Hindi pa rin ako makapaniwala sa muling pagtatagpo namin ni Conrad, matapos ang limang taon. Hindi ko maiwasang bumalik sa araw nang malaman kong buntis ako. Halos gumuho ang mundo ko noon. Pakiramdam ko ay ayaw ng tadhana na maramdaman ko ang kahit kaunting ginhawa. Mas pinabigat pa nito ang problema ko.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin noon. Naisip kong ipalaglag ang bata, pero hindi ako ganon kapusok ng puso. Naintindihan ko rin na may bahagi ako sa nangyari. Naive ako. Sobrang kampante ako nung gabing iyon, hindi ko inakala na mangyayari ito. Pero may responsibilidad din si Conrad. Siya ang naglagay ng semilya niya nang hindi ko inaasahan.
“Done?”
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Conrad. Nang tingnan ko siya, sinalubong ako ng malamig niyang titig at magkatingalang kilay.
“M-Malapit na, sir,” sabi ko habang pinapabilis ang ginagawa ko.
“Hurry up,” matigas niyang sabi bago muli na ibinalik ang atensyon sa laptop niya. “You’re supposed to help me do my work faster.” Narinig ko ang malulutong niyang pindot sa keyboard. “Anong kwenta ng gayamong secretary kung hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo?”
Naikuyom ko ang mga kamay ko bago pinili na yumuko at ituloy ang trabaho. “Tatapusin ko po ‘to in five minutes,” sagot ko nang walang emosyon at mariing kinagat ang labi.
Gusto kong sugurin siya. Gusto kong sampalin at singhalan. Pero alam ko na hindi iyon pwede. Sisirain ko lang ang buhay ko.
Nang matapos ko ang ginagawa ko, agad kong ibinigay iyon kay Conrad. “Heto na po, sir.”
“Okay. Now, get out,” madiin niyang sagot. “Pumasok ka lang dito kapag tinawag kita sa intercom.”
“Okay, sir,” mabilis kong tugon at walang pagdadalawang-isip na lumabas ng opisina dahil baka hindi na ako makapagpigil pa.
Sinamantala ko ang pagkakataon para tawagan si Kai, at ipaalam na hindi ako makakauwi agad. Ilang calls pa bago siya sumagot.
“Hired na ako,” direktang sabi ko, pero hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak. “Ngayon mismo start ng duty ko kaya hindi ako makakauwi agad.”
“Congrats! Sabi ko naman sa ‘yo. I’m so happy for you!” maligaya ang tugon ni Kai. “Mag-celebrate tayo pag-uwi mo. Ipagluluto ka namin ni Braeden ng pansit!”
Napangiti ako sa sinabi ni Kai at ibinaba ang tawag. Lumabas ako para silipin kung naroon si Benita, ang isa pang assistant, para may makausap ako.
Ngumiti ako nang makita si Benita. “Hi...” bati ko nang makalapit.
“Hi. Congrats nga pala,” sabi niya at matamis ang ngiti. “Kumusta ang trabaho mo so far?”
Hilaw na napangiti ako. “Okay lang naman. Nagulat nga ako na ngayon pala ako magsisimula agad.”
“Mabuti nga at may na-hire na,” sabi ni Benita sabay buga ng hangin. “May kahati na ako sa inis ni sir.”
“Ganon ba talaga siya? Unang araw ko pa lang na-insulto na ako’t nasigawan,” pagtatapat ko.
“Oo, dumaan din ako riyan, kaya super thankful ako na naisipan nilang mag-hire ng isa pang secretary ni sir,” kuwento ni Benita. “Kaso mukhang mas mahirap ang trabaho mo kasi ikaw ang isasama niya palagi.”
“Nabasa ko nga rin sa kontrata,” sagot ko.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan at nalaman kong tatlong buwan pa lang mula nang maupo bilang CEO ng kumpanya si Conrad. Mula nang maupo siya, wala itong ibang ginawa kundi magsungit sa sinumang lumalapit sa kanyang empleyado.
“Ms. Clemente, come to my office now.”
Tumigil kami sa kwentuhan nang marinig ko sa intercom ang striktong boses ng boss. Nagpaalam ako kay Benita at dali-daling pumunta sa opisina ni Conrad. Pagkapasok pa lang, ramdam na agad ang matalim niyang titig.
“What took you so long?”
“Nasa labas po kasi ako at kausap ko si Benita. Nagpapaturo po ako ng mga gagawin—”
“I don’t think you know what you’re doing,” putol niya sa sinabi ko at napahiya ako sa panlalait. He scoffed in disbelief. “You’re really stupid, aren’t you? Nag-apply ka for this job, and you don’t know what to do?”
