LOGINHindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.
Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.
Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang pasulyap-sulyap sa malalaking glass windows ng mansion at pilit na pinapakalma ang sarili. Humina na ang ulan sa labas ngunit nananatiling kulay gray pa rin ang kalangitan.
Kanina pa niya gustong umalis pero hindi siya pinapalabas ng mga guards. At mas lalo siyang kinakabahan dahil wala pa ring sinasabi si Tyron tungkol sa dahilan kung bakit kailangan pa siyang pigilan.
Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba. Pati mga daliri niya ay nanginginig na at nilalamig pa. Parang ilang segundo na lang ay sasabog na siya.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang naghihintay doon nang bigla niyang marinig ang mabibigat na yabag pababa ng hagdan.
Unti-unti siyang napalingon at doon niya nakita si Tyron.
Nakaayos na ito ngayon. Nakasuot ng itim na suit habang maayos na nakatali ang necktie nito. Bumalik na naman ang malamig at intimidating na aura nito, parang iyong lalaking kasama niya kagabi ay biglang nawala. Mas gusto niya ang personality nito kahapon.
Yeah, right! Napabukaka ka nga eh, tukso ng utak niya.
Muli siyang nailang. Mahirap paniwalaan na ang lalaking ito ay iyong taong humalik at yumakap sa kaniya buong gabi. Hindi lang basta yumakap at humalik kundi kinuha pa ang puri niya. Talaga naman, oo!
Hindi niya namalayang napayuko siya.
Samantalang si Tyron naman ay diretsong lumapit sa center table bago may inilapag doon. Inilapag nito ang isang tablet at tahimik nitong binuksan ang screen saka iyon itinulak palapit sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata niyang tininingnan si Tyron.
“Look.”
Napakurap siya bago dahan-dahang tumingin sa tablet. At sa isang iglap ay parang nanlamig ang buong katawan niya.
Sunod-sunod na articles ang bumungad sa screen.
“Mystery Woman Spends Night Inside Zaragoza Mansion!”
“Tyron Zaragoza Finally Seen With A Woman!”“Who Is Lorraine Montecarlos?”Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya lubos makapaniwala sa mga nababasa niya sa tablet ni Tyron. Mabilis niyang ini-scroll pababa ang screen habang mas lalo siyang pinanghihinaan ng tuhod sa bawat nakikita at nababasa niya.
May mga pictures siya habang pumapasok sa mansion kagabi. May pictures din habang palabas siya kaninang umaga. Kahit malayo ang kuha ay siya pa rin iyon.
At mas lalong lumala ang pakiramdam niya nang mabasa ang comments.
“Teacher daw pero mukhang gold digger.”
“Feeling innocent.”“Tyron deserves someone better.”“Baka naghahanap lang ng sugar daddy.”Parang may humigpit sa dibdib niya. Hindi niya namalayang nanginginig na pala ang kamay niyang may hawak sa tablet.
“Hindi,” mahina niyang bulong habang namumutla. “Paano nila nalaman ‘to?”
Tahimik lang si Tyron habang nakatingin sa kaniya. Mas lalong sumikip ang dibdib niya nang mapansing pati pangalan ng school niya ay nasa articles na rin.
“St. Augustine Academy teacher Lorraine Montecarlos…”
Bigla niyang ibinaba ang tablet. Parang gusto niyang masuka. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman sa mga oras na to. Nag-mixed na sa dibdib niya ang mga emosyon na pwede niya maramdaman.
“Diyos ko,” halos pabulong niyang sabi habang napapahawak sa noo niya. “Masisira ako nito.”
At hindi lang siya kundi pati ang trabaho niya at ang reputasyon na iniingitan niya. Unti-unti siyang napayuko habang pilit kinokontrol ang panginginig ng katawan niya.
Samantalang si Tyron ay tahimik lang na nakatayo sa harapan niya. Ngunit sa likod ng malamig nitong mukha ay halatang galit ito.
“Someone leaked the photos,” malamig nitong sabi. “And now everyone thinks you spent the night with me.”
Napatawa si Lorraine nang mahina. Kung makapagsalita kasi ito ay parang hindi nangyari.
“But I did,” mahina niyang sagot.
Biglang natahimik ang buong sala. Maging si Tyron ay tila sandaling natigilan. Unti-unting napakagat sa labi si Lorraine habang pilit pinipigilan ang luha. Nakakahiya at nakakababa ng sarili. Hindi niya inakalang darating ang araw na mamomroblema siya ng ganito. Ni hindi niya lubos maisip na magkakaboyfriend pa siya eh.
“I’m sorry,” mahina niyang sabi habang nakayuko. “Hindi ko ginusto ‘to.”
Natahimik lang si Tyron pagkatapos ay umupo ito sa tapat niya at doon niya muling naamoy ang pabango nitong pilit niyang kinakalimutan mula kagabi.
“Listen carefully, Lorraine.”
Unti-unti siyang napatingin dito. Malamig ang mga tingin nito pero matalim ang mga mata.
