MasukPAGKABALIK ng kompanya nina Czarina at Lena, kumalat agad ang balita. Lahat ay nagulat nang malaman na nakuha nila ang exclusive interview with the President of Marquez Group.
Halos lahat ay naiingit at nagseselos. Sino ba naman hindi? Si Damion Marquez iyon! The Legendary President of Marquez Group!
Sapat na ang isang exclusive interview kay Damion Marquez para lumagpas ang performance ng buong magazine sa target for the year. Ang bigat ng pangalan niya ay mas mabigat pa kaysa pinagsamang interviews ng lahat ng sikat na tao na na-feauture nila in twelve months.
Agad na nilapitan ni Wendy, ang bestfriend at kapwa intern ni Czarina. Hawak-hawak ang kamay niya, nakangisi at halatang excited.
“Dai, spill the coffee! Gwapo ba talaga si Mr. Marquez? Matangkad? Matipuno? Nakakalaglag panty ba? Huy! Salita ka, babae! Hindi pwedeng ikaw lang ang nakakaalam!”
Niyuyugyog ni Wendy ang kaibigan para malaman kung totoo nga ang sabi-sabi tungkol kay Damion Marquez. Nakikita niya lang ito sa television, news, magazines at iilang larawan sa internet, pero maraming nagsasabi na mas gwapo ito sa personal.
Totoo—sobrang gwapo ng lalaking iyon, parang isang Greek god na bumaba sa lupa. Pero higit pa sa itsura, may mas malaking problema siyang kinakaharap.
Hindi matapatan ni Czarina ang tingin ng kaibigan. “Wenwen, anong full name ni Mr. Marquez? Alam mo ba?”
Napakunot naman ng noo si Wendy, saka hinampas ang balikat ng kaibigan at natawa.
“Girl! Seryoso, hindi mo alam?” tanong niya hindi mapakaniwala, pero natatawa pa rin siya.
Nang makitang napanguso ang kaibigan ay tumikhim ito at umayos ng upo. “Hindi mo talaga kilala?”
Mas lalong napahalumbaba si Czarina. “Tatanungin ko ba kung kilala ko?”
Taimtim na tinitigan ni Wendy ang kaibigan at nang makitang seryoso ito ay huminga ito ng malalim.
“Kilala si Mr. Marquez hindi lang sa siyudad natin kundi sa buong mundo. Alam mo bang sobrang yaman no’n? Sobrang mayaman pa kay Billgates!” wika ni Wendy. “He’s Damion Marquez. Pinoy na may lahing espanyol, mga ninuno niyang may lahing royal blood, that means, he is too.”
Parang binagsakan ng langit at lupa si Czarina.
“Da…Damion Marquez…”
Namutla si Czarina sa kinauupuan. Tama ang kanyang hinala. Ang taong dapat nilang i-interviewhin bukas ay walang iba kundi ang fiance niya na kahapon lang siya pinilit na ma-engage!
Hindi niya alam kung good luck o bad luck ang tawag dito. Good luck kasi may mag-aasikaso ng hospital bills ng lola niya o bad luck dahil isang demonyo ang naging fiance niya?
Bakit siya ang gustong mag-interview rito? Bakit?
“Wait…” aniya sabay napatitig sa monitor. “Kilala niya ba ako? Nakangiti siya kanina… Namukhaan niya ba ako?”
Napatawa si Czarina sabay kaway ng kanyang kamay. At muling napatigil. “Pero sobrang dilim ng kwarto ko. I didn’t even saw his face…”
Muling napasimangot si Czarina, tinatadyak ang paa sa ilalim ng lamesa, tila nababaliw na ginulo ang buhok saka niya marahang pinukpukpok ang noo sa lamesa.
Nagulat si Wendy sa kanyang nakita. Agad niyang nilapitan muli ang kaibigan at pinatong ang kamay sa lamesa para masalo ang ulo ng kaibigan.
“Hey!” tawag ni Wendy sa kanya. “What’s happening with you, Zari?”
Naguguluhan ito sa inaakto ng kaibigan na para bang may matinding sakunang darating sa buhay nito.
“A-Ayos lang ako…” tugon niya pero sa loob niya ay sumisigaw na siya.
