Share

Chapter 4

Shyria’s POV

"How are you feeling right now?" tanong ko sa asawa ko nang magising ito mula sa mahimbing na tulog.

"Wife..." He hold my hand and gently squeeze it.

Mapungay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

"I'm sorry," he apologized. "I shouldn't make you worried and—”

“Shh magpagaling ka, Hubby," nakangiting putol ko sa sasabihin niya.

Ayaw kong marinig na sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. It was just an accident at hindi niya ginusto na mabaril siya.

"Hindi ka galit?" tanong nito sa mababang tono.

Umiling-iling ako bilang sagot.

"I'm just worried, hubby but it was just aan accident," wika ko sa kaniya. "You shouldn't blame yourself," I added as I gave him a peck of kiss on his thick kissable lips.

"I love you, wife... I really do love you..." Pagkatapos niyang sabihin niyo ay agad niyang kinabig ang batok ko at ginawaran ako ng isang malalim na halik. Sinabayan ko naman ang mainit at puno nang pagmamahal niyang halik.

Damn he's making me hot right now.

Nagsimula nang maglakbay ang kamay nito sa buo kung katawan. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas niya gayong nabaril ito at sugatan.

"L-logan..." tawag ko sa kaniya nang bumaba sa leeg ko ang kaniyang labi.

"I know, wife. Of course I won't take you here. I am just miss you," he whispered on my ears.

His voice was hoarse na para bang nagpipigil siya na maangkin ako ngayon rito sa hospital. Even me ay nagpipigil din dahil nakakahiya kapag nakita kami ng nurse o doctor sa ganong sitwasyon.

Kumalas na ng yakap si Logan sa akin at tumigil na rin siya sa kakahalik ng leeg ko. Umayos ako ng upo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahan itong pinisil-pisil.

"Aren't you afraid na may makakita sa 'yo rito?" tanong ni Logan sa akin.

Umiiling-iling ako.

"May bantay ako sa labas if ever na may makakilala sa akin... at saka the media won't know that I am here beside you,"sagot ko.

"At saka ano naman ngayon kung makikilala nila ako? Wala na akong pake ro'n as long as you're safe and alive," dagdag na sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Thank you, wife... you are the best wife ever!" masayang wika nito.

Nakangiti ako habang umiling-iling.

I'm the best wife for him? I don't think so.

Hindi ko masabi na the best wife ako dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. I am selfish dahil pinili ko iyong career ko kaysa magkaroon ng anak sa kaniya. Alam kong gustong-gusto na ni Logan magkaroon ng anak sa akin pero mas pinili niyang huwag mag-demand dahil suportado niya ako sa pag-aarte. Logan is not selfish like me.

I can tell that Logan is the best husband. I love him and I don't know what I can do If I lose him. He is my strenght and my weakness also.

Pinagpahinga ko na si Logan at ako naman ay nagbantay sa kaniya. Nakaupo ako ngayon rito sa pahabang couch na nandito sa loob ng private room ni Logan. Mariin kong tinignan si Logan habang natutulog.

My husband is sleeping peacefully.

As of now I am still thinking on dating David to gather some evidence about Logan’s shooting incident.

I heaved a sigh.

Hindi naman siguro malalaman si Logan diba? Kung malaman man niya ay tiyak na magagalit siya. But atleast nakakuha ako ng ebidensiya. But how can I be so sure na ang tatay nga ni David ang may kasalanan?

Bumuntong hininga ulit ako para ilabas ang fraustration na nararamdaman ko ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag. Binuhay ko ito at agad na hinanap ang numero ni Myrtle. Nang mahanap ko na ito ay agad akong gumawa ng mensahe para sa kaniya.

To: Myrtle

Make me an appointment with Mr. David tomorrow and please don't tell to anybody about this. I am trusting you, Myrtle.

Pagkatapos kong ipadala ang mensahe ay agad ko itong binura para hindi mabasa ni Logan if ever na buksan niya ang cellphone ko. On second thought hindi niya naman ginagawa iyon.

Binalik ko na sa loob ng bag ko ang aking cellphone. Tumayo ako mula sa pagkaupo sa mahabang couch at naglakad patungo kay Logan na ngayon ay mahimbing ang tulog.

Yumuko ako para bigyan siya ng halik sa noo.

"Love, I'm sorry but I have to do this..." I whispered to him, I know he wouldn't hear me.

"Aalis muna ako ha. Pero babalik ako rito mamaya," dagdag ko pa.

For the last time ay hinalikan ko siya labi. Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad patungo sa pinto. Bago ako tuluyang lumabas ng private room ni Logan ay sinuot ko muna ang salamin at cap ko.

Nadatnan ko si Rhys at ang ibang bantay ko na nakaupo sa bench. Umangat ang tingin ni Rhys sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat.

"Ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Kung hahanapin niya ako ay sabihin mong pinatawag ako ng agency," wika ko.

"Are you sure about this, Ria?" Rhys asked me again.

I nodded my head. "There's no turning back, Rhys. I want to live peacefully with him at hindi namin makukuha iyon kung hindi makukulong ang mga nagtatangka sa buhay namin."

"He will be mad at you, Ria," Rhys said.

A bitter smile formed on my lips. I merely shook my head. "He will forgive me because he loves me, Rhys."

"What if he wouldn't? What if he'll found out that you're dating the son of Mr. Lufengco!" Rhys asked again.

"He wouldn't know about it... Just take care of my husband," I told Rhys.

Humakbang na ako papalayo sa private room ni Logan. Mabigat ang hakbang na aking ginagawa hangang sa tuluyan na akong makarating sa elavator.

Sumunod sa akin ang mga bantay ko, tatlo sila at nasa harapan ko sila. Hindi na ako umimik pa at nakatuon ang paningin sa pinto ng elavator.

Tama naman itong desisyon ko.

Sana nga tama ito.

I don't want to lose my husband.

Agad na akong lumabas ng elavator kasama ng mga guards ko. Lahat sila ay attentive. Hindi rin malalaman ng mga taong nakapaligid sa akin na may nakasunod sa aking guard dahil iyong tatlo ay malayo sila sa akin.

Nang makalabas ako ng hospital ay doon ko lang pinakawalan ang malakas na buntong hininga. Mabuti na lang walang nakakilala sa akin doon sa hospital.

Wala rin naman akong pakealam kung may makakilala sa akin eh.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at tinanggal ang suot kong salamin at cap. Inayos ko muna ang sarili ko bago pinaandar ng mabilis ang kotse ko patungo sa condo.

Hindi naman traffic sa daan kaya agad na akong nakarating sa condo unit namin ng buong team.

Si Myrtle ang nagbukas sa akin ng pinto. Binati niya ako pero hindi ko siya pinansin. Pumasok na ako sa loob at agad na dumiretso sa kwarto ko upang doon magpahinga.

Sana maniwala si Logan sa palusot ni Rhys na pinatawag ako ng Agency.

Mamaya ko na kakausapin ang buong team kapag tapos na ako magpahinga.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha sa loob ng bag ko at tinigan kung sino ang tumawag.

Si Logan... ang asawa ko ang tumatawag.

Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ko mawari ang pagtahip ng kaba sa aking dibdib.

Sinagot ko ang tawag ni Logan. Hindi ako nagsalita at naghintay lang sa sasabihin ng asawa ko.

"Why did you leave me without saying goodbye..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status