ログイン"I hope you don't mind..." Bahagyang lumawak ang ngiti ni Emelyn. "I'd like to borrow Tyron."Hindi magawang sumagot ni Lorraine. Anong sinasabi nitong gusto nitong hiramin si Tyron? Pinipilit na lang niyang huwag maitaas ang kilay niya at baka sabihing nagmamaldita siya. Parang sa isang iglap ay huminto ang buong paligid. Wala ni isa sa kanila ni Tyron ang nagsalita. Ni hindi rin naman niya alam kung anong isasagot niya. Kaya iniwas na lang niya ang tingin niya at baka kung ano pa ang masagot niya sa babaeng to. Wala talaga siyang pakialam kahit na mas maganda pa ito sa kaniya.Maliwanag ang umaga. Banayad ang sikat ng araw na tumatama sa malalawak na damuhan ng Zaragoza Mansion. May ilang maya na dumadapo sa mga palumpong, saka muling lumilipad habang naghahabulan sa himpapawid. Mas mas gusto na lang niyang maging ibon sa mga oras na ‘to para makalipad siya papalayo sa dalawang ‘to.Sa kabilang dulo ng hardin, abala ang hardinero sa pagdidilig ng mga rosas. Marahan ang tunog ng tub
Manipis na sinag ng araw ang dahan-dahang pumasok sa malalawak na bintana ng Zaragoza Mansion, pinapahiran ng ginintuang liwanag ang mahabang dining table na yari sa makintab na kahoy.Tahimik ang buong bahay.Maririnig lamang ang mahinang ugong ng central air-conditioning at ang halos hindi mapansing kalansing ng kubyertos na inihahanda ng mga kasambahay sa kusina.Kasabay niyon ang mabangong amoy ng bagong timplang kape na unti-unting kumalat sa buong dining area.Isa na namang ordinaryong Lunes. O iyon ang akala ni Lorraine.Maaga siyang bumaba mula sa ikalawang palapag.Maayos na ang kaniyang uniporme, isang simpleng cream blouse na nakatuck-in sa navy blue skirt, pares ng mababang heels, at ang buhok niyang nakapusod nang maayos.Pagpasok niya sa dining room, agad niyang nakita si Tyron. Nasa dati nitong puwesto. Nakatiklop ang manggas ng puting long sleeves hanggang siko.Sa isang kamay ay hawak nito ang tasa ng black coffee.Sa kabilang kamay naman ay ang tablet na tila may bin
Huminto ang sasakyan sa harap ng malawak na entrada ng Zaragoza Mansion.Kabababa pa lamang nina Tyron at Lorraine nang bumukas ang pangunahing pinto ng bahay."Welcome home po, Sir... Ma'am Lorraine."Magalang na yumuko si Manang Lynn bago lumapit upang salubungin sila. Napansin agad ni Lorraine ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng matanda. Palagi niya itong nakikitang nakangiti, magaan ang kilos, at tila walang anumang alalahanin.Ngunit ngayon ay paulit-ulit nitong pinagdidikit ang mga kamay. Minsan ay sumusulyap kay Tyron. Minsan naman ay tila nagdadalawang-isip kung magsasalita ba o hindi.Huminto si Tyron sa harap nito. "Something wrong?"Bahagyang napalunok si Manang Lynn. "Sir..." Sandali itong nag-atubili. "May dumating po rito kahapon."Bahagyang kumunot ang noo ni Tyron."Who?"Huminga nang malalim ang matanda. "Si Ma'am Emelyn po."Hindi namalayang napatingin si Lorraine kay Tyron. Hindi niya alam kung ano ang inaasahan niyang makikita.Pagkabigla at pagkairita. O kahit ka
Tahimik ang umaga sa resort.Hindi pa ganoon kataas ang araw, ngunit nagsisimula nang magliwanag ang kalangitan. Bahagyang sumasayaw ang manipis na hamog sa ibabaw ng lawa habang ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ni Lorraine. Hinaplos niya ang kaniyang braso para maramdaman ang lamig no’n sa kaniyang balat.Kahit pa siguro malamig dito, kakayanin ko eh, basta kasama siya, bulong niya sa sarili. Heto na naman ang pagiging delulu niya, umaandar na naman. Hindi rin naman siguro masamang mag-ilusyon ngayon kasi pauwi na rin naman na sila. Pagbalik nila sa mansion at balik trabaho na rin siya.Kahit ngayon lang, pagbibigyan niya ang sarili niya. Ngayon lang naman eh.Pero ngayon lang ba talaga? Eh, parang naka subscribe na yata sa unli ang pagiging delulu niya eh. Well, ganon siguro talaga.Nakatayo siya sa labas ng lobby habang hinihintay ang sasakyan nila. Tahimik siyang napatingin sa kabuuan ng resort.Ang malawak na hardin. Ang lawa na tila salamin sa ilalim ng mahin
Nagising si Lorraine sa banayad na lamig ng air conditioner na marahang humahaplos sa kanyang balat.Hindi pa siya dumidilat nang tuluyan. Ilang segundo muna siyang nanatiling nakapikit habang dinadama ang katahimikan ng paligid. Para pa nga siyang naninibago sa katahimikan kasi parang sanay na ang katawan niya sa mga ingay ng skwelahan. Paano ba naman kasi talaga, ang tahimik ng lugar.Walang ingay ng sasakyan. Walang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa hallway. Walang tunog ng alarm clock na minsan ay nauuna pa siyang magising.Ang tanging naririnig lamang niya ngayon ay ang mahinang ugong ng air conditioner at ang halos hindi mapansing paghampas ng hangin sa manipis na puting kurtinang marahang sumasayaw sa tabi ng malawak na glass window.Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.Ang manipis na sinag ng araw ay sumisingit sa pagitan ng mga kurtina, binabalutan ng malambot na ginintuang liwanag ang buong suite. Nagmumukhang mas payapa ang silid kaysa noong gabing dumating sila
Mabagal ang naging paglalakad nila sa kahabaan ng stone pathway na nakapalibot sa lawa.Tahimik ang gabi.Tanging ang banayad na paghampas ng hangin sa ibabaw ng tubig at ang malamyos na tugtog mula sa resort restaurant ang nagsisilbing musika sa paligid. Sa di-kalayuan, nagliliwanag ang maliliit na ilaw na nakasabit sa mga puno, wari'y mga bituing bumaba upang samahan ang mga bisita.Mahigpit na hinawakan ni Lorraine ang maliit niyang purse. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Marahil ay dahil sa dinner o marahil dahil sa lalaking tahimik na naglalakad sa kaniyang tabi.Paminsan-minsan ay sumusulyap siya rito.Nakasuksok ang isang kamay ni Tyron sa bulsa ng pantalon habang ang isa naman ay hawak ang suit jacket na isinampay lamang sa balikat. Bahagyang magulo na ang buhok nito dahil sa hangin, ngunit nananatili pa rin ang maayos at dignified nitong tindig.Kung may ibang makakakita sa kanila ngayon, marahil ay iisipin ng mga itong tunay s
Isang marahang halik sa noo ang unang gumising kay Lorraine.Napakunot siya ng noo habang unti-unting bumabalik ang kaniyang kamalayan. Pakiramdam niya ay napakasarap ng tulog niya. Para bang matagal na panahon na rin s
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k