“I... I was just…”
“I didn’t ask you to respond, so shut up.”
Huminga ako nang malalim nang mabilis kumulo ang dugo ko. Gusto kong sugurin si Conrad. Gusto ko siyang bugbúgin ng five years' worth.
“Now, I want you to go to Aaron, and get the file I asked him,” sabi niya para bang wala siyang sinabing nakakasakit ng damdamin. “I am giving you a job that will determine kung magpapatuloy ka ba sa trabaho mo rito o hindi.” Kita ko kung paano niya ako tinitingnan mula ulo hanggang paa. “So you better give it your all.”
“Anong trabaho po pala?” tanong ko. Kahit galit ako sa kanya, nanghihinayang pa rin akong mawalan ng trabaho dahil tingin ko na ito ang sasagot sa financial problems ko. At isa pa, mukhang hindi naman niya ako kilala.
“I want you to find a certain person,” tugon ni Conrad, bago siya tumayo at lumapit. Bawat hakbang niya palapit ay napagtanto ko kung gaano kalayo ang tangkad namin. Kailangan kong itaas ang ulo para lang tignan ang mukha niya.
Yumuko siya palapit sa akin kaya napaatras ako.
“I want you to do this job in a month. If you fail, then say goodbye to your job. Tatanggalin kita,” sabi niya bago siya nilagpasan. Naiwan sa akin ang maskuladong halimuyak ng pabango niya.
“Po? Bakit ako pa po?” tanong ko bago siya binalingan. “Pwede naman pong sa police na lang or private investigators, hindi ba?”
“Good suggestion,” sagot niya bago muli lumapit at sinamaan ako ng tingin. “Do you think I didn’t hire people to find that woman? Do you think I didn’t think of that?”
“Woman?” tanong ko. “Babae ang hahanapin ko?”
“Yes. I want you to look for a woman I met five years ago,” pagkumpirma niya. “I’ll send you a file containing the information I have about her. Use that to find her in just a month, or at least find a clue about her whereabouts. If you do, you’ll get to keep this job.”
Bigla akong kinutuban na baka ako ang hinahanap niya. “S-Sir, okay lang po bang malaman ang rason?” Napalunok ako at nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Iba-iba ang ideya na pumapasok sa isip ko.
“You have to sign a non-disclosure agreement first,” sabi niya bago mabilis na bumalik sa table at kumuha ng piniprint na dokumento. “Come here and sign this one.”
Dahil gusto kong malaman ang dahilan niya, walang pagdadalawang-isip akong pumirma. As if naman may magbabago kung pipirma ako o hindi.
“Okay...” sabi niya habang kuha ang papel mula sa akin. “I’ll have this notarized. So bear in mind that you’ll be penalized once you leak any information I’m about to tell you.”
“Okay, sir,” sagot ko.
“I met a woman five years ago, in a bar,” panimula ni Conrad. “We fucked and she got pregnant. But I didn’t believe her since she’s probably just after my money.” Nagpretend na sumandal siya sa swivel chair. “But my father did. And he wants me to find my son from that woman or else I won’t get to inherit this company and his other riches.”
Habang nakikinig, hindi ko maiwasang ikuyom ang kamay ko sa inis. Mas lalo ang galit ko kay Conrad. He’s unbelievable. Naiisip kong pera lang ang habol niya sa akin.
Well, totoo naman. Kailangan ko ang pera niya para suportahan ang anak namin. Pero ang abandonahin niya kami kahit na nakarating naman sa kanya ang balita? Iyon ang hindi ko mapapalagpas.
“If you manage to find that woman yourself, you get to keep your job and I’ll pay ten million as a reward.”
Masyado malaki ang pera na iyon. Pwede na kami lumayo ng anak ko. Pero halos hindi ako makapag-isip ng husto ang utak ko dahil may kung anong kaba akong nararamdaman.
“Ano pong gagawin n’yo sa mag-ina n’yo, sir?” tanong ko nang hindi maitago ang pikon.
“Mag-ina?” natawa siya at napailing. “I don’t need that woman. I only need her son. I need that kid to claim my father’s wealth.”
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay. Hindi man lang niya tawaging anak ang anak ko, maiintindihan ko pa sana kung ayaw niya sa akin. Pero ang sabihin na parang hindi niya inaakong anak ang bata namin?
That’s just pure bullshit. He’s the worst.
Gusto lang niya mahanap ang anak dahil sa mana. Hindi niya gustong makasama man lang ang anak.
