登入Thanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶
“I’D RATHER PROTECT MY INNOCENCE.”“You…”Napasandal na lang si Czarina sa upuan. Wala na siyang maisagot. Nang hindi niya matawagan si Tito Fran, ipinahiram ni Damion ang cellphone nito. Ngunit kahit ilang ulit siyang tumawag, walang sumagot.Pagdating sa bahay, agad niyang hinanap ang matanda, pero wala ito roon. Sa pag-aakalang baka lumabas ito para hanapin siya, lalo siyang nabalot ng pag-aalala.“Don’t worry.” Sumunod na pumasok si Damion. “Kung hindi ka niya mahanap, hihingi siya ng tulong sa iba. Once he uses his phone, makikita niya ang missed calls ko at tatawag siya.”Saglit itong tumigil. “I’ll let you talk to him.”May punto naman. Tatango na sana si Czarina nang bigla niyang napagtanto ang ibig sabihin ng sinabi nito.Napalingon siya kay Damion. “So… You’re staying here until Tito Fran calls?”“Yes.”Napapikit si Czarina. Seriously?Pagod na pagod na siya. Ang gusto lang niya ngayon ay mahiga at magpahinga.Pero kung narito si Damion, kailangan na naman niyang mag-ingat
“...IT’S MY RESPONSIBILITY TO MAKE SURE YOU’RE ALRIGHT.”Hmph.Ngayon lang niya naisipang umako ng responsibility, pero sana hindi na lang siya gumawa ng gulo mula sa simula!Nagyuko si Czarina ng tingin para itago ang inis sa mga mata niya. Pero nang bumaba ang paningin niya, napako iyon sa kamay ni Damion.“Anong nangyari sa kamay mo?”Itinaas ni Damion ang wrist niya. May ilang bahid ng dugo roon, na para bang nakalmot siya. “Oh. From beating someone up.”Nang marinig iyon, naalala ni Czarina ang nangyari kanina kaya mabilis siyang nagtanong, “Is it the man with glasses? Hindi mo naman siya pinatay, ’di ba?”Sa tono pa lang niya, halatang gusto niyang mailigtas ang buhay ng lalaki. Lalong nairita si Damion.“He did that to you, and you still want to forgive him?”“Of course not.” Umiling si Czarina. “Ang sinasabi ko lang, may kasabwat siya. Narinig ko yung boses niya, pero hindi ko nakita yung mukha niya. Kapag pinatay mo siya, wala ka nang makukuhang impormasyon tungkol sa mga kas
“I’LL TAKE HER FROM HERE.”“Understood.”Walang pag-aalinlangang ibinigay ni Enzo si Czarina kay Damion bago ito umalis.Pagkaalis ni Enzo, muling nabalot ng kaba si Czarina. Mahapdi pa rin ang mga mata niya at wala pa rin siyang halos makita.Ilang saglit lang ay naramdaman ni Czarina na unti-unti siyang umaangat at naramdaman ang yakap sa kanya. Nag-panic siya.“A-Anong ginagawa mo?”Binuhat siya ni Damion na parang bagong kasal habang mabilis na naglalakad. “Taking you to wash off the gasoline and change your clothes.”“K-Kaya kong maglakad.” “But this is faster.”Gusto pa sanang tumutol ni Czarina, pero wala na siyang lakas para makipagtalo.Tahimik na lang niyang hinayaang dalhin siya ni Damion. Pagpasok nila sa bathroom, naramdaman niyang hindi siya iniwang mag-isa.Bigla siyang kinabahan. “K-Kaya ko na.”“Alam mo ba kung nasaan ang switch?” kalmado nitong tanong. “Or where the steps are?”Napakagat-labi si Czarina. “I... I can’t. Pero makakapa ko naman.”Dahan-dahan siyang nag
“MEREDITH… WHAT HAPPENED TO YOU? BAKIT GANYAN ANG HITSURA MO?”Kasabay ng pagdating ni Damion ay biglang natahimik ang misteryosong lalaki.Mabilis na ibinaling ni Czarina ang ulo sa direksyong pinanggalingan ng boses, umaasang mapapansin iyon ni Damion at mahihinuha nitong may isa pang taong nagtatago roon. Ngunit wala. Ang buong atensyon ni Damion ay nakatuon lang sa kanya.Mabilis nitong sinuyod ng tingin ang katawan niya, pilit na inaalam kung anong likido ang bumalot sa kanya.Ngumisi ang lalaking may salamin. “Mr. Marquez, ayos lang siya. Excited lang siya sa performance na ipapakita niya mamaya.”Malamig na tumingin si Damion dito.“How dare you show your face here again?” Bahagyang naningkit ang mga mata niya. “Hindi ka pa ba nadala sa nangyari noong huli?”“Nadala?” mapaklang natawa ang lalaki. “Habambuhay kong maaalala ang itinuro mong leksyon. Kaya ngayon, gusto ko namang may maalala ka rin.”Napansin ni Czarina ang bahagyang paggalaw ng kamay nito. Alam niyang anumang sand
