Share

Chapter 3: The Viral

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-05-29 19:12:15

Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.

Pero kahit anong nararamdaman pa niya, kailangan niyang bumangon at baka ma-late pa siya sa trabaho niya.

Dahan-dahan siyang napakurap habang nakatitig sa kisame. Ilang segundo pa siyang nanatiling walang galaw, tila pilit inuunawa kung nasaan siya. Wala siya sa kwarto niya dahil hindi ganito kaganda ang kwarto niya. Ni one-fourth nga yata ay hindi niya matumbasan ang ganda ng kwarto kung nasaan siya ngayon.

Mas lalo yatang sumakit ang ulo niya.

Sh!t, nasaan ako? Bulong niya sa sarili.

Hanggang sa may naamoy siya na mamamahaling pabango. Pabango na hindi masakit sa ilong. Pero kahit anong amoy niya ay hindi niya matandaan kung kaninong pabango iyon. 

Bumangon na lang siya at pinalibot ang mga mata upang makita ang paligid.

Nanlaki agad ang mga mata niya nang makita ang napakalawak na silid na kinaroroonan niya. Ang chandelier. Ang malaking glass window. Ang kulay itim at dark gray na interior ng kwartong parang pang-hotel suite.

At doon tuluyang bumalik sa kaniya ang lahat.

Ang ulan na nagpabasa sa kaniya kahapon. Ang mansion na pinasukan niya. Si Tyron Zaragoza. At ang nangyari kagabi.

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya. Napahawak siya agad sa dibdib niya habang mabilis ang paghinga.

“Diyos ko,” mahina niyang bulong. “Ano ba tong pinasok mo, Lorraine!”

Nanginginig ang mga kamay niyang napahawak sa kumot habang pilit inaalala ang nangyari.

Ang mga halik ni Tyron at ang mga hawak nito na nagpawala sa katinuan niya. At idagdag pa ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya kagabi na parang siya lang ang babaeng nakikita nito.

Napapikit siya nang mariin dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na iyon. Hindi siya ganong klaseng babae na basta na lang nagpapadala. Pero kagabi, parang nawala lahat ng tamang pag-iisip niya habang kasama si Tyron.

Napakagat siya sa labi dahil sa hiya.

Ano bang iniisip niya at bakit niya hinayaang mangyari iyon? At higit sa lahat, bakit parang wala man lang siyang nagawa upang pigilan ito?

Bigla siyang natigilan nang makarinig ng mahinang tunog mula sa kabilang bahagi ng silid.

Unti-unti siyang napalingon at doon niya nakita si Tyron.

Nakatayo ito malapit sa malaking bintana habang nakatalikod sa kaniya. Nakasuot na ito ng itim na slacks habang bahagyang bukas ang puting polo nito sa may dibdib. Hawak nito ang isang baso ng whiskey habang tahimik na nakatanaw sa ulan sa labas.

Parang napakalamig ng presensya nito ngayong umaga. Malayo sa lalaking halos mawalan ng control kagabi. Unti-unti itong lumingon nang maramdaman ang paggising niya.

At sa sandaling nagtama ang mga mata nila ay pareho silang natahimik. Parang biglang bumigat ang buong silid.

Hindi alam ni Lorraine kung bakit pero pakiramdam niya ay hirap siyang huminga habang nakatingin dito.

Samantalang si Tyron naman ay tila may malalim na iniisip habang pinagmamasdan siya.

“Good morning,” mababa nitong bati.

Ngunit walang lambing sa boses nito katulad kagabi.

“Tyron,” mahina niyang tawag.

Napatingin siya sa sarili niya. Suot pa rin niya ang red dress niya kagabi, ngunit gusot na iyon ngayon. Bahagya pang nakalaylay sa balikat niya ang strap nito.

At doon tuluyang pumasok sa isip niya ang realidad. May nangyari talaga sa kanila. Unti-unting namuo ang hiya sa buong katawan niya.

“I… I should go,” mabilis niyang sabi habang nagmamadaling bumaba sa kama. Ngunit bago pa siya makalayo ay muli itong nagsalita.

“Wait.”

Napahinto siya.

Tahimik na inilapag ni Tyron ang baso bago siya tiningnan nang diretso.

“Who are you?”

Napakurap si Lorraine. Talagang nagawa pa nitong tanungin ang pangalan niya sa gitna ng kahihiyan na nararamdaman niya ngayon. Gusto niya tuloy sampalin ang sarili dahil binigay niya ang virginity niya sa lalaking ni hindi nga alam ang pangalan niya. Pero kahit anong inis niya ay binigay niya pa rin ang pangalan niya.

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki.

“The woman from the app was supposed to arrive last night,” malamig nitong sabi. “But you…”

Biglang nanlamig ang buong katawan ni Lorraine. Parang may bumagsak sa tiyan niya. Unti-unti siyang napaatras.

