa halip ay gusto pa nitong hiwalayan niya ang anak. Nakakalito. Nalilito siya. Ganun lang ba kadali ang lahat para dito. Hindi ba nito naisip ang posibleng kahihinatnan ng mga kilos nito? Ayaw niyang gawin ang mga bagay na sinasabi ng lalaking makipaghiwalay kay Rheo. Ang bait nito para hiwalayan niya ng ganun-ganun lang. Pero alam niya . . . alam niyang sa oras na sasabihin niya sa nobyong may anak na siya, kamumuhian siya nito. Posible pang ang lalaki mismo ang makipaghiwalay sa kanya. Umagos ang luha niya sa isiping iyon. Sobrang hirap naman. "Good. I just want us to be clear, Hashana. Maghihintay ako ng isang linggo. If you can't still say it to him. Ako mismo ang magsasabi." Tanging pagyuko ang naging tugon ni Hashana. Sasabog na ata ang puso at utak niya. Hindi ito nagbibiro, sigurado siya dun. Nakagat niya ang labi nang tuluyan siyang binitawan at nilagpasan ng doktor. Nagawa pa nitong maghulog ng panyo sa paanan niya. Pagak siyang natawa at inihagis iyon pabalik sa nakatalikod na lalaki. Naiwan si Hashana na nakatitig sa puting pader. Napakurap at doon napaupo kasabay ng pagyakap sa mga tuhod. Doon niya ibinuhos ang sakit. Pati na rin ang inis at galit na nakapaloob sa puso niya para kay Clifton. Ano ba ang dapat niyang gawin? Sino ba ang dapat niyang unahin? Ang taong mahal niya o ang kapakanan ng anak? Humagulhol ang dalaga habang nakasandal ang likod sa malamig na semento. Bakas sa buong mukha nito ang mga luhang natuyo at mga luhang patuloy na umaagos. Kung may makakakita man sa kanya, iisipin nitong galing siya sa isang madramang away. Malalim ang hanging naibuga niya. Sinusumpa niya ang lalaki sa isipan. Sana pala hindi na lang siya pumasok dito sa hospital. Nauwi tuloy sa kalbaryo ang simpleng pangarap niyang makahanap ng trabaho. Kung bakit kasi nalaman pa ni Clifton na may anak siya. Na may anak pala siya dito."You will be staying here in my office from now on."Natigilan si Hashana sa sinabing iyon ni Clifton. Nakadekwatro ito ng upo sa upuan nito at ekis ang brasong minanmanan ang bawat galaw ng dalaga. Magkaharap ang dalawa. Nanatiling nakatayo si Hashana sa harap ni Clifton at walang balak umupo dahil hindi naman niya gustong pahabain pa ang usapan. Nandito lang naman siya para i-follow up ang kanyang pangalang hindi nasali sa bagong re-assignment. "Since my secretary is on leave next week and the rest of the whole month. I am appointing you to be my permanent assistant. Starting this coming monday, ipapalipat ko ang mga gamit mo dito." Clifton is calm yet serious. But despite of his calmness, the authority and stiffness are still there. Nagmistulang bubog iyon sa lalamunan ni Hashana. Pumait ang panlasa niya sa paglunok ng laway rason para masira ang kanyang mukha. Mariin niyang tinitigan si Clifton at nakagat ang panloob na pisngi. Naalala niya ang planong iwasan ito. Seeing their
"Sir, pinapatawag mo daw ako?" Bakas sa boses ng babaeng nurse ang kaba habang nakayukong hinarap si Clifton. Nanginginig ang boses nito at walang ideya kung bakit biglaan siyang pinatawag ng bagong direktor. "Did you do your work properly?""Po? Ginagawa ko po ng maayos ang trabaho ko, doc." Pinagtaob ng babae ang mga palad. Pinaglalaruan nito ang mga daliri na tila ba kabadong-kabado sa narinig. Wala naman siyang naalalang ginawang kapalpakan sa trabaho. "The flowers that I had told you to put in her locker. Are you sure you did your work properly?"Mabilis na naangat ng nurse ang tingin kay Clifton. Sumalubong dito ang nanunubok na mata ng lalaki. "Ginawa ko po ang nais ninyong ilagay sa locker niya ang bulaklak.""Are you sure?"Tumalim ang titig ng lalaki. Marahas nitong naisandal ang likod sa swivel chair nito nang magalang na tumango ang babae. Pinaglaruan niya sa panga ang gamit na signature ballpen. Pinatawag niya ito dahil kagabi ay hindi niya nakitang may bitbit na bul
