Share

Kabanata 35

Author: Jhantida
last update Huling Na-update: 2025-07-03 16:24:19

Natapos ang buong araw ay tanging pag-iwas lang ang ginawa ni Hashana sa presensya ni Clifton. Hindi nga nito alam kung paano nairaos ang araw na iyon basta nakikita na lang niya ang sarili na pagod na umuwi sa bahay ng magulang. She was drained physically and emotionally. Mabuti na lang at nang masilayan ng niya ang anak na mahimbing na natutulog sa crib ay nawala bigla ang bigat sa dibdib niya.

Napatitig ang dalaga sa anak. Ang binitawang mga salita ni Clifton kanina ay bumalik sa balintataw niya. Umusli ang mapait na ngiti sa labi ni Hashana habang minimemorya ang wangis ng bata.

Ano ba ang dapat niyang gawin? Tama bang ipagkait niya ang mga ito sa ama nila? Pero iyon lang ang tanging paraan para maprotektahan niya ang mga bata. Iyon lang ang magagawa niya upang hindi masaktan ang mga ito.

"Ano? Sinabi niya 'yon?"

Sa linggo nang sinadyang puntahan ni Hashana si Cathy sa opisina nito sa plantasyon. Pinagtapat niya lahat sa kaibigan ang mga ganap sa buhay nitong nagdaang araw. Kas
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Trap In His Arms   Kabanata 65

    "Naghahanap ka ng yaya ni Cheslyn?"Weekends ngayon. Tuwing linggo ay walang trabaho si Hashana kaya malaya nitong nagagawa ang gustong gawin kapag sunday. Nakipagkita siya sa kaibigan sa isang coffee shop upang kumuha dito ng opinyon tungkol sa pagkuha ng yaya ni Cheslyn. Ilang gabi na din niya iyong inaalala. Alam niyang marami itong kakilala na puwedeng irekomenda. "Oo,"Mahina itong natawa. "Ngayon ka pa talaga kukuha na malaki na si Cheslyn?""Walang magbabantay sa kanya sa school. Hindi ko naman puwedeng iasa kila mama ang pagbabantay. Alam mo ng matatanda na ang mga 'yun.""Sabagay, madami ka namang pera."Sinamaan niya ito ng tingin sa huling tinuran. Hindi lingid sa kaalaman nito ang perang pumapasok sa bank account niya kada buwan. May kalakihan iyon. Wala mang impormasyon kung kanino iyon galing subalit may hinala siyang kay Clifton nanggaling ang pera. Wala siyang ibang taong maisip pa. At sino pa bang ibang tao na pwedeng gumawa nun? Tanging ang lalaki lang naman ang may

  • Trap In His Arms   Kabanata 64

    "Mama, it's unicorn!" Papasok na sila sa loob nang mahagip ni Cheslyn ang isang batang may bitbit na unicorn."Marami ka ng ganyan sa bahay.""But I love unicorns." Lumungkot ang boses nito.Nilingon niya ang bata na kasalukuyang karga ni doc Bayones. Nagboluntaryo itong umakay sa bata nang magpakarga si Cheslyn sa kanya."Sa susunod na lang, Cheslyn. Ibibili kita ng ganyan."Sa halip na sumang-ayon ay humaba ang nguso nito. Nahilot niya ang sentido sapagkat umandar na naman ang pagiging spoiled ni Cheslyn. Kung anong gusto dapat makuha agad-agad."Do you really love that doll, baby girl? Tito can buy you another one like that." Ginatulan na naman ng binata.Nagliwanag ang mata ni Cheslyn sa narinig. "Really po? I really love unicorn dolls, Tito. I have collections po in the house!""Then we will buy unicorns after we eat."Pinandilatan ni Hashana ang lalaki. Ngunit ngumisi lang ito at nakipag-apir sa anak niya. Nawawalang pasensyang hinayaan na lang niya ang mga ito.Magana ang kain

