Nagtawanan ang magkakaibigan at tinutukso sina Andrew at Antonette dahil sa kanilang ubod ng sweet sa pagsubo ng dalaga sa kapares nito. Iniyuko ko lang ang ulo at binilisan sa pagsubo ng burger para roon man lang makakuha ako ng lakas ng loob para sawayin ang dalawa.
"Kailangan ko nang kumilos talaga bilang asawa ni Andrew. Hindi ko na kaya 'to," motivation ko sa sarili bago ako tumayo at lumapit sa posisyon ng dalawa.Inagaw ko ang pagkaing paunti-unting isinusubo ng babae at natigilan silang bigla sa kanilang kasiyahan nang sabihin kong, "Itigil mo iyan.""And why?" pag-aangal ni Antonette na halatang naiinis sa ginawa ko.Biglang lumakas ang pintig ng mga pulso ko at saglit na umurong ang mga dila ko na para bang ayaw ako pasalitain. Sinulyapan ko rin si Andrew na panay titig lang sa akin, ipinapahiwatig na sasabihin ko nang totoo na mag-asawa kami, ngunit ang nasabi ko lang ay puro pagkukunwaring ang basehan ay itago lang ang true affectNadatnan ako ni Andrew sa kuwarto na nakatutok sa computer at abala sa pagsusulat ng nobela. Hindi pa ako naghapunan noon dahil mas pinagtuonan ko ang gawain ko kaysa sa gutom ko. May baon akong fruits sa mesa pero hindi pa rin iyon sapat para sa amin ni baby. Malimit na akong pinagbawalan ni Andrew na huwag magbabad sa gadget at baka naapektuhan pa ang Binubuntis ko. Kaya, nang nakita niyang pagkaabala ko sa pagsusulat, direstsahang inagaw niya ang laptop ko at inutusang pumaroon na sa kusina. May ibinili siyang pagkain sa akin para sa supper na labis ko namang ikinasisiya iyon. Tuwing kumakain, naiinis akong makitang naparami ako nang subo. Ayoko sanang kumain nang marami subalit kinukulangan ang tiyan ko sa eksaktong diet ko. Kaya, kain lang nang kain ako kahit nakakabagot na. Ang totoo kasi, ilang buwan ko nang binalak ipalaglag ang dinadala ko. Sa unang buwan pa nga niya, hindi ko matanggap ang pagkabuo niya na wala sa plano. Kung hindi lang
Natulala lang siya, parang batong hindi naggawang igalaw kahit pilik-mata man lang. Doon ko napagtantong baka hindi niya talaga ako minsan pa'y nagustuhan. Kaya, humakbang na ako paurong saka tumakbo sa may gilid ng kalsada. Rinig ko ang pagsigaw ng, "Trinah," subalit malayo na ako at buong-buo na ang desisyon na sumakay ng taxi pauwi sa bahay. Ilang minuto lang ang byahe ko, nakarating ako kaagad sa destinasyon ko. Nadatnan Kong pinatulog ni Dahlia ang anak ko at sinayaw-sayaw iyon. Dumiretso na kaagad ako sa pag-iimpake ng gamit na kailangan naming mag-ina. Mabilisan ang kilos ko at inanyaya ang kaibigan kong samahan ako sa pagtakas sa mga guards para tuluyang iwan na si Andrew. Tumuloy ako sa bahay na pinagtataguan ni Amie at ang kaniyang asawa. By the way, ikinasal na pala si Amie sa huwis lang doon sa long time boyfriend niya. Pagkasabi ko sa kaniya ng buong pangyayari, napagtantong siyang, "Paanong hinayaan ka na lang ni Andrew na masaktan sa mara
Narinig ko ang malakas na tawag ni Andrew mula sa kusina. Hindi ko klaro ang pangungusap niya dahil nasa loob ako ng banyo naliigo. Paglabas ko mula roon, mukha niya kaagad nag bumungad sa akin. He was just like a dragon waited to fire in its enemies. "What's wrong with you? Mahirap bang magtrabaho dito sa bahay mo ngayong day-off?" tanong ko while maglakad-lakad, iwiisik-wisik ang buhok at pinupunasan iyon para madaling matuyo. "Madalas ka nang makakalimutin, Trinah. Kahapon, nakalimutan mong isarado ang grill sa lababo after mong gamitin. Ngayon naman, naliligo ka habang naka 1 minute timer lang ang oven toaster." "Ay oo. May pinainit pala akong soup doon. Naku! pasensya na mahal kong Andrew, matanda na yata ang partner mo," palusot ko na totoo namang nakalimutan ko talagang may nilagay ako sa oven toaster na pagkain. Kumbaga, dinaadya ko na ang sarili ko sa minsang napapansin kong kondisyon ko. Niyakap ko na lang ang asawa ko at naglambing
"Hoy impakta! Bulag ka na ba ngayon? Invisible na ako sa tingin mo?" Kumurap-kurap si Antonette ng ilang beses at hinagod-hagod ang mga pilik-mata para inisin siguro ako. Wala lang naman sa akin iyon kasi feel ko namang naghihinala na siya sa akin bilang may-ari ng fast food. Hinihintay ko lang ang muling pagtanong niya. "Nakikita pa naman kita, demonyita ng buhay ko. Hindi naman siguro ikaw iyong itinuro nilang boss dito, noh? Feelingera," ani niya sabay pasimpleng humalakhak nang mag-isa. Kumuha ako ng isang flyers at inilagay sa Mesa malapit sa kaniya sabay sabing, "Ayan, basahin mo ang nasa baba ng papel na iyan kung sino pangalan ang nakasulat." Itinaas ko pa ang mga kilay ko para ma-emphasize ang facial expression ko. Matapos niyang mabasa ang name ko sa flyer ay luminga-linga siya sa paligid wari'y nahihiya sa kaniyang inasta. I just folded my arms at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Ilang segundo naging tahimik bago siy
Masayang ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Amie kasama ang mga kapamilya ng mga Perrie. Lubos silang nagpasalamat sa magandang ideya ko na sa wakas ay nakalaya ang pamilya mula sa hapis ng kanilang puso sa nakaraan. Ngunit sa kabila ng kasiyahan ay may kaakibat na trahedyang dumating sa amin. Sa gitna kasi ng palarong inihanda namin ay biglang inatake sa puso si Mr. Adamo. Dali-daling dinala namin siya sa ospital para maagapan ang kaniyang dinaramdam. Mabuti na lang mabilis ang takbo ng sasakyan namin at nakaabot pa kami sa saktong oras na agad ay nagamot siya ng mga doktor. Pagkatapos siyang tiningnan ng Mga eksperto, ibinalita sa aming kailangan daw salinan ng dugo ang pasyente. "Mrs. Adamo, hindi po ba ninyo alam ang tunay na kalagayan ng iyong asawa?" pagtatanong sa kaniya ng doktor. "A-ang alin?" Ang alam ko lang ay namamanhid ang mga tuhod at paa niya, kaya nahihirapan na siyang maglakad. Bukod doon, wala na akong ibang alam sa s
Nagtalo kami ni Andrew hiding the fact from me about sa annulment issue namin. Akala ko ba mahal niya ako kaya ipinagpatuloy namin ang marriage na sa simula'y pagkukunwari lang? Am I not deserved to be loved by a rich man? Or nagbago na ba ang pagmamahal niya sa akin all this time? Hindi ko mawari kung bakit biglang hindi na niya ako pinagkakatiwalaan. Ang alam ko lang, pagdating sa usaping negosyo at pag-ibig, pantay na ang pagtingin niya rito. Subalit, biglang nalaman ko na lang sa ibang tao na gusto niya pala akong hiwalayan sa lihim na paraan. "Bakit 'di mo sinabing pagod ka na? Eh 'di sana hindi ko na lang hinayaang umasa na paninindigan mo kami ng anak ko!" "Ginawa ko naman iyon 'di ba?" "Ang alin?" "Ang tanggapin kayo ni Fin kahit alam ko namang anak siya ng kapatid ko. Tinuring ko kayong tunay na pamilya. Kaya, mali iyang iniisip mo sa akin." Natahimik ako. Bigla akong nakunsensya sa mga talata niyang sagad sa
Panay sunod ako kay Andrew dahil sa hindi niya ako inatubiling pansinin. Dedma lang ako lagi at walang kibo.lang siya sa tuwing tinatanong ko siya. Ilang araw along naging sunod-sunuran sa kaniya. Sa pagpunta sa office niya, sa pagdala ng baon niya, at pinadeliveran ko siya ng flowers and chocolates baka sakaling mapabago ko ang isipan niya. Tumagal iyon ng apat na araw.Nasaktan ako, nanlumo, at nanlupaypay sa hindi niya pagpapahalaga na sa akin. Hanggang sa nainip na ako. Kaya, itinuon ko na lang ang sarili sa business ko. Nalibang na sana ako sa aking pinagkakaabalahan nang may dumating na balita mula kay Dahlia."Trinah, may problema tayo," ani niya.Mabilis ang naging paggalaw ng katawan at isip ko sa narinig kong pangungusap na iyon mula sa kaniyang bibig na para bang nararamdaman kong may kakaibang nangyayari sa paligid ko."Ano iyon?" usisa ko.Rinig ko ang malakas na kabog ng puso at bilis ng pintig ng pulso ng kaibigan ko. Siya ang naging assistant ko sa mga negosyo ko. Kaya
Nanlaki ang mga mata ng lalaking bumungad sa akin pagbukas niya ng pinto. Basang-basa kami ng anak ko ng ulan dahilan para papasukin niya kami sa loob. Giniginaw ako sa sobrang lamig buhat ng kalahating oras na nilakad ko pa ang lokasyon ng kapatid ni Andrew."Ano bang naisip mo, Trinah, at nagpaulan kang pumunta rito? Dinamay mo pa ang cute na baby na iyan," ani niya, sabay abot ng tuwalya sa akin.Tahimik lang ako. Pinunasan ko ang basang buhok ko at hinubad ang mga saplot ng anak ko. Kasunod ay pinaikot ko ang isa pang tuwalya sa katawan niya para hindi siya ginawin. Wala akong dalang gamit kahit isa, kaya wala kaming masusuot ng anak ko. Ang totoo, nahihiya talaga ako na lumapit kay Nathan dahil sa masalimoot kong karanasan sa kaniya. Subalit, binabaan ko na lang ang pride ko at sinubukang maging malumanay ang pakikitungo ko sa kaniya."Pasensya ka na, Nathan, kung naabala ka namin ng anak mo. Wala na kasi akong ibang malalapitan bukod sa iyo."Nabitawan niya bigla ang phone niya