LOGINthanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶
“SHE ALREADY SAID NO.”Pero tila walang narinig ang lalaki at patuloy lang sa paglalandi kay Czarina na mas lalong ikinadilim ng ekspresyon ni Damion.“Interesting.” Napangiti ito. “I’d be honored to get to know you, Miss.”Napapikit si Czarina. “We’re just strangers who happened to meet. Let's leave it at that.”“Sa lahat ng tao rito, ikaw ang nakita ko. Isn’t that fate?”Malamig na tumingin si Damion. “I don’t see fate.” Bumaba ang boses nito. “I only see someone disturbing us.”Napahiya ang lalaki at napasimangot. “Sino ka ba? Siya ang kinakausap ko at hindi ikaw. Bakit ka ba nanggugulo?”“Who I am doesn’t matter.” Nanatiling walang emosyon si Damion. “Leave. Stop bothering her.”“Hmph. At paano kung ayo—”Hindi na ito pinatapos pa sa pagsasalita ni Damion nang tumama ang kamao nito sa mukha ng lalaki.Napabulagta ito sa sahig habang tumutulo ang dugo sa gilid ng labi.Napasinghap si Cassidy.Nanlaki naman ang mga mata ni Czarina.Dahil sa takot, dali-daling tumayo ang lalaki at um
DAHIL BIGLANG DINATNAN SI CASSIDY, napilitan itong isantabi ang mga plano at bumalik sa pagpapanggap bilang mahinhing babae. Dahil dito, naging mas tahimik ang mga sumunod na araw. Ngunit kahit wala nang istorbo, wala pa ring mahalagang impormasyong nakukuha si Czarina. Patuloy niyang iniisip kung paano mapapilit si Cassidy na makipag-ugnayan sa taong nasa likod ng lahat. Kahit si Tito Fran ay pinayuhan na lang siyang umuwi nang ligtas.Dahil ayaw niyang bumalik nang walang napapala, halos buong araw siyang balisa, kaya madalas siyang mapansing tulala ni Wendy.“Zari...” nag-aalalang tawag nito. “Why do you always look so troubled?”Napakurap si Czarina at saka muling nagsimulang magbalat ng sunflower seeds. “Nothing.”“Really?” Nagtaas ng kilay si Wendy. “Whenever you’re alone, lagi kang nakasimangot. Halatang may iniisip ka.”“Iniisip ko lang ang trabaho ko.” Nagkibit-balikat siya. “Baka pagbalik natin, tambakan na naman ako ng trabaho.”“Hindi ba sinabi ni Damion na si Kathy muna
“…PARA MARINIG NG BUONG RESORT NA MAY PLANO SIYA AT SPECTACULARLY ITONG PUMALPAK.”Napangiwi sa galit si Cassidy. Akma na sana itong sasagot nang biglang may kumatok sa pinto.Natahimik silang tatlo.“Sino ’yan?” tanong ni Cassidy.“Rina?” boses ni Damion mula sa labas. “Are you resting?”Nanlaki ang mga mata ni Cassidy. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon nito at naging mahina ang boses.“N-Not yet. I’ll open the door.”Akma na sana itong tatayo, ngunit bigla nitong tiningnan si Czarina.Ikaw.Hindi man lang ito nagsalita, pero sapat na ang tingin nito para maintindihan ni Czarina ang gusto nito.Napabuntong-hininga siya. Wala siyang choice kundi lumapit at buksan ang pinto. Pagkabukas pa lang, agad silang nagkatitigan ni Damion.Saglit siyang natigilan bago pilit na ngumiti at tumabi upang papasukin ito. Hindi agad pumasok si Damion. Sandali muna nitong tinitigan si Czarina bago dumiretso kay Cassidy.Marahan nitong hinawakan ang kamay ng babae.Bahagyang yumuko si Cassidy, hal
“...YOU’RE BLEEDING.”“Dugo?” Napahawak si Cassidy sa kanyang ilong, pero wala namang dugong tumulo.Napahawak si Cassidy sa ilong, akalang nosebleed ang tinutukoy nito. Ngunit nang wala siyang makapangdugo, nagtataka siyang tumingin kay Damion.Tahimik lang nitong itinuro ang ibaba.Dahan-dahang ibinaba ni Cassidy ang tingin. Isang matinis na sigaw ang agad na kumawala sa kanyang bibig.Sa labas ng pinto, kapwa napatayo sina Wendy at Czarina.“Ano’ng nangyari?!”Nanatiling nakaupo si Czarina sa gilid ng pinto at kibit-balikat lang. “Isn’t this what she wanted? Ano’ng ipinag-aalala mo?”Hindi pa man natatapos ang sinabi niya, sunod-sunod na malalakas na katok ang narinig nila.“Is anybody outside?!” sigaw ni Cassidy habang malakas na kinakalampag ang pinto. “Open the door! Hurry!”Nagkatinginan sina Czarina at Wendy. Iyon ang napag-usapan nilang senyales.“Ang bilis naman…” wika ni Czarina, litong-litong napakamot sa ulo. “Tapos na agad?”Napakunot-noo rin si Wendy. “Anong gusto mo?
