Apat na araw pa lang akong nagtatrabaho kay Conrad, pero kitang-kita ko na agad kung paano niya tratuhin ang mga empleyado niya. Akala ko masungit na siya noong una, pero mas masungit pa pala. Para siyang dragon na may apoy sa bibig. Lahat ng nakikitang pumapasok sa opisina niya ay halatang kinakabahan, namumutla, o nakikisuyo na lang para ibang tao ang mag-abot ng dokumento sa kanya. Wala talagang empleyado na hindi takot sa kanya. Their reactions say it all. Conrad is an awful boss, a tyrant. Wala siyang pakialam sa mga empleyado niya.
Kung hindi lang siguro dahil sa benefits, baka matagal na silang nagsialisan dito. At marahil dahil matagal na rin sila sa kompanya bago pa siya ang humawak nito.
“Ms. Clemente!”
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses niya sa intercom. Nasa labas ako ng opisina niya, sa sariling desk na ibinigay sa akin. Nasa gilid ng desk ang speaker.
“I sent you my schedule for this week. Fix them. Ayaw ko ng masakit sa mata. Make sure walang overlapping na mangyayari. Send it before 4:00 PM,” aniya, at agad na namatay ang linya.
Napatingin ako agad sa orasan at halos manlaki ang mata ko nang makita kong mag-a-alas tres na ng hapon. Agad kong binuksan ang desktop at tiningnan ang file na ipinasa niya. Doon na lang ako napa-mura.
Ang gulo. Ako na pala ngayon ang bahala mag-ayos ng personal schedule niya. Sa totoo lang, hindi na secretary ang trabaho ko kundi parang personal assistant, o mas tamang sabihin, alalay. Inaalili niya ako.
Ni minsan, wala pa akong nagagawa para sa corporate side ng kompanya. Lahat ng pinapagawa niya sa akin, bukod sa paghahanap sa ‘anak’ niya, ay puro personal na bagay. Hindi naman ako nagrereklamo dahil may sahod naman, pero minsan pakiramdam ko sobra na. Lalo na’t halos buong araw, boses niya ang naririnig ko. Nakakarindi. Nakakainis. Nakakaubos ng pasensya. Hindi ko alam kung tatagal ako rito. Napipikon na ako sa kanya at gusto ko na siyang suntukin.
Pero kailangan ko ng pera. Kahit paano, makakaipon ako ng sapat para hindi kami magutom ni Braeden habang naghahanap pa ako ng mas maayos na trabaho. Kailangan kong tiisin ito ng at least anim na buwan. Diyos ko, sana kayanin ko. Sana hindi tuluyang masagad ang pasensya ko. Pero para kay Braeden, gagawin ko ang lahat. Hindi ko hahayaan na kunin siya ni Conrad o gamitin siya nito para sa sariling interes.
Nang matapos ko ang pinapagawa niya, agad kong isinend pabalik ang file. Sakto, five minutes bago mag-alas dose. Doon ko napatunayan na kaya ko pala kahit yung mga bagay na akala ko ay hindi ko kakayanin.
“Get ready in ten minutes. We’ll leave,” rinig kong sabi niya ulit sa intercom.
Hindi na ako nagtanong kung bakit. Agad akong nag-ayos. Naglagay lang ako ng powder at lipstick para kahit papaano ay hindi halatang stressed. Inihanda ko rin ang notepad at iPad na gagamitin ko para sa minutes. Pagbukas niya ng pinto, handa na ako at naghihintay.
Naglakad siya, dumiretso lang at nilagpasan ako. Napatingin ako sa likod niya, tapos bigla siyang huminto at lumingon.
“Bakit nakatayo ka lang diyan?”
“P-Po?” gulat kong sagot. “Ano po ba ang dapat kong gawin?”
“Didn’t I say na aalis tayo?” malamig niyang tugon. “Susunod ka sa akin. Mas matalino pa sa iyo ang aso dahil kusang sumusunod. Samantalang ikaw ay kailangan pang sabihan sa dapat mong gawin.”
Napaawang ang bibig ko. Siraulo talaga ang lalaking ito. Ikinukumpara ba niya ako sa isang aso?
Mabuti na lamang, mukha at itsura lang ang naman ng anak ko sa kanya at hindi ang ugali niya.
Napahigpit ang hawak ko sa iPad at notepad. “Sorry, sir,” mahina kong bulong bago ako sumunod sa kanya.
Masama lang siyang tumingin sa akin bago umiling.
“Anong nasa schedule ko ngayon?” tanong niya habang naglalakad kami.
“I will check it right now, sir—”
“Ngayon mo pa lang iche-check?” putol niya agad sa akin. Kita ang dismaya sa boses niya. “Are you really doing your job, Ms. Clemente?”