“Ayos lang? Seryoso ka diyan, Zari?!” Muli niyang naalala ang ginawa sa kanya ng lalaki kagabi. Napakagat siya ng labi at napayakap sa sarili.
“Damion… he hates me… Paano kung gamitin niya ang interview na ‘to para gantihan ako?” bulong niya sa sarili.
Mas lalong sumikip ang dibdib ni Czarina sa mga pinag-iisip. Mas lalo siyang mababaliw kung itutuloy ang interview sa lalaki.
“Hindi pwede. Hindi ko kayang gawin ang interview na ‘to!”
Dali-daling tumayo si Czarina at nagtungo sa office ni Lena. Nandoon ito, nag-aayos ng gamit. Pagkakita niya kay Czarina agad niya itong binigyan ng folder.
“Here,” wika nito. “Nand’yan ang impormasyon tungkol kay Mr. Marquez. Basahin mo ng mabuti ngayong gabi para hindi ka magkamali bukas.”
Pero hindi kinuha ni Czarina ang folder. “Chief Nana, pasensya na po, pero medyo hindi po ako okay.” Pagdadahilan niya. She wanted to be out of this interview thing with Damion Marquez. Ayaw niyang makasalamuha pa ang lalaki. “Pwedeng ibang tao na lang ang pumunta bukas para sa interview?”
Halos mabitawan ni Lena ang hawak niyang bag sa narinig. Tinitigan niya si Czarina na parang tanga.
“Are you kidding me?” Sarkastimong saad ni Lena. “The chance to interview Damion Marquez is once in a lifetime! Ibinigay sayo yung oportunidad na yan, tapos gusto mong ibigay sa iba? At higit sa lahat—ikaw mismo ang pinili ni Mr. Marquez!”
Kumunot ang noo ni Lena na napatingin sa babae na may pagdududa. “Wait,” aniya, nanlilisik ang mga mata. “Do you know him?”
Tumigil ang tibok ng puso ni Czarina, pigil hininga rin ito sa tanong sa kanya ng chief-in-editor nila.
“H-Hindi po!” mabilis na tugon ni Czarina. “Hindi ko po siya kilala!”
Ayaw ipaalam ni Czarina ang relasyon ng dalawa lalo na’t alam niyang galit sa kanya si Damion. Ang ginawa ng lalaki sa kanya kagabi ay isang babala. Kaya alam niya kung saan lulugar at ang ipagsabing fiance siya nito ay hindi tama.
Hindi na rin nagduda pa si Lena. Imposible ring magkaroon ng koneksyon ang isang intern na katulad niya sa katulad ni Damion Marquez.
But for the sake of the interview, her tone changed. “Since si Mr. Marquez mismo ang pumili sa’yo, wala kang choice. You must come with me tomorrow. No more excuses.”
Agad na nag-panic si Czarina. “No way! A-Ayoko pumunta!” Mabilis niyang protesta. Pag naiisip niya pa lang ang malamig na tinig ni Damion at ang kawalanghiyaan nito kagabi ay nanginginig na siya.
“That man has bad intentions! Why would he choose me, kung wala, right?” wika sa sarili.
“Czarina Melody Ocampo!” bulyaw ni Lena sabay hampas ng mga kamay sa lamesa, hindi na nakapagtimpi. “Hindi kita tinatanong. I’m ordering you. Kung ayaw mong sumama sa interview bukas, then pack your things and leave this company. You’re fired.”
Napatulala si Czarina. Gusto niya rin sanang isigaw na “Fine, I quit!” Pero hindi pwede. Kung bumagsak siya sa internship niya, hindi siya makakapagtapos ng degree niya at wala rin siyang magiging trabaho sa hinaharap. Reality cornered her, forcing her to bow her head.
“I… I understand,” mahinang tugon niya, nakakuyom ang dalawang kamay sa magkabilang gilid.
Kalmado man ang boses, pero sa loob, wasak na wasak siya. “Ano ba talagang plano mo, Damion Marquez? Is this your revenge?”
