LOGIN
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.
Mahigpit niyang hawak ang payong ngunit halos mawalan na iyon ng silbi dahil sa napakalakas na hangin. Kahit gaano pa kalakas ang kapit niya ay mas malakas pa ang bugso ng hangin. Basa na ang mahaba niyang buhok, maging ang simpleng red dress na suot niya ay dumikit na sa kaniyang balat dahil sa ulan.
Napabuntong-hininga siya habang pilit na pinoprotektahan ang folder na hawak niya.
“Grabe naman kasi ang ulan na ‘to, kahit kailan panira talaga, eh,” mahina niyang bulong sa sarili. “Sana pala hindi ko na lang tinuloy ngayon. Pwede naman kasing ipagpabukas na lang.”
Pero kanina rin naman kasi no’ng lumabas siya ng boarding house niya ay hindi pa ganito kalakas ang ulan. Sayang trip lang siguro siya ng ulan. Sinusubok talaga ang pagiging ulirang guro niya.
Ilang araw nang absent ang isa sa kaniyang estudyante. Hindi sumasagot sa tawag at hindi rin nagre-reply sa messages niya. At bilang adviser ay hindi siya mapakali. Kilala niya ang mga estudyante niya at ramdam niyang may problema ang bata.
Kaya heto siya ngayon, tinutupad ang saying na “My Teacher, My Hero”. Kahit sinusubok ng panahon ay pinilit pa rin niyang puntahan ang address na nasa student records.
Napatingin siya sa maliit na papel na halos mabasa na sa ulan. Sinisigurado niya lang na nasa tamang landas pa siya.
“Zaragoza Subdivision,” mahina niyang basa.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang naglalakad dahil wala nang masakyan sa lugar na iyon. Wala ring dumadaang sasakyan dahil sa malakas na ulan. Tanging malalakas na kulog at hampas ng hangin lamang ang kasama niya.
Ang ganda talaga ng timing! Kasing ganda ko, bulong niya sa sarili.
Maya-maya pa ay napahinto siya.
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa napakalaking gate sa harapan niya. Isang napakataas na itim na gate ang bumungad sa kaniya, napapalibutan ng matatayog na pader at mamahaling ilaw na bahagyang natatakpan ng ulan. Muli niyang binasa ang papel, tama naman ang address na pinuntahan niya.
“Ang yaman pala ng batang ‘yon,” aniya sa sarili habang nakatayo sa harap ng malaking bahay. “Eh, bakit nasa public school siya nag-aaral?” Pailing-iling pa siya habang hawak-hawak pa rin ang payong niya. “Hindi na yata ‘to bahay eh. Mansion na ‘to.”
Parang mansion ng mga nasa pelikula. Ay, hindi, mas maganda pa ‘to eh.
Napalunok siya nang mabasa ang nakaukit na pangalan sa bakal.
ZARAGOZA MANSION.
Napakunot-noo siya. Mansion nga. Ang yaman naman pala ng estudyante niya, wala naman pala siyang dapat ipag-alala.
“Dito ba talaga siya nakatira?” hindi makapaniwalang bulong niya. “Pero hindi naman Zaragoza si Elaine, eh.”
Bago pa siya makapag-isip nang maayos ay biglang kumidlat. At sinundan pa ng malakas na kulog. Napasinghap siya sa gulat habang napaatras. Kasabay niyon ang mas malakas pang pagbuhos ng ulan.
“Jusko! ‘Wag mo naman akong pahirapan, Lord. Nagtatrabaho lang naman ako nang maayos, eh.”
Napatingin siya sa cellphone niya ngunit halos wala nang signal. Wala ring mabook na sasakyan kasi nga walang signal. Ang tanong ay paano siya uuwi nito? Maliban sa ang lakas ng ulan ay mukhang aabutan na talaga siya ng dilim. At isa lang ang ibig sabihin ng mga nangyayari sa kaniya ngayon.
Na-stranded na siya.
Kinakabahan siyang lumapit sa intercom ng gate bago marahang nagsalita.
“H-Hello po? Pasensya na po, magtatanong lang sana ako. Dito po ba nakatira si Elaine Madrigal?”
Ilang segundo ang lumipas. Pagkatapos ay unti-unting bumukas ang malaking gate. Mas lalo siyang napakurap.
