Share

Trapped in the Arms of Mr. Hot Lawyer
Trapped in the Arms of Mr. Hot Lawyer
Author: merakielleee

Chapter 1

Shyria's POV

Hindi ko mapigilan ang sarili mapaluha habang tinitignan ang nobyo kong may kahalikang iba. Mukhang gustong-gusto niya pa. He seems enjoying the scene while it's breaking me into pieces.

Tumigil lang silang dalawa sa paghahalikan nang sumigaw ang direktor, "Cut!"

Bumaling ang tingin ni Bruce sa akin ngunit agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko siya kayang tignan gayong may kahalikan siyang iba. It was just part of a scene but he seems enjoying it. Nasasaktan ako at naiinis ako sa sarili ko at the same time.

Tumayo na ako at kinuha ang bag kong nakapatong sa table. Walang salitang lumabas sa aking labi at dire-diretso ang lakad paalis ng set. Tinatawag nila ako pero nagpanggap akong bingi at hindi sila pinansin.

I should be profesional because this is our job but I've been in this industry for so many years and all of my kissing scene was fake. But today? How come it happen? Bakit naging makatotohanan iyong halik scene ni Bruce at worst sa ibang babae pa. Bakit hindi sa akin?

Nang makarating ako sa parking lot ay agad na akong pumasok sa kotse ko. Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko at aalis na sana ako ng biglang humarang si Bruce sa dadaanan ng sasakyan ko.

Maamo ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Nagsusumamo ang kaniyang mga mata. Ngunit matigas ang puso ko ngayon kaya isang malakas na busina ang ginawa ko para paalisin siya sa dadaanan ko.

Umiling-iling lang siya bilang sagot.

Inulit-ulit ko ang malakas na pagbusina para paalisin siya ngunit matigas ang ulo ni Bruce. Naiinis kong binuksan ang pinto ng aking kotse at hinarap si Bruce. Isang matalim na titig ang binigay ko sa kaniya.

"Ano ba, Bruce! Hindi mo ba maramdaman na ayaw kitang makausap?" iritang sigaw ko sa kaniya.

"Sinabi ni Direk na sundan ka at kausapin dahil ikaw na iyon—"

"Fuck you! Ganiyan ka ba ka-insensitive ha?" tanong ko sa kaniya. Mapakla akong tumawa at pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo ulit mula sa aking mga mata.

"Sam..."

"Tangina! I don't care about the show anymore. This is bullshit!" I said while cussing so hard.

"I am your girlfriend, Bruce pero bakit? Bakit sa kaniya mo pa ginawa iyong halik? It should be me?!" I shouted to him while crying.

"Sam, I'm sorry..." he apologized.

Sinubukan niya akong hawakan sa balikat ngunit tinabig ko ang kamay niya at umatras ako papalayo sa kaniya.

"Sorry? Sorry dahil? Dahil nagustuhan mo iyong halik niya? Dahil nag-e-enjoy ka?" tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling siya bilang sagot habang nakatingin sa aking mga mata.

"It's not like that. Hindi ko naman ginusto iyong halik, Sam. Nadala lang ako sa bugso ng damdamin," turan nito sa mahinang boses.

Pagak akong tumaw habang tumutulo pa rin ang mga luha. Tila ba ay isa akong baliw at laking pasasalamat ko dahil walang pakalat-kalat na paparazzi ngayon. Kung mayroon man ay trending na naman ulit ako panigurado.

"Hindi mo ginusto ang halik ni Merida at nadala ka lang sa bugso ng damdamin?" tanong ko sa kaniya. "Fuck you, Bruce! Parehas lang din iyon... ginusto mo o hindi kung nag-enjoy ka ay gusto mo pa rin iyong halik niya."

"S-sam..."

"Is she a good kisser?" I asked him this time ny voice was firm. Pinunasan ko rin ang mga luha sa aking pisngi.

Alam ko na ang pangit kong tignan ngayon. Sira-sira na ang make up ko dahil sa matinding pag-iyak.

"Sam..." he called my name while shaking his head.

"Just answer my damn question, Bruce! Is she a goo—"

"Yes!" he cut me off.