“The scandal won’t disappear overnight,” diretsong sabi nito. “The media is already digging into your background and unfortunately, reporters are waiting outside your school.”
Nanlaki ang mga mata niya.
“A-Ano?”
“They’ll keep following you.”
“Then what am I supposed to do?” nanginginig niyang tanong.
Tahimik na tumitig si Tyron sa kaniya. At pagkatapos ng ilang segundo ay saka ito nagsalita.
“Pretend to be my girlfriend.”
Parang biglang tumigil ang mundo ni Lorraine.
“Ha?”
“To stop the rumors,” malamig nitong pagpapatuloy. “We’ll make the public believe that we’re dating.”
Nanlaki ang mga mata niya.
“Anong sinasabi mo?!” Tumayo agad siya mula sa sofa. Halos hindi siya makapaniwala sa naririnig. “You want me to lie to everyone?” nanginginig niyang tanong. “Hindi pwede ‘yon!”
“This is the easiest solution.”
“Easiest for who?” mabilis niyang sagot. “Para sa’yo?”
Sandaling nanahimik si Tyron ngunit hindi niya ito makitaan ng pag-aalinlangan. Na para bang ang mga pinagsasabi nito sa kaniya ay normal topic lang para dito. Pero para sa kaniya, big deal to. Ni hindi pa niya naranasan magkaroon ng boyfriend pero heto na naman si Tyron, may balak yatang kunin lahat ng first niya.
“Both of us benefit from this.”
“Benefit?” Napatawa siya nang mahina dahil sa frustration. “Nasira na nga ang pangalan ko! Ano pang benefit ang makukuha ko, aber?”
Mabilis ang paghinga niya habang nakatitig dito. Hindi niya maintindihan kung paano nito nasasabi ang mga ganoong bagay nang parang business proposal lang ang lahat.
“Listen to me first,” malamig nitong sabi.
“No!” agad niyang putol. “Hindi ako katulad ng mga babaeng kaya mong bayaran para sumunod sa gusto mo!”
At sa unang pagkakataon, parang may kung anong nagbago sa ekspresyon ni Tyron. Bahagyang tumigas ang panga nito ngunit nanatiling kontrolado ang boses nito.
“I’m not trying to insult you.”
“Pero gano’n na rin ‘yon!” Napasinghap siya habang mabilis na pinupunasan ang luha sa gilid ng mata niya. “Hindi ako magpapanggap na girlfriend mo,” diretso niyang sabi habang nakatingin dito. “Ayokong mabuhay sa mundo mo.”
Sinagot siya ng katahimikan ni Tyron, hindi agad ito nagsalita gaya ng inaasahan niya. Ngunit mas lalo siyang kinabahan sa pananahimik nito. Dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon, kung ano ang mga pinaplano nito.
“Unfortunately,” mababa nitong sabi habang dahan-dahang tumatayo, “you’re already part of my world the moment you entered this mansion.”
Nang lumalim ang gabi, tuluyan nang binalot ng katahimikan ang Isla Verde. Tanging ang malamig na simoy ng hangin at ang ritmo ng mga alon sa pampang ang naririnig.Tahimik na naglakad sina Tyron at Lorraine papasok sa loob ng bahay. Walang nagsasalita, pero mahigpit na magkahawak ang kanilang mga kamay. Parang pareho silang natatakot na kapag bumitaw sila, baka magising sila mula sa isang panaginip.Pagpasok nila sa kwarto ni Lorraine, agad na isinara ng lalaki ang pinto at ni-lock iyon. Tanging ang dim light mula sa lampshade sa gilid ng kama ang nagbibigay ng kulay-kahel na liwanag sa kabuuan ng silid.Sumandal si Lorraine sa pinto, ang dibdib ay mabilis na umaangat-baba dahil sa kaba at pananabik. Nakatayo lang si Tyron sa harapan niya. Ang mga mata nito ay madilim, seryoso, at puno ng nag-aalab na emosyong matagal nitong pinigilan."Are you okay?" paos na tanong ni Tyron, nakatingin nang diretso sa mga mata niya.Tumango si Lorraine. Dahan-dahan niyang inangat ang mga kamay at ip
Hindi agad nakapagsalita si Lorraine.Nakatayo lamang siya sa veranda, mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kaniyang white summer dress. Hindi niya maalis ang paningin kay Tyron. Tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan habang nililipad ng malambot na hangin mula sa dagat ang kaniyang buhok.Hindi niya inaasahang makikita ang lalaki rito. Lalo na matapos ang mabigat na usapan nila kagabi. Akala niya, bibigyan muna siya nito ng oras para makapag-isip. Akala niya, hahayaan muna siyang mapag-isa sa isla.Pero he was here. In front of her.At ang mas nakakagulat pa, mukhang naglakad ito nang napakalayo bago siya natagpuan. Magulo ang perpektong buhok nito. Bahagyang gusot at may mantsa ng alikabok ang mamahaling polo nito. May maliit na gasgas sa palad nito at tila pagod na pagod ang mukha, pero ang mga mata nito ay nakatitig lang sa kaniya na parang siya lang ang mahalagang bagay sa mundo."Anong ginagawa mo rito?" sa wakas ay basag niya sa katahimikan, mahina at nanginginig ang boses.
