LOGINPasensya naaa 😭 Kumusta naman ang blood pressure niyo? T.T Hope you’re all doing well T.T Baka masabihan na naman ako na mauuna pang matigok ang readers ko kaysa sa kontrabida kooo—huwag naman sanaaaa 😭😂 Again, please mind your well-being! Love you all 💕
“SA WAKAS! NAISILANG NA RIN ANG BATA!”Sa loob, mabilis ding kinuha ng nars ang bata. Napabalikwas si Czarina nang umupo kahit na nahihirapan pa. “Saan niyo dadalhin ang anak ko?”Sumingit ang doktor. “Kailangan pong dalhin agad sa incubator dahil premature po ang bata. Don’t worry, Mommy, your son is going to be fine.”Muntik na ring malagay sa panganib si Czarina dahil sa sobrang pagkawala ng dugo, pero makalipas ang halos dalawang oras ay nailabas siyang ligtas. Isang araw at gabi siyang natulog bago siya nagising at nag-panic nang makita niyang walang laman ang crib. Ipinaliwanag ng Manang na nasa incubator ang bata, kaya kahit mahina pa, nagpumilit si Czarina na makita ang anak. Pagdating sa isolation room, nakita niyang maraming tubo ang nakakabit sa sanggol kaya naiyak siya sa awa at guilt, ngunit inalo siya ng Manang at sinabing gagaling din ito sa tamang pag-aalaga. Pinunasan naman ni Czarina ang luha sa mukha at saka ngumiti. “Tama sila na ang pangit tignan ang mga bagon
“MOMMY CAN’T WAIT TO SEE YOU, MY LITTLE ANGEL.”Ilang sandali lang ay pumasok ang isang matandang babae na tagapag-alaga ng bahay. Natigilan ito nang makita ang magulong gamit sa loob ng silid.“Ay naku,” agad nitong sambit, halatang reklamo ang tono. “Siguradong si James na naman ‘to. Ang lalaking ‘yon, bakit iniwan pa lahat ng gamit dito? Paano kung madapa ka?” “Paano nga ba ’yan magiging maingat?” sagot niya. “Malaki siyang tao, pero… he did his best.” Ngunit imbes na magpahinga, iginiit ni Czarina na gusto niyang gumalaw-galaw dahil nakakapagod ang puro upo. Kahit nag-aalala, napilitan ang Manang na pumayag at bantayan siya.Habang inaayos nila ang maliliit na damit ng sanggol, napahinto si Czarina nang makita ang isang napakaliit na onesie. Bigla siyang napaisip.“Manang…” tanong niya, tila seryoso pero may halong kaba, “Totoo ba na pangit daw ang newborn babies? Kulubot at… parang matanda?”Natigilan ang matanda, saka marahang ngumiti. “Totoo ‘yon. Pero pagkalipas ng ilang lin
SIX MONTHS LATER.Maganda ang araw, kaya naman ay nagpasya si Czarina na tumambay sa may hardin. Nakaupo sa recliner, bahagyang nakapikit ang mga mata. Ngunit kahit gaanong kapayapa tignan ang mukha ni Czarina ay hindi kayang takpan no’n ang bigat na nararamdaman niya.It’s been six months. Pero wala pa ring balita tungkol kay Carlo. Walang katawan. Walang bakas. Walang kahit anong sagot na makuha.At sa bawat araw na dumaraan, lalo lang nilalamon ng pangamba ang buong pamilya. Hanggang sa tuluyang bumigay ang lola niya. Dahil sa labis na pag-aalala at kawalan ng katiyakan, lumala ang kondisyon nito hanggang sa pumanaw na rin. At sa isang iglap, ang pangakong magiging “little princess” siya ng Ocampo family ay nauwi sa pagiging mag-isa.Mag-isa sa banyagang lugar.Mag-isa sa katahimikan. Mag-isa sa sakit.Tanging ang sanggol sa sinapupunan niya ang nagbibigay ng kaunting init sa puso niyang halos mawalan na ng buhay. Sa bawat araw na nararamdaman niyang lumalaki ito, kahit papaano…