My mouth agape while looking at him. Hindi makapaniwala ang titig na binigay ko sa kaniya. Pero sa huli ay agad din akong umiwas ng tingin sa kaniya.

Ang sakit pala na sa mismong bibig niya lumabas ang katagang iyon.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Pinipigilan ko rin ang sarili na wag lumuha ulit.

"I don't want to see you again, Bruce," usal ko at agad na siyang tinalikuran.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at agad na pinaandar ang kotse ko. Mabuti na lang ay umalis din agad siya sa daan ko kung hindi ay baka sinagasaan ko siya

"Cut!" sigaw ni Direk Bobby mula sa kabilang linya kaya tumigil na ako sa pagmamaneho at lumabas ng kotse.

Agad kong kinuha iyong inabot na wipes ng manager ko sa akin at pinunas sa aking mukha.

"Ang galing mo talaga, Ria," masayang sabi ng manager mo. "Wala ka pa ring kupas, ang galing mong umiyak..."

Ngumiti lang ako sa kaniya bilang sagot.

I love my work... mahal ko ang pag-arte kaya ginagawa ko lahat para mapaangat lalo ang pangalan ko sa Industry.

Nang mapagtanto kong maayos na ang mukha ko ay agad na akong nagtungo sa set kung saan hinihintay ako ng director.

The usual ay pinupuri nila ako na sobrang galing ko daw, at wala pa ring kupas sa pag-arte.

"Thank you, Direk. Magaling din kasi ang partner ko kaya gano'n," usal ko, and I was reffering to David.

"Thank you, Nicole but yeah Direk is right... sobrang galing mo," wika ni David.

David is a handsome guy, mabait at higit sa lahat ay rising star. Pero hindi ko siya type at kahit kailan hindi ako magkakagusto sa kaniya.

Ngumiti lang ako sa kaniya bilang sagot. Binaling ko na lang muli ang atensyon ko kay Direk na ngayon ay pinapabasa sa akin ang next script ko.

"Thank you, Direk," pagpapasalamat ko kay Direk bago ako tumalikod sa kanila.

Nagtungo na ako sa cabin ko upang doon pag-aralan ang script ko. Hindi naman ganon kalayo ang cabin ko sa set namin ngayon kaya mabilis lang din ako tawagin kung ako na ang susunod na kukuhanan ng scene.

Umupo na ako sa harap ng salamin at iyong mga stylist ko naman ay ginagawa na nila ang dapat nilang gawin. Nasa tabi ko rin si Myrtle, ang manager ko.

"Tumatawag ang asawa mo," mahinang usal ni Myrtle sa akin sabay pakita ng phone ko. Naka-display ang pangalan ni Logan sa screen.

I heaved a sigh bago kinuha ang cellphone ko sa kamay ni Myrtle at sinagot ang tawag ni Logan.

"I miss you," he uttered from the other line that made my whole body stiff.

Did he just said that he already miss me?

"Baby, are you still there?" he asked in a husky tone.

I rolled my eyes. "Yes, I'm still here..."

"Hindi mo ako miss?" tanong nito, at alam kong nakanguso ito ngayon at ang kaniyang mata naman ay nagpapaawa.

Napapikit ako ng mariin ng ma-imagine ko ang mukha niya habang sinasabi niya ang katagang iyon.

Gosh! Logan why are you being so cute!

"I miss you more, Logan. But you know I can't go home today..." malungkot kong wika.

Logan support me on my passion at ganon din ako sa kaniya. Logan ay isang public attorney slash a CEO of his own company.

"Can I go in your taping place?" he asked.

"Hmm I don't think so..." I replied.

Hindi ko talaga alam baka kasi may makakita sa kaniya at pagalitan kami ni Direk.

Hindi alam ng publiko na kasal na ako. Tangin ang team ko lang ang nakakaalam na asawa ko si Logan, ang hot lawyer at CEO ng buhay ko.

"Baby, I miss you so much..." he said it again and again.

"I miss you more, Hubby. I promise kapag natapos agad kami ay uuwi agad ako," nakangiting wika ko.

"I miss being inside you...."

