Share

Chapter 6

Shyria's POV

Nandito ako ngayon sa hospital. Binabantayan si Logan kasama ko si Myrtle pero nasa cafeteria siya. Wala na rin si Rhys dito, umuwi na. Hangang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikibuan ni Logan. Sinusuyo ko na pero walang epekto, natitiis niya ako.

"Logan..." Muling pagtawag ko sa kaniyang pangalan ngunit hindi niya man lang ako binalingan ng tingin.

Isang malakas na hangin ang aking pinakawalan at tumayo mula sa pagkaupo rito sa couch. Naglakad ako patungo sa pinto para lumabas na lang at magpahangin.

It's look like Logan doesn't want to talk to me. He doesn't want my presence either.

Bubuksan ko na sana ang pinto at lalabas na nang bigla siyang nagsalita upang tumigil ako.

"Where are you going?" he asked in a hushed tone.

"Sa labas magpapahangin," sagot ko naman.

"Sinabi ko bang umalis ka?" tanong nitong muli.

Umiling-iling ako bilang sagot.

Hindi nga niya sinabi pero parang ayaw niya naman na nandito ako.

"You are ignoring me, Logan..." giit ko at binaling ang tingin sa kaniya. "Sinusuyo na nga kita pero para kang bata kung mag-inarte."

Bumuntong hininga ito at umiwas ng tingin sa akin. "Nasaktan lang ako sa behavior mo kanina, Ria. What you expect will be my reaction?" tanong nito sa akin.

"I'm sorry. I didn't mean to say it to you... I-i was just tired and marami akong iniisip," turan ko at naglakad patungo sa kaniya.

Umupo ako sa isang single couch katabi ng kama na kinahihigaan niya ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong pinisil-pisil. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata at nakita ko ang paglambot ng kaniyang mukha.

"I'm sorry, Love for being insensitive," malambing kong wika.

"No, I should be the one apologizing to you." He shook his head. "I'm sorry, Wife. I should be more understanding," he apologized.

"Hindi... ako dapat ang humingi ng tawad kasi palagi mo na lang akong iniintindi." Umiling-iling ako habang ngumingiti ng peke. "Mahal kita, Logan mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Wife at hindi ko alam kung ano ang magagawa kung mawala ka sa akin," wika nito upang dahilan na mapayakap ako sa kaniya.

Hindi ko maiwasang hindi maging malungkot dahil sa sinabi nito. Dapat maging masaya ako dahil sobrang mahal ako ni Logan ngunit hindi... hindi ko kayang maging masaya gayong may gagawin akong hindi niya magugustuhan.

Kapag nalaman niya ang balak ko ay tiyak na kakamuhian niya ako. My husband will hate me, his love will turns into hatred.

"Love, may pupuntahan pala ako the next day." Pagpapaalam ko kay Logan.

Sa susunod na araw na iyong simula ng training ko sa self-defense martial arts at sa shooting. Kailangan kong mag-training para marunong na rin akong mag-protekta ng sarili ko.

"Saan ka pupunta?" tanong nito, walang halong pagdududa. Simpleng tanong lang.

"May training ako for martial arts and shooting..." Huminga ako ng malalim at binalingan siya ng tingin. Baka sa mukha niya ang gulat ang pagtataka.

Ngumiti ako sa kaniya. "Kailangan sa next project ko, Love. Action kasi iyon."

Isang pagsisinungaling na nagmula ulit sa aking labi. Hindi ko alam kung ilang ulit na akong nagsinungaling sa asawa ko.

"You're not accepting action movie right? Why sudden change?" sunod-sunod na tanong nito.

"Kailangan raw ng pagbabago sa career ko, Logan. Saka sabi ni Myrtle ay ok lang na tumanggap ng action movie," sagot ko.

Liar, Ria! Mandadamay ka pa talaga ng ibang tao para sa kasinungalingan mo!

"Ria..."

"Mag-aaway na naman ba tayo dahil sa career ko? I thought you— nevermind," sabi ko at umalis sa tabi niya.

Pumasok ako sa loob ng restroom upang doon pakawalan ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Humarap ako sa salamin at makikita sa mukha ko ngayon ang guilt at takot.

