Simpleng dinner lang naman ang magaganap pero daig ni Hashana ang sasabak sa giyera dahil sa takot at kabang nararamdaman. With her silver sleeveless fitted backless dress paired with her three inches black stilleto heels. Hashana was ready enough to meet Rheo's parents.
Kaya lang hindi niya na mabilang kung ilang ulit siyang napabuntong-hininga habang lulan sa sasakyan ng kasintahan. Ngayong gabi ang napagkasunduan nila ng binata na imeet ang parents nito. Simula kanina pa din namamawis ang palad niya. Sino ba kasing hindi kakabahan kapag ipapakilala ka sa mga magulang ng taong mahal mo? Sana lang talaga mababait ang parents nito. "Relax, love." Napalabi siya sa pagpapalakas loob ni Rheo. Hawak ng isang kamay nito ang palad niya habang ang isa ay nasa manibela. Naging malalim ang paghinga ni Hashana nang pumasok ang sasakyan ng lalaki sa mataas at malaking gate. Halos malula siya sa laki ng bahay na nasa harapan. She wasn't expected as such elite house. Sa mga oras na iyon napagtanto niya na masyado pa lang mayaman ang pamilya ni Rheo. Mas lalo lang tuloy siyang ginagapangan ng kaba lalo na noong makita ang nakahilerang maid pagkapasok nila sa loob ng bahay. Sobrang kinis ng puting tiles na inaapakan nila. Ang naglalakihang chandeliers sa kisame ang unang makakaagaw ng pansin. Bawat angulo ay may mga physical antique na parang pinagplanuhan talaga ng maayos ang bawat arrangement sa ganda ng pagkakaayos. Nabusog ang mata ni Hashana sa magandang tanawing nakikita. Patuloy silang naglakad ni Rheo. Nakapulupot ang isa nitong braso sa bewang niya. "Son, I'm glad you came. Is this Hashana?" Sinalubong sila ng isang eleganteng babae. Medyo nahiya si Hashana dahil parang mas bata pa ata ito tignan dahil sa puti at ganda. "Yeah. This is my girlfriend, mom, Hashana. Hashana, this is my mom." Alanganing ngumiti si Hashana bago nakipagbeso-beso sa babae. Mukha naman itong mabait, lalo pa't napakamalumanay ng boses nito. "I'm happy to meet you, iha. Ilang beses ka ng nakwento nitong si Rheo sa akin." Napalingon si Hashana sa nobyo nang isiwalat iyon ng ginang. Pa-impress namang kumindat si Rheo sa dalaga. Natawa tuloy siya ganun din ang ina nito. "By the way, mom, where's dad?" Pati siya ay napalingon din sa paligid. Kumupas ang malaking ngiti sa labi ng ginang at hilaw silang nginitian. "Still not home. But don't worry, I'll call." Inawan sila nito kaya iginiya siya ni Rheo papunta sa dining room. Doon na lang daw nila hihintayin ang mga ito. "Clifton," mahinahong tawag ni Rhesa sa asawa sa kabilang linya. "Where are you? Nandito na si Rheo. Didn't I reminded you that we had a dinner with his girlfriend?" Nahilot ng babae ang noo nang walang makuhang sagot sa asawa. "Umuwi ka na. Hihintayin ka namin." "I had a lot of work to do, Rhesa." Natahimik ang babae. Ilang sandali ay huminga ito ng malalim. "Ipagbukas mo muna 'yan. Be with us tonight. Hahanapin ka ni Rheo." Iyon lang at si Rhesa na mismo ang pumutol sa tawag. Pinuntahan nito ang dalawa sa dining room. "Anong sabi ni dad, mom?" Si Rheo nang makaupo ang ina sa bakanteng wooden chair. "He's coming, son." Napasulyap ang babae kay Hashana saka ito tipid na nginitian. Good thing his son pick a right woman. Ilang babae na din kasi ang dinala ng anak niya noon na puro ganda lang ang dala. Halata namang pera lang ang habol ng mga ito kay Rheo. Kahit wala si Clifton, sinimulan na lang ng tatlo ang dinner dahil parang matatagalan ang pagdating ng ginoo. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang marinig ang mabigat na yapak ng sapatos. "I'm sorry, I'm late." Ang malalim at buo nitong boses ang naghari sa kwarto. Lapat ang labing napaangat ng tingin si Hashana dahil kinakabahan siya sa maawtoridad na boses ng lalaki. Nakita niya itong inaayos ang ilang nahuhulog na maliliit na hibla ng buhok nito. Dahan dahan iyong sinusuklay ng lalaki. Subalit saktong nag-angat ito ng tingin ay dumiretso sa kanya. Halos mapugto ang hininga ni Hashana sa nakakalusaw nitong titig. Saglit lang naman iyon dahil ibinaling nito ang atensyon sa asawa. "Join us, Clifton." Alok ni Rhesa sa asawa na tinanguan ni Clifton. Nailang si Hashana sa pormal na kilos ng mag-asawa. Binalingan niya si Rheo nang maglagay ito ng pork steak sa plato niya. "Dad, this is Hashana, my girlfriend. The one that I told you." Nanuyo ang lalamunan ng dalaga nang muling