Share

Kabanata 5

Author: Jhantida
last update Last Updated: 2025-06-04 17:46:39

In a vague reality, you need to be ready and brave yourself. Kailangang mayroon ka noon para makakaya mong harapin ang katotohanan. Para may lakas ka sakaling maging malinaw lahat ng malabo.

"Pinatawag ko kayo dahil nagrequest si doc. Auxilio na ilagay kayong tatlo sa team niya. But remember that you will still continue your rounds in your designated assignments. Pero kung may manganganak ay automatic na kayo ang mag-aassist kay doc. Am I understood?"

Walang nakaimik sa kanilang tatlo. Kakarating pa lang ni Hashana sa umagang iyon at agad silang pinatawag sa opisina ni nurse Yan. Kasama niya ang dalawang nurse na kasama niyang napili kahapon.

"Am I understood?" pag-uulit ng ginang.

Sabay na tumango ang tatlo. Wala naman silang ibang choice. Kung pwede lang umayaw, gagawin na nila. Hassle iyon dahil di mo alam kung kailan may biglang manganak. Kahit nga siguro free time mo ay kailangan mo pa ring umassist lalo na kapag emergency kahit dapat ay rest time mo.

Aalis na sana silang tatlo pagkatapos magpaalam pero tinawag ang pangalan niya ng ginang.

"Nurse Romero, can you deliver this file to doc. Auxilio? Kailangan niya iyang makita para mapag-aralan ang case ng mother. You give it to him."

Natapon ang mata ng dalaga sa puting folder na inilahad nito. Talagang pinaglalaruan siya ng tadhana. Pero napaisip siya na baka ito ang simula para masimulan ang dapat niyang gawin. Ang kumalap ng ebidensya na magpapatunay na ito ang ama ng anak niya.

Maliit niyang nginitian ang head nurse bago kinuha ang folder. Transparent lang iyon kaya nakikita niya ang laman noon. The mother was experiencing a molar pregnancy.

Nagkasalubong ang kilay niya dahil isa iyong rare complication kung saan may abnormal tissues na nafoform sa uterus imbes sa normal embrayo. This case can result in a non-viable pregnancy at talagang kailangan ng medical intervention.

Iniwas ni Hashana ang mata doon at nagpaalam sa ginang. Nalaman niya kahapon kung saan ang opisina ni Clifton kaya hindi na siya mahihirapang hanapin iyon.

Kumatok muna siya ng dalawang beses bago pumasok sa loob. Nadatnan ni Hashana ang dalawang lalaking doktor sa loob na nag-uusap. Bigla siyang nadismaya dahil hindi pala siya makakahanap ng tiyempo. Hindi siya pamilyar sa isang lalaki kaya itinuon na lang niya ang paningin sa taong pakay.

"Excuse me, doc. Ipinabibigay po ni nurse Yan sa inyo."

Lumakad si Hashana palapit at ibinigay kay Clifton ang files. Ramdam ni Hashana ang mata ng dalawa kaya na conscious siya bigla.

"Thank you, nurse Romero."

Walang salitang tinanguan niya ito at agad na dumistansya. Ni hindi niya kayang tignan ang mga ito dahil naiilang siya sa titig ng mga lalaki. All she can do is to bow her head and left that office.

Marahas siyang bumuga ng hangin pagkalabas. Habang mas maaga kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kailangan niyang makakuha ng buhok o kahit anong bagay kay Clifton para magamit niya pang-dna test sa anak. Iyon lang ang naisip niyang paraan para matuklasan ang tama.

"Who's that? Ngayon ko lang nakita dito." Utas ni Jared kay Clifton nang makalabas ang dalagang nurse.

Nakaarko ang kilay na tinignan ni Clifton ang kaibigang doctor saka ibinalik sa files na ibinigay ni Hashana ang mata.

"She's nurse Romero. Also Rheo's girlfriend."

"Wow, magaling pala pumili ang anak mo."

Ang mahina nitong tawa ang namutawi sa silid. "Kaya lang pamilyar sa'kin."

Napatitig si Clifton sa pintuan na nilabasan ni Hashana at unti-unting tumango sa lalaki. "Yeah, she's also familiar with me."

