Share

Chapter 21: A Deal with Four Devils

Author: ms.chinita
last update Last Updated: 2025-12-21 00:00:23

Cheska

Kamartesan na kung kamartesan, pero sawang-sawa na ako. Huwebes pa lang pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Isang buwan na sa school pero ‘yung grades ko, parang hininga ni Kier—amoy failure.

Speaking of Kier, nakakasuka na. Gets ko namang girlfriend niya ako, pero wala na ba siyang ibang alam gawin kundi gawing Rated R ang lahat? Nakakapagod maging object ng obsession ng isang taong utak-itlog.

"Cheska, work on your essay," untag sa akin ni Mr. Velasco.

Nabali ang iniisip ko. Nakapaligid silang apat sa akin sa loob ng bahay ni Mr. Serrano. Dapat ay pinag-uusapan namin ang school fundraiser para sa laro bukas, pero heto ako, nakikipagtitigan sa puting screen ng laptop ko para sa Noli Me Tang

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 22: You taste so good, Cheska

    CheskaHalos matapos na ang period ni Mr. Serrano nang makarating kami. Himalang hindi siya nagalit. Inabutan lang niya ako ng listahan ng mga cookies na nagawa namin at ang goal para sa araw na 'to.Nang tumunog ang bell, sinenyasan niya ako na lumapit."Una na kayo. May gagawin lang ako," bulong ko kay Kai habang mabilis na lumalabas ang mga kaklase ko."Kukuha ka lang ng d—"Pinigilan ko siya at kinurot nang madiin sa braso. "Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo. Alis!""Opo na, boss." Lumabas na si Kai habang tumatawa."Yes, Mr. Serrano?" tanong ko habang nililigpit ang gamit ko."Siguraduhin mong nasa student store ka on time. Huwag kang male-late gaya ng ginawa mo sa klase ko ngayon."Tumango ako, ramdam ang bigat ng titig niya. "I understand. Maaga sana ako kung hindi lang dahil sa mga hormones ng kuya ko at ni Kai na nagkakalat kung saan-saan."Tumawa siya nang mahina. "Go to class, Cheska.""Yes, sir." Nag-salute ako sa kanya at narinig ko pa ang tawa niya hanggang sa makal

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 21: A Deal with Four Devils

    CheskaKamartesan na kung kamartesan, pero sawang-sawa na ako. Huwebes pa lang pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Isang buwan na sa school pero ‘yung grades ko, parang hininga ni Kier—amoy failure.Speaking of Kier, nakakasuka na. Gets ko namang girlfriend niya ako, pero wala na ba siyang ibang alam gawin kundi gawing Rated R ang lahat? Nakakapagod maging object ng obsession ng isang taong utak-itlog."Cheska, work on your essay," untag sa akin ni Mr. Velasco.Nabali ang iniisip ko. Nakapaligid silang apat sa akin sa loob ng bahay ni Mr. Serrano. Dapat ay pinag-uusapan namin ang school fundraiser para sa laro bukas, pero heto ako, nakikipagtitigan sa puting screen ng laptop ko para sa Noli Me Tang

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 20: A Taste of Daddy Issues

    CheskaAkala ko sa mga teleserye lang uso yung mga babaeng parang ipinanganak na may korona sa ulo. Yung tipong titingnan ka mula ulo hanggang paa na parang isa kang maduming mantsa sa mamahalin nilang carpet. Hindi ko alam na nage-exist pala sila sa totoong buhay hanggang sa sandaling ito.Nakatayo siya sa harap ko. Blonde. Nakaangat ang baba. Ang mga mata niya, diretso at hindi kumukurap, parang may kung anong scanner na naghahanap ng bawat butas sa pagkatao ko. Ramdam ko yung init ng titig niya sa balat ko. Nakakaasiwa. Nakakairita.“Okay, well, whenever you have the time, Mr. Delmar,” sabi ko. Pinilit kong panatilihing matatag ang boses ko habang humahakbang pababa sa patio nila.Pagkasara ng pinto sa likod ko, huminga ako nang malalim. Gusto ko na lang matapos ang umagang ito. Gusto ko na lang maglaho.“Cheska!”Napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni Mr. Velasco na umaatras sa driveway ni Mr. Delmar. Bumaba siya, dala yung tipikal niyang ngiti na lag

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 19: Axel’s Girlfriend

    Damian“Manhattan,” sabi ko sa bartender, diretso ang tingin. Umupo kami ni Axel sa mataas na upuan sa bar.“Negroni sa akin,” tugon ni Axel. Pagkatapos, bumaling siya sa akin. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya, parang may tanong na matagal na niyang iniipon at ngayon lang puwedeng bitawan. “Kanina sinabi mo, may kinuha si Kier sa’yo. Ano ba ‘yun?”Ayoko talagang pag-usapan.Para akong may pasanin na malaking bato sa dibdib. Sa bawat pag-iisip, mas lalo itong dumadagan, humihigpit hanggang sa halos hindi na ako makahinga.Inilapag ng bartender ang baso ko.Tahimik si Axel, naghihintay. Wala na akong lusot. Ang katahimikan niya ang pumilit sa akin.“Yung speech niya kay Cheska,” bulong ko. Kinuha ko ang yelo sa baso ko at dahan-dahan itong hinalo. Ang sikmura ko, biglang kumirot. Sakit. “Galing ‘yun sa isang confession letter na sinulat ko para sa kanya noong nakaraan.”Noong narinig ko ang boses ni Kier at ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, agad itong tumama sa utak ko. Isang

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 18: A Halftime Confession Shocks the Crowd

    CheskaBigla, umilaw ang headlight ng sasakyan ni Kai. Napatalon ako sa gulat, huminga nang malalim.Nakita ko sina Mr. Delmar at Mr. Rivera na napatingin sa gawi ko, pero agad ding nag-iwas ng tingin. May binulong si Mr. Rivera kay Mr. Delmar, at muling lumingon si Mr. Delmar.Nanginginig ako. Hindi ko na alam ang gagawin.Kasabay nito, dumating na si Kai. Tumatakbo siya, halos hindi na humihinga. “Sorry, natagalan ako. Nagbigay kasi ng pre-game speech si Coach, ang daming sinabi.”“Huminga ka nga muna, okay lang.” Tiningnan ko ang lugar kung nasaan sina Mr. Delmar at Mr. Rivera kanina. Wala na sila.

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 17: The Mentor Draws a HARD Line

    CheskaGrabe, halos liparin ko na ang daan papunta sa arts and crafts room.Nakita ko si Sir Rivera na nakaupo lang, kalmado. Teka, bakit ang gwapo niya kahit nakasimangot? Focus, Cheska! "Sorry I'm late, Mr.—""No, it’s okay. Na-explain na sa akin ni Damian ang lahat, don’t worry about it." Tumayo siya. Jusko, ang tangkad! "Gawin na natin ‘to para matapos tayo agad."Tumango ako. "Oh, okay," sabi ko sabay kuha ng mga poster at ni-rolyo. Tinali ko sila ng elastic bands.Nang matapos ako sa part ko, nilingon ko si Sir Rivera. "Okay na yung sa akin, Sir. Kayo?""Tapos na rin." Kumuha siya ng tape at gunting, tapos lumapit sa akin. "Tara na."Lumabas kami ng arts and crafts room. Tahimik lang, hanggang sa makarating kami sa basketball court at biglang tinawag si Sir Rivera ni coach. Walang pag-aalinlangan, tumango agad si Sir.Ibinaba ni Sir Rivera ang mga poster sa tabi ng bleachers at naglakad papunta sa coach namin sa basketball.Wait, close ba sila? Kilala ba ni Sir Rivera si coach?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status