BIGLANG nagkagulo sa loob ng silid ni Alessia. Tinawag ni Caio ang mga doctor at sabay-sabay na pumasok ang mga ito.“My child…” Alessia had never been this horrified.“She’s having a preterm labor, Mr. Alfieri. The stress must have triggered this—” Hindi naituloy ng babaeng obstetrician na si Dr. Bernardo ang iba pang sasabihin dahil biglang sumabat si Caio.“Do everything to save my child if all of you wants to get out of this house alive!” Pananakot ni Caio. Palakad-lakad ito sa loob na hindi maitago ang pagkataranta lalo na nang makitang nahihirapan si Alessia.“Calm down, we’ll push the baby out safely.” Kalmadong wika ni Dr. Bernardo. “Please wait outside.”Muling tiningnan ni Caio ang dalaga bago ito lumabas ng silid. Samantalang si Alessia ay pilit na kinakalma ang sarili. Although she had a very high pain tolerance, ibang klaseng sakit ang nararmadaman niya ngayon na parang hinahati ang bawat buto sa kanyang katawan.“You’ll have a premature birth, Miss Ali.” Malumanany na saa
RAMDAM ni Alessia ang pagtama ng bala sa kanyang kaliwang balikat. At sapat na iyon para mawalan siya ng balanse at unti-unting mahulog ang katawan niya sa tubig. “Boss, she could still be alive,” wika ng isang tauhan ni Caio na akmang susunod para muling barilin ang dalaga. Caio quickly halted the man. “Enough. The bullet may not kill her, but she’ll surely drown. Let’s go back, I need to go to the mainland. Prepare the chopper.” “Yes, Boss!” Sabay-sabay na umalis ang mga tauhan ni Caio mula sa kinaroroonan at sumunod sa binata. Agad na tinungo ni Caio ang helipad at dali-daling sumakay sa chopper na walang inaksayang sandali. “Let’s fly to the hospital, quick!” utos ni Caio sa kanyang piloto. Agad naman nilang narating ang main island ng Isla Alfieri at mabilis na lumapag ang kanilang sasakyang panghimpapawid sa helipad ng hospital. Caio rushed into the NICU and talked with the doctor. Si Dr. Nick Dizon na hindi nalalayo ang edad sa binata. They were childhood friends
“NENA! Tawag ka ni Sir!” sigaw ni Gina sa babae. Kasalukuyang nagwawalis si Nena sa likod ng mansion nang lumapit si Gina.“Bumalik na si Sir? Bakit daw?” Nagtatakang tanong ni Nena. Halos ilang buwan na kasi ang nakalipas at hindi umuwi sa mansion ang kanilang amo.“Aba, malay ko! Kausap niya nga rin si Yaya Glo. Bilisan mo na!” wika ni Gina bago ito tumalikod at naglakad paalis.Mabilis namang tumalima si Nena. Naabutan niyang nasa living room si Caio habang kausap ang matandang mayordoma.“Sir, pinatatawag n’yo raw po ako,” magalang na saad ni Nena.Nilingon ito ni Caio. “Yes, Nena. Pack your things now, I’m going to assign you in a different house.”“Ho?” Nanlaki ang mata si Nena.“You heard it. You’re going with Yaya Glo, I need the two of you to look after my son.” Muling ibinaling ni Caio ang atensyon sa matanda. “You need to get out of this house. And looking after my son until you die is your punishment for betraying me, Yaya Glo.”Nanatiling walang kibo ang matandang babae a
AGAD na hinahap ni Alessia ang ama nang makarating siya sa kanilang private residence sa Hong Kong. Naabutan niya itong nasa loob ng ancestral shrine habang nasa tabi nito si Hyacinth. “Hyacinth Jiejie,” tawag ni Alessia bago sila nagbeso ng babae. Walang kahit anong tanong si Hyacinth pero makikita nito ang galak sa mukha nang makita si Alessia. “Papa…” Humawak si Alessia sa balikat ng ama pero nanatiling nakatuon ang atensyon ng matandang lalaki sa memorial tablet ni Xiaoyu. Kumukurap lang ito pero halatang wala sa sarili. Akmang lalabas si Hyacinth para bigyan sila ng privacy pero pinigilan ito ni Alessia. “Stay, we are family here.” Tipid naman na ngumiti si Hyacinth. “Uncle Paul believed the enemies killed you, too. He must be happy to see you now, although he couldn’t express it.” “I came here to bid my farewell in person, Papa. You must hate me for not fulfilling my promise. I know I failed you, and I’m sorry.” Sandaling nag-alinlangan si Alessia bago ipagpatuloy ang iba
