Share

Kabanata 2 - First Encounter

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako no'ng makita ko na naman ang isang liwanag sa bandang dulo ng building na 'to. Napalunok ako at walang pagdadalawang-isip na patakbok pinuntahan kung saan nanggagaling ang liwanag.

Napamulagat ako at bahagyang napaatras. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nakikita ko ngayon. Ipinikit ko ang aking mata at kinusot 'yon at muling iminulat na nagbabakasakali na guni-guni ulit ang aking nakita. Ngunit ngayon ay nananatili itong nandoon. Naglakad ako ng bahagya para lalo pang tingnan ang kakaibang bagay na ito.

“Portal?”

Ang pagkamangha ay hindi maalis sa buong sistema ko dahil para itong napapalibutan ng kuryente sa paligid nito at sa gitna nito ang itim at parang walang hangganang lagusan. Hindi ko maramdaman na pumipikit ang mata ko, siguro dahil ito sa sobrang pagkamangha at gulat kaya bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ay tumalikod na ako at akmang aalis na.

Siguro ay pakana lamang ito ng mga tambay d'yan sa tabi-tabi.

"Ano bang klase ng bagay 'yon?" takha kong tanong sa sarili dahil ayokong magpalinlang o maniwala basta-basta. Kailangan ko munang kausapin si Remi tungkol dito dahil nasisiguro kong s’ya ang may pakana nito.

Humanda ka Remi, tatamaan talaga kita!

Iba na talaga ang mundo ngayon, ang dami ng nalilikha na kung ano-ano. Siguraduhin lang talaga ng lokong ‘yon na maipapaliwanag n’ya ‘to. Bago pa man ako tuluyang makaalis sa harap ng kakaibang bagay na 'yon ay may biglang sumigaw sa 'di kalayuan.

"Tabi!"

Napalingon ako sa may-ari ng boses, isang lalaking puro itim ang suot. Mula ulo hanggang paa pati ang makalumang jacket na suot nito. Hindi ko maaninag ang mukha n'ya dahil masyado pa itong malayo.

Nasisiraan na ba 'to?

Biro akong nagsalita, "Nagkalat na talaga ang mga adik ngayon." Sabay iling.

"TABI!"

Bago pa ako makagawa ng Isang hakbang ay napalingon ulit ako sa tumatakbo na siyang papunta na sa direksyon ko habang sumisigaw.

Gusto kong tingnan ang susunod na gagawin nito. Tumabling kaya 'to? O mag-floating ng walang tubig o lumipad gaya ni superman? Bakit? Walang imposible sa mga adik.

Nagulat na lang ako dahil hindi s'ya tumitigil sa pagtakbo at mababangga na ako, sa sobrang bilis ng takbo nito ay hindi ko na nagawang makaiwas pa. Nadagil ako nito at nawalan na ako ng balanse at natumba. Sa kasamaang palad ay nagdire-diretso ako sa portal na nasa likod ko.

Nagulat ako noong kasabay ng pagkahulog ko sa portal na 'to ay kasabay ko rin ang lalaki na dumagil sa akin papunta rito. Napahawak ako sa batok n'ya, nakita ko ro’n ang isang tattoo ng rosas. Hindi ito kalakihan ngunit sapat na para makita ko.

Napapikit ako at namalayan ko na lang na unti-unti na akong nilalamon ng kadiliman kasama ang lalaking walang habas na bumangga sa akin.

~*~

Nagising ako na masakit ang aking puwitan, napadaing ako dahil sa sakit. Inlibot ko ang aking paningin at nakita ko ang isang lumang lugar. Parang nalipasan na ito ng panahon at nasa parang eskinita ako. Napakasikip at napakagabok ng paligid dahil sa mga nagtatakbuhan sa may lupang kalsada. Napansin ko na pantulog pa rin pala ang suot ko at napakadumi na rin dahil sa mga lupang dumikit. Tumayo ako para tingnan ang nangyayari, naglakad ako pero bago pa ako maka limang hakbang ay may narinig akong pagsitsit.

"Pst!"

Napatigil ako sa aking paglalakad, napatingin ako sa likuran ko ngunit isang malaki at mataas na pader lamang ang aking natagpuan. Nagtaka ako, sino naman 'yun? Hindi ko na pinansin ang bagay na iyon at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Pst!"

Sa pangalawang pagkakataon ay napatigil ako at napalingon ulit sa aking likuran pero gano'n pa rin, isang pader na pagkataas-taas. Tumingin ako sa kanan ko ngunit pader lamang ang aking nakita, tumingin ako sa aking kaliwa pero katulad ng sa kanan ay gano'n din, isang pader lamang. Nangunot ang aking noo, sinong baliw 'yun?

Humarap na ako, hindi ako naglakad at pinakiramdaman ang paligid. Humakbang ako ng isa at mabilis na tumalikod upang tingnan kung may tao nga ba sa likod ko ngunit wala naman. Napailing na lamang ako, siguro ay dahil ito sa pagkabigla ko sa lugar kung saan man ako naroroon. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Pst!"