Samantala, mabilis na pinuntahan ni Clifton ang sariling sasakyan upang sundan ang babae. Kanina pa siya naghihintay dito. He even didn't attend the celebration for welcomed after party galing sa mga board members para lang ma-timingan ang out ng dalaga. He asked his secretary earlier for the assigned schedule of Hashana this month. Pinag-aralan niya iyon at nilista ang mga vacant time nito. Going for his position as head director, doing that thing isn't part of his work. But because she's more important than anything else, of course it's a part of his job to prioritize her before anything else.Kaya naman siya nandito dahil sa babae. Two years of fully healing from eye transplantation is too much time to spend. Kahit gaano niya kagustong balikan at magpakita sa mag-iina pero kailangan niyang unahin muna at ayusin ang sarili. Two years after recovery and he spent his one year to regain his name as obstetrician-gynecologist doctor. Bumalik siya ng trabaho sa dating hospital na pinagtat
If stepping away is the only way to maintain a peaceful life, then Hashana openly embrace that peacefulness. Kung ang taguan at iwasan lang naman ang tanging paraan upang hindi sila magulo ni Clifton, bukas sa pusong gagawin niya iyon.Sapo ang noong binaybay ng dalaga ang parking area ng ospital. Kanina pa natapos ang shift niya ngunit may biglaang operasyon na nangyari. Kinakailangan ng dalawang nurses na mag-aassist, at dahil na tiyempohang bakante siya sa sandaling iyon. Isa ang dalaga sa napiling kasali sa operation.Ramdam nito ang pamamanhid ng buong katawan sa pagod. Alas nwebe na ng gabi. Imbes alas syete ang out niya ay nadagdagan 'yun ng dalawang oras. Malamig ang gabi. May kalakasan ang ihip ng hangin na tumatangay na nakalugay na buhok ng dalaga. Walang mga bituin sa kalangitan kahit ang init naman ng panahon kanina. Inayos ni Hashana ang suot na itim na jacket at binuksan ang naka-off na phone. Sumalubong sa kanya ang text messages ng ina. Nagtipa lang siya ng reply
Kinuha ni Clifton ang mikropono sa babaeng emce saka malalim na tumikhim. At nag-sanhi na naman iyon ng tilian sa loob. Ginawa na iyong pagkakataon ni Hashana para umiwas. "Good morning, everyone. It's my pleasure to be here in front of all of you." Clifton is already facing the crowd. Inilibot nito ang paningin sa buong lugar at muling humantong pabalik kay Hashana at sa lalaking katabi ng babae. Sa klase ng titig nito ay puno ng pagbabanta. Tila ba pinipigilan lang ang sariling huwag sugurin ang dalawa. At tanging nagawa na lang ni Clifton ay paigtingin ang mga panga sa pikong nararamdaman. "To begin with, I feel privileged to be here today as the new Head Director of this outstanding hospital. I would like to thank the board for putting such trust in me and all of you for welcoming me so warmly." Muli ay isinuyod ng ginoo ang mata sa mga taong nasa loob ng hall. "Our hospital is a center of healing and hope, and I am dedicated to preserve and enhance our strengths while con
Gimbal pa rin si Hashana sa mga nangyayari. Nagsisimula na ang programa pero tulala lang siyang nakikinig sa emce na tinatawag at pinakikilala ang bagong senior doctor."Now, let's give a warm welcome to our new respected colleague, Dr. Francis Spencer Li! He's a top-performing OB-GYN doctor with multiple awards and recognitions! Having him join our healthcare institution were a great privilege! Dr. Li, please come forward and share a few words with us."Napatingin si Hashana sa lalaking tumayo patungo sa gitna ng stage. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti nitong nakatingin sa maraming taong nakaantabay kung anong sasabihin nito. Umalingawngaw sa buong hall ang tilian ng mga babae at hindi naman pinapalampas sa tinis ng boses ng mga baklang nurses.Kung wala lang talagang mata na umaarok kay Hashana. Makakangiti na sana siya sa nakakahawang ngiti ng bagong doktor. Ang singkit nitong mata ay lalong sumingkit nung bumungisngis ito. Hindi makikitaan sa lalaki ang kayabangan kahit pa mataas n