Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ang lalaking pakakasalan ko lang ang siya ring makakaangkin ng katawan ko.
Sex after marriage has always been my principle. Pero hindi ko lubos inakalang ako mismo ang babali sa paninindigan kong iyon. Hindi ko naisip na iaalay ko ang sarili ko sa isang lalaki bago pa ako ikasal. At ang mas masakit? Hindi ko man lang siya kilala. A stranger. Yes, a total stranger was my first.
Pera ang naging dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Wala na akong ibang pagpipilian. Sabi ng iba, may mas mabubuting paraan. Trabaho? Hindi sapat. Kailangan ko ng malaking halaga para mabayaran ang balance ko sa tuition, or else hindi ako makakasali sa listahan ng mga magtatapos.
All those sleepless nights, all my hard work, lahat mawawala kung hindi ako makakabayad. Ang sumiping at ibenta lang ang katawan ko ang nakita ko noong paraan para makalikom ng pera sa maikling panahon.
Kapag hindi ko natupad iyon, hindi lang sarili ko ang mabibigo. Pati na rin ang mama kong pumanaw na. Bago siya namatay, ipinangako ko sa kanya na itataguyod ko ang sarili ko, na makakapagtapos ako ng pag-aaral, na makikita niya akong mag-graduate. She wanted me to pass on without worries. Kung mabibigo ako, pakiramdam ko bibiguin ko rin siya.
At doon nagsimula kung paano nagtagpo ang landas namin ni Conrad.
“Ano ba talagang nangyari?” tanong ni Kai habang naglalakad kami pauwi.
“Nangyari saan?” pagmaang-maangan ko. Karga-karga ko si Braeden, nakatulog na siya sa pagod dahil natagalan kami sa pamimili.
“Alam kong may nangyari, Ramona,” diretsong sabi ni Kai habang tumigil sa paglalakad. “Yong mga mata mo kanina, mugto. Halatang galing ka sa pag-iyak. Ilang taon na tayong magkaibigan, kilalang-kilala na kita.”
Nakagat ko ang labi ko. Bumigat ang pakiramdam ko, nanikip ang dibdib ko, at ramdam ko na naman ang init sa gilid ng mga mata ko.
“I… I met him again, Kai. Nagkita kami ulit…”
“Met who?”
May bumara sa lalamunan ko. Gusto ko nang sabihin ang pangalan niya pero kinailangan kong lumunok at huminga nang malalim.
“Ang ama ni Braeden.”
“Ha?!” bulalas ni Kai. “Paano? Saan?”
“He’s my boss,” mabilis kong sagot. “Hindi ko akalaing sa ganoong paraan kami muling pagtatagpuin. And you know what’s worse? Hindi niya ako nakilala.”
“Wait!” Itinapat ni Kai ang dalawang kamay niya sa akin. “So, boss mo ang ama ng anak mo? Isn’t that great? Pwede mo nang sabihin sa kanya ang totoo! Pwede kang humingi ng sustento!”
Umiling ako nang mariin. “Hindi. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Kaya kong buhayin ang anak ko nang ako lang.”
“Pero mas gaganda ang buhay ng anak mo kung susuportahan siya ng tatay niya,” giit ni Kai.
“Wala siyang pakialam sa anak niya,” matigas kong sagot. Muli kong naramdaman ang matinding galit na pilit kong kinokontrol.
“Paano mo naman nasabi?”
“Dahil narinig ko mismo sa bibig niya,” sagot ko bago ako napabuntong-hininga. Naiiyak na naman ako habang ikinukwento ko kay Kai ang usapan namin ni Conrad at ang trabahong ipinapagawa niya sa akin.
“Ipinapahanap niya sa ’yo ang sarili mo?” kunot-noong tanong ni Kai.
“Ang anak ko lang,” paglilinaw ko. “Kailangan niya si Braeden dahil iyon lang ang paraan para makuha niya ang mana niya. Pero hindi ko hahayaang mangyari iyon.”
“Pero sinabi mo na matatanggal ka sa trabaho kapag pumalpak ka, di ba?”
“Oo. Pero sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyon. I’ll make sure to keep my job and keep our secret.”
“Paano mo gagawin iyon?”
“Akong bahala,” paniniguro ko. “Paglalaruan ko siya. I’ll give him leads, pero sisiguraduhin kong hindi niya malalaman na ang hinahanap niyang babae ay kaharap na niya mismo.”
Tinitigan ako ni Kai ng matagal. “Delikado iyan!”
“Susugal ako. Kailangan ko lang makalusot kahit anim na buwan. Makapagtrabaho ako, makapag-ipon, at saka ako aalis.”
Napabuntong-hininga siya, pero ngumiti rin. “Sige, kung iyan ang gusto mo, susuportahan kita. Ako na muna ang bahala kay Braeden. Magfocus ka sa trabaho mo.”
Napangiti ako. “Salamat, Kai. Pangako, babawi ako sa iyo kapag hindi na medyo busy.”
“Wala iyon. Hindi na kailangan. Sino-sino pa ba ang magtutulungan, di ba?”
Naluha ako nang bahagya. Sa lahat ng kapalpakan ko sa buhay, swerte pa rin ako dahil may kaibigang tulad ni Kai.
Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda sa trabaho at ihatid si Braeden kay Kai. Antok pa ang anak ko, pero hindi siya nagreklamo. Isa iyon sa pinasasalamatan ko, dahil hindi siya nagmana sa ugali ng ama niya. Maayos at mabait siyang bata.
“Mama…” tawag niya habang naglalakad kami. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa akin gamit ang mga mata niyang kulay asul, mata na pareho sa ama niya.
“I love you.”
