Share

Chapter 1 - Annoying

EIGHT MONTHS LATER

"Hindi ka man lang ba kakain ng almusal, bro?" tanong ni Ethan kay Samuel habang pinagmamasdan nito ang mga kilos niya. Si Ethan ay kaibigan ni Samuel at may-ari ng bahay na tinutuluyan niya.

"Sa office na siguro. Bawal ma-late kundi yari ako kay Boss," sagot ni Samuel sa kaibigan habang inaayos niya ang bagong biling necktie. Pagkatapos ay nagsuot na rin siya ng sapatos at ipinasok sa loob ng briefcase ang pinagpuyatang paper works. Nang ayos na ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa sarili. Napakaguwapo talaga niya.

"Alis na 'ko, bro," paalam na niya sa kaibigang si Ethan. Napakamot na lang sa ulo ang kaibigan at halata sa mukha na hindi makapaniwala sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.

Matagal na silang magkaibigang dalawa dahil magkaklase sila noon sa College at palagi silang magkasama. Nagkaroon ito ng maganda opportunity sa Canada kaya doon na rin ito tumira. At noong ngang napunta si Samuel ng Canada para sa trabaho ay ito kaagad ang hinanap niya at dito napiling makituloy. Wala namang problema kay Ethan dahil mag-isa lang itong nakatira sa bahay at masaya itong makasama ang kaibigan.

Hindi kagustuhan ni Samuel ang pagpasok sa MWSI Canada. Kinumbinsi lang siya ng matalik na kaibigan ng kanyang ama na isa namang abogado. Marahil kung hindi niya tinanggap ang alok nito ay nasa isang maliit na kompanya lang siya ngayon nagtatrabaho.

Ngunit ngayon ay eksaktong walong buwan na siyang executive assistant ni Shalanie. Ang masungit na boss niya na isang strict, rutless at napakaeksperto sa pang-i-stress sa mga empleyado nito. Oo, ganoon ang boss niya.

Maraming kasamahan niya sa MWSI ang hanga sa kan'ya dahil napakatatag niya raw na umabot siya nang walong buwan na kasama si Shalanie. Tinatawanan lang naman niya ang mga ito dahil mas importante sa kan'ya ang kan'yang trabaho. At alam niyang malaki ang maitutulong sa kanya ng masungit niyang boss.

Habang naghihintay siya ng masasakyan ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Shalanie. Huwag daw niyang kalimutang dalhin ang presentation na ipinagawa nito sa kanya. Tinapos niya iyon ng nagdaang gabi at gumawa siya ng ilang formats na pweding pamilian nito na papasa sa panlasa ng boss niya. Sa loob ng walong buwan pagtatrabaho niya rito ay kabisado na niya ang ugali nito pagdating sa trabaho. Napakametikulosa nito. Nasanay na rin siyang tawagin itong Boss dahil masyado itong bossy.

Natagalan siya sa paghihintay ng Cab na sasakyan niya patungong opisina. Makailang ulit niyang tiningnan ang pambisig na orasan. Tantiya niya ay male-late siya at malilintikan siya sa boss niya. Pero hindi naman siya gaanong nag-aalala.

Maya-maya pa ay tumunog ang kan'yang cellphone, si Shalanie ang tumatawag. Kaagad niya naman itong sinagot kahit alam niyang kagagalitan lang siya nito.

MAINIT ang ulo ni Shalanie. Dalawang empleyado na agad ang nasigawan at kinagalitan niya nang umagang iyon. Tinangka niyang tawagan si Samuel at kaagad din naman itong sumagot sa tawag niya.

"Where the hell are you, Samuel?" kaagad niyang singhal rito kahit hindi pa man ito nagsasalita.

"Sorry, Boss. Hindi pa kasi ako nakakasakay. Kanina pa ako nag-aabang ng masasakyan," paliwanag ni Samuel ngunit mukhang hindi uubra sa boss nitong mainit pa sa kumukulong tubig ang ulo.

