LOGINHindi pa rin mabura ang ngiti sa mga labi ni Lorraine habang naglalakad siya papasok sa school. Mabuti na lang talaga at hindi siya na-late. Binilisan na nga ng driver ni Tyron ang pagmamaneho para makarating siya on-time. And great, they did it!
Maliwanag ang umaga. Ang sikat ng araw ay unti-unting sumisilip mula sa mga ulap habang ang malamig na hangin ay marahang humahaplos sa kaniyang balat. Sa paligid niya ay nagsisimula nang dumagsa ang mga estudyante. May mga batang naghahabulan
Dumating ang pinakahihintay at para kay Regine, pinakakinatatakutan na araw sa buong school calendar: ang World Teachers' Day.Ang buong San Isidro High School ay nag-uumapaw sa enerhiya. Rinig na rinig mula sa faculty room ang hiyawan ng mga estudyanteng nag-aabang sa gymnasium. May mga nagpapatugtog ng malalakas na kanta, may mga bitbit na tarpaulin para sa kanilang paboritong guro, at higit sa lahat, lahat ay nag-aabang sa pinakamalaking pasabog ng taon: ang intermission number ng mga guro.Sa loob ng faculty room ng English at Math Department, nagaganap ang isang matinding krisis. Nagliparan ang mga hairspray, nagkalat ang mga foundation brush, at ang amoy ng baby powder ay humalo sa matatapang na pabango. Pero sa gitna ng lahat ng kaguluhang ito, may isang taong nag-o-orchestrate ng lahat nang may perpektong poise.Si Sir Jason Hernandez."Ma'am Lorraine, ano ba 'yan! Sabi ko i-blend mo 'yung eyeshadow, bakit mukha kang sinuntok ni Manny Pacquiao sa kanang mata?!" matinis at nag-
Isang linggo na ang nakalipas simula nang opisyal na mag-iba ang status nina Regine at Jason mula sa magka-tandem na "beshie" patungo sa magkasintahang lihim na nagpapakilig sa buong San Isidro High School.Kung dati ay sanay si Regine na inaalok siya ni Jason ng mga bagong skin care products, ngayon ay inaalok na siya nito ng braso tuwing sabay silang naglalakad papunta sa canteen. Kung dati ay nagtatalo sila kung aling shade ng lipstick ang mas bagay sa dalaga, ngayon ay tahimik na pinupunasan ni Jason ang gilid ng labi ni Regine kapag may naiwang mantsa ng kape.Pero kahit nag-iba na ang label nila, may isang bagay ang hindi nagbago, ang kakayahan ni Jason na guluhin ang tahimik na buhay ni Regine sa pinakamasaya at pinakamaingay na paraan.Miyerkules ng hapon. Nagpatawag ng isang emergency meeting si Ma’am Flora para sa lahat ng mga guro. Nakaupo si Regine sa tabi ni Lorraine sa loob ng audio-visual room, habang si Jason naman ay nasa kabilang hilera kasama ang mga kapwa nito Mat
Lunes na naman. Sa kalendaryo ng mga guro ng San Isidro High School, ang araw na ito ang pinakamabigat. Ito ang araw ng mga mahahabang flag ceremony sa ilalim ng tirik na araw, ang araw ng mga bagong memo galing sa principal, at ang araw kung saan halos lahat ng tao sa faculty room ay mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.Pero para kay Regine, ang Lunes na ito ay parang isang eksena mula sa isang Disney movie. Kulang na lang ay may mga ibong umaawit sa bintana at mga nagliliparang paruparo sa paligid ng kanyang desk.Nakaupo si Regine sa kanyang swivel chair, nakatitig sa kawalan habang nakapangalumbaba. Wala siyang ginagawa kundi ang ngumiti. Paminsan-minsan, pasimple niyang hinahawakan ang kanyang ibabang labi, inaalala ang init ng halik ni Jason sa ilalim ng ulan noong Sabado ng gabi. Ang pabangong gamit nito ay tandang-tanda pa ng kaniyang ilong, ang higpit ng yakap nito, at ang seryosong boses na nagsabing mahal siya nito, lahat ng iyon ay naka-replay sa utak niya na parang pa
Sabado ng gabi. Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasa si Jason Hernandez sa pinakamahirap na pagsusulit ng buhay niya, ang humarap sa nag-iisang Kapitan Nestor Tantoy. Matapos ang insidente ng lumilipad na ipis at ang mainit na Bicol Express, naging opisyal nang "welcome" si Jason sa pamilya ni Regine.At dahil tapos na ang mga pagpapanggap, oras na para sa kanilang unang opisyal na date.Sa loob ng kwarto ni Regine, nagkakagulo. Nakaupo siya sa harap ng salamin habang ang best friend niyang si Lorraine ay abala sa pag-aayos ng buhok niya gamit ang isang curling iron."Lorraine, dahan-dahan naman! Baka mapaso ang anit ko, hindi na ako magustuhan ni Jason niyan!" reklamo ni Regine habang pilit na iniiwas ang ulo.Umirap si Lorraine, pero maingat na inikot ang buhok ng kaibigan sa plantsa. "Maka-reklamo ka diyan. Ako na nga itong nag-vo-volunteer maging stylist mo nang walang bayad. Tsaka excuse me, kahit magmukha ka pang nakalbo na manok, patay na patay pa rin sa'yo 'yung Gr
Linggo ng umaga. Tirik na tirik ang araw, pero sa loob ng sasakyan ni Jason, pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng isang matinding snowstorm. Nakatodo ang aircon ng kanyang compact SUV, pero halatang-halata ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at ang pamumutla ng kanyang mga labi.Ngayong araw ang napagkasunduang petsa kung kailan opisyal na magpapakilala si Jason bilang manliligaw ni Teacher Regine Tantoy sa pamilya nito.Nasa passenger seat si Regine, masayang ngumunguya ng gummy bears habang pinapanood ang binata na parang malapit nang himatayin sa kaba. Nakasuot si Jason ng isang napaka-pormal na light blue button-down shirt na naka-tuck in sa dark jeans, at bagong linis na white sneakers. Amoy na amoy rin sa loob ng sasakyan ang paborito nitong panlalaking pabango na hinaluan ng amoy ng kaba."Jason, huminga ka nga," natatawang sita ni Regine habang iniabot ang isang kulay pulang gummy bear sa tapat ng bibig nito. "Ang higpit ng hawak mo sa manibela, baka mamaya mabali 'yan. W
Biyernes ng umaga. Ang buong eskwelqhan ay tila nakainom ng sampung baso ng energy drink. Maingay ang buong campus, may mga naglipanang banderitas, at dinig na dinig ang maugong na tambol mula sa drum and lyre band ng eskwelahan. Ngayong araw gaganapin ang pinakahihintay na National Inter-High School Math Quiz Bowl Regional Level sa malaking gymnasium ng eskwelahan.Lahat ay excited. Lahat ay masaya. Lahat, maliban kay Regine.Nakaupo si Regine sa ikatlong palapag ng bleachers sa loob ng mainit na gymnasium. Nakahalukipkip siya, nakasimangot, at gigil na ngumunguya ng paborito niyang cheese-flavored potato chips. Simula noong nag-walk out siya sa faculty room noong Huwebes, hindi na niya kinibo si Jason. Nag-text ito ng ilang beses, sinubukang tumawag, pero naka-silent ang phone niya. Matindi ang tampo niya. Ano siya, panakip-butas lang kapag tapos na ang Math department sa kanilang krisis?"Hoy, Regine. Dahan-dahan naman sa pagnguya, baka mabilaukan ka. Dinig hanggang dito sa baba 'y
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







