Mainit ang gabi, ngunit malamig ang aura sa loob ng silid. Tahimik si Aurora, hawak pa rin ang sulat na iniwan ni Selene. Paulit-ulit na binabasa ng mga mata niya ang bawat linya hanggang sa pumatak ang luha sa papel.Nang bumukas ang pinto, pumasok si Samuel. Matikas, malamig, at puno ng bigat ang bawat hakbang. Ang presensya niya’y agad nagpalabo ng hangin.“Aurora,” aniya, boses na parang yelo. “Nagawa mo pa talagang hayaan na mawala ang anak natin?”Napasinghap siya. “Samuel, hindi ko—hindi ko alam! Pagmulat ko lang, wala na siya!”Nilapitan siya ng lalaki, mahigpit ang panga. Hinawakan nito ang pulso niya, madiin, parang ayaw pakawalan. “Wala kang alam? Palagi na lang wala kang alam. Anim na taon na kitang kilala, Aurora. At kahit ngayon, hindi ka nagbabago.”“Masakit, Samuel…” mahina niyang sabi habang sinusubukang bawiin ang kamay.Ngunit mas lalo pa siyang hinigpitan. Ang mga mata nito, malamig, ngunit sa ilalim ng lamig na iyon, may apoy na hindi niya maikakaila.“Ako ang asa
Terakhir Diperbarui : 2025-09-19 Baca selengkapnya