Share

Chapter 4

Author: Zerorizz
last update Last Updated: 2025-09-19 07:53:15

Tahimik ang buong mansyon matapos ang mainit na sagupaan nina Samuel at Lucas. Kanina lang ay umaalingawngaw ang bawat salita ng dalawang makapangyarihang lalaki, nagbabanggaan ng ego, yaman, at kapangyarihan—lahat para kay Aurora.

Ngayon, tila biglang nalunod ang paligid sa katahimikan.

Si Aurora ay nakaupo sa gilid ng sofa, nanginginig ang mga daliri habang mahigpit na hawak ang laylayan ng kanyang damit. Ramdam niya pa rin ang bigat ng titig ng dalawang lalaki. Si Lucas, bago umalis, nag-iwan ng malamig ngunit may halong lambing na sulyap sa kanya—parang nagsasabing “hindi pa ako tapos.”

At si Samuel…

Nakatayo ito malapit sa malaking bintana, naka-kumpas ang mga kamay sa likod, nakatalikod kay Aurora. Tahimik siya, ngunit ang presensya niya ay mabigat, parang pader na hindi mabuwag.

“Samuel…” maingat na tawag ni Aurora, halos pabulong.

Hindi ito agad sumagot. Bagkus, humigpit ang kamao ng lalaki, bakas ang pagpipigil. Ilang segundo pa bago niya marinig ang malamig nitong tinig.

“Huwag mo nang banggitin ang pangalang Lucas sa loob ng bahay ko ha. Hindi natin siya kailangan. Ako ang kailangan mo, Aurora.”

Napakurap si Aurora, parang binuhusan ng yelo. Alam niyang tinutukoy ni Samuel si Lucas.

“Hindi ko—” saglit siyang natigilan. Hindi ba’t wala naman talaga siyang ginawang masama? Hindi niya inaya si Lucas, hindi niya pinili na biglang lumitaw ito at harapin si Samuel. Pero sa mga mata ng kanyang asawa, siya pa rin ang may kasalanan.

Dahan-dahang humarap si Samuel, at doon niya nakita ang mga mata nitong puno ng apoy—galit, ngunit sa ilalim ng galit na iyon, may halong sakit.

“Bakit siya? Bakit palaging siya?” bulalas ni Samuel, mababa ang boses ngunit puno ng bigat. “Kahit ilang taon, kahit gaano karaming gabi ang lumipas, kahit ilang beses kitang piniling paniwalaan—sa huli, siya pa rin ang naririyan.”

Hindi nakasagot si Aurora. Wala siyang maalala tungkol sa anim na taon na lumipas, ngunit ramdam niya ang bigat ng paratang. Parang lahat ng sugat na iniwan ng kanyang nakaraan ay ibinabalik ngayon ng mga salitang iyon.

“Hindi mo naiintindihan…” mahina niyang sabi, halos pagmamakaawa. “Ni hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Para bang… isang gabi lang, tapos pagmulat ko, may pamilya na ako.”

Tumawa si Samuel, malamig at mapait. “Para bang wala kang alam? Aurora, ilang ulit mo na akong ginawang baliw. Ilang ulit mo akong binalewala. At ngayon, gusto mo akong kumbinsihin na hindi mo alam?”

Lumapit siya, mabigat ang bawat hakbang, hanggang sa nasa harap na niya ang babae. Hinawakan niya ang baba nito at pinilit siyang tumingin sa mga mata niya.

“Sabihin mo sa akin, Aurora,” mariin niyang bulong. “Bakit kailanman, kahit anong gawin ko, kahit anong sakit ang tiisin ko, bakit sa kanya pa rin?”

Nag-init ang mga mata ni Aurora. Hindi niya alam kung ano ang dapat sagutin. Paano niya ipapaliwanag ang kalituhan niya? Paano niya sasabihing wala siyang maalala sa anim na taon na sinasabi nito?