Nagi-guilty ako sa pagsisinungaling ko sa asawa ko at natatakot ako na baka mahuli niya ako. He's a damn lawyer and he knows if I'm lyiing or not. Kung hindi pa ako umalis do'n for sure malalaman niyang nagsisinungaling ako.

Naghilamos ako ng mukha upang pakalmahin ang sarili. Ginamit ko iyong nakasabit na towel rito sa loob ng restroom pampunas sa aking mukha.

Huminga muna ako ng sobrang lalim bago lumabas ng rest room. Sa mahabang sofa na ako dumiretso at umupo ro'n. Nakatingin si Logan sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Pinokus ko na lang ang aking sarili sa news flash sa television. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang headline ngayon.

David Lufengco and his father Alfred Lufengco caught in Paris together with a woman.

Nagtagis ang aking bagang nang marinig ko ang sinabi ng reporter. Seriously? Paano nila magawang mag-travel gayong may ginawa silang kademonyohan? They're ruthless!

"You look tense, Ria, what happen?" Biglang napabaling ang atensyon ko kay Logan na ngayon ay nakatingin sa akin.

Umiling-iling ako bilang sagot habang nakipagtitigan sa asawa ko.

"Really? Halos patayin mo na nga ang litrato ng mag-ama kanina habang nakatingin ka sa television," untag ni Logan.

Naapawang ang labi ko sa gulat.

Ginawa ko iyon na hindi ko nalalaman? the fudge!

"So, tell ano ang ginawa nila sa 'yo para magalit ka ng ganiyan?" tanong nito.

"Wala... wala silang ginawa," sagot ko.

Of course may ginawa sila! They hire a gun man to shoot my husband!

"Ria—"

"Magpahinga ka na, Logan. Gabi na rin kasi at magpapahinga na rin ako. Let's not talk about them..." Putol ko sa sasabihin sana ni Logan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Logan. "If that what you want, wife. Goodnight, Iloveyou," he uttered.

Humiga na siya at tumalikod sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus ay nakatitig lang ako sa likuran ng aking asawa. Huminga ako ng malalim at humiga na rin sa mahabang couch. Hindi ako tatabi sa kaniya ngayon at saka ayos lang naman sa akin na dito ako matutulog.

Tumingala lang ako sa kisami dahil hindi ako makatulog. Nanatiling nakabukas ang aking mga mata.

My conscience is eating me right now. I shouldn't treat my husband like this. He shouldn't feel that I didn't love him anymore. Mahal na mahal ko ang asawa ko.

Muli kong binaling ang aking tingin kay Logan. Pinakiramdaman ko kung tulog na ba siya. Ngunit parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat.

Umiiyak ba siya? I never saw him crying in my entire life.

Tumayo ako mula sa pagkahiga sa couch at naglakad patungo sa kaniya. Hinawakan ko siya balikat ngunit tinabig niya lang ang kamay ko.

"Matulog ka na..." malamig niyang wika.

Umiling-iling ako at naglakad patungo sa kabilang side. Tinignan ko siya sa mga mata at gusto kong sampalin ang sarili dahil mugto ang mata ng asawa ko.

"I'm sorry for making you cry, Hubby," I apologized to him.

Umiwas siya ng tingin sa akin at nagpunas ng luha. Hindi siya kumibo kaya bumuntong hininga ako.

"Mahal kita... wag mo isipin na hindi kita mahal."

"Alam ko namang mahal mo ako, Ria. Ang sa akin lang ay wag kang magtago ng sikreto sa akin kaso mababaliw ako sa kakaisip," sagot nito.

"I'm not hiding something from you, love," I lied.

"But your action is different from your words, Ria," he mumbled while looking into my eyes.

Hindi ako umiwas ng tingin sa kaniya at ilang ulit na lumunok ng laway. Huminga ako ng malalim.

"Pero hindi kita pipilitin na magsabi sa akin ng totoo. Hihintayin ko," dagdag na sabi nito at muli akong tinalikuran.

Hindi ako makapagsalita na tila ba ay napipi na ako. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa sinabi niya. Naiintindihan niya ako at willing siya maghintay.

Bakit ka ganiyan, Logan? Deserve ba kita? Deserve ko ba iyang pagmamahal mo? Deserve ba kitang maging asawa?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status