Kumuha si Jared ng isang ballpen sa pencil box na nakapatong lang sa lamesa at pinaglaruan iyon. "Maybe one of your fling before?"

Sumama ang tingin niya sa kaibigan. "Masyadong bata."

"Bata! Gago nito! Halos lahat nga ng kinakama ko mas bata sa'yo!"

Napailing na lang siya. Hindi din niya alam. Pero pamilyar sa kanya ang dalaga. Parang nakita niya na ito pero hindi niya matandaan kung kailaan, at saan. Kung isa man ito sa fling niya. Talagang hindi niya maalala sa dami.

He can't deny the fact that she gets his attention in that night, the dinner. But of course, he know his limit. That was Rheo's girl. Wala naman siyang balak maging babae ang naging kasintahan ng anak.

"Opening sa club ni Greg mamayang six. Ano, sama ka?"

Tinutukoy nito ang isa nilang kaibigan noong college. Katulad niya ay may pamilya na rin.

"Susunod ako. Alas syete pa out ko."

lalak"Sige. Itetext ko mamaya ang address sa'yo. Aalis na ako. Tapos na break time ko."

Napailing na sinundan niya ng tingin ang paglabas ng lalaki.

"Dahil birthday ko, ililibre ko kayong lahat ngayong gabi!"

Naghiyawan ang lahat ng mga kasamahang nurse ni Hashana nang ideklara iyon sa isa nilang katrabaho. Katabi niya si Laila na katulad niya ay natawa rin.

Kakatapos lang ng night shift niyang pang-alas otso. Kanina nagmessage si Rheo na hindi siya nito masusundo dahil may tatapusin daw. Ayos lang naman dahil pwede naman siyang magtaxi.

"Sasama ka ba?" Binalingan siya ni Laila.

"Hindi ko alam. Ikaw, sasama ka?" tanong niya pabalik.

Wala pa mang sagot ang dalaga ay inistorbo na iyon sa isa nilang kasamahan.

"Nako! Huwag nga kayong kj! Blessings 'to! Blessings! Kaya dapat lahat tayo ay sasama! Di ba, Florence?"

Nakamot ng lalaki ang batok, ito ang may birthday. Halatang nahihiya ito sa pinagsasabi ng kasamahan nila.

Natawa na lang sila at walang magawa kung hindi sumama. Nag-iwan din siya ng message kay Cathy na malalate siya ng uwi.

Akala ni Hashana ay sa isang kainan sila pupunta pero nagulat siya nang huminto ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng isang club. Nagdadalawang-isip tuloy siyang lumabas.

"Ayos ka lang? Tara na."

Kumurap si Hashana. Doon lang napansin na siya na lang mag-isa sa loob habang nasa labas si Laila naghihintay.

Napaiwas tingin siya dito at lumabas. Sabay silang sumunod sa mga kasamahan na atat na atat makapasok.

Halos malula ang dalaga sa dami ng tao sa loob. May live band pa. Roon mas nag-ingay ang katrabaho niya. Inikupa nila ang isang table. May mahahaba iyong dalawang sofa na kasya silang lahat.

Rinig niya ang pagtawag ni Florence sa waiter pero di na niya iyon pinagtuonan ng pansin.

Hashana roamed her gaze around. But then only turns out to find any uninteresting in that place. Madilim sa loob. Ang mga ilaw lang ng disco light ang nangingibabaw sa paligid. Na para sa kanya ay nakakasakit lang sa mata sa sobrang nakakalilong tignan.

Nagsimula silang kumain dahil may pagkain din palang siniserve ang club. Natapos ang live band at saktong tapos rin silang kumain. Nag-order ulit si Florence. Ngunit sa puntong iyon ay mga alak naman. Ang dami. Ni hindi alam ni Hashana kung mauubos ba iyon.

Lalong umingay ang lamesa nila sa paglabas ng bagong tugtog. It was wild but jolly music. Ngumingiwi siya dahil ang lakas uminom ng kasama nila. Wala ding tigil sa pagrefill ng mga alak ang waiter.

"Si nurse Romero ang nasa kabilang lamesa di ba? Ang ingay ng mga kasama niya." Si Jared na sinabayan ng tawa.