Hindi sanay si Tyron na maligaw.Sa buong buhay niya, nakasanayan na niyang planado ang lahat. Halos lahat ng pupuntahan niya ay may naghihintay na driver, may naka-standby na assistant, may high-tech na GPS, o may taong nakahandang sumundo at mag-asikaso sa kaniya. Sanay siyang nagbibigay ng utos at nakukuha agad ang gusto niya.Pero ngayong araw, wala sa mga iyon ang mayroon siya.At higit sa lahat, wala siyang pakialam. Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay kailangan niyang makarating sa Isla Verde. Kailangan niyang makita si Lorraine ngayon din.Matapos ang mahaba at nakakapagod na biyahe mula sa siyudad, sa wakas ay narating niya ang maliit na pantalan kung saan sinabi ni Regine na maaari siyang sumakay ng bangka patungo sa isla. Pagkababa niya ng sasakyan, sumalubong agad sa kaniya ang maalat na amoy ng dagat at ang mainit na sikat ng araw. Agad niyang hinanap ang taong maaaring maghatid sa kaniya."Excuse me."Napalingon ang isang matandang lalaki na nag-aayos ng lubid malapit
Maaga pa lang ay naka-park na ang itim na SUV ni Tyron sa tapat ng school.Hindi naman talaga siya dapat ganoon kaaga. Alam niyang alas-singko pa ang dismissal ni Lorraine, pero matapos ang mabigat na usapan nila ni Emelyn kanina, parang gusto niyang makita agad ang babae. Hindi para sabihin ang tungkol sa nangyari. Ayaw niyang dalhin ang gulong iyon kay Lorraine.Ang gusto niya lang gawin ay sunduin ito, isakay sa kotse, dalhin sa paborito nilang café, at tahimik na makinig sa mga kuwento nito tungkol sa naging araw nito. Simple lang. Gusto niya lang maramdaman na kasama niya ito.At least, iyon sana ang plano niya.Lumabas siya at sumandal sa gilid ng SUV habang hinihintay ang oras. Pinapanood niya ang ilang mga estudyanteng naglalabasan na mula sa gate. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang may pamilyar na bulto siyang nakita.Si Regine. May hawak itong maliit na brown paper bag at tila abalang-abala sa pag-nguya ng isang malaking piraso ng banana maruya.Nang mapansin siya nito, b
Tatlong taon na niyang pilit inililibing sa limot ang gabing iyon. Pero ngayon, habang nakaupo si Tyron sa loob ng tahimik niyang sasakyan at nakatitig sa glass window ng café kung saan naghihintay si Emelyn, pakiramdam niya ay muling umaalon pabalik ang lahat.Ang galit, ang pakiramdam ng pagtataksil, at ang mismong gabi na tuluyang sumira sa buhay niya noon.Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Nangibabaw sa isip niya ang mukha ni Lorraine, ang maamo nitong ngiti at ang takot sa mga mata nito nitong mga nakaraang araw. Hindi niya kayang hayaang madamay si Lorraine sa gulong matagal na niyang iniwan sa nakaraan.Kailangan na niya itong tapusin. Once and for all.Pagpasok niya sa café, tumunog ang maliit na bell sa pinto. Agad na hinanap ng mga mata niya si Emelyn, at nakita niya itong nakaupo sa isang medyo tago at tahimik na sulok. Nang magtagpo ang mga paningin nila, kapansin-pansin ang kaba na dumaan sa mukha ng babae. Umayos ito ng upo."Tyron."Wala ni isang bakas ng ngiti sa
Walang ingay na nakaupo si Lorraine sa isang sulok ng faculty room. Nakatutok lang ang mga mata niya sa maliwanag na screen ng laptop, kung saan naka-open ang lesson plan na kailangan sana niyang matapos bago mag-lunch break.Pero lumipas na ang halos sampung minuto, nakatitig pa rin siya sa iisang paragraph. Wala siyang naiintindihan ni isang salita. Blangko ang isip niya para sa trabaho.Paano ba naman, paulit-ulit na nag-e-echo sa utak niya ang boses ni Tyron kagabi. Ang seryosong tono nito at ang takot sa mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.“Because whoever sent you those messages knows what happened that night.”Napapikit si Lorraine at mariing napahawak sa noo niya, pilit pinapakalma ang sarili.Tatlong taon na may malaking bahagi ng buhay ni Tyron ang nananatiling blangko para sa kaniya. At ngayon, may isang taong nagtatago sa likod ng anonymous messages na pilit ipinapamukha sa kaniya na may madilim na sikreto ang lalaking mahal niya.Pakiramdam niya ay unti-u
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l







