"Tapos na rounds mo?"
Isa sa kasamahan na nurse ni Hashana ang nagtanong sa kanya. Naabutan kasi siya nitong naghuhubad sa suot niyang disposable masks. "Oo, break time ko ngayon. Pupunta lang ako sa canteen para bumili ng snacks." "Sabay na tayo. Tapos na din naman ako." Nakita niyang hinubad nito ang suot na surgical gloves at masks. Kinuha na lang niya ang wallet sa locker bago niya ito hinintay na matapos. Sabay silang pumunta sa canteen. Medyo puno na ang mga lamesa nang madatnan nila. "Dito na lang tayo." Sumang-ayon siya kay Laila. Gaya ng babae ay nag-order lang din si Hashana ng sandwich at tubig. Ngumunguya siya ng pagkain nang madako ang mata niya sa entrada ng canteen. Natikom ni Hashana ang nakaawang na bibig habang sinasabayan ng tingin ang bawat hakbang ni Clifton. Hindi lang ito nag-iisa dahil nakita niya kung paano pumulupot ang braso ng lalaki sa bewang ng kasama nitong babaeng doktor. Both of them are wearing their doctor's gown. Naningkit ang mata niya kung paano magtawanan ang dalawa. "That was Doc. Auxilio. He's a obstetrician-gynecologist. While Doc. Flores is a cardiologist." Napasulyap si Hashana kay Laila pero ibinalik din naman nito ang mata pabalik sa ama ni Rheo. "Ganyan na ba talaga sila? I mean, 'yong closeness nila?" Mahinang natawa si Laila sa tanong niya. "Normal lang 'yan. Matagal ng magkaibigan ang dalawa." Naglapat ang labi ni Hashana. Hindi siya naniniwala sa klase ng paghawak ng doktor na babae kay Clifton. Nanatili doon ang mata ng dalaga hanggang mapalingon si Clifton sa pwesto niya. Ang ngiti ng lalaki ay nawala. Napalitan iyon ng kaseryosohan. Nagkatitigan silang dalawa ngunit tinawag ni Doc. Flores ang lalaki. Nang mapadaan sa pwesto nila ang mga ito ay doon lang napag-aralan ng maayos ni Hashana ang buo nitong mukha. Mula sa clean cut nitong buhok. Sa makakapal nitong kilay at pilikmata. Nahinto ang pagsisiyasat niya nang matigil iyon sa kulay gintong mata ng lalaki at matangos na ilong pababa sa mapang-akit nitong labi. Napailing si Hashana sa pamilyar na imaheng pumasok sa isipan. Pinagmasdan niya ang kabuoan sa mukha ni Clifton. Ngunit ang mukha pa rin ni Jelrex ang una niyang naiisip. Huminga siya ng malalim. Tuluyang napadaan ang mga ito sa kanila. Nalanghap pa niya ang naiwang pabango ng mga ito. Pamilyar. Saan ba niya iyon naamoy? "You okay, love?" Sinundo siya ni Rheo kinahaponan. Pareho silang tahimik dalawa pero mukhang hindi makatiis ang binata. Ito na mismo ang nagsalita. Idinantay niya ang ulo sa head rest ng upuan at nginitian ang kasintahan. Gustong isumbong ni Hashana sa nobyo ang nakita kanina. Gusto niyang itanong kung ganoon ba talaga ang ama nito. Kaya lang baka mamasamain ito ng lalaki at mag-over act. Magalit pa ito sa ama at sabihin sa ina nito ang sinabi niya, mahirap na kung magkagulo ang pamilya nito. "Salamat sa paghatid." "Welcome, love. Susunduin kita bukas." Hinalikan siya ni Rheo sa pisngi bago pinaandar ang kotse. Saglit na nanatili si Hashana sa labas at pumasok sa loob. Naabutan niya doon ang kaibigan na nagluluto ng tinulang isda para sa hapunan nila. "Anong mukha 'yan?" Si Cathy habang kaharap niyang kumain. Lumamig na ang sabaw dahil kanina pa iyon pinaglalaruan ng dalaga. Nakadalawang subo pa nga lang ito habang si Cathy ay patapos na. "Nako, Hashana! Kumain ka nga diyan." Nakaismid na iniusog ni Cathy ang iba nilang ulam sa kaibigan. Kanina niya pa napapansin ang pananahimik nito. Sandaling nginusuan ni Hashana ang mapilit na babae. Kahit walang gana at nagsimula siyang sumubo. There is something in her mind that was keep bothering her. Something that hamper her perception with Rheo's father. Kaya lang natatakot siya. Nakakatakot ang mga ideyang naglalaro sa isipan niya. She wanted to tell Cathy about her suspicion about Clifton, but she can't. She can't conclude anything until proven that it was true. Nais man niyang balewalain pero hindi pwede. Hindi pwedeng ang ama ni Jelrex ay ama din ni Rheo. Humigpit ang hawak ni Hashana sa kutsara. Sana hindi totoo ang hinala niya. Sana hindi iyon totoo hanggang mapatunayan niya ang katotohanan. All she need to do is to prove the truth. Nang sa ganon ay matahimik ang isipan niya. "Ako na ang maghuhugas." Dahil ito naman ang nagluto kaya