LOGINYour comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
“ANONG NANGYARI SA ‘YO?”“Pagod na ako. Let’s stop our walk here for today. Babalik na ako.” Pagkasabi no’n, agad na tumalikod si Damion para bumalik sa loob. “Sandali!”Napahinto si Damion. Wala na siyang choice kundi lumingon kay Czarina.Tinitigan siya ni Czarina nang masama bago iritang nagsalita. “Hindi pa nga tayo nakakarating sa garden, may gana ka nang magsabing pagod ka? Para saan pa at nilantakan mo lahat ng pagkain sa mesa kung gano’n?!”“Eating a lot doesn’t mean I have the strength.”Bahagyang napangiwi si Czarina. “Gusto mo bang humiram ako ng wheelchair para sa’yo?”Bahagyang gumalaw ang mga labi ni Damion, pero sa huli ay sumuko rin siya.“Okay. I’ll go sunbathe. Let’s go.”“Hmph. Ang arte. Para bang agrabyado.” Napairap si Czarina habang naglalakad ulit. “Akala ba niya gustong-gusto ko siyang lapitan nang ganito ka-close?”Pero nang sumulyap siya sa gilid, napansin niyang mahigpit na nakahawak ang kamay ni Damion sa laylayan ng bathrobe niya. Para bang maingat itong
MAG-UUSAP PA SANA SINA CZARINA AT TITO FRAN nang biglang dumating ang kasambahay na aligaga at balisa.“Madam, umiiyak po si Tiantian. Mukhang hinahanap po kayo.”“Oh, pupunta na ako.”Mabilis na sumunod si Czarina sa maid habang sinisisi ang sarili. Paano niya nakalimutang kamustahin si Tiantian nang gano’n katagal?Pagdating nila sa silid ni Alejandro, hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay narinig na niya ang malakas at malungkot na iyak ni Tiantian.Agad niyang binuksan ang pinto at pumasok. “Mommy’s here. Good baby, huwag ka nang umiyak.”Kinuha ni Czarina si Tiantian mula sa mga bisig ni Alejandro at marahang kinarga ito.Mukhang labis na nasaktan ang damdamin ng bata. Sumandal ito sa balikat ni Czarina, at hindi nagtagal ay nabasa na ng mga luha nito ang damit niya.Mabuti na lang at unti-unting kumalma si Tiantian. Sa huli, humihikbi na lang ito at hindi na tuluyang umiiyak.Nang tuluyan nang kumalma ang bata, hinalikan ni Czarina ang noo nito. Hindi niya maiwasang masaktan
HINDI NA PINANSIN PA NI CZARINA si Damion at walang sabi-sabi itong lumabas ng silid. Magulo ang isip ni Czarina ngayon, kaya gusto niyang maghanap ng tahimik na lugar para pakalmahin ang sarili.Para hindi siya madisturbo, nagpunta siya sa hardin at nagtago sa may malaking puno.Gusto niyang isa-isahin sa isip ang lahat ng sinabi ni Damion, pero nanginginig ang mga daliri niya at hindi niya talaga kayang mag-concentrate.Kaya ipinikit na lang niya ang mga mata niya at pinilit na pakalmahin ang sarili. Buhay pa si Kuya…Paulit-ulit na umikot sa isip niya ang mga salitang iyon. Unti-unti ring kumalma ang paghinga niya. Pero hindi nagtagal, may marahang yabag na papalapit sa kanya.“Zari?”Nang marinig niya ang kalmadong boses ni Tito Fran, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Czarina. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya.“Ikaw nga. Ang lamig dito. Bakit ka naman nakaupo rito?”Yumuko si Czarina at mahina ang sagot. “I… gusto ko lang maglakad-lakad dito. Tapos naupo muna ako nang mapago
“I LIKE YOU.”Agad na nanlisik ang mga mata ni Czarina kay Damion, na para bang kaya siyang sunugin ng tingin.Hay.Sa tuwing umaamin siya ng feelings niya, lagi lang siyang nakakatanggap ng malamig na tingin mula kay Czarina. Pakiramdam tuloy ni Damion, unti-unting niyuyurakan ang natitirang self-esteem niya.Pero kahit niyuyurakan na iyon, wala rin naman siyang magagawa. Pupulutin niya pa rin ito, lilinisin, at itatabi para magamit ulit sa susunod.“Okay, okay. Hindi na ako magsasalita,” sabi niya sa mahinahong tono. “Every time I try to speak my mind, lagi mo akong tinitingnan nang ganyan.”“Sino bang gustong makarinig ng true feelings mo? Bilisan mo na lang—”“Eating, right?” mabilis na salo ni Damion. “Let’s eat. Mauubos ko rin ‘to.”Tinupad naman ni Damion ang sinabi niya. Kahit mabagal siyang kumain, naubos pa rin niya ang lahat ng pagkain.Pagkatapos kumain at uminom nang sapat, napahawak si Damion sa tiyan niya. Biglang kumunot ang mukha nito na para bang nasasaktan.Ano na n
