로그인Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.
Nakaupo pa rin si Tyron sa kabilang sofa habang nakakrus ang isang paa na para bang nakadagdag iyon sa kagwapohan nito. Nakapatong pa ang isang braso nito sa sandalan at hawak ang tablet na kanina pa pinagmumulan ng sakit ng ulo niya.
At sa totoo lang ay naiinis na si Lorraine. Gusto niya itong sapukin sa panga pero hindi niya magawa. Hindi naman siya mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa damuho na ‘to. Pero ang lalaking damuho na ‘to ay parang chill lang na nakaupo, nakadekwatro pa!
Mas lalo tuloy umakyat sa ulo niya ang inis niya. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya nakikipag-usap sa isang lalaking sangkot sa iskandalo.
Parang CEO pa ito na nasa boardroom lang nito at nagpe-present ng bagong business proposal. Ni hindi niya makitaan ng emotion or ni sencerity man lang. Ni kahit kunting pagsisisi sa mukha nito ay wala siyang makita.
"Kahit ano pang sabihin mo, Mr. Zaragoza." May pagdiin pa ang pagbigkas niya sa last name nito. “Hinding-hindi ako papayag sa gusto mo.” Diretso niyang sagot.
Hindi man lang kumurap si Tyron sa sinabi niya at patuloy lang itong nagkakalikot sa hawak nitong tablet. Hanggang sa tumayo ito at may kinuha sa maliit nitong ref. Wala siyang nagawa kun’di ang pagmasdan lang ito sa ginagawa nito. Kumuha ito ng isang bote sa ref at binuksan iyon tapos diretsong nilagok ang laman.
“Think about it carefully,” anito at kinindatan pa siya. “Wala namang mawawala sayo kung papayag ka sa plano ko.”
"Ayaw ko nga."
"We'll both benefit."
"Ayaw ko pa rin."
Tahimik itong tumingin sa kaniya at pinagmamasdan lang siya pero makalipas ang ilang segundo ay muli na naman itong uminom.
Napaismid na lang siya sa ginawa ni Tyron. Hindi niya rin naman maintindihan ang sarili niya kung bakit siya naiinis dito. Siguro dahil parang napakagaan lang para dito ang sitwasyon nila at tangin maging mag nobyo lang sila ang naisip nitong sulosyon. Ano bang iniisip ng mokong na to? Laro lang?
"Five months." Muli nitong banggit.
Naputol tuloy ang pagdadrama ng utak niya nang muli itong magsalita. Napakurap-kurap pa siya nang muli niya itong tiningnan. Anong five months ang sinasabi nito?
"Huh?" tanging nasabi niya.
"Five months," ulit nito. "Pretend to be my girlfriend for five months."
Natigilan siya sa sinabi nito at pagkatapos ay unti-unting tumaas ang isang kilay niya. Hindi dahil sa offer nito kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi nito.
Akala mo naman ito pa ang nawalan ng puri sa kanilang dalawa.
Napabuntonghininga na lang siya pagkatapos ay pekeng natawa.
"As if na papayag ako."
Tahimik na napatingin si Tyron sa kaniya at parang nag-iisip ulit. Tinitigan lang siya nito at napaiwas na lang din siya ng tingin, siya pa tuloy itong naiilang sa mga ginagawa niTyron.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay narinig niya ang buntong-hininga nito.
"Fine."
Naningkit ang mga mata niya. "Fine?"
"Four months."
Napanganga na lang siya sa pinagsasabi ng kaharap niya. Hindi siya makapaniwalang nakikipag-negotiate talaga ito sa kaniya. Dinala ba naman hanggang dito ang pagiging business man nito.
"Teka lang naman." Napailing siya. "Ano ba 'to? Auction?"
Hindi sumagot si Tyron. At iyon ang lalong nagpainit ng ulo niya. Hindi niya inaasahang ganon na lang talaga kababaw ang tingin nito sa kaniya. Gusto niyang ibulyaw dito na hindi nito magagamit sa kaniya ang pagiging business minded nito dahil unang-una ay hindi naman siya bagay na pwede nito madaan sa tawaran.
"Mukha mo!" Pero kahit ang dami niyang gustong sabihin ay tanging mukha mo lang ang nasabi niya. Parang hindi niya rin madadala kay Tyron ang pagkamaldita niya.
Bahagya lamang kumibot ang sulok ng labi ng lalaki. Tinitigan na lang din niya ito. Kahit anong gawin niya ring pag-iisip ay para sa kaniya lang din naman ang ginagawa nito. Mas siya pa nga ang makakbenipisyo. Napailing na lang siya at sinamahan ng buntong hininga.
Muli niyang tinitigan ang binata. Hindi niya alam kung naiirita ba ito o natatawa. Pero mukhang wala itong balak umatras.
"Three months."
Mas lalo siyang napanganga. Wala nga itong balak na tumigil. Pero kahit anong gawin nito ay hinding-hindi siya papayag. Ang goal na lang niyang magkaroon ng matinong boyfriend ang natitira sa kaniya. Ayaw niyang pati iyon ay mawala pa.
Naapiling siya at pagkatapos ay itinuro niya ito gamit ang hintuturo niya.
