Thank you for reading po.
Draco“Uncle, is it true?”“Ano na naman ito, Samuel?” Naiinis kong tanong sa aking pamangkin habang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na nasa mesa. Malinaw pa sa sikat ng araw, may kung ano na naman siyang nabalitaan tungkol kay Margaux.Bumuntong-hininga ako, pilit pinipigilan ang sarili. Kung hindi ko lang nakikitang may potensyal siya sa negosyo, matagal ko na siyang pinaalis sa kumpanya.Pero sa kabila ng kabataan at kakulitan niya, siya ang bukod-tanging may direksyon sa mga anak ng mga kapatid ko. Sa dami ng posibleng tagapagmana, siya lang ang may ulo at pusong sapat para humawak ng ganitong kalaking imperyo.Sa isip ko, kung sakali mang tuluyan ko nang maaya si Margaux na tumira sa Germany, malamang siya ang iiwan kong magpapatuloy sa lahat ng maiiwan kong pinaghirapan.Pero heto siya, nakaupo sa harap ko, tila may mabigat na tanong.“I heard... nanganganib daw ang buhay ni Margaux,” aniya, seryoso ang tono.Nabitawan ko ang hawak kong ballpen.“Kanino mo naman narinig an
Draco“Damn that bastard!” Mariin kong bulalas matapos basahin ang nakalagay sa report. Pakiramdam ko ay nagdilim ang paningin ko. Napapikit ako at pinilit pigilan ang sumisirit na galit sa dibdib ko.“Bakit? Anong nangyari?” tanong ng asawa ko. Tumingin ako sa kanya at kita ko agad ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ang bahagyang pagkakunot ng noo, ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Gusto kong sagutin agad, pero hindi ko naman mapapaliwanag ng sabay sabay ang lahat.“It’s going to be over soon, Sugar.” Tinapunan ko siya ng matatag ngunit malambing na tingin. Nanatili siyang nakatitig sa akin, tahimik ngunit halatang umaasa. Gusto niyang malaman, gusto niyang maintindihan, pero alam kong iniiwasan niyang maging demanding.Imbes na siya ang sagutin, hinarap ko si Kevin.“Sabihin mo kay Ingomar na pwede siyang makipag-ugnayan kay Dad habang wala ako para magdire-diretso ang investigation."Tumaas ang kilay ni Kevin.“Are you planning to go to Germany?” tanong niya agad. Bago ako sumagot
MargauxBiglang napahinto si Draco sa gitna ng pagmamaneho nang marinig ang sinabi ni Kevin sa kabilang linya. Muntik na akong masubsob sa dashboard kung hindi lang din mabilis ang reflex niya at agad niyang naiangat ang braso para saluhin ang noo ko habang kusa namang nalaglag ang hawak kong cellphone sa kanyang hita.“Cupcake!” sigaw ko, halatang nagulat at natakot. Napalingon ako sa likuran ng sasakyan, agad na inalala kung may sumusunod sa amin na maaring maging dahilan ng aksidente.Mabuti na lang at walang ibang sasakyan malapit. Ngunit ang kaba sa dibdib ko ay para bang hindi matigil.“I’m so sorry, Sugar. Nabigla lang talaga ako. Are you okay?” nag-aalalang tanong niya, habang mabilis na ibinalik ang dalawang kamay sa manibela.“I’m not!” mariin kong sagot, may bahid ng inis at takot sa tono ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang biglang paninigas ng kanyang panga, at ang pamumutla ng mukha niya dulot ng pagkagulat at konsensya. Napalunok ako at agad ibinaba ang tingin. “I mean… I
Draco“Busy?” tanong ko ng buksan ang pinto ng opisina ni Margaux. Tahimik ang paligid, pero merong mahinang tunog ng musika sa background. Nakaupo siya sa likod ng kanyang lamesa at mukhang seryoso lalo at ni hindi niya naramdaman ang pagbukas ko ng pintuan.“Cupcake!” bulalas niya, bakas sa mukha ang pagkasabik. Agad siyang tumayo at sinalubong ako, niyakap ng mahigpit na para bang matagal kaming hindi nagkita.Ito ang isa sa mga gustong-gusto ko sa Sugar ko, hindi na kailangang sabihan pa. Kusang lumalapit, hindi nagpapakipot. Palaging totoo.Pumulupot ang kanyang mga braso sa aking leeg, at kusa namang napunta ang mga kamay ko sa kanyang bewang. Parang likas sa amin ang pagyakap, ang paghalik ng mainit, sabik, at puno ng damdamin. Sandaling tumigil ang mundo habang nagsanib ang aming mga labi.“That felt good,” nakangiti kong sabi nang maghiwalay kami ng mukha, pero nanatiling magkalapit ang aming mga katawan.“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang hinihimas ang batok ko na t