Natigil ang paglalaro ni Clifton ng alak sa baso at salubong ang kilay na nilingon ang sinabi ng kaibigan. Hinanap ng mata nito ang dalaga. Agad naglapat ang labi niya nang pumakli iyon sa pinakadulong bahagi.

Hashana was being dragged by one of her colleague. Lasing na ang mga ito at inaaya siyang sumayaw sa gitna. Katulad ni Laila ay umayaw siya. Kaya lang napapayag ng mga ito si Laila, ang resulta siya lang mag-isa ang naiwan sa lamesa. Binalikan siya ng mga ito para kumbinsihing sumayaw.

"Ayos lang talaga ako dito."

Ikinumpas nito ang kamay upang sabihing ayaw niya talaga. Siguro dahil natuto na din siya sa karanasan noon. Nakainom siya ng konti pero hindi naman nakakalasing. In fact, she can go home alone without their company.

Iniwas ni Clifton ang atensyon sa dalaga at tumitig sa alak. Inisang lagok iyon ng binata bago nagsalin ng bago. Lima sila sa lamesa. Si Jared at tatlo pa nilang kaibigan. Walo sana sila pero nagsiuwian ang iba dahil pagagalitan daw ng mga asawa. Gusto niyang matawa sa isiping may curfew ang mga ito. Humigpit ang hawak niya sa baso nang pumasok sa isipan ang asawa.

Sinulyapan ni Clifton ang mga kaibigan bago muling nilingon si Hashana. Gumusot ang noo niya nang makitang tumayo ito. Nakikipagtawanan sa kasama.

Halos patayin na ng lalaki sa titig ang mga napapalingon sa direksyon ng babae. She attracts everyone's attention. Bukod sa may kataasan ang height nito. Hashana's long legs can magnetize all men's eyes. Fitted ang suot nitong jeans na bumakat sa magandang kurba ng balakang at puwit nito. Pinarisan iyon ng itim na sando na makikita ang hulma ng linya sa dibdib ng dalaga. May blazzer iyon pero hinubad ni Hashana kanina dahil naiinitan siya. Nakasanayan kasi nitong magdala ng damit sa trabaho at magbihis tuwing uuwi.

Naghihimutok ang kaloob looban ni Clifton sa inis. Tinunga nito ang alak sa baso saka sumulyap sa kasama. Nag-uusap ang mga ito. Sinubukan niya sumali sa usapan pero inaagaw sa kabilang lamesa ang atensyon siya. Tamang paglingon niya ay hinila na ng kasamahan nito ang babae. Wala sa sariling bigla siyang napatayo. Gumawa pa ng ingay ang pagbaba nito sa baso.

"I'm going home." Si Clifton at walang lingong umalis. Napapantastikuhang sinundan na lamang ng tingin ng mga ito ang lalaki.

"Iisang sasakyan pa din ba tayo?"

"Hindi na! Magpapasundo ako. Kayo?"

"Magtataxi ako. Nakapagbook na ako kanina."

Nahinto sa paglabas ng entrada ng club ang grupo nila Hashana nang makita ang tanyag na doktor sa hospital na kanilang pinagtatrabahuan.

"Doc, good evening po!" Pagbati sa isa sa kanila nang makabawi. Ang kaninang lasing ay tila nabuhay. Sino ba namang hindi mahihiya kung kaharap nila ang isa sa magaling na doktor na si Clifton?

Nakapamulsa ang lalaki habang nakasandal sa railings na nakakonekta sa bungad ng club. Mukha itong may hinihintay.

Inisa-isang pinasadahan ng tingin ni Clifton ang bawat isa hanggang huminto kay Hashana. Parang mapupugto ang hininga nito nang magtagpo ang mata nila ng lalaki. May kung anong gustong ipahiwatig ang titig nito na hindi niya nababasa.

"Nurse Romero," si Clifton na namamaos ang boses.

Kumurap si Hashana. Rinig ng babae ang singhapan ng katrabaho at ang nagtatakang tingin ng mga ito. Nahihiyang umiwas siya ng tingin at tumikhim. Pati siya hindi rin makaget-over! Malamang may paghihinalang nabubuo ngayon sa isip ng kasama niya.