Napasinghap ako. Ramdam kong may mainit na dumaloy sa puso ko. “I love you too, anak. Mahal na mahal ka rin ni Mama,” sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. “Mama will do everything for you.”
Ngumiti siya at yumakap sa binti ko. Halos mapaiyak na naman ako. Hindi ko hahayaang kunin siya ni Conrad. Magkakamatayan muna bago mangyari iyon.
Pagkatapos kong iwan si Braeden kay Kai, dumiretso na ako sa opisina. Akala ko ako ang mauunang dumating, pero naroon na agad si Conrad, nakaupo sa harap ng laptop niya.
“Good morning, sir,” bati ko.
“Have you made up your mind?” malamig niyang tugon, hindi man lang bumati pabalik. “Kung hindi pa, consider yourself fired.”
Napakuyom ako ng kamao. “Yes, sir. Nakapagdesisyon na ako,” sagot ko. Doon lang niya ako tiningnan. “I’ll do it. I’ll find that woman.”
Tumango lang siya. “Good. Now, get out. Busy ako. Huwag kang papasok dito hangga’t hindi kita tinatawag.”
Napairap ako nang palihim bago tumalikod at lumabas ng opisina niya. Huminto ako sandali sa labas at nilingon ang pinto.
“Simulan na natin ang laro, Conrad.”
Apat na araw pa lang akong nagtatrabaho kay Conrad, pero kitang-kita ko na agad kung paano niya tratuhin ang mga empleyado niya. Akala ko masungit na siya noong una, pero mas masungit pa pala. Para siyang dragon na may apoy sa bibig. Lahat ng nakikitang pumapasok sa opisina niya ay halatang kinakabahan, namumutla, o nakikisuyo na lang para ibang tao ang mag-abot ng dokumento sa kanya. Wala talagang empleyado na hindi takot sa kanya. Their reactions say it all. Conrad is an awful boss, a tyrant. Wala siyang pakialam sa mga empleyado niya.Kung hindi lang siguro dahil sa benefits, baka matagal na silang nagsialisan dito. At marahil dahil matagal na rin sila sa kompanya bago pa siya ang humawak nito.“Ms. Clemente!”Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses niya sa intercom. Nasa labas ako ng opisina niya, sa sariling desk na ibinigay sa akin. Nasa gilid ng desk ang speaker.“I sent you my schedule for this week. Fix them. Ayaw ko ng masakit sa mata. Make sure walang overlappi
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ang lalaking pakakasalan ko lang ang siya ring makakaangkin ng katawan ko.Sex after marriage has always been my principle. Pero hindi ko lubos inakalang ako mismo ang babali sa paninindigan kong iyon. Hindi ko naisip na iaalay ko ang sarili ko sa isang lalaki bago pa ako ikasal. At ang mas masakit? Hindi ko man lang siya kilala. A stranger. Yes, a total stranger was my first.Pera ang naging dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Wala na akong ibang pagpipilian. Sabi ng iba, may mas mabubuting paraan. Trabaho? Hindi sapat. Kailangan ko ng malaking halaga para mabayaran ang balance ko sa tuition, or else hindi ako makakasali sa listahan ng mga magtatapos.All those sleepless nights, all my hard work, lahat mawawala kung hindi ako makakabayad. Ang sumiping at ibenta lang ang katawan ko ang nakita ko noong paraan para makalikom ng pera sa maikling panahon.Kapag hindi ko natupad iyon, hindi lang sarili ko ang mabibigo. Pati na rin ang mama kong pumanaw n
Hindi pa rin ako makapaniwala sa muling pagtatagpo namin ni Conrad, matapos ang limang taon. Hindi ko maiwasang bumalik sa araw nang malaman kong buntis ako. Halos gumuho ang mundo ko noon. Pakiramdam ko ay ayaw ng tadhana na maramdaman ko ang kahit kaunting ginhawa. Mas pinabigat pa nito ang problema ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin noon. Naisip kong ipalaglag ang bata, pero hindi ako ganon kapusok ng puso. Naintindihan ko rin na may bahagi ako sa nangyari. Naive ako. Sobrang kampante ako nung gabing iyon, hindi ko inakala na mangyayari ito. Pero may responsibilidad din si Conrad. Siya ang naglagay ng semilya niya nang hindi ko inaasahan.“Done?”Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Conrad. Nang tingnan ko siya, sinalubong ako ng malamig niyang titig at magkatingalang kilay.“M-Malapit na, sir,” sabi ko habang pinapabilis ang ginagawa ko.“Hurry up,” matigas niyang sabi bago muli na ibinalik ang atensyon sa laptop niya. “You’re supp
“Pasensya ka na sa abala, wala talaga mapag-iwanan kay Braeden,” nakanguso kong sambit sa matalik kong kaibigan na si Kai. Nasa boutique niya ako ngayon habang hinahabilin ang anak ko. “Babalik din ako agad pagkatapos ng interview ko.”“Ano ka ba, Ramona, wala namang problema. Ako na ang bahala sa anak mo. Huwag mo siya masyadong isipin,” nakangiting tugon ni Kai at mahinang tinapik ang balikat ko. “Focus ka muna sa interview mo. Galingan mo,” dagdag pa niya bago inilahad ang kamay sa anak ko at nginitian ang bata.Marahan akong tumango, saka nagpaalam na sa kanilang dalawa para pumunta sa interview ko ngayon.Halos malula ako sa lapad at tayog ng gusali nang makarating ako sa building na pupuntahan ko. Kumikinang ang malaking pangalan ng kompanya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Dalawang beses ko na nakita ang gusaling ito, pero hanggang ngayon ay napapahanga pa rin ako sa laki nito.Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam na isang malaking kompanya pala ang pag-a-applyan ko. Ngayo