Se connecterAfter six months…
Maganda ang ayos ng Monteclaro ballroom para sa 29th birthday nina Martin at Marvin Monteclaro. Sobrang saya ng lahat para sa special announcement na gagawin ni Jose, ang kanilang ama. Pero, habang masaya ang lahat, sina Marvin at Martin ay nag-aaway sa backstage. Mag-uumpisa pa lang kasi ang party ay lasing na ito. Naririnig na ni Martin ang malakas na hampasan ng bass mula sa grand speakers sa labas ng backstage, ngunit mas malakas pa rin ang pintig ng kanyang ulo habang pinipigilan ang bruskong kilos ng kakambal niya. Amoy na amoy ang alak sa hininga nito, matapang, matamis, at malinaw na sobra na siya. Nasa gitna ng pinakamahalagang gabi ng buhay nila, pero eto sila ngayon, halos magsuntukan, nagbubulungan ng galit, at pilit na itinatago ang kapalpakan sa likod ng kurtina. Parang mga bata. “Pwede ba, Marvin?” mariing bulong ni Martin, halos pabulong na sigaw na. “Kailangan nating lumabas nang maayos. Gusto ni Daddy ng perfect na presentation. Ngayon ka talaga magkakaganyan?” “Wag mo ’kong turuan, Martin,” sagot ni Marvin, paos at pinagsama ang pagsuray at pagmamataas. “Kung alam mo lang… kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko.” “Huwag muna ngayon. Pwede mong balikan iyan pagkatapos ng gabing ito. Okay?” balik ni Martin, pilit na pinipisil ang balikat ng kapatid. “Mamaya na ’yan. Ayusin mo muna sarili mo.” Sa labas, naririnig na ang pag-ikot ng vintage chandelier, epekto ng air-conditioning at vibration ng music. Maraming bisita ang naroon, board members ng HappyHatch Baby Co, ilang kilalang personalidad sa industry, pati matagal nang mga kaibigan ng pamilya. Lahat bihis na bihis, sabik na sabik, nakangiti, at walang kamalay-malay na may problema na. “Martin and Marvin Monteclaro, two minutes,” tawag ng isang event coordinator, nakasilip sa maliit na siwang. “Ready na po lahat. Papunta na sa stage si Sir Jose.” Pagkasara ng pinto ay agad na huminga si Martin nang malalim. Pinilit niyang isipin ang buong rehearsal, lalabas sila nang sabay, eleganteng papalapit sa podium at sila mismo ang mag-iintroduce kay Jose Monteclaro bago nito ihayag ang malaking announcement, ang bagong CEO ng kumpanya. Isang napakalaking hakbang na magtatakda sa kinabukasan ng Monteclaro legacy. “Marvin, please,” huli na niyang pakiusap. Ngunit ngumisi lang si Marvin, ’yung ngisi na may tinatagong sama ng loob. “Kung alam mo lang, dapat ako ’yon… Hindi ikaw.” Hindi na nasundan pa ni Martin ang sasabihin sana nito, dahil biglang bumukas ang side door at pumasok si Jose Monteclaro, matikas siya, composed at may awra ng lalaking sanay magdala ng sarili. Nakasalamin, naka-tailored na suit, at may kakaibang liwanag sa mga mata na hindi agad mabasa ni Martin. Hindi naman nagulat si Martin na hindi napansin ni Jose na halatang lasing ang kapatid o baka napansin niya, pero pinili niyang magsimula pa rin ang gabi nang walang iniisip na stress. “Boys,” wika ni Jose, malamig ngunit may bigat. “Let’s go. This is a big night.” Hindi na kumibo si Marvin. Tumuwid ito, tinapik ang dibdib, parang sinusubukang magmukhang buo sa harapan ng kanyang ama. Si Martin na lang ang humawak nang bahagya sa braso nito, parang siguradong hindi matutumba. Paglabas nila sa backstage, sumalubong agad ang spotlight, maputi, mainit, at nakakabulag. Rinig nila ang pumapalakpak na crowd. Ang social host ay nag-aannounce na: “Ladies and gentlemen, please welcome the Monteclaro twins!” Lumakad silang dalawa, pero habang nakangiti si Martin, pinipigilan niyang