magtagpo ang mata nila ni Clifton. Bahagyang tumaas ang kilay nito habang nakamata sa kanya. "Glad to see you. Did you start working?" Napakurap siya sa bigla nitong tanong. Ang lalim ng boses. "Uh, opo. Salamat po pala sa pagrecommend." Aligaga niyang sagot. Hindi niya kasi inakalang kakausapin siya nito. Ilang araw na din siyang nagtatrabaho sa hospital. Kaya lang hindi naman niya nakita ang lalaki sa hospital kapag may trabaho siya. Sabagay, malabo niya itong makasalubong dahil sa laki ng establishment. "I only did that for Rheo. You thank him, not me." Nakurot ni Hashana ang mga palad, napahiyang iniyuko ang ulo. "Okay, let's close this topic. Kumain na tayo." Ang ina ni Rheo ang pumagitna. Tahimik nga nilang pinagpatuloy ang pagkain. Habang ang dalaga ay pinapakiramdaman lang ang paligid. Hindi siya sanay sa ganito katahimik. Pansin niyang hindi man lang nag-usap ang mag-asawa. "Thank you for coming, iha. I hope you can visit here next time." Malawak ang ngiting nakipagbeso ang dalaga kay Rhesa. Paalis na sila ng nobyo at hinatid sila ng mga ito sa pintuan. Nasa tabi lang ng babae ang asawa na tahimik na nakamasid sa kanila. "Thank you din po sa dinner, tita. Nag-enjoy po ako." "We'll go ahead, mom, dad." "Okay, son. Take care, okay?" Tumango si Rheo saka siya hinapit sa baywang. Kumaway muna siya ang mga magulang ng binata bago sila pumasok sa sasakyan. Roon lang din siya nakahinga ng maluwag pagkapasok. Naubos ata lahat ng enerhiya niya. "Where are you going, Clifton? Let's talk." Bago pa makaalis ang asawa ay pinigilan na ito ni Rhesa. Mahinahong umupo ang babae sa pang-isahang sofa habang nakamata sa nakatalikod na lalaki. Kakaalis lang ng mga bata at alam niyang nagtatangka na namang umalis ang asawa. Ganito naman lagi. Ano pa bang bago? "What do you want to talk? Spill it now. I still have many things to do." Nakapamulsang nilingon ni Clifton ang asawa. Nais nitong matawa sa kaloob-looban dahil suot pa din ng babae ang singsing nila. Ang sa kanya, matagal na niyang hindi sinusuot. Nakalimutan na nga niya kung saan na iyon nailagay. "Is it work again? Wala ka na bang ibang rason? Halos hindi ka nga nagpapakita dito sa bahay." "Wala ka na bang ibang sasabihin? I have to go." "I don't like your rudeness earlier, Clifton. Pinahiya mo ang bata kanina. Rheo is disappointed of what you have said to Hashana." "Did I said wrong? I'm just stating the fact. I only do that for Rheo. I am here now only for him. Now, stop dragging Rheo in this conversation. I'll go ahead." Walang nagawa ang babae nang lumabas ng bahay si Clifton. Disappointed niyang sinundan ng tingin ang asawa. He changed. He really changed a lot.Kinuha ni Clifton ang mikropono sa babaeng emce saka malalim na tumikhim. At nag-sanhi na naman iyon ng tilian sa loob. Ginawa na iyong pagkakataon ni Hashana para umiwas. "Good morning, everyone. It's my pleasure to be here in front of all of you." Clifton is already facing the crowd. Inilibot nito ang paningin sa buong lugar at muling humantong pabalik kay Hashana at sa lalaking katabi ng babae. Sa klase ng titig nito ay puno ng pagbabanta. Tila ba pinipigilan lang ang sariling huwag sugurin ang dalawa. At tanging nagawa na lang ni Clifton ay paigtingin ang mga panga sa pikong nararamdaman."First of all, I am honored to stand before you today as the new Head Director of this exceptional hospital. I want to express my gratitude to the board for entrusting me with this responsibility and to each of you for your warm welcome." Muli ay isinuyod ng ginoo ang mata sa mga taong nasa loob ng hall."Our hospital is a beacon of hope and healing, and I am committed to building on our streng
Gimbal pa rin si Hashana sa mga nangyayari. Nagsisimula na ang programa pero tulala lang siyang nakikinig sa emce na tinatawag at pinakikilala ang bagong senior doctor."Now, let's give a warm welcome to our new respected colleague, Dr. Francis Spencer Li! He's a top-performing OB-GYN doctor with multiple awards and recognitions! Having him join our healthcare institution were a great privilege! Dr. Li, please come forward and share a few words with us."Napatingin si Hashana sa lalaking tumayo patungo sa gitna ng stage. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti nitong nakatingin sa maraming taong nakaantabay kung anong sasabihin nito. Umalingawngaw sa buong hall ang tilian ng mga babae at hindi naman pinapalampas sa tinis ng boses ng mga baklang nurses.Kung wala lang talagang mata na umaarok kay Hashana. Makakangiti na sana siya sa nakakahawang ngiti ng bagong doktor. Ang singkit nitong mata ay lalong sumingkit nung bumungisngis ito. Hindi makikitaan sa lalaki ang kayabangan kahit pa mataas n
