Share

THREE

Mr. Walton in Person

"Para sa panibagong taon ng buhay ni Venice! Cheers!"

"Cheers!" ininom ko ang wine na nasa baso ko at bahagyang sumandal kay Ven. Medyo nahihilo na 'ko dahil kanina pa kaming umiinom, bukod pa ang ingay ng paligid at ang mga nagsasayawang neon lights.

"Lauy! Let's dance!" sigaw ni Venice habang bahagyang sumasabay sa beat ng music.

"I can't! Nahihilo na 'ko!" I yelled and shook my head. Right, we need to shout at each other kahit pa magkadikit lang kami dahil sa lakas ng ingay.

"Halika na! Maraming bachelors ngayon, baka makabingwit tayo!" she said and dragged me to the dance floor kaya hinayaan ko na lang s'ya.

Palibhasa ay sa high-end bar kami pumunta, sagot daw ito ni Stan bilang s'ya naman ang mas nakakaluwag. Speaking if him, Stan is busy talking with our colleagues kaya hindi na n'ya kami nakita

Nakarating kami sa gitna ng puro taong nagsasayawan. This is freedom!

"Let's party!" I screamed and closed my eyes habang sumasabay sa beat ng tugtog. Hindi pa ako nakuntento at tinaas ko rin ang mga kamay ko, para akong ngayon lang nakalaya sa kulungan. Kahit isang gabi lang ay maramdaman ko manlang na dalaga pa talaga ako at parte ito nang pagdadalaga ko.

"Excuse me," someone whispered on me kaya napamulat ako bigla.

Where's Ven? At bakit itong kung sinong lalaking ito ang nasa harap ko?

"Yes?" I asked and raised my eyebrow.

"Alone? Can we dance?" he asked me and licked his lower lip. I just nodded and wrapped my arms around his shoulder and started swaying. I don't care kung 'di ko kilala ang kasayaw ko ngayon. What's wrong with that? I'm enjoying here. Siguro kung normal na araw ay baka nasapak ko na 'to pero dahil minsan lang naman ito mangyari ay susulitin ko na.

Bahagya s'yang lumapit sa'kin at bumulong sa tenga ko. "Aggressive, I like that. Do you want to spend your night with me?"

Natauhan ako sa sinabi n'ya at nakita kong marahan n'yang hinahaplos ang bewang ko pababa sa maikli kong fitted dress kaya agad akong bumitaw sa kan'ya at pinilit na umalis. Naglakad ako hanggang sa abutin ako ng mga paa ko sa counter ng bar kaya sandali akong naupo at tinanaw si Ven. She's probably busy flirting kaya naiwan na 'ko and I can't go back to our place. Masyadong crowded at nahihilo na rin ako pero— bahala na! Akmang tatayo na 'ko nang may narinig akong usapan ng mga babae sa tabi ko.

"He's so sungit! Sayang lang at tinanggihan n'ya 'ko. Sa kama na sana ang bagsak namin"

"Baka 'di ka n'ya type. Alam mo naman ang mga gusto no'n base sa mga naging flings n'ya"

"Madalas s'ya rito kaya 'di ako nawawalan ng pag-asa. I wonder how good he is. Baka masira namin ang kama!"

"Oh well, what do you expect to the richest among the bachelors? Bukod sa mayaman ay magaling din for sure"

"You'll see, mapapasakin din si Wayne Walton"

Teka, sino raw? W-Wayne W-Walton?

Kahit dito ay talagang matunog ang pangalan n'ya. Ano nga kayang itsura n'ya sa personal? Sa mga naririnig ko pa lang, mukhang papalit-palit s'ya ng babae, hindi na rin nakakapagtaka dahil mayaman naman s'ya. Kayang-kaya n'ya bumili ng kahit ano o kahit sino.

"Where is he, by the way?"

"Nasa right wing"

"Alone?"

"With his friends including Lewis and Sage"

Pati mga kasama ng lalaking 'yon ay kilala rin nila! Pinasadahan ko ng tingin ang mga nag-uusap sa tabi ko. They looked rich as well, kaya naman pala.