"You'll go ahead. Ako ang maghahatid kay nurse Romero."

Gustong lumubog ni Hashana sa hiya. Mas lumakas yata ang singhapan ng mga kasama niya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito na nakatitig sa kanya. Pati si Laila ay nagtatanong ang tingin bago sumunod sa iba paalis.

Salubong ang kilay na hinarap ni Hashana ang lalaki nang mawala sa tingin ang katrabaho. Ano ang trip nito?

"Alam ba ni Rheo na pumunta ka dito?" Panghihimutok ni Clifton.

Napipilan si Hashana. Hindi niya sinabi sa kasintahan ang pagpunta sa lugar dahil baka mag-alala ito.

"Let's go. Ihahatid na kita."

Nagpatiuna si Clifton. Nanatili sa kinatatayuan si Hashana. Nag-iisip kung sasama ba dito.

"Tito, sandali . . . "

Natikom niya ang bibig nang matalim ang tinging nilingon siya ng lalaki. Palihim na nangitngit ang ngipin ni Clifton at pinagpatuloy ang paglakad sa kinalalagyan ng sasakyan. Tito? Ganon ba talaga siya katanda dito?

Sa inis ay dumiretso si Clifton sa driver's seat at pumasok doon. Ni hindi nito pinagbuksan ang dalaga o hinintay man lang makapasok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trap In His Arms   Kabanata 72

    Kinuha ni Clifton ang mikropono sa babaeng emce saka malalim na tumikhim. At nag-sanhi na naman iyon ng tilian sa loob. Ginawa na iyong pagkakataon ni Hashana para umiwas. "Good morning, everyone. It's my pleasure to be here in front of all of you." Clifton is already facing the crowd. Inilibot nito ang paningin sa buong lugar at muling humantong pabalik kay Hashana at sa lalaking katabi ng babae. Sa klase ng titig nito ay puno ng pagbabanta. Tila ba pinipigilan lang ang sariling huwag sugurin ang dalawa. At tanging nagawa na lang ni Clifton ay paigtingin ang mga panga sa pikong nararamdaman."First of all, I am honored to stand before you today as the new Head Director of this exceptional hospital. I want to express my gratitude to the board for entrusting me with this responsibility and to each of you for your warm welcome." Muli ay isinuyod ng ginoo ang mata sa mga taong nasa loob ng hall."Our hospital is a beacon of hope and healing, and I am committed to building on our streng

  • Trap In His Arms   Kabanata 71

    Gimbal pa rin si Hashana sa mga nangyayari. Nagsisimula na ang programa pero tulala lang siyang nakikinig sa emce na tinatawag at pinakikilala ang bagong senior doctor."Now, let's give a warm welcome to our new respected colleague, Dr. Francis Spencer Li! He's a top-performing OB-GYN doctor with multiple awards and recognitions! Having him join our healthcare institution were a great privilege! Dr. Li, please come forward and share a few words with us."Napatingin si Hashana sa lalaking tumayo patungo sa gitna ng stage. Hindi mapuknat-puknat ang ngiti nitong nakatingin sa maraming taong nakaantabay kung anong sasabihin nito. Umalingawngaw sa buong hall ang tilian ng mga babae at hindi naman pinapalampas sa tinis ng boses ng mga baklang nurses.Kung wala lang talagang mata na umaarok kay Hashana. Makakangiti na sana siya sa nakakahawang ngiti ng bagong doktor. Ang singkit nitong mata ay lalong sumingkit nung bumungisngis ito. Hindi makikitaan sa lalaki ang kayabangan kahit pa mataas n

  • Trap In His Arms   Kabanata 70

    Bumuga ng hangin si Hashana at nilingon si doc Bayones na hindi pa din binibitawan ang kamay niya. Nang makitang nakatingin siya rito at nabasa ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay mabilis itong bumitaw. Tumikhim siya. Na realize na baka need niyang turuan ang sariling unawain ang doktor. Susubukan niyang buksan ang pader na iniharang niya sa kanilang dalawa. At kapag wala talaga. Maybe that would be the right time that she should talk to him about those matter."Kilala mo ba kung sino ang papalit kay doc Galo?" usisa niya para basagin ang katahimikan."Yes, I meet him earlier. He's good. He's known in Manila as top performing ob-gyne doctors."Tumango siya. Out of nowhere. Bigla niyang naisip si Clifton. May posibilidad bang ito ang papalit? Kahibangan mang isipin pero he's a type of man that would make the impossible things to possible. Also, kaparehas ni doc Galo ay obstetrician-gynecologist din ang lalaki. Kanina nung sabihin nila Jessa na galing sa Manila ang bagong senior