Agad na nag-react at aking gitna ng marinig ko ang mga sinabi ni Logan. Tila ba ay may sariling buhay ang bagay na nasa gitnang bahagi ng aking hita.

Fuck you, Logan. Alam na alam mo talaga kung paano ako hulihin.

"Logan?!"

I heard him laugh from the other line.

"Umuwi ka na kasi..." pagpupumilit nito.

Umiling-iling na lang ako at ngumisi. "Hubby, paano ako matatapos kong tumatawag ka? Last scene na namin to ngayon oh."

"Hala! bakit hindi mo sinabi?" tanong nito na parang bata. "Oh sige na po, baby mamaya na tayo mag-usap. Iloveyou!"

"Iloveyoumore, hubby...."

Ako na ang bumababa ng tawag at binigay kay Myrtle ang cellphone ko. Inabot ko na ulit iyong script ko at binasa ito ng paulit-ulit.

Namayani ang katahimikan sa Cabin ko kaya mabilis kong na-memorize ang linya ko. I am proud of myself dahil mabilis lang ako makaalala ng linya ko.

Pangarap ko talaga maging artista noong bata pa ako. Sinabi ko kay Mommy dati na gusto kong makita sa malaking screen kaya ginawa ni Mommy ang lahat para matupad iyon. Lahat ng audition ay sinalihan namin, ulan at init at sinulong namin para matupad ang pangarap ko.

Kaya nong medyo sumikat na ang pangalan ko ay inalagaan ko talaga ito. May mga issueng binabato sa akin pero agad rin namang naayos iyon.

I'm thankful that I have a supportive mother and a hot husband.

"See you to our next project, Team," wika ni Direk Bobby.

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil sa wakas ay natapos din.

Paalis na sana ako nang bigla akong hinarang ni David. Umangat ang tingin ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"What do you need, David?" tanong ko sa kaniya.

"Sasama ka sa gatherings?" tanong nito. "I can be your date for tonight."

"No, I have important things to do," sagot ko.

Yes, its really important. Mahalaga ang asawa ko at ang gagawin namin. I miss my husband already at isang buwan ko rin siyang hindi nakikita.

"Pero sabi ni Direk ay dapat pumunta daw lahat," wika nito.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Look, David, hindi ako pupunta sa gatherings dahil may mahalaga akong gagawin ngayon. Actually uuwi na dapat ako eh pero andito ka kinukulit ako..."

Bakas sa mukha ni David ang pagkagulat ngunit hindi ko pinansin iyon. "I'm sorry, David but I can't be your date tonight."

Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula na maglakad patungo sa van namin. Pumasok na ako sa loob ng van. Kasama ko iyong buong team ko.

"Diretso niyo na lang ako sa villa," usal ko at sinandal ang sarili sa headboard.

Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod sa totoo lang. Pero hindi against iyon sa pagka-miss ko sa aking asawa.

"David manager told me that David likes you," Myrtle said.

"and I don't care, Myrtle," sagot ko na nagpatahimik sa kaniya.

Ramdam ko naman na gusto ako ni David eh. Hindi ako manhid kaya nga ako umiiwas sa kaniya. Ayaw kong mapalapit sa kaniya, ayaw ko siyang kausapin kapag hindi tungkol sa trabaho.

Ayaw ko rin magselos ang asawa ko. Ayaw kong isipin ni Logan na pinagpalit ko na siya.

I love my husband and I also promise sa altar na si Logan lang ang mamahalin ko at wala ng iba.

After 30 minutes ay nakarating na ako sa Villa. Agad na akong bumaba at agad naman na umalis ang van sa harap ko. Ako lang talaga ang bumaba. Ang team ko ay nakatira sa condo unit ko.

Pumasok na ako sa loob ng villa at agad na dumiretso sa kwarto namin ng asawa ko. I know andito siya sa bahay. Nakasindi lahat ng ilaw sa living room at ganon din sa ikalawang palapag.

Maingat kong binuksan ang pinto at isang madilim na kwarto ang sumalubong sa akin. Pumasok na ako sa loob at kinapa ang switch ng ilaw. Bubuksan ko na sana ang ilaw ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

I really miss his scent, his hugs and eveyrthing about him.

"Damn! I miss you so much, wife!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status