NATAWA nang malakas si Alessia sa narinig. Naisip kaya ni Alexei kung gaano ka-estupido ang suhestiyon nito?‘Marriage alliance, my ass.’“Did your head hit on something that you’re suggesting that in my face?” Alessia chuckled. “What makes you think I’ll marry a loser like you?”Naglakad-lakad si Alessia paikot sa lalaki. Kung sa hitsura ang pagbabasehan, hindi siya bulag para hindi makita ang taglay nitong kagwapuhan. Alexei looked like a model straight out from a famous male magazine. Pero sa mundong ginagalawan nila, hindi basehan ang kakisigan para magpakasal.“I’m serious. Our organization may be a mess right now, but the main family has enough supporters condemning Viktor’s monstrous act. You need my support as much I need you,” desididong saad ni Alexei.Hinarap ng dalaga ang lalaki. Samantalang nanatiling nakahalukipkip si Rouyun sa tabi na hindi rin naitago sa mukha ang pagkagulat sa suhestiyon ni Alexei, halatang nagtitimpi lang itong suntukin ang huli.“Excuse me? I don’t
FIVE YEARS LATER“HUY, Wushi! Stap ranning!” Halos mapigtas ang hininga ni Nena habang hinahabol ang makulit na bata. “Dios kong bata ka! Dinudugo na nga ang ilong ko sa ‘yo kaka-ingles, tapos ang likot-likot mo pa!”Humagikhik si Wushi nang mahuli ito ni Nena. The child was over four years old now with chubby cheeks. At a glance, it was noticeable he was mixed. Namana ng bata ang abuhing kulay ng mata ng ama pero hindi maipagkakailang na may pagka-tsinito ito.“Yaya Nena! Let’s play hide and seek!” Malambing na saad ng bata.Tumingin naman si Nena sa ama ng bata na abalang nagkakape sa gazebo ng hardin habang nakapatong ang tablet sa mesa.Caio nodded to give Nena permission to play the game with his son.“Sige na nga! Hide nearby ha. Or else the lamok will bite you!” Pinisil ni Nena ang matangos na ilong ni Wushi.“What’s a lamok, Yaya?”“Ano… denggue!”Kumunot ang noo ni Wushi. “Huh?”“Ay, Mosquito pala! Yes, lamok is mosquito!” Pigil ni Nena na panggigilan ang napakacute na bata. P
KUMPLETO ang buong squad ng Great White Shark maliban kay Zhan na hanggang ngayon ay missing in action pa rin. Many believed that he was already dead as they hadn’t received any news about him for the last five years.Naroon ang lahat sa loob ng ancestral hall ng mga Chan habang lahat sila nakaluhod sa harap ng memorial tablet ni Paul Chan. After battling his sickness for a long time, the Chan Patriarch finally succumbed to illness. He died of a sudden cardiac arrest.Alessia did not shed a single tear. Maging ang mga kasamahan niya ay ganoon din dahil inaasahan na nilang anumang oras ay mamamaalam na ito. And as everyone anticipated, Alessia was named the new head of the Chan Clan, but she appointed Ren as the Dragon Head.“Papa left us knowing the organization is stable now,” wika ni Alessia.Tumango ang naman ang lahat. Halos magkakasabay silang lumabas ng ancestral hall nang matapos silang magsindi ng insenso at mag-usal ng dasal.“Don’t you think it’s ironic? We must pray for the
ALESSIA immediately flew to Shanghai to meet Alexei. May usapan kasi silang mag-date ngayong gabi dahil halos dalawang linggo rin ilang hindi nagkita. Pareho sila abala sa pamamalakad ng kanya-kanyang organisasyon, Alexei tried to attend Paul Chan’s wake, but Alessia forbade him. Tanging ang mga taong mapagkakatiwalaan lang ng pamilya ang nakakaalam sa pagpanaw si Paul Chan. “Alessia!” Tawag ni Alexei sa hindi kalayuan. Kumaway ito sa kanya habang may hawak ng isang bouquet ng pulang rosas ang isa nitong kamay. Agad na ngumiti ang dalaga nang mapagsino ito. Alessia greeted him back by kissing his both cheeks. “Hi, Alex! It’s been a while.” Humawak siya sa braso nito matapos ibigay ang bulaklak sa kanya. “Come, I’m starving. Let’s eat. Keeping my men in check drains my energy,” yakag nito. “I like that!” Magkasabay silang pumasok sa loob ng paborito nilang chinese restaurant. Sa unang tingin ay puno iyon ng mga turista pero ang totoo ay halos mga tauhan nila ang naroon sa loob na
HINAWAKAN ni Varo sa magkabilang balikat ang babae para kalmahin ito. “Look at me. Tell me what happened.”“He’s dead!” The lady was helpless. “W-we were about to do it… but there was a gunshot.”“Dead?” Naguluhan si Varo. Pero nang makita niya sa labas ng hallway ang mga bantay na walang malay na nakahiga sa sahig ay saka lang niya naintindihan ang nangyayari.“Come in.” Pinapasok ni Varo ang babae sa loob at saka siya tumawag sa awtoridad para ireport ang nangyari sa kabilang silid.It was not long before the police came to inspect the crime scene. Indeed, Robert Gu was dead. Mayroon itong tama ng bala sa noo.“A sniper’s shot…” bulong ni Varo. Naroon din siya sa kabilang kuwarto nang ipakita niyang isa siyang opisyal ng Interpol. Although it was not in his jurisdiction, he was considered a witness.Hindi naman siya nakialam sa imbestigasyon. Gusto lang niyang alamin kung ano ang nangyari lalo na at ngayon pa lang nagkamalay ang mga bantay ni Mr. Gu na gulat na gulat nang malaman na