“WHATEVER YOUR REASON, I’M HAPPY TO SEE YOU.”Gusto sanang lumapit ni Damion kay Czarina pero nang maalala niya ang tungkol sa leg niya, sumuko rin siya.Napatingin si Czarina kay Damion at napansin niyang malaki ang ibinawas ng timbang nito, kaya mas naging defined ang mga features niya. Bahagyang nakababa ang mga mata nito, at ang makapal nitong pilikmata ay nag-iwan ng anino sa mukha niya, na para bang may kung anong hindi masabi.Kapag may sakit ang ibang tao, nanghihina at mukhang kawawa. Bakit itong lalaking ’to, lalo pang gumwapo? Baka nagpa-plastic surgery at nagpapahinga lang para matapos ang recovery period?Biglang may pumasok na kung ano sa isip ni Czarina, pero nang mapansin niyang nakangiti sa kanya si Damion, agad niyang inayos ang ekspresyon niya.“Stop saying such mushy things. Hey, I’m asking you, ano ba talagang sakit mo? Bakit ka araw-araw nasa kuwarto at hindi lumalabas?”Nakangiting tumingin si Damion sa kanya. “Are you concerned about me?”“Paano ka nagkakaroon
“ANO INIISIP MO?” tanong ni Wendy nang makitang tulala si Czarina matapos itong pagsalinan ng tsaa bago umupo sa tapat niya.Nang mag-angat ng tingin si Czarina, nakasalubong niya ang nagtatakang tingin ni Wendy. Sinundan nito ang tingin niya at nakita ang mga sasakyan sa harapan.“Ano’ng tinitingnan mo, Zari?”Inilihis ni Czarina ang tingin at nagkunwaring normal lang. “Wala. Medyo pagod lang ako at napaisip.”“Oh, uminom ka muna ng black tea. Hindi naman mukhang ganoon kainit ngayon, pero buong umaga tayong naarawan. Pula na tuloy ang balat ko.”“May aloe vera face mask ako. Pagbalik natin sa Marquez Family home, ipapahid ko sa’yo.”“Pagbalik natin sa Marquez Family home?”Ngumisi si Czarina. “Of course. Kung hindi, paano ko naman mauubos ang basket ng mga gulay na binigay mo?”Tuwang-tuwa si Wendy. “Kung gano’n, kukuha rin ako mamaya ng isang matabang tupa.”“Are you kidding me? Pinapakain lang natin ng damo, tapos kakainin mo rin pala?”“Pinapakain natin ng damo para tumaba at mag
“HE’S… HE’S STILL THE BABY’S FATHER.”Hindi agad sumagot si Carlo. Pero pagkatapos ng ilang segundo, tumango siya. “Don’t worry,” sagot niya. “Hindi siya kasama.”“Hindi… Kasama?”Parang bumagal ang tibok ng puso niya.Oo nga naman. Sa status ni Damion, bakit siya mismo ang hahabol nang ganito?Hind
IBA NA ANG PAGBUBUNTIS ni Czarina ngayon—hindi siya masyadong inaantok pero sobrang weird ng panlasa niya. ‘Yong mga dati niyang favorite, hindi na niya maatim, habang naadik naman siya sa maaasim tulad ng manggang hilaw—specifically mango carabao.Inaalagaan siya ng pamilya niya, pero habang tumata
“THIS WAS YOUR CHOICE.”Gumalaw ang panga ni Damion. “Hindi ko pinprotektahan si Cassy. I just haven’t thought of a good way to deal with her yet.”Napaismid si Czarina, hindi naniniwala. “Simple lang naman, Damion. Ibigay mo siya sa mga pulis at sila na ang bahala. Or kung gusto mo, putulin mo ang
MATIGAS ang ulo ni Czarina kaya sinundan na lang siya ni Damion para siguraduhing ayos siya. Pagkatapos ng exhibition, nagustuhan na ni Czarina ang mga artwork at napaisip pang bumili ng ilang handicrafts para sa sarili niya at sa lola niya.Habang pumipili siya, sandaling lumayo si Damion para sagu