nagpresinta siyang maghugas. Sumang-ayon naman si Cathy at pumasok sa sariling kwarto. Naiwan si Hashana mag-isa. Madali lang naman iyong natapos kaya pumasok na rin siya sa sariling silid pagkatapos. Tinawagan niya ang ina at nakipag-usap sa anak. Sandali lang din iyon dahil matutulog na raw ito. Malalim ang hiningang lumanghap ng sariwang hangin si Hashana sa balkonahe sa kwarto niya. Pinagkatitigan nito ang larawan ng anak na nasa mobile phone. Kahit imposible ay hinihiling niya na sana hindi totoo. Na sana hindi totoong anak nga ni Clifton ang anak niya. "Emergency! Emergency! We need three nurses in delivery room, right now!" Napaayos ang lahat ng tayo nang sumulpot ang head nurse sa lounge ng mga nurses. Monday ngayon kaya sobrang busy ng lahat. Hindi pa man nakakaupo si Hashana pero pati siya ay mabilis na napatayo sa lakas ng boses ni nurse Yan. "Three nurses, now!" Walang sumunod dito. Nagkatinginan silang lima na tanging available na nurse sa oras na iyon. Ang iba ay nagsiyuko, halatang ayaw mapili. Pati din naman siya ay hindi rin gugustuhing sumama dahil kanina pa siya nag-rorounds sa mga patients. Ngayon nga lang ang free time niya. "Ano pang tinutunganga niyo?! Sino ang sasama?" Pero walang sumagot. Frustrated na hinilot ni nurse Yan ang noo at ito na ang nagpili. Magdidiwang na sana si Hashana pero natapon sa kanya ang mata nito. Siya ang last nitong pinili. Wala tuloy sa loob na sumunod silang tatlo dito. Dumating sila sa labas ng delivery room pero hindi inaasahan ni Hashana na si Clifton ang nakaasign na doktor na kasama nila. Suot nito ang surgical gown. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang dahan dahan itong lumingon sa kanila. Pero alam niya na nasa kanya ang mata nito. Tahimik siyang lumunok at umiwas ng tingin. Nagdemo ito sa dapat nilang gawin. Nagbleeding pala ang mother. Kahit wala pa sa kabuwanan ang tiyan ay kailangan nilang mailabas ang bata para walang komplikasyong magyari sa bata at sa ina. Nagdasal din sila na pinapangunahan ng lalaki bago sumabak sa loob. Hashana couldn't stop herself in praising Clifton. Sobrang dedicated at seryoso nito sa trabaho. Kahit nga siguro magpanic at kabahan silang lahat ay parang wala lang ito. He's very professional. Subalit ang ideyang pumasok sa isipan niya na posibleng ito ang ama ni Jelrex. Gusto niyang manghina. It couldn't be. Sa katotohan na ito ang ama ni Rheo. Ayaw din niyang makasira ng pamilya na may pamilya.Kinuha ni Clifton ang mikropono sa babaeng emce saka malalim na tumikhim. At nag-sanhi na naman iyon ng tilian sa loob. Ginawa na iyong pagkakataon ni Hashana para umiwas. "Good morning, everyone. It's my pleasure to be here in front of all of you." Clifton is already facing the crowd. Inilibot nito ang paningin sa buong lugar at muling humantong pabalik kay Hashana at sa lalaking katabi ng babae. Sa klase ng titig nito ay puno ng pagbabanta. Tila ba pinipigilan lang ang sariling huwag sugurin ang dalawa. At tanging nagawa na lang ni Clifton ay paigtingin ang mga panga sa pikong nararamdaman."First of all, I am honored to stand before you today as the new Head Director of this exceptional hospital. I want to express my gratitude to the board for entrusting me with this responsibility and to each of you for your warm welcome." Muli ay isinuyod ng ginoo ang mata sa mga taong nasa loob ng hall."Our hospital is a beacon of hope and healing, and I am committed to building on our streng
Gimbal pa rin si Hashana sa mga nangyayari. Nagsisimula na ang programa pero tulala lang siyang nakikinig sa emce na tinatawag at pinakikilala ang bagong senior doctor."Now, let's give a warm welcome to our new respected colleague, Dr. Francis Spencer Li! He's a top-performing OB-GYN doctor with multiple awards and recognitions! Having him join our healthcare institution were a great privilege! Dr. Li, please come forward and share a few words with us."Napatingin si Hashana sa lalaking tumayo patungo sa gitna ng stage. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti nitong nakatingin sa maraming taong nakaantabay kung anong sasabihin nito. Umalingawngaw sa buong hall ang tilian ng mga babae at hindi naman pinapalampas sa tinis ng boses ng mga baklang nurses.Kung wala lang talagang mata na umaarok kay Hashana. Makakangiti na sana siya sa nakakahawang ngiti ng bagong doktor. Ang singkit nitong mata ay lalong sumingkit nung bumungisngis ito. Hindi makikitaan sa lalaki ang kayabangan kahit pa mataas n