“W-Wait,” nauutal niyang sabi. “Akala mo ako ‘yong—”

Doon din natahimik si Tyron. At sa unang pagkakataon simula nang magkita sila ay nakita niyang nagbago ang ekspresyon nito. Parang ngayon lang tuluyang nag-sink in sa lalaki ang lahat.

“Damn!” Mariing bulong ni Tyron habang napapikit saglit.

“Hindi ako,” nanginginig niyang sabi. “Pumunta lang ako rito para sa home visit ng student ko.”

Parang lalong bumigat ang hangin sa paligid. At sa mga oras na iyon ay pakiramdam ni Lorraine ay gusto na lang niyang maglaho. Hindi siya makatingin nang diretso kay Tyron. Pakiramdam niya ay napahiya siya nang sobra.

Isa siyang ulirang guro pero napagkamalan siyang call girl. Gustong-gusto niya magmura! Gustong-gusto niyang saktan ang sarili niya. Pero wala namang ibang sisihin sa nangyari kundi siya lang din kasi nagpdala siya.

Bigla niyang dinampot ang bag niya at nagpasyang lumabas na ng kwarto.

“I’m sorry,” mabilis niyang sabi habang iniiwas ang tingin. “Aalis na ako.”

“Lorraine.”

Pero hindi na siya huminto. Halos tumakbo siyang palabas ng silid habang mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o mahihiya. Basta ang alam niya ay kailangan niyang makaalis sa mansion na iyon.

Agad.

Mabilis na bumaba si Lorraine sa napakalaking hagdan ng mansion habang mahigpit ang hawak sa bag niya. Pakiramdam niya ay bawat kasambahay na nadadaanan niya ay alam ang nangyari kagabi.

At mas lalo siyang nilalamon ng hiya dahil doon.

Pagkalabas niya ng mansion ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin. Humina na ang ulan ngunit madilim pa rin ang kalangitan.

Halos hindi siya makahinga nang maayos habang naglalakad palabas ng gate. Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang kalimutan ang lahat. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay agad humarang ang isa sa mga guards.

“Ma’am, sandali lang po.”

“P-Pwede bang palabasin n’yo na ako?” mahina niyang sabi.

Nagkatinginan ang mga guards bago muling nagsalita ang isa.

“Pasensya na po, ma’am. Hindi pa po kayo pwedeng umalis.”

Nanlaki ang mga mata niya. At bakit naman hindi siya pwedeng umalis? Lahat na yata ng kahihiyan na pwede niya maharap ngayong taon ay sinagad na kagabi eh.

Pero ibang sagad nga lang.

“H-Ha? Bakit?”

“Kailangan muna po kayong makausap ni Sir.”

Parang lalo siyang kinabahan. Napamura na lang siya sa isip niya. Hindi pa ba nag-sink in dito lahat na hindi nga siya ang na-book nito sa app. Ang tigas nga talaga ng bumbunan ng bilyonaryong ‘yon!

“H-Hindi na kailangan—”

“Utos po ni Sir Tyron.”

Napakagat siya sa labi. Hindi niya alam kung bakit pero mas lalo siyang natatakot ngayong malinaw na ang misunderstanding nilang dalawa. Ano bang sasabihin nito sa kaniya? Na isa siyang aksidente? Na kalimutan na lang nila ang lahat?

Unti-unti siyang napayuko habang pilit pinapakalma ang sarili. At sa loob ng mansion ay isang bagay ang hindi pa nila alam.

Na may mga matang lihim na kumuha ng litrato niya kagabi habang pumapasok siya sa mansion ni Tyron Zaragoza.

At ang mga larawang iyon ay ang sisira sa tahimik niyang buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 12: The Contract

    Hindi pa rin makapaniwala si Lorraine sa narinig niya na sinabi ni Tyron. At higit sa lahat ay hindi niya mapigilang matawa halos sumakit na ang tiyan niya kakatawa. Paulit-ulit pa rin kasing umiikot sa isip niya ang sinabi ni Tyron kanina.No feelings. No falling in love.Parang warning label sa isang appliances. Parang may malaking sign board na nakasabit sa noo nito.WARNING: DO NOT FALL IN LOVE WITH THE BILLIONAIRE.Napatawa na naman siya, akala mo talaga kung sinong gwapo. Eh, hindi nga ito artista para mainlove siya diba? Kahit pa ito ang nakakuha sa virginity niya, hinding-hindi talaga siya maiinlove dito.Napailing pa siya habang nakasandal sa sofa. Hindi talaga niya maintindihan kung saan nanggagali