Bumuga ng hangin si Hashana at nilingon si doc Bayones na hindi pa din binibitawan ang kamay niya. Nang makitang nakatingin siya rito at nabasa ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay mabilis itong bumitaw. Tumikhim siya. Na realize na baka need niyang turuan ang sariling unawain ang doktor. Susubukan niyang buksan ang pader na iniharang niya sa kanilang dalawa. At kapag wala talaga. Maybe that would be the right time that she should talk to him about those matter."Kilala mo ba kung sino ang papalit kay doc Galo?" usisa niya para basagin ang katahimikan."Yes, I meet him earlier. He's good. He's known in Manila as top performing ob-gyne doctors."Tumango siya. Out of nowhere. Bigla niyang naisip si Clifton. May posibilidad bang ito ang papalit? Kahibangan mang isipin pero he's a type of man that would make the impossible things to possible. Also, kaparehas ni doc Galo ay obstetrician-gynecologist din ang lalaki. Kanina nung sabihin nila Jessa na galing sa Manila ang bagong senior
Minaobra na ni Hashana ang kotse at payapang iniliko ang sasakyan sa main exit. Hatid tanaw ito ni doc Bayones na kung makatingin ay sobrang lalim. Kita sa mata nito ang nakakubling kadiliman at nagbabagang mga titig.Binaling ng lalaki ang mata sa hawak ng bulaklak. Napakahigpit ng kapit nito roon. Halos mabali na ang tangkay ng rosas. Ilang saglit lang ay walang pasubaling nilukumot nito ang rosas. Nadurong ang bulaklak at hindi na maitsura ang mga petals nun. Hindi pa nakuntento at inihulog ito ni doc Bayones sa semento saka gamit ang talampakan ng sapatos ay walang awa nito iyong dinurog. Napangisi ang binata. Para itong baliw na natawa at muling sumeryoso. Nang makontento ay natatawa itong pumasok sa loob ng kotse para umuwi."Saan kayo pupunta?" tanong ni Hashana.Panibagong araw na naman at late siyang nakapasok sapagkat kinausap pa niya ang bagong yaya ni Cheslyn. Madami siyang inihabilin sa ale kung ano ang dapat nitong gawin at tandaan. Nagkaroon din ng aksidente habang p
Is it okay to avoid someone who doesn't have any bad intentions towards you? Ayos lang bang hayaan ang isang taong gumawa ng efforts kung wala ka namang planong tugunan ang pinapakita nito?Everything is so mess up with Hashana. Papalabas na siya sa hospital sapagkat kakatapos lang ng shift niya, ngunit ang balak niyang paghakbang ay nahinto pagkakita kay doc Bayones sa labas. Nakasandal ito sa uluhan ng kotse nito habang nakatingin sa kanyang direksyon.May kalayuan pa man ay dumako ang mata ng dalaga sa bitbit nitong bulaklak. Kunot ang noo niya at napayuko upang tignan ang hawak niyang isang tangkay ng puting rosas. Galing iyon sa locker niya. Kinuha na niya dahil alam na naman niya kung kanino galing.Hindi niya magawang makaiwas pa sa binata sapagkat nilapitan na siya nito. Malawak ang ngiti ng doktor sa kabila ng ginawa niyang pag-iwas kanina.Tipid siyang ngumiti at binati ang huli. Nang sulyapan niya ito. Nakapako na ang titig ng lalaki sa kaliwa niyang kamay kung saan naroon
Tila lahat ng inerhiya ni Hashana pag-uwi ng bahay ay naubos. Nauupos siyang napaupo sa kama at hinilot ang pumipitik na sentido. Kakahatid lang sa kanya ni doc Bayones. Pasado alas diyes na at tanging ang ina na lang ang sumalubong sa kanya pagkarating.Para maibsan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ay napagdesisyunan ng dalaga na tumungo sa banyo para maligo. Baka kapag mababad ang katawan niya sa malamig na tubig ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.Halos kalahating oras din siyang nagbabad sa tubig. Suot ang tartan na pulang pares ng pantulog ay tinunton niya ang silid na panganay. Tulog na ang bata nang silipin niya kaya si Cheslyn naman ang sunod niyang pinuntahan. Just like Jelrex, Cheslyn is already sleeping while tightly hugging one of her favorite unicorn doll.Napangiti siya at nilapitan ang bata. Tumabi si Hashana ng upo sa tabi nito at inilapit ang mukha upang bigyan ito ng halik sa noo. Parang kailan lang kasama pa niya ito sa iisang silid. Ngayon may sarili ng