Bumuga ng hangin si Hashana at nilingon si doc Bayones na hindi pa din binibitawan ang kamay niya. Nang makitang nakatingin siya rito at nabasa ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay mabilis itong bumitaw. Tumikhim siya. Na realize na baka need niyang turuan ang sariling unawain ang doktor. Susubukan niyang buksan ang pader na iniharang niya sa kanilang dalawa. At kapag wala talaga. Maybe that would be the right time that she should talk to him about those matter."Kilala mo ba kung sino ang papalit kay doc Galo?" usisa niya para basagin ang katahimikan."Yes, I meet him earlier. He's good. He's known in Manila as top performing ob-gyne doctors."Tumango siya. Out of nowhere. Bigla niyang naisip si Clifton. May posibilidad bang ito ang papalit? Kahibangan mang isipin pero he's a type of man that would make the impossible things to possible. Also, kaparehas ni doc Galo ay obstetrician-gynecologist din ang lalaki. Kanina nung sabihin nila Jessa na galing sa Manila ang bagong senior
Minaobra na ni Hashana ang kotse at payapang iniliko ang sasakyan sa main exit. Hatid tanaw ito ni doc Bayones na kung makatingin ay sobrang lalim. Kita sa mata nito ang nakakubling kadiliman at nagbabagang mga titig.Binaling ng lalaki ang mata sa hawak ng bulaklak. Napakahigpit ng kapit nito roon. Halos mabali na ang tangkay ng rosas. Ilang saglit lang ay walang pasubaling nilukumot nito ang rosas. Nadurong ang bulaklak at hindi na maitsura ang mga petals nun. Hindi pa nakuntento at inihulog ito ni doc Bayones sa semento saka gamit ang talampakan ng sapatos ay walang awa nito iyong dinurog. Napangisi ang binata. Para itong baliw na natawa at muling sumeryoso. Nang makontento ay natatawa itong pumasok sa loob ng kotse para umuwi."Saan kayo pupunta?" tanong ni Hashana.Panibagong araw na naman at late siyang nakapasok sapagkat kinausap pa niya ang bagong yaya ni Cheslyn. Madami siyang inihabilin sa ale kung ano ang dapat nitong gawin at tandaan. Nagkaroon din ng aksidente habang p
Is it okay to avoid someone who doesn't have any bad intentions towards you? Ayos lang bang hayaan ang isang taong gumawa ng efforts kung wala ka namang planong tugunan ang pinapakita nito?Everything is so mess up with Hashana. Papalabas na siya sa hospital sapagkat kakatapos lang ng shift niya, ngunit ang balak niyang paghakbang ay nahinto pagkakita kay doc Bayones sa labas. Nakasandal ito sa uluhan ng kotse nito habang nakatingin sa kanyang direksyon.May kalayuan pa man ay dumako ang mata ng dalaga sa bitbit nitong bulaklak. Kunot ang noo niya at napayuko upang tignan ang hawak niyang isang tangkay ng puting rosas. Galing iyon sa locker niya. Kinuha na niya dahil alam na naman niya kung kanino galing.Hindi niya magawang makaiwas pa sa binata sapagkat nilapitan na siya nito. Malawak ang ngiti ng doktor sa kabila ng ginawa niyang pag-iwas kanina.Tipid siyang ngumiti at binati ang huli. Nang sulyapan niya ito. Nakapako na ang titig ng lalaki sa kaliwa niyang kamay kung saan naroon
Tila lahat ng inerhiya ni Hashana pag-uwi ng bahay ay naubos. Nauupos siyang napaupo sa kama at hinilot ang pumipitik na sentido. Kakahatid lang sa kanya ni doc Bayones. Pasado alas diyes na at tanging ang ina na lang ang sumalubong sa kanya pagkarating.Para maibsan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ay napagdesisyunan ng dalaga na tumungo sa banyo para maligo. Baka kapag mababad ang katawan niya sa malamig na tubig ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.Halos kalahating oras din siyang nagbabad sa tubig. Suot ang tartan na pulang pares ng pantulog ay tinunton niya ang silid na panganay. Tulog na ang bata nang silipin niya kaya si Cheslyn naman ang sunod niyang pinuntahan. Just like Jelrex, Cheslyn is already sleeping while tightly hugging one of her favorite unicorn doll.Napangiti siya at nilapitan ang bata. Tumabi si Hashana ng upo sa tabi nito at inilapit ang mukha upang bigyan ito ng halik sa noo. Parang kailan lang kasama pa niya ito sa iisang silid. Ngayon may sarili ng