“Samuel, hindi ako ang babaeng iniisip mo. Oo, ako si Aurora, pero hindi ko alam ang mga kasalanang sinasabi mo. Parang… ibang ako ‘yon.”

Parang napako ang tingin ng lalaki. Ilang saglit, tila nag-alinlangan. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa malamig na anyo.

“Huwag mo akong lokohin,” madiin niyang sambit. “Hindi ako papayag na gamitin mo ulit ang kalituhan o ang mga luha mo para manipulahin ako.”

Iniwang tulala si Aurora, nanginginig ang mga labi. Hindi siya makapaniwala kung gaano kabigat ang galit ng lalaking kaharap niya. Ngunit higit pa roon, ramdam niya ang sugat sa likod ng galit na iyon—isang sugat na siya mismo ang iniwan, kahit hindi niya maalala kung paano.

Kinagabihan, mag-isa si Aurora sa silid. Tahimik ang buong mansyon, ngunit ang dibdib niya’y parang pinipiga ng bigat. Humiga siya sa kama, ngunit hindi siya mapakali. Ang mga salita ni Samuel ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya:

“Bakit kahit kailan, siya pa rin?”

Sa likod ng mga tanong na iyon, naroon ang lungkot. Ramdam niya, kahit pilit tinatago ni Samuel, na mahal pa rin siya nito. Pero bakit? Kung ganoon, bakit puro galit, kontrol, at malamig na tingin ang ipinapakita sa kanya?

“Kung talagang mahal mo ako…” bulong niya sa kawalan. “Bakit ganito ang pakikitungo mo sa akin?”

Hindi niya alam kung saan siya tatayo. Wala siyang alaala, wala siyang armas para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging hawak lang niya ay ang katotohanan na kagabi, labing-walo pa lang siya. Ngayon, asawa na siya, may dalawang anak, at nakatali sa isang lalaking puno ng galit at pagmamahal sa parehong oras.

Sa kabilang silid, nakaupo si Samuel sa kanyang opisina. Nakatingin sa basong may alak, hindi umiinom, nakatulala lang. Hindi niya maintindihan ang sarili.

Galit siya. Oo. Galit na galit. Pero nang makita niya si Aurora kanina, litong-lito, halos umiiyak, ibang damdamin ang gumising sa kanya. Gusto niya itong yakapin, gusto niyang maniwala na nagsasabi ito ng totoo.

Pero paano? Paano kung panibagong laro lang iyon ni Aurora, gaya ng mga ginawa niya noon?

Mahigpit niyang pinikit ang mga mata, pinilit patigasin ang damdamin. Ngunit kahit anong gawin niya, may bahagi ng kanyang puso na hindi matigil sa pagtibok para sa babaeng iyon.

Samantala, si Aurora ay hindi makatulog. Bumangon siya at lumapit sa malaking salamin. Tinitigan niya ang sarili—ang mukha niyang mas matured, mas malalim ang mga mata, parang dumaan sa matinding hirap.

“Ito ba ako…?” bulong niya.

Kung ito ang naging siya sa nakaraang anim na taon, ano bang ginawa niya? Anong mga desisyon ang nagtulak kay Samuel na magalit nang ganoon? At bakit, sa kabila ng lahat, nararamdaman niyang mahal pa rin siya nito?

Pinikit niya ang mga mata at napahawak sa dibdib. Doon niya naramdaman ang kakaibang tibok—isang tibok na nagdadala ng takot at pananabik.

Galit man si Samuel, pero sa ilalim ng lahat ng iyon, ramdam niya: hindi pa siya binitiwan ng lalaki.

At doon nagsimula ang pinakamasakit na tanong sa kanyang puso.

“Kung ganoon… bakit sa kanya pa rin?”