Talaga naman oh! Ang yaman nga naman, di-remote ang gate! Hindi niya mapagilang bulong sa sarili.
Mula sa loob ay may ilang lalaking naka-itim na suit na mabilis lumapit sa kaniya.
“Good evening, ma’am,” magalang ngunit seryosong sabi ng isa. “Please come inside.”
“H-Ha? Hindi po, okay lang po ako rito—”
“Sir is already waiting.”
Tuluyan siyang natigilan.
Sir?
Kahit hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng lalaki ay pumasok na rin siya. Hindi na niya kaya ang lamig at ulan sa labas. Si Elaine lang naman ang pakay niya at baka ang Sir na tinutukoy nito ay ang Ama ni Elaine. Mas mabuti na rin iyon para makausap niya ang parents ng bata.
Sa hindi niya malamang dahilan ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya habang naglalakad sa napakahabang driveway. Sa magkabilang gilid ay may mamahaling sasakyan, fountains, at ilaw na tila pang-luxury hotel.
Hindi niya maiwasang mailang. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Pagkapasok niya sa loob ng mansion ay lalo siyang natulala.
Napakalawak ng sala. May malaking crystal chandelier sa gitna ng kisame habang ang marble floor ay halos kumikinang sa linis. Amoy mamahaling pabango at kahoy ang buong paligid. At sobrang tahimik ng paligid na para bang bawal gumawa ng ingay sa loob.
“Sir is upstairs,” sabi ng isa sa mga kasambahay.
“S-Sandali lang po, dito po ba nakati—”
“This way, ma’am.”
Hindi na siya nakatanggi. Baka rin naman kasi alam na talaga ng pamilya ni Elaine na parating siya. Baka tinawagan na ng school ang pamilya ng bata na parating siya, pero…
Imposibble, aniya sa sarili. Wala naman kasi siyang sinabihan na magho-home visit siya.
Kahit ang daming tanong sa utak niya ay dahan-dahan siyang umakyat sa napakalaking hagdan habang mahigpit na hawak ang strap ng bag niya. Habang papalapit siya sa second floor ay mas lalo siyang kinakabahan. Hindi niya maintindihan kung bakit.
May kakaiba sa lugar. At mas kakaiba ang pakiramdam niya.
At bago pa siya makakuha ng lakas ng loob para magtanong ay huminto ang maid sa harap ng malaking pintuan.
“Sir is waiting inside.”
Bago pa makapagsalita si Lorraine ay bumukas na agad ang pinto. At doon siya tuluyang natigilan.
Isang matangkad na lalaki ang nakatayo malapit sa malaking glass window habang hawak ang baso ng alak. Nakatagilid ito ngunit agad siyang nilingon nang maramdaman ang presensya niya.
At sa isang iglap…
Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.
Napasinghap na lang si Lorraine. Napakagwapo ba naman kasi ng kaharap niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, matigas ang pangal at idagdag pa ang mga matamang malamig ngunit sobrang tindi ng dating.
Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas sa itaas habang nakaluwag ang necktie nito. Mukhang kagagaling lang sa trabaho. Ngunit kahit halatang pagod, nananatiling napakalakas ng aura nito. Parang bawat kilos nito ay puno ng kapangyarihan.
“Finally.”
Mababa at malamig ang boses nito. Napakurap si Lorraine.
“P-Po?”
Dahan-dahang lumapit ang lalaki habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinakabahan nang ganoon.
“You’re late.”
Napakunot-noo siya. Anong sinasabi ng lalaking to?
“Wait lang po, baka may mali yata—”
Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong hinawakan ang pulsuhan niya. Napasinghap siya. Mainit ang kamay nito at sobrang lakas ng dating ng simpleng hawak na iyon. Sa isang iglap ay nahila siya papasok ng silid. Tuluyan nang sumara ang pinto sa likod nila.
“Sir—”
“Tyron.”
Mababa ang boses nito habang nakatitig sa kaniya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Lorraine. Alam mo yong titig pa lang ay pwede na pang-ulam! Pero pilit niyang tinatanggal sa isip iyon.
Tyron Zaragoza.
Ang billionaire CEO na madalas niyang makita sa business magazines at online articles. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ito ngayon. At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang mali ang tingin nito sa kaniya.