"Wala akong pakialam, Samuel. Mag-uumpisa na ang meeting ngunit wala ka pa. Bilisan mo na dahil kailangan ko ang mga papeles, ngayon na!" Maydiin at awtoridad sa mga tinig ni Shalanie. Halatang galit na siya at hindi na makapaghihintay pa ng matagal.

"Yes, Boss. I'll be there in few minutes," mahinahong sagot ni Samuel na parang wala lang dito ang inis sa tinig ni Shalanie.

Lalo namang nainis si Shalanie. Malilintikan sa kan'ya ang lalaki pagdating nito. Wrong timing ang pagka-late nito. Wala itong karapatang ma-late. Hindi na siya mapakali pa sa kan'yang kinauupuan. Pinanatili naman niya ang magandang ayos ng mukha at hindi hinahayaang kumunot ang noo niya kahit pa ba naiinis na siya.

Ilang saglit pa ay sinimulan na ang meeting. Sinabi ng COO ang punto at objectives ng meeting nila sa araw na iyon. Nanatili siyang nakikinig habang hinihintay ang assistant.

Lumipas pa ang ilang minuto ngunit wala pa rin si Samuel. Hindi na maipinta ang mukha ni Shalanie. Nagngingitngit na ito sa inis. Ilang ulit nang umarko ang kilay niya.

Nauna ng nag-present ang marketing assistant supervisor. Nasa kalagitnaan na ito nang bumukas ang double doors ng silid at iniluwa niyon ang magaling niyang assistant.

Agad siya nitong nilapitan at umupo sa bakanteng silya sa tabi niya. Binati siya nito na may magandang pagkakangiti, napaka-cool at akala mo ay hindi late kung umasta. Parang lalo pa siyang nainis dahil nagagawa pa nitong ngitian siya ng napakaganda.

Pabulong naman niya itong sinita at tinaasan ng kilay.

"I hate tardy people. Alam mo yan, Samuel."

Nanlalaki ang mga mata niya habang pabulong na pinagagalitan si Samuel. Bakas ang labis na pagkainis niya rito. Parang mangangain na siya ng assistant. Late ang pinaka-ayaw niya sa lahat.

"Pasensya na, boss. Hindi ko kasi kontrolado ang mga sasakyan. Hayaan n'yo hindi na ito mauulit," mahinahong sabi naman si Samuel. Hindi man lang ito kinakitaan ng kahit kaunting takot kay Shalanie.

Nakatiim-bagang na tinitigan niya ito. Sa lahat ng empleydo ay ito lang ang nagagawang mangatwiran sa kan'ya. Kahit si Arah na tinuring na niyang kaibigan ay hindi nangangatwiran sa kan'ya kapag mainit ang ulo niya. Sa loob ng ilang buwan na naging assistant niya si Samuel ay hindi ito nasisindak sa kan'ya. Paano nga ba niya ito masisindak?

"Hindi na talaga ito mauulit dahil kapag nangyari uli ito, your fired! Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahina ngunit maririin ang mga ito.

"Boss, malabong sesantihin n'yo ako sa trabaho. Wala na kayong makikitang katulad ko dahil nag-iisa lang ako.Wala ng kasinggaling, kasingtalino at kasingguwapo kong executive assistant, Boss," pagmamalaki naman ni Samuel habang may magandang pagkakangiti. Nakasandal pa ito sa swivel chair na inuupuan nito.

Mapaklang natawa si Shalanie. Lalo siyang nabwisit sa kapreskuhan ng assistant niya. Saan ba ito kumukuha ng lakas ng loob?

Inaamin naman ni Shalanie sa sarili niya na mahihirapan nga siyang makahanap ng ipapalit dito sakaling sesantihin niya ito. Samuel has proven his efficiency to her every day. The guy seemed to be a jack of all trades. Hindi nga siya makapaniwala na may taong tulad nito. Mabilis itong matuto, organized in thoughts and in things, idealistic, flexible, patient, articulate, very cool and so on.

