공유

Chapter 114

last update 최신 업데이트: 2025-09-12 23:25:57

Chapter 114

Ang pagkawala ng isang limang taong gulang na bata mula sa paaralan ay hindi kailanman isang maliit na bagay. Bago pa man ipaalam kay Amara, nakatawag na ng pulis ang paaralan.

Sinuri ng paaralan ang mga kuha sa CCTV ngunit wala silang nakitang kakaiba. Ang tanging nakita nila ay si Elara na nagsabi sa guro na pupunta siya sa banyo, ngunit hindi na siya nakabalik matapos umalis. Wala rin silang nakitang senyales na lumabas siya ng paaralan, pero kahit saan sila maghanap, hindi na siya matagpuan.

Palaging mahigpit ang pagbabantay kay Elara. Kailanman ay hindi siya napunta sa panganib sa CDO, at walang sinumang naglakas-loob na galawin siya. Kaya’t hindi kailanman inakala ni Amara na bigla na lamang siyang mawawala.

Hindi mahanap ng paaralan si Elara, at wala ring nakakita na umalis siya. Dahil dito, lubhang nabahala si Amara at nakaramdam ng masamang kutob.

“Miss Amara, huwag kayong mag-alala. Tinawagan na namin ang pulis, at siguradong matatagpuan ang bata.”

Namumula na an
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Torremocha Cristina
salamat author More update please
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
Thanks author ...️
goodnovel comment avatar
Evelyn Roque
padagdag po ng chapter plsss
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 158

    Chapter 158“Hindi… ako…” Hindi pa natatapos ni Ysabel ang sasabihin nang biglang ibinaba ulit ni Argus ang tawag.Tinitigan ni Ysabel ang itim na screen ng cellphone, ayaw maniwalang totoo ang nangyari. Mahigpit niyang hinawakan iyon at humagulgol. “Argus… Argus… totoo ito, nasa panganib ako ngayon… na-kidnap ako, Argus…”Ngunit walang sagot mula sa kabilang linya.Tuluyang gumuho si Ysabel, umiiyak nang walang magawa habang yakap-yakap ang cellphone.Ngisi lang ang isinagot ng lalaking kaharap niya. Tumayo ito, tumingin pababa sa kanya na nakahandusay sa sahig, at malamig na nagsalita:“Pag-iisipan ko kung paano kita parurusahan.”Pinilit ni Ysabel na magkalakas ng loob at tinaas ang ulo, nanginginig habang nakatitig sa kanya.“Ginaganti mo ba si Amara? Siya ba ang nag-utos sa’yo para gawin ito?”“Sino ba’ng nagsabi sa’yong guluhin si Amara?”Amara. Si Amara nanaman.Lahat ay si Amara ang gusto. Amara, Amara, Amara—bakit tila lahat ay kumakampi sa kanya? Kahit si Argus kanina, siy

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 157

    Chapter 157Dumiretso siya sa bahay nito at nadatnan ang wasak na mga bintana, sunog na kasangkapan, at magulong sala—tila sinalakay ng mga terorista. Naalala niya ang sinabi ni Amara tungkol sa pamilya Bonifacio at ngayon, naniniwala na siya.Mariin siyang napakuyom habang tinatawagan si Amara, ngunit patay ang cellphone. Kinabahan siya at nagpunta sa auction house, ngunit wala rin siya roon. Sa ospital naman, si Celine lamang ang nadatnan, pinapakain si Elara ng agahan.Nagulat ang dalawa nang bigla siyang pumasok."Ano na naman ang ginagawa mo rito, Bad Uncle? Ayokong makita ka!" singhal ni Elara, sabay irap at talikod."Nasaan si Amara? Dumaan ba siya rito?" tanong agad ni Argus.Napatayo si Celine nang makita ang pagkabalisa sa kanyang mukha. "Si Miss Amara? Ano ibig mong sabihin? Nawala siya?"Maliwanag ang sagot ni Celine na hindi pumunta si Amara roon.Wala siya sa hotel, wala sa bahay, wala sa auction house, wala rin sa ospital. At hindi rin siya makontak sa telepono.Nawawal