Your comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
“THEN HOW DO I WIN RINA’S HEART?” Napabuntong-hininga siya. “I hurt Zari. I’m afraid she’s already closed her heart tightly.” “So what if it’s closed? We’ll pry it open. Sinabi ko na ’yan, pero bakit wala ka pa ring ginagawa?” Halatang gigil si Alejandro sa kawalan ng aksyon ng anak.“What do you want me to do?”“Ano pa ba? Zari is helping Tiantian choose his clothes. Perfect opportunity na ’yan para makalapit ka. Ano pa ang hinihintay mo?”Gets agad ni Damion ang pahiwatig at tumayo na.Pero pagdating niya sa kuwarto, tapos na pala si Czarina.“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito nang makita siya sa pinto.“I just wanted to see how your preparations are going.”“Wala nang kailangang ihanda. Kung ano na lang ang maabutan.”Nagkunwaring sinuri ni Damion ang damit ni Tiantian bago tumango. “I must say, bagay sa ’yo ’yung outfit. You look great.”“Hindi mo kailangang sabihin ’yan.”“Tiantian’s clothes are ready. What about yours?”“Marami sa closet. Pick one.”“Cassidy wore all those c
NANG MAKITA NI ALEJANDRO ang apo, lumawak ang ngiti nito. Iniunat niya ang mga braso niya. “Come here, payakap si Lolo.”Inabot naman ni Damion si Tiantian kay Alejandro at pinaghila si Czarina ng upuan. Pero hindi iyon ikinatuwa ni Czarina. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito kanina. Samantala, nagsimulang umiyak si Tiantian at maglikot sa bisig ni Alejandro.“Mukhang gutom na si Baby Tiantian,” sabi ng maid. “Papadedein ko muna.”“Okay, go ahead.”Agad sanang tumayo si Czarina. “Sasama ako.”“Tiantian is just drinking milk. You don’t have to worry so much.” Pinigilan siya ni Alejandro. “You’ll have plenty of time to learn how to take care of him. Come, eat first.”Wala nang nagawa si Czarina kundi umupo muli.“You haven’t been back for long. Nakatulog ka ba nang maayos?” tanong ni Alejandro.“Ayos lang po.”Mas magiging fine sana kung walang nanggugulo sa akin pagkagising.Palihim niyang sinamaan ng tingin si Damion bago kumagat nang malaki sa sandwich.“Good. I was wor
“...DON’T TAKE IT TO HEART.”“Hindi naman pa.”Tumango si Alejandro, pero nang mapatingin kay Damion sa kabilang side ng mesa, agad na kumunot ang noo niya.“Buwisit kang bata ka. Kapag hindi ka nagmadali, baka sa iba pa magkaanak si Zari. Si Czarina lang ang kinikilala kong manugang. Kung hindi kayo magkaayos, stay single for the rest of your life.”Napabuntong-hininga si Damion habang nagsasalin ng pagkain sa plato ng ama. “Dad, today is a day of reunion. Can we talk about something happy?”“I’m just reminding you that happiness is right in front of you. You missed it once, but you can’t miss it again.”“I know.”“I know, I know. You always say that, but I haven’t seen you do anything!”Masama ang tingin ni Alejandro sa anak. Halatang naiinis sa kawalan nito ng progress.Buti na lang at nasa tabi niya si Czarina. Sa tuwing sumasama ang mood niya, sapat nang lingunin niya ito para lumambot ang puso niya.“Here, Zari. Kumain ka nang marami.”Kumuha siya ng spare rib at inilagay sa pla
“WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?”Bago pa man makasagot si Czarina, naunang sumagot si Tito Fran. “Pinag-uusapan namin kung anong room ang gusto kong tulugan.”Bahagyang natigilan ang ngiti ni Damion. “What do you mean?”“Nasanay na si Zari sa luto ko, kaya nag-aalala ako na baka hindi siya makakain nang marami dito after she comes back, kaya naman gusto niyang dito muna ako tumira.” Expected na ni Damion na mananatili si Czarina, pero hindi niya inakala na pati si Tito Fran ay sasama.Malaki ang paghanga ni Damion sa kakayahan ni Tito Fran. Para sa kaniya, bihira lang makahanap ng taong kasing-talented niya. Ang problema, ngayong kumakampi ito kay Czarina laban sa kaniya, medyo nakakainis na.Pinilit niyang itago ang displeasure niya at nagkunwaring nagulat habang tumingin kay Czarina.“You want to stay? That’s great!”Ayaw namang bigyan ni Czarina ng maling idea si Damion, kaya agad niyang nilinaw, “Let me make this clear. I’m staying here entirely for Tiantian’s sake. Wala itong kahit
