Share

Kabanata 40

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nagtititigan sa screen. Everytime na mapapapikit ako dahil sa antok ay magsasalita siya ng 'I miss you' tapos bigla-bigla siyang hahalik sa screen.

Hindi ko mapigilang tumawa at ngumiti sa ginagawa niya. Nagigising ang diwa ko dahil doon.

"Inaantok kana ba talaga? Hindi mo na ba kaya?" He asked. Lumawak ang ngisi ko dahil sa paraan ng pagnguso niya.

Kinusot ko ang mata para mabawasan ang antok. Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi nang ngumuso na naman siya.

"Miss my kisses?"

Natigilan ako at tinago ang kamay. Pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya.

"Hindi ah. Kumati lang labi ko."

"Kumati kasi gusto na raw magpahalik sa akin." Umawang ang labi ko.

"I'll explore your lips and your tongue as soon as you get here." Tila tinakasan ako ng kaluluwa sa sinabi niya.

Kailan pa siya naging ganito?

"Itaga mo iyan sa bato!" And he winked. "Lalasunin kita gamit ang labi ko. Sisiguraduhin kong malulunod ka."

Pinigilan kong tumawa habang tumaas-taa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status