LOGINHello, everyone!
I’m writing this to sincerely apologize to all of you. Lately, I haven’t been in the right headspace to write—even just a single scene. I’ve been feeling really drained, and I realized that I need to take care of my mental health first before I can fully come back to writing. I know this is unexpected, especially since you’ve been waiting for updates. As much as I want to write, hindi ko talaga mahanap ang sarili ko sa pagsusulat right now. Still, I wanted to show up, explain, and sincerely apologize to all of you. I’d also like to wish everyone a Happy Holidays! 💜 Gustuhin ko man sanang mag-update, lalo na’t Christmas season na rin nila Zari at Damion, para sana makasama natin sila ngayong Pasko, but for now, hindi ko pa talaga kaya. I hope you’ll understand as I take this time to rest and heal. Sana makabalik ako as soon as possible, and when I do, I promise to give you as many chapters as I can. I also hope that people like me who struggle with mental health can find peace and healing—in our own time and at our own pace. Na matutunan nating maging mas mabait sa sarili natin, lalo na sa mga panahong pinaka-kailangan natin. Again, Happy Holidays! Let’s take this season to enjoy time with our families and loved ones. With love, Verona 💜“DO YOU WANT ME TO TAKE CARE OF YOU?”Napalingon silang dalawa. Nakatayo na pala si Damion sa may hagdan, hawak ang bag nito at mukhang narinig nito ang huling sinabi ni Czarina.Napakurap si Czarina.Oops… Pero wala na rin siyang ganang mahiya.Kunot-noo niya itong tiningnan. “Hindi ba maliligo ka? Bakit ang bilis mo namang bumalik?”“Walang tubig.”“Ha?”“May water interruption.” Nagkibit-balikat si Damion. “Uuwi na lang muna ako sa amin para makaligo at mag-ayos.”Nanlumo si Czarina. Walang tubig? Eh ‘di mas lalo kaming walang maluluto!Lalong nadagdagan ang problema niya.Dahan-dahan siyang yumuko hanggang sa tuluyan nang sumubsob ang mukha sa mesa.“Lord…” mahinang ungol niya. “Bakit parang lahat na lang ng malas sa 'kin napupunta?”Tahimik siyang pinagmasdan ni Damion. Bahagya itong nakaramdam ng konsensiya. Kung tutuusin, siya ang nakaubos ng almusal ni Czarina.Makalipas ang ilang sandali, nagsalita ito. “Mukhang wala rin si Tito Fran.”Tumango si Czarina nang hindi man lang n
“NAGKABALIKAN NA BA KAYO NI DAMION?”Nanlaki ang mga mata ni Czarina. “What? No!”“Oh, eh, bakit nga nandito siya?” Kunot-noong tanong ni Wendy, saka ito naningkit. “Alam mo, Zari, sabihin mo na lang. Pinapahirapan niyo pa ang mga sarili niyo.”Napapikit si Czarina saka bumuga ng hangin. “Wala talagang namamagitan sa amin. Siya lang talaga ang nagpumilit na tumira rito.”“Bakit naman?”“Pinapunta siya rito ni Papa Alej para mag-sorry sa ‘kin.” Napangiwi siya. “Eh kilala mo naman si Damion. Siyempre, labag sa loob niya iyon.”Nagkibit-balikat siya. “Kaya ang ginawa niya, dito na lang tumira para asarin ako.”Napahawak si Wendy sa baba habang pinag-iisipan ang paliwanag niya. “Ang explanation mo...”Napangiti si Czarina. “May sense naman, 'di ba?”Tiningnan lang siya ni Wendy bago umismid. “Nonsense.”Alam naman ni Wendy kung bakit. Pero wala siya sa lugar para sabihin iyon. Ang tanging masasabi niya na lang ay talagang ‘tanga’ ang kaibigan niya.Napailing siya.“Eh wala na akong ibang
NANG MAGISING SI CZARINA kinabukasan, napansin niyang nasa hindi pamilyar na lugar siya.Agad siyang napabalikwas sa takot. “Hala! Kinidnap ba ako ni Damion?” kinakabahan niyang saad. “Posibleng mangyari ‘yon! Galit na galit ‘yon matapos ko siyang suntukin kagabi! Nagtatanim pa naman ng sama ng loob ang lalaking iyon!”“Habang tulog ako, dinala niya ako rito… Sandali... Ano’ng balak niyang gawin sa ‘kin?” Nanlamig ang buong katawan ni Czarina. “Ayoko nang isipin!”Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Marahan siyang bumaba ng kama at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Sisilip lang sana siya at tatakas kapag walang tao. Pero paglabas pa lang niya ng pinto, nakita niya si Tito Fran.“Tito Fran!” Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. “Mabuti nandito kayo!” Mabilis siyang lumapit dito. “Kinidnap din ba kayo ni Damion?”Natigilan si Tito Fran, saka napakamot sa batok. “Ha? Anong kinidnap, Miss?” naguguluhang tanong nito. “Nanaginip ba kayo?”“Uh...”Natigilan si Czarina. Mabilis niyang sinilip
“FOUND IT…” mahina niyang bulong.Maingat niyang binasa ng antiseptic ang cotton swab bago dahan-dahang idampi sa hiwa.“Medyo malalim pala ang pagkakahiwa,” sabi niya habang nililinis ang sugat. “Lalagyan ko muna ng antiseptic. Kapag namaga ito bukas, kailangan na nating magpunta sa hospital.”Tahimik lang si Damion. Habang abala si Czarina sa paglalagay ng gamot, palihim itong nakatingin sa mukha niya.Nang mag-angat ng tingin si Czarina, agad itong umiwas ng tingin.“You talk too much,” sabi nito sa malamig at bahagyang naiinip na tono.“Para rin naman sa ikabubuti mo,” sagot ni Czarina.