“SIGURADO KA BA SA GINAGAWA MO, ZARI?” bulong ni Wendy kay Czarina. “Nandito tayo para maghanap ng clues. Gagawin mo talaga iyon para lang mawala ang pagdududa nila para sa ‘yo?”“You’re smart. You know better than anyone kung gaano ka-tuso si Damion. Do you really think he won’t notice?”Sunod-sunod ang panenermon sa kanya ni Wendy. Pero ngumiti lang si Czarina.“By doing that too, malalaman natin kung totoong nagdududa na nga si Damion sa katauhan ko.” Huminga nang malalim si Czarina. “If our plan fails, lalabas ang tunay na ugali ng babaeng iyon. Tingnan na lang natin kung ano ang magiging reaksyon ni Damion.”Napailing na lang si Wendy. “Bagay nga kayong dalawa. Parehong baliw.”Hindi man lang nagalit si Czarina at tinanggap pa niya iyon.Muling napabuga ng hangin si Wendy. Gusto niya man matigil ang kahibangan ng dalawa, pero ano'ng magagawa niya? Wala siyang magagawa.Sabay silang napalingon nang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas si Cassidy na maganda ang ayos at naka-make
NANG MAGISING SI WENDY, nagyaya itong kumain. Ngunit dahil hindi pa oras ng pagkain sa resort, nagpaalam si Czarina na gamitin ang kusina at ipinagluto niya ito ng scallion oil noodles at ilang light side dishes.Pagkatapos kumain, akma sana itong tatawag kay Cassidy upang kumustahin ang nangyari, ngunit eksakto namang dumating na sina Cassidy at Damion.Pero eksaktong bumukas ang pinto. Sabay na pumasok sina Cassidy at Damion.Napakurap si Wendy. “Ha? Ang aga n’yo namang bumalik.”Napabuntong-hininga si Cassidy. “Malakas daw ang hangin sa bundok. Sabi ng staff, delikado na roon kaya pinababa kaming lahat.”Napatingin si Wendy sa bintana. Tahimik ang paligid at halos walang galaw ang mga puno.“Really?” nagtataka nitong tanong. “Hindi naman natin naramdaman dito.”“Who cares?” Inis na isinandal ni Cassidy ang likod sa sofa. “Fail na naman ang plano ko.” Napabuntong-hininga ito. “Bakit ba ang malas ko? Kapag feeling ko magiging maayos na ang lahat… laging may sumisira.”Unti-unti niton
MATIGAS ang ulo ni Czarina kaya sinundan na lang siya ni Damion para siguraduhing ayos siya. Pagkatapos ng exhibition, nagustuhan na ni Czarina ang mga artwork at napaisip pang bumili ng ilang handicrafts para sa sarili niya at sa lola niya.Habang pumipili siya, sandaling lumayo si Damion para sagu
MATAPOS BISITAHIN NINA DAMION AT CZARINA SI WENDY, nagtungo sila sa art exhibition para makapag-relax si Czarina.Hindi naman talaga interesado si Czarina, pero pumunta pa rin siya dahil gusto niyang ma-develop ang artistic sense ng anak niya balang araw.Sa entrance, nakasalubong ni Damion ang isan
NAPAUNGOL NA TINABOY NI WENDY SI DAMION. Sa sinabi nito ay hindi pa rin naniniwala sa kanya si Damion. Kaya naman pala ayaw sabihin ni Czarina ang totoo sa lalaki dahil para sa lalaki, what you see is to believe. Kung hindi nito pinaniniwalaan si Czarina, siya pa kaya na kaibigan lang ni Czarina?
“THAT I CANNOT LIVE WITHOUT RINA.”“Kahit na hindi naman sa’yo ang batang dinadala niya? Ayos lang sa’yo?”Cassidy wanted to provoke Damion, nang sa gano’n ay matauhan ito at para tuluyang sirain ang relasyon nina Damion at Czarina. Pero hindi siya nagwagi.Napataas ng kilay si Damion, nangingit ang