“SO… YOU ALSO HATE DAMION?”Walang pag-aalinlangang tumango si Czarina. “Oo naman. Sobrang hirap siyang katrabaho. Araw-araw niya kaming pinapahirapan. Pero ano bang magagawa namin? Kailangan pa rin naming kumita.” “Kung gano’n, bakit hindi kayo lumaban? Habang hinahayaan n'yo siya, lalo lang siyang magiging mapang-api.” “May punto ka,” kalmadong sagot ni Czarina. “Pero anong mapapala mo sa pagkidnap sa 'kin? Empleyado lang ako. Wala akong impluwensiya. Kahit patayin mo pa 'ko, hindi matitinag si Damion. Kaya kung ako sa 'yo, pakawalan mo na lang ako. Wala akong sasabihin sa kanya.” Tahimik siyang tinitigan ng lalaking may salamin.“Actually… kaya kong isuko ang paghihiganti ko kay Damion.” Bahagyang nabuhayan ng pag-asa si Czarina.“Pero may isang kondisyon.”“Ano ‘yon?”“Sumama ka sa ‘kin.”Natigilan si Czarina. At ang ilang segundong pananahimik niya ang tuluyang nagpawala ng pasensya sa lalaki.“Hindi mo talaga kayang iwan si Damion!” sigaw nito. “You’re a liar! Kasinungalinga
“…PARA SIYANG TAKOT NA TAKOT NA BAKA IBENTA KITA.”Alam ni Czarina na nakilala ni Damion ang sasakyan ni Tito Fran, kaya hindi na siya nagsinungaling.“Gano’n naman talaga ang mga nakatatanda,” sagot niya. “After what happened last time, mas naging maingat lang siya. Better safe than sorry.”Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Damion.“And what can the two of you do if something really happens?” Malalim ang tingin nito sa kanya. “If you think you’re in danger... You can tell me. I’ll protect you.”Saglit na natigilan si Czarina, pero mabilis din niyang isinuot ang pamilyar niyang propesyonal na ngiti.“President, you’re already busy enough. Ayokong dumagdag pa sa mga iniisip mo.” Bahagya siyang umiling. “Besides... It’s nothing.”Tahimik na tumingin si Damion sa labas ng bintana. “It better be,” malamig nitong sabi.Napakurap si Czarina. Ano na naman bang ikinagalit nito?Hindi na lang siya nagtanong. Sa halip, mas lalo niyang iningatan ang bawat kilos at salita. Ayaw na niyang makabangg
MARQUEZ VILLA.Pagkauwi ni Czarina, napansin kaagad ni Alejandro na may kakaiba sa kinikilos ni Czarina. Ang dating masayahin ay naging tahimik, detached, colder. Hindi na nagawang makapagtanong ni Alejandro at iniisip niya na baka may masamang nangyari o wala lang talaga ito sa mood.Nang gabing iy
MAAGANG TINAPOS NI DAMION ang trabaho, pero nanatili siya sa kanyang opisina hanggang sumapit ang dilim. Tulalang nakatitig sa mga nagtataasang building na kita sa loob ng kanyang opisina, gulong-gulo ang isip.At dahil hindi pa umaalis si Damion, maging si Kathy ay hindi rin umalis. Nakaupo lang it
“YOU’RE WELCOME TO WORK AT THE MARQUEZ GROUP.”Napangiti si Cassidy, punong-puno ng tuwa ngunit agad din itong napalitan ng pag-aalala. “Pero… ano bang pwede kong gawin? Wala naman akong sapat na qualifications, at ‘yong pinag-aralan ko…”“Don’t worry,” putol ni Damion, sabay utos kay Kathy. “Humana
FOR A MONTH, ni isang tawag o mensahe ay hindi natanggap ni Cassidy mula kay Damion. Paulit-ulit niya itong tinatawagan, ngunit hindi man lang sinasagot—isang bagay na labis niyang ikinabahala.Dati, isang ring pa lang ay sinasagot na niya. Ngayon, wala kahit isa.Habang lumilipas ang mga araw, lalo