“MEREDITH… YOU THINK YOU’RE SO GREAT?”Nang marinig ang malamig na boses na iyon ay agad ding napatigil si Czarina. Napatitig siya sa madilim na pigura, saka nanginginig na nagsalita. “I-Ikaw… Magnanakaw ka na ka-boses si Damion, ‘di ba?”“Oh, really?” malamig na sagot ng lalaki. “Then look carefully.”Binuksan ni Damion ang flashlight ng cellphone niya. Sa liwanag, bumungad ang mukhang halatang nagpipigil ng galit.Tuluyan nang nanlumo si Czarina. “S-Sorry! Hindi ko alam na ikaw pala. Akala ko may magnanakaw na nakapasok.”Bigla siyang napakunot-noo. “Wait… bakit ka ba kasi nakatayo ro’n sa dilim? Huwag mong sabihing…” Tiningnan niya ito nang may pagdududa, “Magnanakaw ka talaga?”“Magnanakaw?” Napairap si Damion. “Ano namang mapapala ko sa pagnanakaw dito?”“I can’t find my cufflinks. Look around here.”Lalong naging awkward ang sitwasyon. Parang gusto na lang ni Czarina na lamunin siya ng lupa.“Um…” alanganin niyang sabi. “Tulungan na lang kitang hanapin.”“Forget it.” Hinawakan n
KINABUKASAN.Napahawak si Czarina sa kanyang tyan dahil sa gutom. Gusto na niyang kumain, pero nang maalala niyang nakatira na ngayon si Damion sa kanila ay mas pinili niyang manatili sa kanyang kwarto.Hihiga na sana siya ulit nang muling tumunog ang kanyang tiyan. Napatingin si Czarina sa orasan at napansin na tila mabagal ang takbo ng oras.Napatitig siya roon nang may kumatok sa kanyang pintuan at pumasok iyon sa loob.Agad na lumiwanag ang mukha ni Czarina.“Tito Fran!” masigla niyang bati. “May dala ka bang breakfast? Gutom na gutom na ako! Anong ulam natin?”Napailing ang matanda. “Hindi kita dinalhan ng pagkain. Andito ako para yayain kang bum
NAKASIMANGOT na pumasok sa trabaho si Czarina. Lugmok ito sa narinig mula sa ama ni Damian.“Live-In?” agad siyang kinalibutan sa kanyang sinabi, at hinaplos ang magkabilang balikat nang tumaas ang kanyang mga balahibo sa katawan.“A-Anong gagawin sa iisang bahay? Isang lalaki at isang babae? I know
MATAPOS siyang iwanan ng lalaki ay doon na kumawala ang luhang pinipigilan niya. Mga salitang tumarak sa kanyang dibdib ang dahilan kung bakit siya labis na nasasaktan ngayon.“This is really a mess, Zari…” bulong niya sa sarili, habang nakahiga sa carpet ng silid, yakap ang sarili, hindi dahil sa s
HINDI alam ni Czarina kung ano ang mararamdaman niya ng gabing iyon. Bago pa siya makita ay agad na itong napabalik sa kanyang kwarto at dahan-dahan na napaupo sa sahig habang yakap ang sarili.So hindi dahil delayed ang flight niya kaya hindi siya nakadating kundi dahil ayaw niya talagang pumunta?
DisclaimerThis book is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The author does not intend to offend