“AND PROBABLY BY NOW… HE’S DEAD.”Hindi na nagawa ni James sabihin pa ang iba, dahil kahit siya mismo ay hindi matanggap ang gano’ng posibilidad.Nanlabo ang paningin ni Czarina. Parang biglang nawala ang tunog sa paligid. Nakasandal siya sa pader, at dahan-dahang dumulas pababa hanggang sa maupo sa malamig na sahig.“Kuya…” halos pabulong niyang sambit.“Miss,” nagmamadaling sabi ni James, “malamig diyan. Please, tumayo ka.”Pero parang hindi siya narinig ni Czarina.Mahina niyang inusal, parang kinakausap ang sarili.“Hindi… okay lang siya. Wala pa tayong katawan na nakikita, ’di ba? We can’t give up.” Nanginginig ang labi niya. “Maybe he’s somewhere… waiting for us. Kailangan natin siyang hanapin…”Tumango si James, pilit pinatatatag ang boses.“We will,” pangako niya. “Walang may gusto nito. Kapag may balita, agad naming ipapaalam sa’yo. Please… take care of yourself. Lalo na’t buntis ka.”Pumikit si Czarina.Masakit.Pero alam niyang walang silbi ang pagguho ng kanyang mundo ngay
“HE’S… HE’S STILL THE BABY’S FATHER.”Hindi agad sumagot si Carlo. Pero pagkatapos ng ilang segundo, tumango siya. “Don’t worry,” sagot niya. “Hindi siya kasama.”“Hindi… Kasama?”Parang bumagal ang tibok ng puso niya.Oo nga naman. Sa status ni Damion, bakit siya mismo ang hahabol nang ganito?Hindi pa man siya nakakabawi sa pag-iisip—biglang nagsimula ang putukan.Ang mga tauhan ni Carlo ay mabilis at sanay. Halatang hindi ito ang unang beses nilang nakipaghabulan.Napatakip si Czarina sa bibig, nanginginig.Sa likod, ang mga sasakyang humahabol ay tila nabigla. Halatang hindi nila inasahan na gagamit ng baril ang kabilang panig.Sa loob lamang ng ilang segundo, umatras ang isa sa mga sasakyan. Ang isa naman ay lumihis at bumagal.Napahinga si Czarina. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakaka-relax nang makarinig siya ng sigaw.“Sir!” sigaw ng driver. “May isa pang sasakyan!” Nanlaki ulit ang mata ni Czarina.At sa pagkakataong iyon, mas maingat na ang kalaban. Hindi na sila sumugo
“ILALAYO NA KITA SA KANYA NGAYON.”Napayakap si Czarina sa kuya niya at lalo itong umiyak. Inalo naman siya ni Carlo at pilit na pinapakalma habang nagmamasid sa paligid.“Let’s get out of here,” bulong ni Carlo. “In seconds, mahahanap ka na ni Damion. We need to move fast.”Sumunod si Czarina kay Carlo papuntang emergency exit at mabilis na narating ang parking lot.“Sorry, Kuya! Natagalan ako.”Kahit nasa loob na ng sasakyan, walang tigil pa rin si Czarina sa pag-iyak.“My sister is really capable,” natatawang sabi ni Carlo habang ginugulo ang buhok ni Czarina. “Nagawa mong tanggalin ang mga bodyguards ni Damion.”Huminga nang malalim si Czarina, pilit na pinipigilan ang pag-iyak, pero patuloy pa rin ang panginginig ng dibdib niya.“Anong capable…” singhap niya, pinunasan ang luha. “Kung hindi dahil kay Wendy, wala akong magagawa.”Ngumiti si Carlo, halatang proud pa rin. “Still,” sabi niya. “Hindi biro ’yon. Damion is not someone who lets his guard down easily.”Napaangat ang ulo n
“RINA… I’M SORRY.”Napatitig si Czarina kay Damion na gulat na gulat. Hindi niya inaasahan na marinig ang paghingi ng tawad ni Damion—lalo na sa isang lalaking mataas ang pride.Hinablot niya ang kamay niyang hawak ng lalaki, at ang gulat na ekspresyon sa mukha ay muling napalitan ng lamig.“Hindi k
KUMIKISLAP ANG LIWANAG sa Alona Beach, Panglao. Ang mga tao ay unti-unti na ring nagsisilabasan at nag-eenjoy sa tanawin ng paligid. Nakatayo si Czarina sa tabing-dagat, pinapakinggan ang hampas ng alon, at dama ang malamig na hangin. Payapa ang puso niya, kaya ayaw pa niyang umalis.“Czarina…”Nap
BOHOL AIRPORT.Lumabas ang mga gwapo’t magagandang pares sa arrival exit, at hindi naiwasang mapatingin ang mga tao. May mga nagbubulungan pa kung celebrities ba sila.Tinanggal ni Seth ang malaki niyang sunglasses, tumingala sa maaliwalas na langit, at napabuntong-hininga.“As expected of Bohol… an
GULONG-GULO na napatitig si Damion kay Czarina. Halo-halong emosyon ang naramdaman pero ni isa doon ay wala ang saya o tuwa sa puso niya, sa halip ay sobrang bigat ng puso niya.Hindi ba’t ito ang gusto niya noon? Na matutunan ni Czarina ang lugar niya at tigilan ang panggugulo sa relasyon nila ni C