DracoNauwi sa delivery food ang dinner namin ng asawa ko. Hindi ko na nagawang magluto dahil… well, hindi kami natapos sa isang round lang sa ibabaw ng table. Ilang beses kong pinilit pigilan ang sarili pero kapag si Margaux na ang nasa harap ko,hubad, hingal, at naka-ngiti ay nagiging ibang tao ako. Para akong hayok na uhaw sa kanya. At siya rin, hindi nagpapigil.“Draco, ano na?” Masamang tingin ang ibinato ko kay Kevin nang bumulaga siya sa opisina ko, para bang binulabog niya ang santuwaryo ng alaala ko kagabi. Tinitigan ko siya habang pilit kong itinatago ang ngisi sa labi ko.“Hindi mo ba kayang pumili?” tanong ko habang tinuturo ang folder ng mga aplikante para sa magiging kasambahay namin ni Margaux.“Mukhang ayaw mo naman na may kasama kayo sa bahay,” sagot niya, sabay irap.Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko talaga. Hindi na namin magagawa ni Margaux ang kung anu-ano sa kahit anong parte ng bahay kung may mga mata nang nakatingin. Wala nang random make-out sa kusina. Wala
Margaux“Sugar,” bungad sa akin ni Draco pagpasok ko ng bahay. Nakangiting nakabuka ang mga braso kaya agad akong sumilong sa kanyang mga yakap kasunod ang isang malalim na paghinga ng maramdaman ko na ang kanyang mga kamay na humahagod sa aking likod.Ibang klase ng comfort talaga ang binibigay sa akin ng Cupcake ko. Masarap umuwi sa bahay na ganito ang magaganap. Sa bigat ng dalahin ko, buong biyahe akong walang imik at ang mga sinabi ng aking mga magulang ang paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko.“It feels good to be with you, Cupcake…” hindi ko napigilang sabihin kasabay ang paghigpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Nakahilig ang aking pisngi sa malapad at matigas niyang dibdib, ngunit dahil sa ginhawang dulot non ay para iyong nagtransform sa malambot na unan.“That’s because I love you so much, Sugar.” Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsisisi na minahal ko talaga ang lalaking ito.Ilang saglit pa kaming nanatili sa ganong posisyon bago siya nagtanong ulit.“Feeling better n
Margaux“Nawawala ang kakambal mo,” sabi ni Daddy, halos pabulong. “Hindi mo alam dahil hindi namin pinapahalata sa'yo. Ayaw ka naming masaktan.”Napakunot ang noo ko. “Paanong nawawala? Ni hindi ko nga alam na may kambal pala ako!” bulalas ko, nanginginig ang tinig. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. Nanginginig, nanlalamig, at naguguluhan.“Nang ipinanganak ka— ang ibig kong sabihin, kayo ng kambal mo... may kumuha sa kanya sa ospital. Isang araw pagkatapos ninyong isinilang.” Bumigat ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon, parang bumulusok ang mundo ko sa isang bangungot.Hindi ako agad nakaimik. Paanong nangyari ‘yon? Paanong sa mahabang panahon ay napaniwala nilang nag-iisa akong anak? At higit sa lahat— bakit kinuha ang kambal ko?“At hindi niyo siya hinanap?” agad kong tanong, halos pasigaw. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit at pagkabigla.“Hinanap namin siya, anak. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya!
Margaux“Anak,” mahinang sabi ni Mommy, bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala habang parang itinulos sila sa kanilang kinatatayuan. Hindi ko gusto na makita silang ganon. Lumaki ako na palaging ang masayang mukha nila ang nakikita ko. Kung may pag-aalala man, iyon ay dulot ng ibang tao at hindi nila.“You need to tell me kung anuman ang tinatago niyo sa akin,” mariin kong sambit habang papalapit matapos kong maisara ang pinto, kasunod ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa office ka?” tanong ni Dad, halatang gustong ilihis ang usapan na ginawa niya lang sa tuwing nakakatunog ako sa surpresang gusto nilang ibigay sa akin.“I was worried,” sagot ko agad, hindi ko na nagawang itago ang panginginig ng tinig ko. “I overheard Rey talking to you over the phone. Mom called and said you’d be leaving for Maldives, pero maya-maya, narinig ko ‘yung assistant ko na pinag-iingat kayo sa Mindoro? Ano ba talaga? Saan kayo pupunta at bakit parang may hindi
MargauxPagkabuntong-hininga ng sasakyan sa tapat ng aming bahay ay agad kong binuksan ang pinto, hindi na hinintay ang kumpletong paghinto nito. “Sunod ka na lang,” mariin kong sabi kay Gustavo, pilit na ikinukubli ang kaba at pananabik sa dibdib ko. Bumaba ako nang hindi man lang hinintay ang sagot niya ang nasa isip ko’y isang bagay lang. Makausap agad sina Mama at Papa.Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa bahay. Tahimik ang paligid, tila masyado ring kalmado para sa isang tahanang dati ay puno ng halakhak. Dumiretso ako sa sala, ngunit bigo akong makita roon ang mga magulang ko. Saglit akong napahinto, naglakad-lakad ng kaunti, at noon ko lamang napansin si Yaya Belen na pababa mula sa hagdanan, may dalang tray na may baso ng tubig.“Ma’am Margaux,” aniya, tila nagulat sa pagdating ko.“Yaya, nasaan sila Dad? Umalis ba sila? Wala sila sa sala,” tanong kong aligaga.“Nasa study room po, Ma’am. Kakahatid ko lang ng tubig kay Sir Rex. Nag-uusap sila ng inyong Mommy.”“Salamat. Pupun