Nagtataka siya kung bakit hindi niya ito magawang sindakin gayong talento niya ang manindak ng mga empleyado. At lahat ng empleyadong nakakakilala sa kanya ay takot sa kanya maliban lang talaga kay Samuel.

"Ito na ang flash disk, Boss."

Pagkaabot nito ay kaagad niya itong hinablot at isinaksak sa kan'yang laptop. Maliksi ang mga kamay niyang nagpipindot sa keyboard habang panaka-nakang tumitingin sa mga ka-meeting.

Pagkatapos pakinggan ang proposal ng marketing team ay mabilis namang kumilos si Samuel at ito naman ang nag-report. Tinalakay nito ang tungkol sa sales ng kompanya.

Pagkatapos ng mga presentation ay nag-brainstorming sila. Nag-mental notes si Shalanie ng lahat ng points na sinabi sa meeting. Kung may nakalimutan man siya ay si Samuel ang tatanungin niya dahil trabaho nito ang isulat ang minutes ng meeting na iyon.

Nang matapos ang meeting ay muli niyang hinarap si Samuel at itinanong ang susunod niyang appointment.

"Plantation visit, Boss" sagot ni Samuel.

"Sigurado ka? Patingin nga." Inagaw niya rito ang notebook na naglalaman ng schedule niya. Hindi ito nagsisinungaling. Nakatakda siyang pumunta sa planta kasama ang COO para tingnan ang operation doon.

Napabuntong hininga siya. Ayaw kasi niyang makasama ang COO. Iniiwasan niya ito dahil pakiramdam niya ay may gusto ito sa kan'ya at naiilang siya.

Hindi nga niya alam kung bakit kailangan pa niyang sumama doon sa production. Hindi ba dapat marketing team ang kasama nito at hindi siya.

Kung may magagawa lang sana siya, ngunit wala. Wala siyang choice kundi ang sumunod at makasama ito. Mabuti na lang at nariyan si Samuel. Hindi niya ito makakasama ng siya lang mag-isa.

"I need my flat shoes," sabi niya bago siya tumalikod kay Samuel at nag-umpisa ng maglakad. Nakasunod naman si Samuel sa kanya.

"Nasa locker ko, Boss," agad naman sagot ni Samuel sa kan'ya.

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito.

"Nasa locker mo? Bakit nasa locker mo ang shoes ko?" pagtataka niya. Bakas din sa mukha niya ang gulat. Bahagya pang napakunot ang noo niya. Ano ang ginagawa ng shoes niya sa locker nito?

Nagkamot ito ng batok at alanganing ngumiti.

"Sabi mo kasi noong nakaraan, after ng dinner meeting sa isang restaurant na ako muna ang magtago niyon," paliwanag ni Samuel.

"Sinabi ko 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya. Totoo bang ginawa niya iyon? Hindi talaga siya makapaniwala. Bakit niya ipapatago sa assistant niya ang sapatos niya?

"Yes, Boss."

Naalala niya ang dinner meeting na iyon. Anim na palapag ang inakyat nila. Ayaw kasing mag-elevator ng ka-meeting nilang health buff na kano. Sinabi nito na maghagdan na lamang sila. Parang nananadya ito dahil 5 inc. ang takong ng sapatos na suot niya ng araw na iyon.

Mabuti na lang at may flat shoes siya sa kotse. Kaagad niyang ipinakuha iyon kay Samuel. Tiniis niya ang pag-akyat sa anim na palapag bilang pakikisama ngunit nang makaakyat ay kaagad siyang nagpalit ng flat shoes na ipinakuha niya kay Samuel. Pagkatapos magpalit ay ang high heels naman niya ang ipinahawak niya kay Samuel.

Nang matapos ang dinner meeting ay nagpalit muli siya ng high heels noong nasa kotse na siya at ang flat shoes ay ipinatago niya kay Samuel. At sa locker nito itinago?

Inutusan na niya si Samuel na kunin ang flat shoes niya kung saan man ito itinago ng assistant niyang ito. Pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa opisina niya.