“Gagawin mo ba ang trabaho o ngayon pa lang ay tatanggalin na kita sa trabaho?” tanong niya.
Apat na araw pa lang akong nagtatrabaho kay Conrad, pero kitang-kita ko na agad kung paano niya tratuhin ang mga empleyado niya. Akala ko masungit na siya noong una, pero mas masungit pa pala. Para siyang dragon na may apoy sa bibig. Lahat ng nakikitang pumapasok sa opisina niya ay halatang kinakabahan, namumutla, o nakikisuyo na lang para ibang tao ang mag-abot ng dokumento sa kanya. Wala talagang empleyado na hindi takot sa kanya. Their reactions say it all. Conrad is an awful boss, a tyrant. Wala siyang pakialam sa mga empleyado niya.Kung hindi lang siguro dahil sa benefits, baka matagal na silang nagsialisan dito. At marahil dahil matagal na rin sila sa kompanya bago pa siya ang humawak nito.“Ms. Clemente!”Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses niya sa intercom. Nasa labas ako ng opisina niya, sa sariling desk na ibinigay sa akin. Nasa gilid ng desk ang speaker.“I sent you my schedule for this week. Fix them. Ayaw ko ng masakit sa mata. Make sure walang overlappi
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ang lalaking pakakasalan ko lang ang siya ring makakaangkin ng katawan ko.Sex after marriage has always been my principle. Pero hindi ko lubos inakalang ako mismo ang babali sa paninindigan kong iyon. Hindi ko naisip na iaalay ko ang sarili ko sa isang lalaki bago pa ako ikasal. At ang mas masakit? Hindi ko man lang siya kilala. A stranger. Yes, a total stranger was my first.Pera ang naging dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Wala na akong ibang pagpipilian. Sabi ng iba, may mas mabubuting paraan. Trabaho? Hindi sapat. Kailangan ko ng malaking halaga para mabayaran ang balance ko sa tuition, or else hindi ako makakasali sa listahan ng mga magtatapos.All those sleepless nights, all my hard work, lahat mawawala kung hindi ako makakabayad. Ang sumiping at ibenta lang ang katawan ko ang nakita ko noong paraan para makalikom ng pera sa maikling panahon.Kapag hindi ko natupad iyon, hindi lang sarili ko ang mabibigo. Pati na rin ang mama kong pumanaw n
Hindi pa rin ako makapaniwala sa muling pagtatagpo namin ni Conrad, matapos ang limang taon. Hindi ko maiwasang bumalik sa araw nang malaman kong buntis ako. Halos gumuho ang mundo ko noon. Pakiramdam ko ay ayaw ng tadhana na maramdaman ko ang kahit kaunting ginhawa. Mas pinabigat pa nito ang problema ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin noon. Naisip kong ipalaglag ang bata, pero hindi ako ganon kapusok ng puso. Naintindihan ko rin na may bahagi ako sa nangyari. Naive ako. Sobrang kampante ako nung gabing iyon, hindi ko inakala na mangyayari ito. Pero may responsibilidad din si Conrad. Siya ang naglagay ng semilya niya nang hindi ko inaasahan.“Done?”Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Conrad. Nang tingnan ko siya, sinalubong ako ng malamig niyang titig at magkatingalang kilay.“M-Malapit na, sir,” sabi ko habang pinapabilis ang ginagawa ko.“Hurry up,” matigas niyang sabi bago muli na ibinalik ang atensyon sa laptop niya. “You’re supp
“Pasensya ka na sa abala, wala talaga mapag-iwanan kay Braeden,” nakanguso kong sambit sa matalik kong kaibigan na si Kai. Nasa boutique niya ako ngayon habang hinahabilin ang anak ko. “Babalik din ako agad pagkatapos ng interview ko.”“Ano ka ba, Ramona, wala namang problema. Ako na ang bahala sa anak mo. Huwag mo siya masyadong isipin,” nakangiting tugon ni Kai at mahinang tinapik ang balikat ko. “Focus ka muna sa interview mo. Galingan mo,” dagdag pa niya bago inilahad ang kamay sa anak ko at nginitian ang bata.Marahan akong tumango, saka nagpaalam na sa kanilang dalawa para pumunta sa interview ko ngayon.Halos malula ako sa lapad at tayog ng gusali nang makarating ako sa building na pupuntahan ko. Kumikinang ang malaking pangalan ng kompanya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Dalawang beses ko na nakita ang gusaling ito, pero hanggang ngayon ay napapahanga pa rin ako sa laki nito.Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam na isang malaking kompanya pala ang pag-a-applyan ko. Ngayo