  • Trap In His Arms   Kabanata 69

    Minaobra na ni Hashana ang kotse at payapang iniliko ang sasakyan sa main exit. Hatid tanaw ito ni doc Bayones na kung makatingin ay sobrang lalim. Kita sa mata nito ang nakakubling kadiliman at nagbabagang mga titig.Binaling ng lalaki ang mata sa hawak ng bulaklak. Napakahigpit ng kapit nito roon. Halos mabali na ang tangkay ng rosas. Ilang saglit lang ay walang pasubaling nilukumot nito ang rosas. Nadurong ang bulaklak at hindi na maitsura ang mga petals nun. Hindi pa nakuntento at inihulog ito ni doc Bayones sa semento saka gamit ang talampakan ng sapatos ay walang awa nito iyong dinurog. Napangisi ang binata. Para itong baliw na natawa at muling sumeryoso. Nang makontento ay natatawa itong pumasok sa loob ng kotse para umuwi."Saan kayo pupunta?" tanong ni Hashana.Panibagong araw na naman at late siyang nakapasok sapagkat kinausap pa niya ang bagong yaya ni Cheslyn. Madami siyang inihabilin sa ale kung ano ang dapat nitong gawin at tandaan. Nagkaroon din ng aksidente habang p

  • Trap In His Arms   Kabanata 68

    Is it okay to avoid someone who doesn't have any bad intentions towards you? Ayos lang bang hayaan ang isang taong gumawa ng efforts kung wala ka namang planong tugunan ang pinapakita nito?Everything is so mess up with Hashana. Papalabas na siya sa hospital sapagkat kakatapos lang ng shift niya, ngunit ang balak niyang paghakbang ay nahinto pagkakita kay doc Bayones sa labas. Nakasandal ito sa uluhan ng kotse nito habang nakatingin sa kanyang direksyon.May kalayuan pa man ay dumako ang mata ng dalaga sa bitbit nitong bulaklak. Kunot ang noo niya at napayuko upang tignan ang hawak niyang isang tangkay ng puting rosas. Galing iyon sa locker niya. Kinuha na niya dahil alam na naman niya kung kanino galing.Hindi niya magawang makaiwas pa sa binata sapagkat nilapitan na siya nito. Malawak ang ngiti ng doktor sa kabila ng ginawa niyang pag-iwas kanina.Tipid siyang ngumiti at binati ang huli. Nang sulyapan niya ito. Nakapako na ang titig ng lalaki sa kaliwa niyang kamay kung saan naroon

  • Trap In His Arms   Kabanata 67

    Tila lahat ng inerhiya ni Hashana pag-uwi ng bahay ay naubos. Nauupos siyang napaupo sa kama at hinilot ang pumipitik na sentido. Kakahatid lang sa kanya ni doc Bayones. Pasado alas diyes na at tanging ang ina na lang ang sumalubong sa kanya pagkarating.Para maibsan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ay napagdesisyunan ng dalaga na tumungo sa banyo para maligo. Baka kapag mababad ang katawan niya sa malamig na tubig ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.Halos kalahating oras din siyang nagbabad sa tubig. Suot ang tartan na pulang pares ng pantulog ay tinunton niya ang silid na panganay. Tulog na ang bata nang silipin niya kaya si Cheslyn naman ang sunod niyang pinuntahan. Just like Jelrex, Cheslyn is already sleeping while tightly hugging one of her favorite unicorn doll.Napangiti siya at nilapitan ang bata. Tumabi si Hashana ng upo sa tabi nito at inilapit ang mukha upang bigyan ito ng halik sa noo. Parang kailan lang kasama pa niya ito sa iisang silid. Ngayon may sarili ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status