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 11: The Condition

    Tahimik ang buong sala. Nakakabingi ang katahimikan, nawala saglit ang kadaldalan niya. Tanging mahinang tunog lamang ng air conditioner ang maririnig sa paligid. At habang tumatagal ay mas lalo lamang naiilang si Lorraine.Nakatapat pa rin sa kaniya si Tyron. Kamado ito at parang comfortable talaga sa pwesto nito at parang wala itong problema sa katahimikan. Samantalang siya ay pakiramdam niya ay unti-unti na siyang kinakain ng kaba.Nakaupo ito sa kabilang sofa habang hawak ang isang tablet. Paminsan-minsan ay may tinitingnan. Na para bang may binabasa o may nire-review. Parang may board meeting pa rin kahit nasa bahay.Napaismid siya. Napaka-workaholic naman nito. Sabagay, ganitong-ganito rin ang mga nakikita niya sa TV na mga bilyonaryo, dinadala ang trabaho sa bahay. Well, ganiyan nga rin siya kahit hindi siya

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 10: The Deal Is Not Final

    Napanganga na lamang si Lorraine habang nakatayo sa gitna. Hindi niya alam kung anong dapat na gawin kaya ang ending ay hindi siya nakagalaw. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari dahil lang sa nilait siya ng maid.Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya sa loob ng ilang segundo. Hindi dahil ipinagtanggol siya ni Tyron kundi dahil sa sumunod nitong sinabi."You're fired."Iyon lang ang huli nitong sinabi, dalawang salita lang. Dalawang simpleng salita na agad nagpabago sa kulay ng mukha ng maid. Sino ba namang matutuwa kung maririnig ang dalawang salita na yon.Nanlaki ang mga mata ni Jonalyn at parang hindi nito agad naproseso ang narinig.Katulad niya ay nagulat din ito. Lahat ng tao sa paligid ay natigil

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 9: An Unexpected Defense

    Hindi mawala-wala sa isip ni Lorraine ang sinabi ng guard habang bumibiyahe sila papunta sa Zaragoza Mansion. Tahimik siyang nakaupo sa loob ng van habang nakatanaw sa bintana. Mabilis na lumilipas ang mga gusali at sasakyan pero hindi roon nakatuon ang atention niya.Abala kasi ang isip niya sa isang bagay o sa isang tao, mukhang mas tama siguro iyon. Walang iba kung hindi si Tyron Zaragoza.Napabuntong-hininga siya at napaisdmid. Bakit niya ba kasi iniisip ang mokong na ‘yon? Ang dami niyang dapat isipin eh. Dinadagdagan pa ng Tyron na ‘to.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging curious sa ex-girlfriend nito. Hindi naman niya iyon dapat iniisip. Wala naman siyang pakialam. Hindi naman sila totoong magkasintahan. At isa pa, hindi pa nga sila nagkakasundo pero bakit parang naiinis siya?

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 8: The Pickup

    Eksaktong alas singko y medya ng hapon nang tuluyang makalabas si Lorraine ng eskwelahang pinapasukan niya. Lupaypay ang buong katawan niya at wala na nga siyang ganang maglakad pa pauwi. Hindi niya alam kung anong gagawin niya pero mas gusto niya sanang pawiin muna ang pagod niya bago siya mag-isip kung anong magandang gawin.Pero ang tanong, paano niya mapapawi ang pagod niya?Napahawak na lang siya sa leeg niya at napangiti nang makitang may nagtitinda ng kwek-kwek sa tapat ng paaralan.Oo, pagod na pagod siya pero kailangan niya munang kumain.Pagod siya hindi dahil sa pagtuturo kundi dahil sa dami ng iniisip niya buong araw. Pakiramdam niya ay wala siyang ginawang iba kundi mag-isip. Tungkol sa school, sa mga batang mawawalan ng school kung sakaling hindi man sila m

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 7: The Message

    Mabigat ang pakiramdam ni Lorraine habang naglalakad palabas ng opisina ng principal. Hindi niya inakalang sabay-sabay na darating ang problema niya, di man lang na-traffic. Eksaktong-eksakto talaga ang pagdagsa na para bang pumayag siya.Bawat hakbang niya ay mabibigat, pakiramdam niya ay mas mabigat pa ang bawat hakbang niya ngayon kumpara noong papasok siya kanina sa paaralan.Hindi niya inaasahang ganoon kalaki ang problema ng school nila. Patawa-tawa pa nga lang lahat last week tapos malaki na pala ang problema nila.Tatlong buwan. Isipin mo tatlong buwan na lang.Tatlong buwan na lang ang itatagal ng paaralan kung walang magbabago. Dios ko naman.Tatlong buwan.Paulit-ulit na umuukit sa isip niya ang mga salitang iyon. Saan na lang siya pupulutin after ng three months? Hindi niya alam kasi wala naman siyang back-up plans. Oo, may mga oras na gusto niyang umalis sa trabaho niya pero hindi naman niya inakala na mismong ang trabaho niya ang magpapaalis sa kaniya.Napahigpit ang haw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status