"Mama, it's unicorn!" Papasok na sila sa loob nang mahagip ni Cheslyn ang isang batang may bitbit na unicorn."Marami ka ng ganyan sa bahay.""But I love unicorns." Lumungkot ang boses nito.Nilingon niya ang bata na kasalukuyang karga ni doc Bayones. Nagboluntaryo itong umakay sa bata nang magpakarga si Cheslyn sa kanya."Sa susunod na lang, Cheslyn. Ibibili kita ng ganyan."Sa halip na sumang-ayon ay humaba ang nguso nito. Nahilot niya ang sentido sapagkat umandar na naman ang pagiging spoiled ni Cheslyn. Kung anong gusto dapat makuha agad-agad."Do you really love that doll, baby girl? Tito can buy you another one like that." Ginatulan na naman ng binata.Nagliwanag ang mata ni Cheslyn sa narinig. "Really po? I really love unicorn dolls, Tito. I have collections po in the house!""Then we will buy unicorns after we eat."Pinandilatan ni Hashana ang lalaki. Ngunit ngumisi lang ito at nakipag-apir sa anak niya. Nawawalang pasensyang hinayaan na lang niya ang mga ito.Magana ang kain
"Last patient mo na 'to? Sabay na tayong mag-lunch.""Susunduin ko ang anak ko."Nagpatiuna ang dalaga samantalang nakasunod pa din ang doktor. Lukot ang noong tinaasan niya ito ng kilay upang ipahiwatig kung ano pa ang kailangan ng lalaki."Puwede ba akong sumama sa 'yo sa pagsundo? I can also treat you and your daughter for a lunch. If it's okay with you. Promise steady lang ako. I just want to meet her."Pinagdikit nito ang dalawang palad na animo'y nagmamakaawang payagan niya. Napailing si Hashana, saka nito pinagpatuloy ang paghakbang patungo sa lounge nilang mga nurses para ilagay ang bitbit niyang papel na profile ng mga pasyente at para na din kunin ang susi ng sasakyan."Huwag ka ng sumama," pagtanggi niya. "Why? Hindi ba puwede? Gusto kong makita ang anak mo. Libre ko kayo ng lunch, please."Nagtagpo na ang kilay niyang nilingon ulit ito. "Wala ka bang trabaho?""Wala, tapos ko na kanina. Payag ka na?""Ewan ko sa'yo." Nasabi na lang niya. Kinuha niya sa locker ang susi p
The day ended that fast. At kinabukasan ay normal na araw na namang hinatid ni Hashana ang mga anak bago pumasok sa ospital. Gladly walang anino ni doc Bayones ang nangulit sa kanya sa umagang iyon. Naging payapa tuloy ang daloy ng trabaho niya sa pagrorounds sa mga patients. Nasa kalagitnaan ng paglalakad sa hallway si Hashana patungo sa silid ng huling pasyente nang makasalubong niya si doc Galo. He is one of senior doctors from ob-gyne department. Isa itong matandang binatang doktor na tinaguriang may pagkamanyak. Bali-balita sa hospital na nanghihipo ito ma pa pasyente man o empleyado, walang pinipili. Wala lang naglakas loob na magsumbong dahil malakas ang kapit nito sa kataas-taasan. Kahit ilang metro pa lang ay malawak na ang ngisi ng doktor papalapit sa kanya. Napangiwi si Hashana at agad tumabi upang bigyan ito ng malawak na daan. "Good morning, doc." Bati niya na sinabayan ng pagyuko pagkakitang huminto ito mismo sa harap niya."Good morning, nurse Romero. Kumusta umaga
Ipinilig ni Hashana ulo saka ito nilagpasan nang makaabot sa binata. "Sungit naman. Wala bang pa good morning diyan?" Binuntunan siya nito. Napairap si Hashana at naniningkit ang matang nilingon ang huli. Pero ang luko, ngumisi lang. Iniusog pa nito ang mukha sa kanya na mabilis niyang ikinaurong. "Good morning," at malawak na ulit ang ngiti. Umikot ang dalawang bilog sa mata ni Hashana. "Umalis ka nga. May trabaho pa ako."Inismiran niya ang lalaki saka dumiretso sa locker nilang mga nurses. Sinundan pa rin siya nito, may pasipol-sipol pa. Napailing na hinarap niya ulit ang binata upang itaboy. Iksaktong may tumawag ditong kasamahang doktor kaya nilubayan din siya sa wakas. Lapat ang labing tinanaw niya ang lalaki at kinuha ang schedule sa araw na iyon bago nag-log in. Matiwasay na ang kalagayan niya dito dahil wala na si Gerly. Ang sabi sa kanya, nasa ibang bansa na ito nagtatrabaho. Napag-alaman din ng dalaga na ilang buwan pagkatapos niyang magresign sa ospital ay nalaman n
"Nay, aalis na po kami. Tay, nasa cabinet niyo po ang gamot ninyo."Hinayaan ni Hashana na magmano ang mga anak sa dalawang matanda para magpaalam. "Sige, anak. Ingat kayo ng mga bata."Tumango lang siya. Sunod-sunod na nagflying kiss si Cheslyn sa mga ito kaya pareho sila ng mga magulang na natawa. Kinuha din ni Jelrex ang batang kapatid para maunang pumasok sa sasakyan. Napangiti siya nang makitang maayos na ang pagkakapuwesto ng mga anak sa backseat pagkapasok niya. May kung anong kinakalikot si Cheslyn sa school bag ng kuya nito kaya 'di na naman maipinta ang mukha ni Jelrex. Ngunit hinahayaan lang din naman nito ang bunso. Ipinilig ni Hashana ang ulo bago binuhay ang makina ng sasakyan. Una niyang idadaan si Jelrex sa school nito bago si Cheslyn. Cheslyn is already four years old. Unang araw ng pasukan ngayon at ipapasok niya ang bata sa isang private school bilang preschooler. Half day lang ang klase nito kaya kailangan niyang kausapin ang adviser ng bata tungkol doon. Ihah
Life can sometimes be a roller coaster. Minsan may mga taong dadating, minsan naman may aalis upang magsilbing aral lamang. Some people might be the happiest, yet others maybe in the darkest. And if moving forward is a key to keep life moving, then Hashana would gladly do that. "Ma, pakitingnan naman po si Cheslyn sa kwarto. Baka gising na po."Binaliktad muna nito ang pinipritong ham saka nilingon ang inang nag-aayos ng mga plato sa hapag. Nakalatag na din doon ang ibang ulam na niluto niya kanina. Nakita ni Hashana na tumango ito at iniwan saglit ang ginagawa. Sakto namang sumulpot si Jelrex na bagong ligo. Hindi pa nito suot ang uniporme nito at nakapambahay pa lamang. "Good morning, ma." Nilapitan ng bata ang ina at humalik sa pisngi nito. "Good morning din, nak. Maupo ka na diyan. Ihahain ko lang 'to."Tinapos niya ang ginagawa. Tinawag na rin niya ang amang nanunuod ng balita sa salas na nakasanayan na nito tuwing umaga. Nang makita sa bungad ng kusina ang ginang na akay-ak