“RINA, CAN I HUG HIM?”Napatingin si Czarina kay Damion.Hindi pa siya nakukuntento sa pagkakakahawak kay Tiantian, kaya natural lang na ayaw pa niya itong ibigay. Pero kung si Damion ang ama ng bata, wala rin siyang choice kundi maingat na ilipat si Tiantian sa mga bisig nito.Ito ang unang beses na humawak si Damion ng baby.Pagkahawak niya kay Tiantian, agad niyang naramdaman kung gaano ito kalambot. Parang hawak niya ang isang malaking bola ng cotton.Hindi niya alam kung saan eksaktong ilalagay ang mga kamay niya. Kahit anong galaw niya, pakiramdam niya puwede niyang masaktan ang bata.Napansin agad ni Czarina ang awkward na pagkakahawak niya.Kumunot ang noo niya. “You’re holding him wrong. Dito dapat ang kamay mo.” Itinuro niya kung saan dapat ilagay ang mga braso ni Damion. “Oh, wait. Tiantian’s back will be uncomfortable like that. Ayusin mo. And watch his neck! Ingatan mo ’yong leeg niya!”Sa sunod-sunod na instructions ni Czarina, lalong naging maingat si Damion.Ang result
“HINDI KA NA BA NAGMAMADALING MAKITA SI TIANTIAN?”“I was anxious, but… I was worried na baka hindi ako magustuhan ni Tiantian, kaya gusto ko sanang mag-ayos at magpalit ng mas bright na damit.”Napangiti si Tito Fran. “Totoo nga naman ang kasabihan na hindi tinitingnan ng anak kung maganda o pangit ang nanay niya. Zari, hindi mo kailangang mag-alala sa mga gano’n. Besides, hindi ka na puwedeng umatras ngayon.”Habang nagsasalita, itinuro ni Tito Fran ang nasa unahan. Huminto na ang sasakyan at agad na lumapit si Alejandro para hintayin silang bumaba.Huminga nang malalim si Czarina bago pilit na ngumiti kay Alejandro. “How was the journey?”“Fine.”“Nagpapaaraw ang bata sa garden. Let’s go there now.”Excited na inakay ni Alejandro ang mga ito papunta sa garden, ni hindi napapansin ang kaba at pag-aalinlangan na nararamdaman ni Czarina.Pero hindi iyon nakaligtas kay Damion. Hinawakan niya ang kamay ni Czarina at ngumiti. “With me standing next to you, you look like an angel.”“Nilol
NANATILING TAHIMIK SI SETH, dahilan para mas lalong magalit si Cassidy.“Hello?” iritang sigaw niya. “Kinausap pa kita! Bakit hindi ka sumasagot?!”“Ano bang gusto mong marinig?” malamig na tugon ni Seth. “Ginagawa ko naman ang lahat ayon sa utos mo.”Ngunit sa halip na kumalma, lalo lamang nakaramd
MARQUEZ VILLA.Pagkauwi ni Czarina, napansin kaagad ni Alejandro na may kakaiba sa kinikilos ni Czarina. Ang dating masayahin ay naging tahimik, detached, colder. Hindi na nagawang makapagtanong ni Alejandro at iniisip niya na baka may masamang nangyari o wala lang talaga ito sa mood.Nang gabing iy
“YOU’RE WELCOME TO WORK AT THE MARQUEZ GROUP.”Napangiti si Cassidy, punong-puno ng tuwa ngunit agad din itong napalitan ng pag-aalala. “Pero… ano bang pwede kong gawin? Wala naman akong sapat na qualifications, at ‘yong pinag-aralan ko…”“Don’t worry,” putol ni Damion, sabay utos kay Kathy. “Humana
FOR A MONTH, ni isang tawag o mensahe ay hindi natanggap ni Cassidy mula kay Damion. Paulit-ulit niya itong tinatawagan, ngunit hindi man lang sinasagot—isang bagay na labis niyang ikinabahala.Dati, isang ring pa lang ay sinasagot na niya. Ngayon, wala kahit isa.Habang lumilipas ang mga araw, lalo