Napakuyom ako ng kamao at marahang huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. “Pasensya na po, sir. Hindi na po mauulit.”
“Dapat lang. Don’t make me think this company is wasting money on incompetent employees like you,” malamig niyang sagot habang nagpatuloy sa paglalakad. “Ang ayaw ko sa lahat ay hindi inaayos ang trabaho at tatanga-tanga.”
Pagdating namin sa elevator, agad akong pumwesto sa likuran niya at binuksan ang iPad para tingnan ang schedule niya.
“Call the restaurant and confirm the reservation,” utos niya.
“Okay, sir,” sagot ko at agad hinanap ang contact number. Nang makita, tinawagan ko agad. Habang kausap ko ang staff sa kabilang linya, napansin kong nakatingin siya sa akin; nakikita ko siya sa repleksyon ng metallic door ng elevator.
Saktong natapos ang tawag nang bumukas ang pinto. Sabay kaming lumabas. Kita ko ang mabilis na reaksyon ng mga empleyado sa paligid: yung iba biglang naging kunwari busy, at yung iba literal na umalis para lang makaiwas sa presensya niya.
Diretso lang siya hanggang parking lot. Akala ko may driver siya, pero siya mismo pala ang magmamaneho.
Pumasok siya sa driver's seat. Ako naman, dumiretso sana sa likod, pero…
“The heck are you doing?” tanong niya.
“Uupo po rito?” alanganin kong sagot.
“At the back seat? So you wanna make me look like a taxi cab?” malamig niyang tugon. “Labas. Sit here beside me.”
Agad akong lumipat sa passenger’s seat. Nang makaupo, agad kong kinuha ang seatbelt. Pero napakapit ako sa dibdib ko nang humapit ito sa gitna, dahilan para bumakat ang kurbada ng katawan ko.
Paglingon ko, nahuli ko siyang nakatingin diretso sa dibdib ko. Napamulagat ako at namula. Agad kong inayos ang upo ko at tumagilid ng bahagya.
“Are you trying to seduce me, Ms. Clemente?” tanong niya.
“Sir? No! Never!” mabilis kong sagot. Pero narealize ko agad ang tono ko. “I-I mean... hindi po, sir. Hindi ko gagawin yun.”
“That was offensive,” malamig niyang tugon. “It seems like you’re awfully disgusted by me. But it’s fine. It’s good. Because I don’t want you to end up falling in love with me. Wala kang pag-asa. Hindi ikaw ang tipo ko sa babae.”
Napatitig ako sa kanya. Parang kinurot ang pride ko sa sinabi niya.
“Don’t worry, sir. Hindi ’yon mangyayari,” sagot ko. “Hindi rin naman ikaw ang type ko.”
Kita kong bahagyang nagtaas ng kilay si Conrad. “Really, huh?”
“Yes.”
“Good. Mabuti na magkaintindihan tayo.”
At pinaandar na niya ang sasakyan.
Habang bumibiyahe kami, biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Kai iyon. Pinatay ko agad para hindi ako mapagalitan, pero tumawag ulit siya.
“Just pick it up, will you?” asiK ni Conrad. “Sa susunod, i-silent mo ang cellphone mo para hindi nakakaabala sa trabaho.”
“Okay po. Excuse me,” mahina kong sagot bago sinagot ang tawag. “Hello?”
“Buti sinagot mo rin,” ani Kai, halatang nagmamadali. “Si Braeden!”
“Ha? Bakit?” agad akong kinabahan. Napatingin ako kay Conrad pero nakatutok siya sa pagmamaneho. “Anong nangyari kay Braeden?”
“Inaapoy ng lagnat,” sagot ni Kai.
“Painumin mo muna siya ng gamot. Dadalhin ko siya sa hospital mamaya pagkatapos ng trabaho,” mabilis kong tugon, ramdam ang kaba.
“Basta umuwi ka agad!”
Pagkababa ko ng tawag, napakagat-labi ako. Gusto ko nang bumaba at umuwi agad para sa anak ko.
“Who was that?” tanong ni Conrad.
“Kaibigan ko po, sir. Tumawag lang tungkol sa... anak ko.”
Natigilan ako.
“Anak?” tanong niya.
Agad akong napalingon.
Anak? Nasabi ko ba?
“Braeden. Is that his name?” tanong pa niya. “Lalaki siya?”
Hindi ako nakasagot agad. Mabilis ang tibok ng puso ko. “P-Paano n’yo po nalaman?”
“You said it, stupid,” malamig na sagot niya. “Masyadong malakas ang boses mo para hindi ko marinig ang mga sinasabi mo.”
“Ahh...” Iyon lang ang nasabi ko at pinilit kong ngumiti.
Umismid lang siya at natahimik.