Sa pangatlong pagkakataon ay napalingon na naman ako. Sino ba 'yun? Ang pagkairita ay mabilis na namayani sa akin. Natatakot na ako, 'wag lang s'yang magpapakita sa'kin dahil masasabunutan ko talaga s'ya!

"Talaga?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Kanino galing 'yun? Napalingon ako kung saan-saan pero lumang pader lamang ang sumalubong sa akin.

"N-nasan ka?" tanong ko at patuloy pa ring naghahanap pero wala talaga.

"Hindi mo talaga ako mahahanap kung puro sa likod at tabi ka lang natingin. Subukan mo kayang tumingin sa itaas."

Walang ano-ano ay sinunod ko ang sinabi n'ya, tumingin ako sa itaas at halos himatayin ako sa nakita. Isang binatilyong nakalutang na nakangiti sa akin.

Napasigaw ako, paano n'ya nagawa 'yun? Paano s'ya nakakalutang? Napaupo ako sa lupa at napatakip ang mga palad sa mukha. Diyos ko! Hindi naman ako adik ah pero bakit nakakakita ako ng gano'n?

"Adik?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko 'yung lalaki na nakababa na pala, napatingin ulit ako sa itaas. Paano s'ya nakakalutang? Paulit-ulit kong tanong sa aking isipan. Isang madilim na kalangitan lang ang aking nakikita, napabalik ang tingin ko sa lalaki. Nangunot naman ang aking noo sa pagtataka. Anong suot 'yan?

"Itong suot ko? Ito ang paborito kong kasuotan. Masarap sa pakiramdam at presko."

Nagtaka naman ako. Teka, marunong ba s'yang magbasa ng isip?

"Oo, marunong ako. Maliit pa lamang kami ay itinuturo na ang bagay na 'yan sa amin."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mamamangha ba? Dahil ngayon lamang ako nakakita ng gan'yan o matakot dahil hindi ordinaryo 'yun?

"Siguro mamangha ka dahil mga maharlika at mga nakapag-aral lamang ang nakakagawa noon at matakot? Hindi dapat dahil ordinaryo lamang ang bagay na 'yun para sa atin."

Ano raw?

"Hindi ko alam kung takas ka ba galing Guita o talagang sanhi lamang iyan ng pagkakaluklok mo d'yan sa tabi."

Naguguluhan ako sa nangyayari, hindi na n'ya ako pinagsalita! At anong Guita ba ang sinasabi n'ya?

"Anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya pero hindi ko 'yun pinansin dahil hindi ako makapaniwala sa suot n'ya. Para s'yang prinsipe na naligaw sa kabayanan dahil sa suot n'ya. Malinis ang pagkakagupit ng kanyang buhok na kulay itim at tsokolate na mga mata. Maamo ang kanyang mukha at napaka-inosente.

"Sa lahat ng lumalabas sa isip mo, 'yan ang pinakagusto ko."

Nababasa nga n'ya ang nasa isip ko.

"Kanina pa, binibini."

Naiinis na ako sa kanya ngunit nginitian n'ya lang ako.

"Tinatanong kita, bakit ka naririto?"

'Yan din ang hindi ko alam, wala na akong maalala at naguguluhan na rin ako sa nangyayari sa aking paligid. Muli akong napatitig dito, sino ba s'ya at bakit gan'yan siya makatanong?

"Kung ayaw mong mabasa ang nasa isip mo matuto kang isara 'yan," gigil na saad nito. Para na akong batang pinapagalitan sa lagay naming 'to. Napadapo ang kamay ko sa noo ko, hindi ko nga alam kung ano ba ang sinasabi n'ya.

"Saan mo nakuha ang suot mo?" Napatingin naman ako sa suot ko, sobrang dumi talaga. Teka?

"Bakit mo tinatanong?" maangas na tanong ko.

Nakita ko kung paano naningkit ang kanyang mga mata.

"Wala kang karapatang sagutin ako ng isa pang tanong." Ramdam ko ang awtoridad sa boses n'ya, napamaang naman ako.

"Wala ka ring karapatan na pakialaman ako," turan ko saka mabilis na tumayo. Pinagpagan ko naman ang likuran ko dahil alam kong napakarumi na lalo no'n.

"Kampor!" galit na saad n'ya kaya naman napaatras ako. Kampor? Kung kanina ay nakapaskil ang maamong mukha sa kanya ngayon naman ay mabilis na napalitan ng nakakatakot na aura ang buo n'yang mukha. Namayani agad ang kaba at takot sa aking dibdib, para s'yang papatay sa lagay na ito.

Kampor - lapastangan

Guita - piitan

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan napunta ka tuloy sa isang lugar na hindi mo dapat puntahan masyado ka kasing mausisa sa nakikita mong liwanag ei
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status