"Ikaw."
Tahimik lang itong nakatingin sa kaniya.
"Hindi ka ba marunong tumanggap ng NO?" dagdag niya. Para kasing kahit ilang tanggi niya ay hindi nito matanggap. Hindi siguro ito sanay na tinatanggihan. Well, kung ganito ba naman kagwapo, sino bang gugustuhin na tanggihan ito.
"Marunong."
"Bakit hindi mo ginagawa ngayon? Bakit nagpupumilit ka pa rin?"
"Because this situation requires a solution."
Napasinghap na lang siya sa inis.
Hay naku! Parang robot talaga itong kausap niya. Kahit yata ilang beses niyang ipaintindi na ayaw niya, hindi naman yata nito maiintindihan.
Minsan gusto niyang batuhin na lang ito ng unan.
"Alam mo ba kung ano'ng problema mo?" tanong niya.
"No."
"Edi wow."
Muli itong natahimik kaya dumagdag tuloy sa inis na nararamdaman niya. Kahit kailan siguro talaga, hindi niya magawang basahin ang utak nito. Parang kahit magalit siya rito ay wala itong reaksyon.
Nakaupo lang ito roon na parang chairman ng isang multinational company. Samantalang siya ang kawawang empleyadong sinusubukang kumbinsihin.
Hindi niya rin maintindihan kung bakit sobrang pursigido nito. Kung tutuusin nga ay siya ang dehado. Siya ang pinagtatawanan online, siya ang huhusgahan ng mga tao, at siya ang mawawalan ng trabaho pag nakataon.
Pero bakit parang siya pa ang kailangang habulin?
"Tyron." Mababa niyang tawag sa binata at napatingin ito sa kaniya. "Bakit mo ba talaga gustong gawin 'to?"
Sandaling natahimik ang lalaki. At sa unang pagkakataon, parang medyo naging seryoso ang ekspresyon nito.
"My company can't afford unnecessary scandals."
At ayun na nga. Napapikit na lang siya sa sagot nito at idiniin ang mga labi. Para sa company. Business nga talaga. Tama pala siya sa simula pa lang.
Wala man lang kahit konting—
"Hindi mo man lang ba naisip na ako rin ang nasasaktan dito?" putol niya.
Bahagyang kumunot ang noo nito pero mabilis ding nawala. At doon siya lalong nainis.
Hay naku talaga!
Wala talagang emotional intelligence ang lalaking ito. Tumayo siya mula sa sofa at dinampot ang bag niya. At mabilis na isinukbit iyon sa balikat. Wala siyang mapapala sa lalaking walang emotional intelligence.
"Saan ka pupunta?"
Napatingin siya rito. "Uuwi." Malamig ang sagot niya.
"You're not done talking to me."
"Ikaw lang ang may gustong mag-usap tayo."
Tumayo rin si Tyron. Mas lalo siyang nairita dahil sa taas nito. Pakiramdam niya ay isang higanteng pader ang nasa harapan niya.
"Lorraine."
"No."
"Listen first."
"No."
"Three months."
"No."
"Two—"
"Mukha mo!"
Halos mapasigaw na siya. Humugot siya ng malalim na hininga bago itinuro ang tablet sa mesa.
"Hayaan mo ang litseng mga pictures na 'yan." Mariin niyang sabi. "Uuwi na ako."
Pagkatapos ay tumalikod siya. At nagsimulang maglakad palabas ng sala. Hindi niya alam kung gaano katagal bago tuluyang mawala ang iskandalong iyon. Hindi rin niya alam kung paano niya haharapin ang mga tao sa school.
Pero isang bagay ang sigurado.
Hindi siya papayag maging girlfriend-for-rent ng isang napakayabang na billionaire na ang tingin sa lahat ay parang business deal lang.
At kahit hindi niya nakikita, nanatiling nakatitig si Tyron sa likod niya. Tahimik lang itong nakatingin sa kaniya.
Ngunit may kung anong kakaibang emosyon na unti-unting nabubuo sa loob nito habang pinapanood siyang papalayo.
Dahil sa unang pagkakataon sa buhay ni Tyron Zaragoza, may isang taong paulit-ulit na tumatanggi sa kaniya.