Kauupo pa lang niya sa kan'yang swivel chair nang makatanggap siya ng mensahe sa kan'yang g***l. Galing iyon kay Don Roberto. Gusto nitong makipag meeting sa kan'ya at sa iba pang members ng board sa darating na Byernes sa penthouse ng isang sikat na hotel. Mabilis naman siyang nagreply pagkatapos ay nag-retouch siya ng makeup niya.

Naglalagay siya ng lipstick nang dumating si Samuel.

"Don't you know how to knock?" mataray na tanong niya rito. Nakataas ang isang kilay niya na halata na naman ang pagka-inis sa assistant niya.

"Sorry, Boss," paghingi nito ng paumanhin sa kanya.

"Mauna ka na sa parking lot," utos niya rito.

Tumango ito at wala ng sinabi pa. Inilapag nito ang bitbit na flat shoes sa sahig malapit sa sofa bago tahimik na lumabas. Lumapit naman siya roon at isinuot ang sapatos. Dagli na rin siyang lumabas ng opisina niya bitbit ang bag niya. Tinungo niya ang elevator, saglit lang naman siyang naghintay bago ito bumukas. Sumakay ito doon patungo sa basement at nagtungo sa parking lot kung nasaan naka-park ang kotse niya. Maalwan ang paglalakad niya dahil naka-flat shoes siya.

Naabutan niya si Samuel na nasa gilid ng kotse niya at nakikipagkwentuhan sa company driver.

"Tama po kayo Mang Nestor, matumal nga sa mga tulad natin ang mga babaeng masusungit," pahabol na sabi ni Samuel sa company driver.

"May tamang pagpapaamo naman sa mga ganyang masusungit, Sir," sagot ni Mang Nestor ang company driver.

Nagkatawanan sila dahil doon.

Mukhang hindi pa siya napapansin ng mga ito dahil abala sila sa masarap nilang pagkukwentuhan.

Tumikhim siya para maagaw ang atensyon ng mga ito. Bumaling si Samuel sa kan'ya. Natahimik naman si Mang Nestor.

Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Tanong niya sa isip. Mukha siya ang pinag-uusapan dahil tumigil ang nga ito nang mapansin na siya.

"Handa na kami, Boss. Aalis na ba tayo?" tanong ni Samuel sa kan'ya.

Tumango lamang siya bilang tugon. Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse, bago umikot sa kabilang pinto at siya naman ang sumakay doon.

Bago siya makarating kanina sa kotse niya ay nakasalubong niya ang COO, si Tyron Ignacio. Gusto nito na sumabay na sa kan'ya si Shalanie sa kotse nito patungo sa planta. Ngunit tinanggihan ito ni Shalanie. May kotse naman siya kaya hindi niya kailangan pang sumabay dito at ayaw rin niyang makasabay ito.

"I want the fastest route to Niagara," sabi niya sa driver.

"Boss, sana nag-eroplano na lang tayo."

Mabilis na gunalaw ang kamay niya. Napaigik ito nang sikuhin niya ito. Ngunit sa halip na magreklamo ay tumawa pa ito na animo'y nasiyahan sa pagkakasiko sa kan'ya.

"Nagiging bayolente ka na, Boss. Gumagamit ka na ngayon ng dahas, a." pang-aasar pa nito kay Shalanie.

"Stop it, Bernales! Don't be childish," inis na wika niya kay Samuel. Tumaas na naman ang kilay niya. Imbis kasi na siya ang kaiinisan nito dahil sa pagiging masungit niya ay siya pa ang naiinis sa assistant niyang ito.

"Don't be serious, Boss. Hindi n'yo pasan ang daigdig araw-araw para magsungit kayo ng ganyang palagi." Nakangiti ito ng malapad habang sinasabi iyon. Hindi na niya malaman pa ang isasagot sa assistant.

Nangingiti naman si Mang Nestor habang inuumpisahan ng paandarin ang kotse.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status