Hyacinth Jeong is the infamous huntress queen of the Triad. She vowed to take her revenge on all the people involved in her family’s massacre. Kaya naman nang malaman niyang nasa kamay ng Interpol ang isang mahalagang dokumento tungkol sa kanyang nakaraan ay nagpanggap siya bilang isang trainee at doon niya nakilala si Varo.Alvaro Gaudencio is an upright, strict chief inspector, and he is Hyacinth’s senior. Silang dalawa ang madalas magkasama sa bawat kasong hawak nito. Everything is fine until Hyacinth found out Varo’s hidden identity, and he also finds hers.Their blossoming romance is bound to turn into blood lust. Will they find a middle ground for them to choose each other? Dahil sa simula pa lang, tadhana nila ang kunin ang buhay ng isa’t isa.*******BEIJING, CHINA“LOOK, Cinth. It’s confirmed! Your target will be at Aiqing tonight.” Excited na inabot ni Jian ang hawak nitong tablet kay Hyacinth. Kasalukuyan silang nasa courtyard ng mansion ng dalaga sa loob ng malawak na Chan
NAGANAP ang isang tahimik at pribadong kasal sa isang maliit na isla na parte ng Isla Alfieri. It was solemn that only family and close acquaintances were present. Although they had done a ceremonial engagement months ago to formally seal the alliance, which all the heads of the organizations in the underworld were present because it was mandatory. Alessia and Caio chose a private ceremony for their sunset wedding. Kaya heto sila ngayon at nakangiting nagmamartsa patungo sa isa’t-isa. Nakasuot si Alessia ng simpleng puting wedding gown, habang itim na tuxedo naman ang suot ni Caio. Wei was playing violin on the wedding march, making the surroundings more romantic. Sina Ren at Yaya Glo ang naghatid kay Alessia sa altar. Habang naroon din ang magulang ni Caio na maayos naman ang pakikitungo sa kanya. They were against their marriage at first, but Caio was unstoppable. Now, they both adored Alessia. Wushi was beaming as their ring bearer. Masayang-masaya itong maksaksihan ang pag-
8 MONTHS LATERKazan, RussiaIT WAS a silent winter night in Kazan when Caio and Alessia finally moved on their most awaited operation—hunting Viktor Ivankov. Matagal nila itong pinagplanuhan para siguruhin magtatagumpay sila. There was no room for errors. Lalo na at ito ang kauna-unahang joint operation ng dalawang organisasyon na mismong pinangunguhanan ng kanilang mga lider na kapwa naroon din.Mabilis ang bawat galaw ng mga miyembro ng Black Assassins at Phantoms. Rouyun and Carl had already recovered, kaya kasama rin sila roon. “We are all in position, Your Highness,” wika ni Rouyun mula sa communication device na nakakabit sa kanyang tainga.“Yes, Ghost. Copy that.” Tumango si Alessia. Tumingin siya sa tabi niya—si Caio na katatapos lang kausapin si Carl.Kapwa sila nakasuot ng full battle gear at may hawak na malaking assault rifle.They had a sneak attack. Biglang namula ang niyebe dahil sa dugong dumanak. Maya-maya pa ay nagpalitan na ng putok ng baril. Mayroon ding mga pag
“DADDY!” Masiglang salubong ni Wushi sa ama nang makauwi ito sa bahay kasama si Alessia.Agad itong kinarga ni Caio. “You’re heavier now. How are you, son?”“Uncle Ren and I saw dragons and dinosaurs!” Tuwang-tuwa ang bata habang nagkukuwento. Alessia let the two of them catch up.“Where’s the people in the house?” Takang tanong ni Alessia. Hindi niya kasi nakita si Ren na madalas kalaro ni Wushi. Sinadya kaya iyon ng binata dahil alam nitong dadalhin niya si Caio ngayong gabi?Naiintindihan naman ni Alessia na hindi pa welcome si Caio sa kanilang pamilya. Given their bloody history, at alam niyang hindi naman niya puwedeng madaliin ang pagtanggap ng mga ito sa lalaking nakatakda niyang pakasalan.Nilapitan niya ang dalawa. “Both of you should rest. We’ll have a big celebration tomorrow for Wushi’s birthday.”Hindi naman nagprotesta ang dalawa. Caio took charge of looking after their son to sleep. Habang si Alessia ay hinanap si Ren. At gaya ng inaasahan, natagpuan niya ito sa gilid n