  • Trap In His Arms   Kabanata 63

    "Last patient mo na 'to? Sabay na tayong mag-lunch.""Susunduin ko ang anak ko."Nagpatiuna ang dalaga samantalang nakasunod pa din ang doktor. Lukot ang noong tinaasan niya ito ng kilay upang ipahiwatig kung ano pa ang kailangan ng lalaki."Puwede ba akong sumama sa 'yo sa pagsundo? I can also treat you and your daughter for a lunch. If it's okay with you. Promise steady lang ako. I just want to meet her."Pinagdikit nito ang dalawang palad na animo'y nagmamakaawang payagan niya. Napailing si Hashana, saka nito pinagpatuloy ang paghakbang patungo sa lounge nilang mga nurses para ilagay ang bitbit niyang papel na profile ng mga pasyente at para na din kunin ang susi ng sasakyan."Huwag ka ng sumama," pagtanggi niya. "Why? Hindi ba puwede? Gusto kong makita ang anak mo. Libre ko kayo ng lunch, please."Nagtagpo na ang kilay niyang nilingon ulit ito. "Wala ka bang trabaho?""Wala, tapos ko na kanina. Payag ka na?""Ewan ko sa'yo." Nasabi na lang niya. Kinuha niya sa locker ang susi p

  • Trap In His Arms   Kabanata 63

    The day ended that fast. At kinabukasan ay normal na araw na namang hinatid ni Hashana ang mga anak bago pumasok sa ospital. Gladly walang anino ni doc Bayones ang nangulit sa kanya sa umagang iyon. Naging payapa tuloy ang daloy ng trabaho niya sa pagrorounds sa mga patients. Nasa kalagitnaan ng paglalakad sa hallway si Hashana patungo sa silid ng huling pasyente nang makasalubong niya si doc Galo. He is one of senior doctors from ob-gyne department. Isa itong matandang binatang doktor na tinaguriang may pagkamanyak. Bali-balita sa hospital na nanghihipo ito ma pa pasyente man o empleyado, walang pinipili. Wala lang naglakas loob na magsumbong dahil malakas ang kapit nito sa kataas-taasan. Kahit ilang metro pa lang ay malawak na ang ngisi ng doktor papalapit sa kanya. Napangiwi si Hashana at agad tumabi upang bigyan ito ng malawak na daan. "Good morning, doc." Bati niya na sinabayan ng pagyuko pagkakitang huminto ito mismo sa harap niya."Good morning, nurse Romero. Kumusta umaga

  • Trap In His Arms   Kabanata 61

    Ipinilig ni Hashana ulo saka ito nilagpasan nang makaabot sa binata. "Sungit naman. Wala bang pa good morning diyan?" Binuntunan siya nito. Napairap si Hashana at naniningkit ang matang nilingon ang huli. Pero ang luko, ngumisi lang. Iniusog pa nito ang mukha sa kanya na mabilis niyang ikinaurong. "Good morning," at malawak na ulit ang ngiti. Umikot ang dalawang bilog sa mata ni Hashana. "Umalis ka nga. May trabaho pa ako."Inismiran niya ang lalaki saka dumiretso sa locker nilang mga nurses. Sinundan pa rin siya nito, may pasipol-sipol pa. Napailing na hinarap niya ulit ang binata upang itaboy. Iksaktong may tumawag ditong kasamahang doktor kaya nilubayan din siya sa wakas. Lapat ang labing tinanaw niya ang lalaki at kinuha ang schedule sa araw na iyon bago nag-log in. Matiwasay na ang kalagayan niya dito dahil wala na si Gerly. Ang sabi sa kanya, nasa ibang bansa na ito nagtatrabaho. Napag-alaman din ng dalaga na ilang buwan pagkatapos niyang magresign sa ospital ay nalaman n

  • Trap In His Arms   Kabanata 60

    "Nay, aalis na po kami. Tay, nasa cabinet niyo po ang gamot ninyo."Hinayaan ni Hashana na magmano ang mga anak sa dalawang matanda para magpaalam. "Sige, anak. Ingat kayo ng mga bata."Tumango lang siya. Sunod-sunod na nagflying kiss si Cheslyn sa mga ito kaya pareho sila ng mga magulang na natawa. Kinuha din ni Jelrex ang batang kapatid para maunang pumasok sa sasakyan. Napangiti siya nang makitang maayos na ang pagkakapuwesto ng mga anak sa backseat pagkapasok niya. May kung anong kinakalikot si Cheslyn sa school bag ng kuya nito kaya 'di na naman maipinta ang mukha ni Jelrex. Ngunit hinahayaan lang din naman nito ang bunso. Ipinilig ni Hashana ang ulo bago binuhay ang makina ng sasakyan. Una niyang idadaan si Jelrex sa school nito bago si Cheslyn. Cheslyn is already four years old. Unang araw ng pasukan ngayon at ipapasok niya ang bata sa isang private school bilang preschooler. Half day lang ang klase nito kaya kailangan niyang kausapin ang adviser ng bata tungkol doon. Ihah

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status