mapansin ang bahagyang pag-alog ng hakbang ni Marvin. Tumunog ang cameras, may mga sumigaw ng “Happy birthday!” at may ilang kaibigan nila na kumaway. Pero nang makita niya si Jose sa center stage na naghihintay, alam niyang malapit na ang sandaling magbabago sa buhay nilang tatlo. Pagdating sa podium, nagtama ang tingin nila ng ama. May pasimpleng ngiti si Jose. Martin cleared his throat. “Good evening po sa inyong lahat. Thank you for joining us tonight for our 29th birthday celebration.” Sumunod si Marvin, pero malalim ang boses at bahagyang sablay ang timing. “Salamat po sa lahat… sa pagpunta… sa lahat ng sumuporta sa Monteclaro family.” May kumurap na ilaw ng camera nang tumaas ang kilay ng isang guest, marami ang nakapuna, pero hindi ganoon ka-halata. Para kay Martin, parang lumakas ang loob niyang ituloy na ang scripted line. “At this point,” sabi niya, “we would like to call on our father, the chairman of HappyHatch Baby Co, to share a very important announcement with us all.” Nagpalakpakan ang crowd. Lumapit si Jose, dahan-dahan, hawak ang gilid ng podium na para bang may ritual siyang sinisimulang bago magbago ang lahat. Umikot ang spotlight; tumigil ang musika. Tahimik ang lahat, at biglang ramdam ni Martin ang lamig ng sahig kahit sarado ang sapatos niya. “Thank you,” panimula ni Jose, boses niya malinis at matatag. “As you all know, HappyHatch Baby Co has thrived for nearly two decades. At ngayong tumatanda na ako, panahon na para ipasa ang pamumuno sa isang bagong henerasyon. Someone who has shown discipline, vision, and unwavering commitment to the company.” Napasinghap nang bahagya ang audience. Inaasahan ng lahat, isa iyon sa kambal. Si Marvin na may flair sa kanyang sarili pero laging pasaway? O si Martin na mas responsable at analytical kung mag-isip? “Tonight,” sabi ni Jose, “I am proud to announce… the new CEO of HappyHatch Baby Co.” Hinawakan ni Martin ang hininga. Napapikit sandali si Marvin, tila kinakabahan. “…my son, Martin Monteclaro.” Parang tumigil ang oras. Nang bumagsak ang palakpakan, may mga sumigaw pa ng “Congrats!” at “Well deserved!” pero ang tanging narinig ni Martin ay ang malalim, mapanlinlang na katahimikan sa pagitan niya at ni Marvin. Sumilay sa mukha ni Martin ang ngiting matagal niyang pinigilan, isang ngiting puno ng pasasalamat at tagumpay. Tumayo siya nang mas tuwid, at kahit nanginginig ang dibdib niya sa saya, pinanatili niyang composed ang mukha niya. Nang lumingon si Martin sa kapatid, sumalubong sa kanya ang matang basag. Hindi galit, kundi isang sulyap na parang hinayaan ng mundo na makita ng lahat ang sakit niyang itinatago, na hindi siya sapat, hindi siya pinili ng kanyang ama kahit kailan at hindi siya kailanman nagdala ng bigat ng Monteclaro name sa paraang hinangad nila. “Congratulations, Martin,” bulong ng isa sa board members habang pumapalakpak. Pero narinig iyon ni Marvin, at doon nag-init ang tenga niya. Ang mukha niya’y halos walang reaksyon, pero sumisigaw ang leeg at panga niya sa pigil na tensyon. Lumapit si Jose sa anak niya at pinatong ang isang kamay sa balikat ni Martin. “You earned this,” aniya, sapat na lakas para marinig ng front half ng ballroom. Kasabay nito, dumulas ang tingin ni Jose papunta kay Marvin, isang tingin na hindi galit, hindi rin awa, pero may pagsasabing ‘alam ko kung ano ang ginagawa mo sa sarili mo.’ Isang tingin na mas masakit pa kaysa sa sermon. Sa muling pagpalakpak ng crowd, napaatras si Marvin. Hindi niya namalayang kinakapa na pala niya ang loob ng bulsa, hinahanap ang maliit na flask na kanina pa niya gustong buksan. Pero hindi niya iyon nahawakan, hinarang ng kamay ni Martin. “Marvin,” bulong ni Martin, puno ng pag-aalala. “Tama na. Please.” Ngunit ngumisi si Marvin, mapait, masakit, at puno ng sugat. “Congrats, Mr. CEO,” mahinang sabi niya, pero may patalim bawat salita. “I guess… ikaw talaga palagi ang pipiliin ni Daddy.” “Marvin—” Pero hindi na natapos ni Martin ang sasabihin dahil unti-unti nang lumayo ang kapatid, diretso papunta sa gilid ng ballroom, habang nakatalikod sa mga ilaw, palakpak, at papuring hindi kailanman napunta sa kanya.(Martin’s POV) Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing direkta kay Gabriel ang tunay na rason kung bakit kailangan kong malaman ang tungkol doon sa babae. “Alamin mo kung taga saan siya.” Mahina pero matigas ang boses ko, at alam kong sapat na iyon para malaman ni Gabriel na hindi ako nagbibiro. “Taga saan, sir? Ibig sabihin ay…” Ramdam ko ang pagkalito niya. Wala namang bago. Hindi ako basta nagbibigay ng utos na walang paliwanag, pero ngayon… hindi ko kayang bigyan siya ng kahit anong clue. “Alamin mo ang address niya. Background. Pero wala kang gagawin oras na malaman mo. Wala kang lalapitan. Wala kang kukunin na kung ano man sa kanya. Alamin mo lang.” Hindi ko tiningnan si Gabriel. Ayokong makita ang reaksyon sa mukha niya, dahil masyado nang halata ang tensyon sa dibdib ko. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, e. “Warning po ba ‘yon para sa kanya?” tanong niya ulit, hindi makapaniwala. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kailangan na sumagot. Ang
(Martin's POV) Tahimik ang umagang iyon, o at least, gano’n ang gusto kong paniwalain ang sarili ko. Sa totoo lang, wala ni isang araw na naging tahimik para sa’kin mula nang hindi na ako makalakad. Kung hindi board meetings, deadlines, o mga mata ng mga empleyado kong laging nakaabang sa bawat kibot ko. Limang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit akong maghanap. Tatlong buwan mula nang bumalik ang isang alaala na matagal ko nang sinubukang ilibing, o baka hindi ko talaga kailangang ilibing, dahil kahit pilitin ko, hindi ko siya makalimutan. Limang taon na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa isip ko ang gabi na ‘yon. Hindi ko alam ang pangalan niya noon. Hindi ko alam ang buhay niya, ang pamilya niya, o kung kasama ba siya ng iba. Ang tanging naiwan sa akin ay ang mukha niya, iyong simpleng mukha na may mapungay na matang nakatingin sa akin. Pero habang tumatagal, imbes na mawala siya sa isip ko, mas lalo ko siyang naaalala. Minsan iniisip ko, totoo ba talaga ang nang
“Maghanap ka nang matutuluyan ni Miss Dela Vera bukas. Update me about it,” malinaw na utos ni Martin kay Gabriel pero labis siyang nagulat. “Pero, Sir.. Binayaran niyo na po ang kulang na renta niya, di ba? Okay na po siguro iyon para sa kanila,” tutol ni Gabriel. Masama tuloy ang tingin ni Martin sa kanyang bodyguard. Pagkatapos ay umulit siya ng sabi, “Hanapan mo sila o ikaw ang maghahanap ng bago mong trabaho? Mamili ka.” Nanlaki ang mga mata ni Gabriel sa sinambit ng kanyang amo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang utos nito. Hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit biglang nag-utos si Martin na humanap ng bagong tutuluyan para kina Cassy at ng kambal nitong sina Liam at Levi. Sanay siya na sumusunod sa bawat utos ng kanyang amo, mula sa pagbabantay sa opisina hanggang sa pag-asikaso sa personal nitong seguridad. