Share

ONE

Private Group

"Ate, kailan ka po makakahanap ng trabaho? Ang sabi ni Mama baka raw tumigil na muna ako sa pag-aaral," reklamo ni Lara habang nakangusong nakatingin sa'kin.

"Sinabi ni Mama 'yon?" tanong ko habang bahagyang nagulat. Mahal na mahal ni Mama si Lara at imposibleng pahintuin n'ya 'to at itulad sa'kin.

"Oo, Ate. Ayoko sanang mag-stop kasi konti na lang ga-graduate na 'ko ng senior highschool at pwede na 'kong mag trabaho"

Ito ang isa sa disadvantage kapag may bunso kang kapatid na kailangan mong suportahan. Para kang magsisilbing pangalawang magulang. Wala kang panahon para sa mga pagliliwaliw. 'Yong tipong ipangha-hangout ko nga, ibabayad ko na lang sa tuition fee ni Lara.

"Hayaan mo, makakahanap din ako ng trabaho. Tsaka may pera pa naman akong itinabi, para sa tuition fee mo na 'yon," sagot ko kahit na alam kong hindi sapat ang naitabi ko para sa tuition fee n'ya.

Niyakap n'ya 'ko kaya napangiti na lang ako at marahang hinaplos ang braso n'ya. She's so sweet at matalino rin kaya hindi na bale kung mahirapan ako sa paghahanap ng trabaho. Sa mga kapatid ko kasi, s'ya lang ang close ko, siguro dahil 'yong mga Kuya ko ay may sarili na rin mga pamilya at kami na lang ni Lara ang natira sa poder ni Mama.

"Salamat, Ate. Hayaan mo kapag naka-graduate ako, mag hahanap na ako ng trabaho para makabawi ako sa'yo"

"Mag co-college ka. Hayaan mo na akong mag trabaho para sa'tin," nakangiting sagot ko habang hinihimas ang buhok n'ya.

"Pero hindi naman pwedeng umasa na lang ako palagi sa'yo, Ate. Ang sinu-sweldo kasi ni Mama sa paglalabada, kulang pa sa pang araw-araw natin. Si Papa bihira na lang magpadala ng pera. Tapos sila Kuya naman 'di na makatulong dito dahil may kaniya-kaniya nang binubuhay," mahabang litanya n'ya.

Tinapik ko ang braso n'ya at marahan akong sumandal. "'Wag mo nang isipin 'yon, si Ate na ang bahala. Mag-aral ka na lang mabuti para pag naka-graduate ka na ng college ay may mahanap kang magandang trabaho"

Walang magawang tumango na lang s'ya at nagpatuloy kumain. Alam kong gusto n'ya akong tulungan pero ayoko namang mahirapan s'ya gaya ko kapag ganitong hindi s'ya nakatapos ng pag-aaral.

***

Ilang beses na akong nag pabalik-balik sa iba't-ibang opisina para mag-apply ng trabaho pero palagi na lang akong hindi natatanggap. Isa namang disadvantage kapag 'di ka nakatapos ng pag-aaral.

Hanggang highschool lang kasi ang natapos ko dahil kailangan kong huminto para nakapag-aral ang mga Kuya ko, tapos ay mag-aasawa lang naman pala kaagad. Kung nakatapos lang sana ako edi hindi ako nahihirapan ng ganito. Tanggapin ko man o hindi, this is the sad reality. Kapag hindi ka nakatapos, para bang hindi ka qualified sa gusto mong trabaho. Ang taas ng standards nila, ang daming kailangan na qualifications pero ang baba naman ng sweldo. C'mon, where's the lie, right?

"I'm sorry, Lauren! Akala ko talaga hindi required na may degree, 'di ko naman alam na bawal na pala 'yon kay Sir. Lim. Ang arte, palibhasa'y matanda na," nahihiyang sabi ni Ven nang balikan n'ya ako sa lobby ng kompanyang pinapasukan n'ya.

"Ayos lang, Ven. Marami pa namang ibang pwedeng pag apply-an," sagot ko para kahit paano ay mapanatag s'ya. Kahit sa totoo lang, halos napuntahan ko na yata lahat.

"So, paano? Kita na lang tayo bukas?" she asked at akmang aalis na nang magsalita ako.

"Wait, a-anong meron bukas?" nagtatakang tanong ko. Para naman kasing wala akong maalala na may usapan kami.

"Ano ka ba naman! Kaibigan ba kita? Birthday ko kaya!" she frowned and crossed her arms.

What the— Nakalimutan ko na!

"Sorry! Ang dami ko lang talagang iniisip these past few days"

Napaismid na lang s'ya kaya natawa naman ako, "Wala naman akong magagawa. Basta pumunta ka bukas para naman makabawi ka"

Mukhang fifty-fifty pa kung makakapunta ba ako. Baka 'yong ipangbabayad ko sa taxi ay ipangbayad ko na lang sa mga gastusin sa bahay. Pupunta kaya ako o hindi na lang?

"Wag ka nang mag-isip. Sagot ko lahat! Susunduin kita bukas dahil darating naman si Kuya, may kotse 'yon," natatawang sambit n'ya at nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti kung gano'n, nakakahiya pero ayos na rin kaysa gumastos pa.

"Sigurado ka ha? Baka maabala natin si Stanley," nag aalinlangan na tanong ko.

Umiling lang s'ya at inalog ako na parang kinikilig pa, "Pag dating sa'yo, hindi 'yon abala kay Kuya! Baka nga pag sinabi ko hindi na 'yon makapaghintay na sunduin ka. Or worst, baka hindi ka na i-uwi!"

Natawa kaming pareho at nailing habang biglang sumagi sa isip ko ang nakakatanda n'yang kapatid. Si Stanley kasi, matagal na may gusto sa'kin. Matanda lang s'ya sa amin ni Ven ng dalawang taon kaya madalas naming nakakasama.

"Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Kuya?" tanong n'ya at umismid sa ere.

"Bukod sa hindi n'ya naman ako nililigawan ay wala rin akong interest sa mga commitment sa ngayon"

May pamilya pa akong kailangan unahin bago ang sarili ko. Tsaka na 'yang boyfriend na 'yan kapag stable na kami financially.

"Aba, Lauren hindi na tayo bumabata. Baka mapag-iwanan ka na ng panahon," tumawa s'ya at marahang tinapik ang balikat ko.

"Ewan ko ba, nawalan na ako ng gana mag boyfriend. Nakakasawa rin pala," I whispered.

"Dahil ba pinaasa at sinaktan ka ni Dale kaya ka nagkakaganyan?"

Oh yes, she's bringing back that topic again.

"Wala na akong pakialam kay Dale, matagal na kaming tapos. Magsama sila ng babae n'ya," I rolled my eyes and looked away.

Tumawa lang nang malakas si Ven at hinampas-hampas pa ako sa hita. Tuwang-tuwa talaga s'ya kapag naiinis ako.

"Tama 'yan! 'Wag ka na kay Dale na babaero. Sa Kuya ko na lang, 'di ka n'ya sasaktan," taas-noo n'yang sambit.

Sus, wala namang nagtatagumpay sa ganitong reto. Sabi nga ng iba, been there done that.

"Ewan ko sa'yo, Ven. Mag kaibigan lang din kami ni Stan"

"Ano ba kasi 'yong tipo mo? Maganda ka naman pero bakit ba palagi kang nagtatago d'yan sa jeans at t-shirts mo? Wear something sexy," she laughed and shook her head habang nakangiwi akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa.

Wala na rin naman akong panahon para pumorma pa. Aanhin ko naman ang magagandang damit? Isa pa, komportable ako rito.

"Wala akong tipo. Kung kanino lang mahulog ang loob ko, doon ako. Tsaka bakit naman ako magsusuot ng sexy na damit kung ganitong nag a-apply ako ng trabaho"

"Whatever, sasabihin ko 'to kay Stan para naman magka-boyfriend ka na ulit," she giggled at nag tipa ng kung ano sa phone n'ya.

Kahit kailan talaga ay puro s'ya kalokohan. Minsan nga ay nakakapagtakang natitis ko pa s'ya, kahit pa madalas laman ng kwento n'ya ay ang mga nakikita n'yang gwapo kung saan-saan.

"Oo nga pala, kilala mo ba 'to?" tanong n'ya bago iniharap sa'kin ang phone at ipinakita ang isang picture ng lalaki na naka-topless.

Malaki ang pangangatawan ng nasa larawan. Kulay berde ang mga mata at ani mo'y may sinasabi. Kulay tskolate ang buhok nito at makapal ang mga kilay. Tama lang ang puti n'ya at nasisigurado kong may lahi nga itong banyaga, o baka nga purong banyaga.

"Sino 'yan at bakit gan'yan walang pang itaas," nakangiwi kong sagot sabay iwas ng tingin.

"Ang sarap kaya titigan, diba? Nakaka-akit at mukhang may ibubuga ang performance," kinikilig na sagot n'ya na ikina-ngiwi ko lalo. Pero inappropriate pa rin, 'di naman 'yan magazine para i-display ang mga gan'yang picture. Hindi talaga safe ang social media sa mga bata.

"Ang hot n'ya 'no? Kalat na kalat talaga ang mga pictures n'ya sa social media," she giggled habang patuloy sa pag tingin ng mga larawan ng lalaking 'yon.

"Sino ba kasi 'yan?" taas-kilay na tanong ko dahil sa totoo lang ay hindi ako pamilyar sa lalaking tinutukoy n'ya.

"Super outdated mo naman, my gosh loosen up! Trending ngayon 'to, anak ng mga Walton. For the first time ngayon lang nila ipinakilala sa public," she grinned and continue scrolling. "Mayaman na nga, gwapo pa. Anong masasabi mo, Ms. Virgin?"

"Wala akong pakialam d'yan sa lalaking 'yan kahit na anak pa 'yan ng pinakamayamang tao sa bansa kaya tigilan mo 'ko," I rolled my eyes.

"Really? Baka kapag nakita mo 'to sa personal ay 'di mo kayanin. Makalaglag panty!" she exclaimed at napailing na lang ako. She's super exaggerated.

"Nakita mo na ba sa personal 'yan? Mukhang mayabang at parang galit sa mundo, kadalasan pa sa mga nababasa ko kapag gan'yan ang datingan ay mga babaero‚" I chuckled and shook my head.

Walang tigil ang pag tawa n'ya habang patuloy ang pag hampas sa'kin. Right, I have to check my arms later, paniguradong puro pasa na 'to.

"Well, hindi ko pa s'ya nakikita pero mukhang tama ka na womanizer nga ang isang 'to. Isa pa, he's too private, palibhasa ay super duper yaman. Baka kahit tayo kayang-kaya nitong bilhin"

"Exaggerated ka talaga kahit kailan," napapailing kong sagot.

"Totoo naman na super duper yaman n'ya, diba? A penthouse in Manhattan, check. Private jets, check. Worth ten million dollar house in California, check!"

Expected ko na talaga na mayaman s'ya pero seryoso pati private jets meron s'ya? At hindi lang isa ha, talagang madami pa!

"Heard that? Hindi ako exaggerated talaga literal na kaya ka n'yang bilhin," she smirked.

"A-Akala ko super private n'yang tao? Paano mo nalaman 'yan? Siguradong fake news," I concluded. Imposible naman kasi na may gan'yang tao. If ever, literal na parang langgam na lang kami sa sobrang hirap namin.

"'Wag ka maingay, nag join kasi ako sa fans club n'ya. Private group 'yon sa social media na puro fans n'ya ang kasali at kasali roon ang mga obsessed and stalkers n'yang fans," she whispered at muling hinampas ang balikat ko.

Seriously? Dinaig pa ang artista. Kakalabas n'ya lang sa public, umani na kaagad s'ya ng maraming fans.

"Siguradong proud na proud s'ya sa sarili n'ya dahil sa mga fans na kagaya n'yo"

"Ano ka ba! Of course 'di n'ya alam ang tungkol sa groups at fans n'ya," umismid pa s'ya at muling humarap sa phone n'ya.

Paniguradong mayabang ang isang 'yan. Karaniwan sa mga halos perpektong tao ay saksakan ng hambog.

"Gusto mong sumali sa group namin?" she asked out of the blue.

"What? Ba't naman ako sasali? Sayang lang ang oras ko d'yan"

Nag tipa s'yang muli sa phone n'ya at hinarap ulit sa'kin. "Check this out, ito ang group namin. Invite kita later"

Napangiwi na lang ako sa pangalan ng group nila at kunot-noong binasa. "M-Mga Taga Punas ng Abs ni Wayne Walton?"

W-What a name!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status