Tahimik din ang buong sasakyan. Napasandal na lang ako, pilit pinapakalma ang sarili ko.
Kailangan kong maging maingat. Baka ako rin mismo ang makapahamak sa sarili ko. O mas malala, baka mawala pa sa akin si Braeden.
Apat na araw pa lang akong nagtatrabaho kay Conrad, pero kitang-kita ko na agad kung paano niya tratuhin ang mga empleyado niya. Akala ko masungit na siya noong una, pero mas masungit pa pala. Para siyang dragon na may apoy sa bibig. Lahat ng nakikitang pumapasok sa opisina niya ay halatang kinakabahan, namumutla, o nakikisuyo na lang para ibang tao ang mag-abot ng dokumento sa kanya. Wala talagang empleyado na hindi takot sa kanya. Their reactions say it all. Conrad is an awful boss, a tyrant. Wala siyang pakialam sa mga empleyado niya.Kung hindi lang siguro dahil sa benefits, baka matagal na silang nagsialisan dito. At marahil dahil matagal na rin sila sa kompanya bago pa siya ang humawak nito.“Ms. Clemente!”Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses niya sa intercom. Nasa labas ako ng opisina niya, sa sariling desk na ibinigay sa akin. Nasa gilid ng desk ang speaker.“I sent you my schedule for this week. Fix them. Ayaw ko ng masakit sa mata. Make sure walang overlappi
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ang lalaking pakakasalan ko lang ang siya ring makakaangkin ng katawan ko.Sex after marriage has always been my principle. Pero hindi ko lubos inakalang ako mismo ang babali sa paninindigan kong iyon. Hindi ko naisip na iaalay ko ang sarili ko sa isang lalaki bago pa ako ikasal. At ang mas masakit? Hindi ko man lang siya kilala. A stranger. Yes, a total stranger was my first.Pera ang naging dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Wala na akong ibang pagpipilian. Sabi ng iba, may mas mabubuting paraan. Trabaho? Hindi sapat. Kailangan ko ng malaking halaga para mabayaran ang balance ko sa tuition, or else hindi ako makakasali sa listahan ng mga magtatapos.All those sleepless nights, all my hard work, lahat mawawala kung hindi ako makakabayad. Ang sumiping at ibenta lang ang katawan ko ang nakita ko noong paraan para makalikom ng pera sa maikling panahon.Kapag hindi ko natupad iyon, hindi lang sarili ko ang mabibigo. Pati na rin ang mama kong pumanaw n
Hindi pa rin ako makapaniwala sa muling pagtatagpo namin ni Conrad, matapos ang limang taon. Hindi ko maiwasang bumalik sa araw nang malaman kong buntis ako. Halos gumuho ang mundo ko noon. Pakiramdam ko ay ayaw ng tadhana na maramdaman ko ang kahit kaunting ginhawa. Mas pinabigat pa nito ang problema ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin noon. Naisip kong ipalaglag ang bata, pero hindi ako ganon kapusok ng puso. Naintindihan ko rin na may bahagi ako sa nangyari. Naive ako. Sobrang kampante ako nung gabing iyon, hindi ko inakala na mangyayari ito. Pero may responsibilidad din si Conrad. Siya ang naglagay ng semilya niya nang hindi ko inaasahan.“Done?”Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Conrad. Nang tingnan ko siya, sinalubong ako ng malamig niyang titig at magkatingalang kilay.“M-Malapit na, sir,” sabi ko habang pinapabilis ang ginagawa ko.“Hurry up,” matigas niyang sabi bago muli na ibinalik ang atensyon sa laptop niya. “You’re supp
“Pasensya ka na sa abala, wala talaga mapag-iwanan kay Braeden,” nakanguso kong sambit sa matalik kong kaibigan na si Kai. Nasa boutique niya ako ngayon habang hinahabilin ang anak ko. “Babalik din ako agad pagkatapos ng interview ko.”“Ano ka ba, Ramona, wala namang problema. Ako na ang bahala sa anak mo. Huwag mo siya masyadong isipin,” nakangiting tugon ni Kai at mahinang tinapik ang balikat ko. “Focus ka muna sa interview mo. Galingan mo,” dagdag pa niya bago inilahad ang kamay sa anak ko at nginitian ang bata.Marahan akong tumango, saka nagpaalam na sa kanilang dalawa para pumunta sa interview ko ngayon.Halos malula ako sa lapad at tayog ng gusali nang makarating ako sa building na pupuntahan ko. Kumikinang ang malaking pangalan ng kompanya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Dalawang beses ko na nakita ang gusaling ito, pero hanggang ngayon ay napapahanga pa rin ako sa laki nito.Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam na isang malaking kompanya pala ang pag-a-applyan ko. Ngayo