HINDI inaasahan ni Alessia na magtatagal si Caio sa Italy. As they predicted, the Venetto family rebelled against the organization. The bratva backed them up. Kaya kailangang nanatiling ni Caio roon para maayos ang kaguluhan sa loob ng Mafia. Tuluyan ding naparusahan ang buong angkan ng mga Venetto at ang pamilya Gauci. “Nanay, when will Daddy come?” Nayayamot na tanong ni Wushi. “Soon, sweetheart. He’s a little busy at work.” “He needs to work hard so he can buy me toys, Nanay?” inosenteng tanong nito. “Exactly, so let’s just wait, okay?” “Okay. Uncle Ren is always playing with me, but he is busy too. Why is everybody busy?” “Because adults need to work to survive.” “I don’t want to grow up, then.” Wushi wrinkled his nose. Kahit lagi naman nagkikita ang mag-ama sa videocall, lagi pa rin itong hinahanap ni Wushi. Lalo na at malapit na ang kaarawan nito. They were still in Beijing. Isang araw bago ang kaarawan ni Wushi, nakatanggap siya ng tawag mula kay Caio na dumating na it
NAGTIPON ang buong squad sa loob ng conference room ng private residence ng mga Chan sa Beijing tatlong araw matapos mailagay sa huling hantungan si Xiaoyu. Everyone agreed to put her in their family ancestral shrine. Mula sa Hong Kong, inilipat iyon sa Beijing dahil nakompromiso ang kanilang base roon tatlong taon na ang nakararaan.“Ali did not attend Xiao’s burial, but she promised to be here today,” wika ni Ren. Isa-isa niyang tiningnan ang mga taong nakapalibot sa malaking pabilog na mesa. There were only five of them excluding Alessia and Zhan.Everyone seemed anxious. Lalo na at napag-alaman na ng lahat ang tungkol sa pagbabalik ni Zhan. Vesta was too excited to break them the news about it.“Vesta, are playing a prank on us? Did Ali really find Zhan?” Hindi nakatiis na tanong ni Hyacinth.“Hyacinth Jiejie, why would I lie? Besides, why are you even here? Does your husband know?” wika ni Vesta habang nakatingin sa mga kuko nito sa kamay.Hindi naman ito pinatulan ni Hyacinth. H
“WE have to fly to Beijing. I need to bring Wushi there, our quarterly meeting is coming. Hindi ko rin naman na maitatago ang bata sa pamilya ko. Besides, he will be safer there,” wika ni Alessia habang naroon sila sa living room na private resort na pag-aari ni Caio. Gusto sana niyang dalhin ang mag-ama sa main base ng organisasyon ng Triad, pero sa huli ay pinili niyang dito muna manatili habang nag-iisip siya. Every corner of the vicinity was heavily guarded.“I will go there as soon as I settle this mess. The Venettos will not sit idle, I need to give them the punishment myself.” Kalmadong wika ni Caio pero nasa mata nito ang matinding galit. “I tried to understand Chiara’s motivation because she was jealous. But killing Wushi just because she was that petty? That’s unforgivable!”“Sigurado kang hahayaan mong dalhin ko si Wushi sa China? Hindi ka ba natatakot na baka hindi mo na siya makita?”Kinuha ni Caio ang kamay niya at hinalikan iyon. “Didn’t we promise to start trusting eac
“ALI JIEJIE!” Vesta was overjoyed to see Alessia. Pero mukhang wala siya sa timing dahil naabutan niya itong hawak sa leeg ang isang babae.“For years I tried my best not to kill you despite the grievances between us. Because I vowed to stop the cycle of killing between our organization. I didn’t even act after knowing you’re the one who kill Xiao. But what you did tonight is a different story. I will never forgive you siding with Viktor trying to harm my son!” Alessia was filled with fury.“Oops.” Atubiling tumabi si Vesta dahil sa nakita niyang galit sa mukha ni Alessia. “I should’ve bought popcorn. I haven’t seen her in action in years.”Kinikilig si Vesta na tinapik ang braso ng lalaki sa tabi niya. She thought he was one of Ali’s men. “But is it true that she killed Xiaoyu? I’m excited how Ali will handle that villain!”“Vesta Meimei…” the man muttered.Unti-unting nalaglag ang panga ni Vesta dahil siguradong kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon.Nag-angat siya ng tingin