Teka lang naman, aniya na naman sa sarili. Hindi naman siguro ito ang Daddy ni Elaine.
“Sir, magtatanong lang naman po sana—”
Naputol ang sasabihin niya nang marahang hinaplos ni Tyron ang basa niyang buhok.
Napapikit siya saglit. Naamoy niya agad ang mamahalin nitong perfume na may halong alak pero hindi masakit sa ilong.
“You’re freezing,” mahina nitong sabi.
Unti-unting bumaba ang tingin ni Tyron sa labi niya. At doon lalo siyang kinabahan.
“Sir Tyron…” mahina niyang tawag.
Hindi niya alam kung bakit nanghihina ang tuhod niya sa bawat titig nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi siya makagalaw nang maayos. Parang may kung anong humihila sa kaniya palapit dito.
“Relax,” bulong nito habang marahang hinahawakan ang baba niya. “You’re safe here.”
Napasinghap si Lorraine.
Dapat magsalita siya. Dapat ipaliwanag niyang may misunderstanding. Pero habang nakatitig siya sa gwapong mukha ni Tyron…
Habang naaamoy niya ang pabango nito…
Habang nararamdaman niya ang init ng katawan nitong sobrang lapit sa kaniya…
Unti-unting gumulo ang isip niya. Sa labas ay patuloy ang malakas na ulan. Ngunit mas malakas ang gulong nararamdaman niya sa loob ng kwartong iyon.
“You’re ready? I’m fuxking horny.”
"I hope you don't mind..." Bahagyang lumawak ang ngiti ni Emelyn. "I'd like to borrow Tyron."Hindi magawang sumagot ni Lorraine. Anong sinasabi nitong gusto nitong hiramin si Tyron? Pinipilit na lang niyang huwag maitaas ang kilay niya at baka sabihing nagmamaldita siya. Parang sa isang iglap ay huminto ang buong paligid. Wala ni isa sa kanila ni Tyron ang nagsalita. Ni hindi rin naman niya alam kung anong isasagot niya. Kaya iniwas na lang niya ang tingin niya at baka kung ano pa ang masagot niya sa babaeng to. Wala talaga siyang pakialam kahit na mas maganda pa ito sa kaniya.Maliwanag ang umaga. Banayad ang sikat ng araw na tumatama sa malalawak na damuhan ng Zaragoza Mansion. May ilang maya na dumadapo sa mga palumpong, saka muling lumilipad habang naghahabulan sa himpapawid. Mas mas gusto na lang niyang maging ibon sa mga oras na ‘to para makalipad siya papalayo sa dalawang ‘to.Sa kabilang dulo ng hardin, abala ang hardinero sa pagdidilig ng mga rosas. Marahan ang tunog ng tub
Manipis na sinag ng araw ang dahan-dahang pumasok sa malalawak na bintana ng Zaragoza Mansion, pinapahiran ng ginintuang liwanag ang mahabang dining table na yari sa makintab na kahoy.Tahimik ang buong bahay.Maririnig lamang ang mahinang ugong ng central air-conditioning at ang halos hindi mapansing kalansing ng kubyertos na inihahanda ng mga kasambahay sa kusina.Kasabay niyon ang mabangong amoy ng bagong timplang kape na unti-unting kumalat sa buong dining area.Isa na namang ordinaryong Lunes. O iyon ang akala ni Lorraine.Maaga siyang bumaba mula sa ikalawang palapag.Maayos na ang kaniyang uniporme, isang simpleng cream blouse na nakatuck-in sa navy blue skirt, pares ng mababang heels, at ang buhok niyang nakapusod nang maayos.Pagpasok niya sa dining room, agad niyang nakita si Tyron. Nasa dati nitong puwesto. Nakatiklop ang manggas ng puting long sleeves hanggang siko.Sa isang kamay ay hawak nito ang tasa ng black coffee.Sa kabilang kamay naman ay ang tablet na tila may bin