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 156

    Chapter 156"A-Ako… iyon ay dahil nagbago siya ng isip sa huling sandali, Argus. Nahulog ako mula sa elevator noon, pero nakakapit pa rin ako. Kung nakapagtiis ako, o kung hindi naging nakamamatay ang taas na pinagbagsakan ko, basta’t buhay ako, sasabihin ko sa kanya ang totoo na plano niya akong patayin. At kung tinulungan niya ako, maniniwala sa kanya ang lahat, katulad mo ngayon, Argus. Isa lang itong paraan niya ng pagpapahirap sa sarili."Habang sinasabi ito ni Ysabel, para siyang dumanas ng matinding kawalang katarungan. Tumulo ang kanyang mga luha na parang butil ng perlas na napigtal sa sinulid.Nakunot ang noo ni Argus."Argus, biktima ako rito, bakit? Bakit mo ako tinatanong nang ganito sa kalagitnaan ng gabi? May sinabi ba si Amara sa’yo? Mas pinaniniwalaan mo ba siya kaysa sa akin?"Humahagulhol na si Ysabel kaya’t nagmamadaling pumasok si Lilian, puno ng pag-aalala. Nang makita ang tensyon sa loob, agad siyang lumapit para ipagtanggol ang anak."Argus, ano bang ginagawa m

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 155

    Chapter 155Tahimik si Argus nang ilang sandali, para bang may bagay siyang iniisip nang malalim. Pagkaraan ng ilang minuto, bigla siyang nagsalita.“Pumunta tayo sa ospital.”Napatitig si Emilio, hindi makapaniwala. Ang akala niya’y si Amara ang una nitong hahanapin para singilin sa nangyari kanina. Ngunit sa halip, ospital ang tinumbok niya at para hanapin si Ysabel.“Sir… gabi na po,” maingat na sabi ni Emilio.“Mahalaga ito. Sasama ka rin sa akin,” matigas ang boses ni Argus. “Ngayong gabi ko na gustong matapos ito.”Wala nang nagawa si Emilio kundi tumango. “Yes, Sir.”Samantalang, hindi pa natutulog si Ysabel. Kanina’y umuwi na muna si Julio, ngunit nanatili si Lilian para samahan siya.Pagpasok ni Argus sa silid, nanlaki ang mga mata ni Ysabel. Sandali siyang natigilan, saka nagkunwaring nag-alala. “Argus… bakit ka nagkaganyan? Si Amara? Nasaan siya? Ayos lang ba siya?”Malamlam ang mga mata ni Argus ngunit naglalagablab sa galit. “May gusto akong itanong sa’yo.”Bahagyang kin

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 154

    Chapter 154Pumatak ang luha mula sa gilid ng mga mata ni Ysabel. Kung sabay silang tatalon ni Amara, sino kaya ang pipiliing iligtas ni Argus? Mukhang malinaw na ang sagot sa kaniya na si Amara pa rin ang gugustuhin nitong iligtas.“Hindi… hindi puwede ‘yon. Baka nagkamali ka lang ng nakita. Mahal ka pa rin ni Argus,” ani Lilian.“Mahal?” mapait na ngumiti si Ysabel at bahagyang umiling. Alam niya kung minamahal pa siya ng isang lalaki o hindi. At dahil nakita niyang wala nang pagmamahal, lalo siyang kumapit at gumawa ng lahat ng paraan para manatili sa kanya. Dahil walang pagmamahal, ang tanging armas niya ay ang mga panlilinlang para palayasin ang ibang babae sa paligid ni Argus.“Papa, tulungan mo ako. Nang makalabas kami ng ferris wheel, nakunan ni Amara ng video ang nangyari. Baka matagpuan niyo ang cellphone niya. Pakiusap, ipahanap mo agad.”“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang napakaimportanteng bagay na ‘to?” Mabilis na kinuha ni Julio ang cellphone niya at nagmadaling

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 153

    Chapter 153“Amara.” Malamig at mariin ang boses ni Argus, tila isang utos. “Mairap bang humingi ng tawad at hindi mo magawa?’Magkakasama silang lahat na nakatitig kay Amara, naghihintay na siya’y sumuko. Ngunit si Amara ay hindi kailanman sumusuko.“Sige, tumawag kayo ng pulis. Magpa-imbestiga tayo. Pero humingi ng tawad? Hindi ko gagawin iyan lalo kung wala akong kasalanan at imposibleng mangyari na hihingi ako ng tawag sa babaeng iyan at sa pamilya niyang kapwa demonyo!”Naging mas halatang parang walang pagsisisi si Amara, habang si Ysabel naman ay nagpupumilit magmukhang mabait.“Amara, gusto ko lang naman na humingi ka ng tawad. Ayokong palakihin ito. Talaga bang gusto mong lumala pa ang lahat?” malumanay ngunit mapanlinlang na sabi ni Ysabel.Dahil sa mga salitang iyon, mas lalo pang nagmukhang walang puso at matigas si Amara sa paningin ng iba. Unti-unting lumipat ang bigat ng timbangan sa puso ni Argus patungo kay Ysabel.“Amara, nagkamali ka. Hindi ka na nga pinanagot ng ib

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status