Tahimik ang buong sala. Nakakabingi ang katahimikan, nawala saglit ang kadaldalan niya. Tanging mahinang tunog lamang ng air conditioner ang maririnig sa paligid. At habang tumatagal ay mas lalo lamang naiilang si Lorraine.Nakatapat pa rin sa kaniya si Tyron. Kamado ito at parang comfortable talaga sa pwesto nito at parang wala itong problema sa katahimikan. Samantalang siya ay pakiramdam niya ay unti-unti na siyang kinakain ng kaba.Nakaupo ito sa kabilang sofa habang hawak ang isang tablet. Paminsan-minsan ay may tinitingnan. Na para bang may binabasa o may nire-review. Parang may board meeting pa rin kahit nasa bahay.Napaismid siya. Napaka-workaholic naman nito. Sabagay, ganitong-ganito rin ang mga nakikita niya sa TV na mga bilyonaryo, dinadala ang trabaho sa bahay. Well, ganiyan nga rin siya kahit hindi siya
Napanganga na lamang si Lorraine habang nakatayo sa gitna. Hindi niya alam kung anong dapat na gawin kaya ang ending ay hindi siya nakagalaw. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari dahil lang sa nilait siya ng maid.Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya sa loob ng ilang segundo. Hindi dahil ipinagtanggol siya ni Tyron kundi dahil sa sumunod nitong sinabi."You're fired."Iyon lang ang huli nitong sinabi, dalawang salita lang. Dalawang simpleng salita na agad nagpabago sa kulay ng mukha ng maid. Sino ba namang matutuwa kung maririnig ang dalawang salita na yon.Nanlaki ang mga mata ni Jonalyn at parang hindi nito agad naproseso ang narinig.Katulad niya ay nagulat din ito. Lahat ng tao sa paligid ay natigil
Hindi mawala-wala sa isip ni Lorraine ang sinabi ng guard habang bumibiyahe sila papunta sa Zaragoza Mansion. Tahimik siyang nakaupo sa loob ng van habang nakatanaw sa bintana. Mabilis na lumilipas ang mga gusali at sasakyan pero hindi roon nakatuon ang atention niya.Abala kasi ang isip niya sa isang bagay o sa isang tao, mukhang mas tama siguro iyon. Walang iba kung hindi si Tyron Zaragoza.Napabuntong-hininga siya at napaisdmid. Bakit niya ba kasi iniisip ang mokong na ‘yon? Ang dami niyang dapat isipin eh. Dinadagdagan pa ng Tyron na ‘to.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging curious sa ex-girlfriend nito. Hindi naman niya iyon dapat iniisip. Wala naman siyang pakialam. Hindi naman sila totoong magkasintahan. At isa pa, hindi pa nga sila nagkakasundo pero bakit parang naiinis siya?
Eksaktong alas singko y medya ng hapon nang tuluyang makalabas si Lorraine ng eskwelahang pinapasukan niya. Lupaypay ang buong katawan niya at wala na nga siyang ganang maglakad pa pauwi. Hindi niya alam kung anong gagawin niya pero mas gusto niya sanang pawiin muna ang pagod niya bago siya mag-isip kung anong magandang gawin.Pero ang tanong, paano niya mapapawi ang pagod niya?Napahawak na lang siya sa leeg niya at napangiti nang makitang may nagtitinda ng kwek-kwek sa tapat ng paaralan.Oo, pagod na pagod siya pero kailangan niya munang kumain.Pagod siya hindi dahil sa pagtuturo kundi dahil sa dami ng iniisip niya buong araw. Pakiramdam niya ay wala siyang ginawang iba kundi mag-isip. Tungkol sa school, sa mga batang mawawalan ng school kung sakaling hindi man sila m
Mabigat ang pakiramdam ni Lorraine habang naglalakad palabas ng opisina ng principal. Hindi niya inakalang sabay-sabay na darating ang problema niya, di man lang na-traffic. Eksaktong-eksakto talaga ang pagdagsa na para bang pumayag siya.Bawat hakbang niya ay mabibigat, pakiramdam niya ay mas mabigat pa ang bawat hakbang niya ngayon kumpara noong papasok siya kanina sa paaralan.Hindi niya inaasahang ganoon kalaki ang problema ng school nila. Patawa-tawa pa nga lang lahat last week tapos malaki na pala ang problema nila.Tatlong buwan. Isipin mo tatlong buwan na lang.Tatlong buwan na lang ang itatagal ng paaralan kung walang magbabago. Dios ko naman.Tatlong buwan.Paulit-ulit na umuukit sa isip niya ang mga salitang iyon. Saan na lang siya pupulutin after ng three months? Hindi niya alam kasi wala naman siyang back-up plans. Oo, may mga oras na gusto niyang umalis sa trabaho niya pero hindi naman niya inakala na mismong ang trabaho niya ang magpapaalis sa kaniya.Napahigpit ang haw
Mahigpit ang hawak ni Lorraine sa strap ng bag niya habang nakatayo sa harap ng malaking gate.Kanina pa siya naroon at hanggang pagtitig na lang sa gate ang nagawa niya. Gate pa nga lang ang nakikita niya pero binabalot na siya ng kaba. Mas pinapangunahan na kasi siya ng kaba ngayon, paano na lang kaya kapag nakapasok na siya sa loob at malaman niyang alam na pala ng lahat ang issue niya.Napabuntong hininga na lang siya. Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas na nakayo lang siya. Limang minuto? Sampu? O baka nga mahigit pa eh, hindi lang siya sigurado. Ang alam lang niya ay parang nakatanim ang mga paa niya sa sementadong daan habang nakatitig sa pamilyar na gusali sa loob ng paaralan.Ito ang lugar na ilang taon na niyang tinuturing na pangalawang tahanan. Ang lugar kung saan niya natagpuan ang pangarap niya. Ang lugar kung saan araw-araw siyang nagigising nang may dahilan.Pero ngayon, pakiramdam niya ay isa itong courtroom na naghihintay lang na husgahan siya. Paano ba