Huminto ang sasakyan sa harap ng malawak na entrada ng Zaragoza Mansion.Kabababa pa lamang nina Tyron at Lorraine nang bumukas ang pangunahing pinto ng bahay."Welcome home po, Sir... Ma'am Lorraine."Magalang na yumuko si Manang Lynn bago lumapit upang salubungin sila. Napansin agad ni Lorraine ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng matanda. Palagi niya itong nakikitang nakangiti, magaan ang kilos, at tila walang anumang alalahanin.Ngunit ngayon ay paulit-ulit nitong pinagdidikit ang mga kamay. Minsan ay sumusulyap kay Tyron. Minsan naman ay tila nagdadalawang-isip kung magsasalita ba o hindi.Huminto si Tyron sa harap nito. "Something wrong?"Bahagyang napalunok si Manang Lynn. "Sir..." Sandali itong nag-atubili. "May dumating po rito kahapon."Bahagyang kumunot ang noo ni Tyron."Who?"Huminga nang malalim ang matanda. "Si Ma'am Emelyn po."Hindi namalayang napatingin si Lorraine kay Tyron. Hindi niya alam kung ano ang inaasahan niyang makikita.Pagkabigla at pagkairita. O kahit ka
Tahimik ang umaga sa resort.Hindi pa ganoon kataas ang araw, ngunit nagsisimula nang magliwanag ang kalangitan. Bahagyang sumasayaw ang manipis na hamog sa ibabaw ng lawa habang ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ni Lorraine. Hinaplos niya ang kaniyang braso para maramdaman ang lamig no’n sa kaniyang balat.Kahit pa siguro malamig dito, kakayanin ko eh, basta kasama siya, bulong niya sa sarili. Heto na naman ang pagiging delulu niya, umaandar na naman. Hindi rin naman siguro masamang mag-ilusyon ngayon kasi pauwi na rin naman na sila. Pagbalik nila sa mansion at balik trabaho na rin siya.Kahit ngayon lang, pagbibigyan niya ang sarili niya. Ngayon lang naman eh.Pero ngayon lang ba talaga? Eh, parang naka subscribe na yata sa unli ang pagiging delulu niya eh. Well, ganon siguro talaga.Nakatayo siya sa labas ng lobby habang hinihintay ang sasakyan nila. Tahimik siyang napatingin sa kabuuan ng resort.Ang malawak na hardin. Ang lawa na tila salamin sa ilalim ng mahin
Nagising si Lorraine sa banayad na lamig ng air conditioner na marahang humahaplos sa kanyang balat.Hindi pa siya dumidilat nang tuluyan. Ilang segundo muna siyang nanatiling nakapikit habang dinadama ang katahimikan ng paligid. Para pa nga siyang naninibago sa katahimikan kasi parang sanay na ang katawan niya sa mga ingay ng skwelahan. Paano ba naman kasi talaga, ang tahimik ng lugar.Walang ingay ng sasakyan. Walang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa hallway. Walang tunog ng alarm clock na minsan ay nauuna pa siyang magising.Ang tanging naririnig lamang niya ngayon ay ang mahinang ugong ng air conditioner at ang halos hindi mapansing paghampas ng hangin sa manipis na puting kurtinang marahang sumasayaw sa tabi ng malawak na glass window.Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.Ang manipis na sinag ng araw ay sumisingit sa pagitan ng mga kurtina, binabalutan ng malambot na ginintuang liwanag ang buong suite. Nagmumukhang mas payapa ang silid kaysa noong gabing dumating sila
Mabagal ang naging paglalakad nila sa kahabaan ng stone pathway na nakapalibot sa lawa.Tahimik ang gabi.Tanging ang banayad na paghampas ng hangin sa ibabaw ng tubig at ang malamyos na tugtog mula sa resort restaurant ang nagsisilbing musika sa paligid. Sa di-kalayuan, nagliliwanag ang maliliit na ilaw na nakasabit sa mga puno, wari'y mga bituing bumaba upang samahan ang mga bisita.Mahigpit na hinawakan ni Lorraine ang maliit niyang purse. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Marahil ay dahil sa dinner o marahil dahil sa lalaking tahimik na naglalakad sa kaniyang tabi.Paminsan-minsan ay sumusulyap siya rito.Nakasuksok ang isang kamay ni Tyron sa bulsa ng pantalon habang ang isa naman ay hawak ang suit jacket na isinampay lamang sa balikat. Bahagyang magulo na ang buhok nito dahil sa hangin, ngunit nananatili pa rin ang maayos at dignified nitong tindig.Kung may ibang makakakita sa kanila ngayon, marahil ay iisipin ng mga itong tunay s
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l