At sa gabing iyon, parehong hindi makatulog sina Aurora at Samuel. Magkalayo sila ng silid, ngunit pareho silang binabagabag ng iisang tanong, iisang damdamin, at iisang sugat na kahit anong pilit, hindi pa rin kayang maghilom.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss   Chapter 184

    Hindi agad natulog ang mansyon matapos ang pag-urong ng mga anino. May mga ilaw pa ring nakabukas sa ilang pakpak ng gusali, at ang bawat yabag ng bantay ay may kasamang bigat ng posibilidad. Ang katahimikan ngayon ay hindi pahinga—isa itong paghahanda. Sa loob ng master suite, nakatayo si Aurora sa harap ng bintana. Nakabukas nang bahagya ang kurtina, sapat para makita ang mga ilaw sa bakuran at ang mga taong patuloy na nagroronda. Ang mundo sa labas ay tila kontrolado na muli, pero ang pakiramdam sa dibdib niya ay hindi pa rin bumabalik sa dati. Sa likuran niya, tahimik na isinara ni Samuel ang pinto. Hindi niya agad nilapitan ang babae. Sa halip, nanatili siya roon sandali, pinagmamasdan ang tuwid na likod nito, ang mga balikat na kahit pagod ay hindi bumabagsak. Sanay na siya sa lakas nito—pero sa bawat ganitong gabi, mas lalo niyang nauunawaan kung gaano kalaki ang panganib na hinaharap ng babaeng pinili niyang manatili sa tabi niya. Lumapit siya nang dahan-dahan. “Huwag kan

  • Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss   Chapter 183

    Hindi agad sumugod ang mga anino. Sa halip, nanatili silang nakapuwesto sa pagitan ng mga puno—sakto sa hangganan ng liwanag at dilim. Ang hangin ay dumaan sa pagitan ng mga sanga, may dalang alingawngaw ng mga yabag na hindi pa tuluyang sumusulong. Sa gitna ng bukas na pinto ng mansyon, nanatiling matatag ang tindig ni Samuel, balikat ay tuwid, mga mata ay kalmado ngunit nag-aapoy sa babalang hindi kailangang isigaw.Sa likuran niya, ilang hakbang ang layo, tumigil si Aurora. Hindi siya nagkubli. Hindi rin siya umatras. Ang presensiya niya roon ay isang tahimik na pahayag—na hindi na siya ang babaeng iiwan sa likod ng pinto habang may ibang humaharap sa panganib.Isang mabagal na hakbang ang ginawa ng unang anino palabas ng kakahuyan. Sumunod ang isa pa, at pagkatapos ay ang ikatlo. Hindi sila nagtatago ngayon. Ang kanilang mga mukha ay hindi pa rin ganap na malinaw, pero sapat ang liwanag para makita ang kumpiyansa sa paraan ng kanilang paglakad.“Hindi ito ang lugar ninyo,” malamig

  • Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss   Chapter 182

    Hindi na umabot ang yabag ni Samuel sa dulo ng hallway bago tuluyang magsara ang mabibigat na pinto ng mansyon. Sa sandaling iyon, tila humiwalay ang gabi sa normal nitong takbo. Ang bawat ilaw ay masyadong maliwanag, ang bawat anino ay may dalang babala. Sa labas, ang hangin ay gumalaw na parang may dalang bulong—hindi malinaw, pero sapat para patindihin ang tensiyon.Sa control room, tahimik na nakahanay ang mga monitor. Iba’t ibang anggulo ng bakuran, ng bakod, ng kakahuyan. Walang malinaw na mukha, walang direktang banta—pero may galaw. May presensya.“May dalawang signal na patuloy na umiikot sa perimeter,” maingat na ulat ng isang tauhan. “Hindi sila lumalapit, pero hindi rin umaalis.”Tumango si Samuel, nakapako ang tingin sa screen. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagagalit. Ang katahimikang iyon ang mas delikado—ang uri ng katahimikan ng isang taong matagal nang natutong maghintay bago umatake.Sa kabilang bahagi ng mansyon, nanatili si Aurora sa silid, hindi dahil pin

  • Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss   Chapter 181

    Hindi agad sumunod ang gabi sa utos ng dilim. Mabagal ang pagdating nito, parang may alinlangan, parang alam nitong may mabigat na mangyayari kapag tuluyan na itong bumaba. Sa mansyon, nanatiling gising ang mga ilaw—hindi para itaboy ang takot, kundi para ipaalala na handa ang lahat. Sa loob ng strategy room, nagtipon ang iilang piling tauhan. Walang mahabang paliwanag. Isang pangalan lang ang nasa gitna ng mesa, naka-print sa papel na parang hindi dapat naroon, pero matagal nang hinihintay. Matagal na ring hindi bago ang ganitong mga gabi—ang uri ng gabing may desisyong hindi na mababawi. Ngunit may kaibahan ngayon. Hindi na lang ito tungkol sa teritoryo o kapangyarihan. May mga batang natutulog sa isang lugar na kailangang manatiling lihim. May isang babae na hindi na maaaring ilagay sa pagitan ng apoy. “May galaw sa silangan,” ulat ng isa. “Tahimik, pero organisado.” “Hindi sila papasok nang walang paanyaya,” sagot ng isa pa. “Hindi ganoon ang istilo niya.” Isang katahimikan

  • Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss   Chapter 180

    Hindi natapos ang ulan nang sumikat ang araw. Bumagal lang ito—parang pagod na humahawak pa rin sa layuning huwag tuluyang tumigil. Sa mansyon, nagsimula ang umaga na walang seremonya. Walang almusal sa mahabang mesa. Walang musika. Tanging mga ulat, mga mata sa screen, at mga yabag na sinukat ang bawat segundo.Sa control room, patuloy ang paggalaw ng impormasyon. May mga ruta na binuksan, may mga pinto na muling sinelyuhan. Ang nahuling lalaki kanina ay nakapwesto na sa isang silid na walang bintana—buhay, pero walang kalayaan. Hindi pa siya nagsasalita. Hindi pa siya tinatanong.“Hayaan muna,” utos mula sa gitna. “Mas maraming sinasabi ang katahimikan.”Lumipat ang tingin sa mapa. May mga marka na tinanggal, may mga bagong inilagay. Ang laban ay hindi paligsahan ng lakas—isa itong laro ng tiyaga. At kung may kalaban na marunong maghintay, mas marunong siyang magpaantala.Sa safehouse, nagising ang mga bata sa tunog ng mahinang pagkatok. Hindi mga bantay—kundi amoy ng tinapay at mai

  • Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss   Chapter 179

    Hindi agad dumating ang umaga, pero ramdam ni Aurora ang pag-usad ng oras sa bawat segundo ng katahimikan. Ang mansyon ay parang isang nilalang na gising—humihinga, nagbabantay, handang kumagat kapag kinakailangan. Sa labas, nanatiling nakapuwesto ang mga tauhan ni Samuel; walang umalis sa pwesto, walang nagpakampante. Ang mensaheng iniwan ng mga anino ay hindi banta lang—isa itong hamon.Sa loob ng master hallway, nakatayo si Samuel sa harap ng malaking bintana, nakapamewang, ang mga mata’y nakatuon sa dilim sa labas. Hindi na niya hinahabol ang mga anino; hinahayaan niya silang umatras. Sa karanasan niya, ang pag-urong ng kalaban ay hindi tanda ng takot—kundi paghahanda.Lumapit si Aurora, marahang inilapag ang kamay sa likod niya. Ramdam niya ang tensiyon sa bawat hibla ng katawan ng lalaki.“Hindi ka pa rin nagpapahinga,” mahina niyang sabi.“Hindi pa,” tugon ni Samuel. “Hangga’t hindi sumisikat ang araw, hindi pa tapos ang gabi.”Tahimik silang magkatabi. Walang yakap. Walang hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status