Pero ano raw? Nasa right wing? I really hate this curiosity of mine! Pero wala naman sigurong masama kung titingnan ko. 'Di ko naman lalapitan, tsaka bat ko gagawin 'yon? Ayokong ipahiya ang sarili ko at hindi rin naman ako interesado. Gusto ko lang malaman kung talaga bang "makalaglag panty" nga or overacting lang talaga si Ven.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa right wing ng bar. Ang daming tao pero naagaw ng pansin ko ang isang sofa na may mga lalaking nagtatawanan. Nilibot ko ang tingin ko sa kanila at nakita ko ang isang lalaking nakasandal habang may ka-akbay na babae. He's wearing his white long sleeve na nakatupi hanggang siko.

"W-Wayne Walton?" I mumbled and entirely looked at him. From his thick eyebrows, deep green almond eyes, narrow nose and his bow-like lips, masasabi kong s'ya nga si Wayne Walton.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ko nakatitig sa kan'ya. I admire his looks pero hindi ang pagiging babaero n'ya. Sayang ka masyado, Mr. Walton.

I was about to walk away nang muli akong lumingon sa kan'ya. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nakatingin din s'ya sa gawi ko at nakakunot ang noo. Napaawang ang bibig ko at agad na iniwas ang tingin bago naglakad na palayo. What the hell, Lauren. A-Ako kaya ang tinitingnan n'ya? Pero imposible!

"Lauren!" sigaw nang nasa likuran ko. Napalingon ako sa tumawag and I saw Ven na kumakaway pa. Bakit ngayon lang s'ya?

"Saan ka ba galing? Iniwan mo 'ko mag isa sa dancefloor," I whined and furrowed my eyebrows.

She laughed humawak sa braso ko. "Sabi kasi sa group na nandito raw si Wayne Walton kaya sinubukan kong hanapin. Kaso, wala naman 'di ko nakita"

Napangisi na lang ako sa mga rants n'ya. Sorry, my dear friend pero naunahan na kitang makita ang Wayne Walton na 'yon.

"Sayang talaga, Lauy. Pagkakataon ko na sana para masilayan s'ya sa personal," she sighed.

"Makuntento ka na lang sa picture, Ven," I chuckled and gently tapped her shoulder. Wala rin naman 'yon pinagkaiba sa picture o sa personal.

"Kahit na ano! Iba pa rin pag nakita mo na sa personal, 'yong tipong titigan ka pa lang ay siguradong mapapaluhod ka na," she sneered as if she's imagining something. Hinampas ko ang braso n'ya habang tumatawa. Vulgar masyado.

"Bakit? Luluhod, as in mag mamakaawa. Ikaw ha, ano ba 'yong iniisip mo?" she looked at me while grinning.

"Trip mo si Wayne Walton, ano? Siguradong pinagpapantasyahan mo na s'ya," she chuckled and looked at me in an accusing manner.

"'Wag mo 'kong igaya sa'yo. 'Di ako interesado sa lalaking 'yon"

Gwapo s'ya pero still a no for me. Hindi sa pag-iinarte pero sa totoo lang ay nakakapagod mag handle ng kagaya n'yang womanizer, based on my own experience. At isa pa hindi ko s'ya ka-uri! Mayaman.

"Hanggang pantasya na lang talaga tayo, Lauy. He's beyond our reach. Masyado s'yang mataas," she declared. Right. At ang mayaman ay para lang sa kapwa nila mayaman kaya 'di na dapat ako maghangad ng higit pa sa kung ano at sino ako.

I gently shook my head at hinila na si Ven pabalik sa couch. "Tara na nga, lasing ka na. Kung saan-saan ka pumupunta"

"Di pa 'ko lasing pero sige. Baka mamaya naghihintay na si Wayne sa table natin," she laughed and closed her eyes. Napailing na lang ako at naglakad na pabalik. She really needs to get a boyfriend para matigil na ang kabaliwan n'ya kay Wayne Walton.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status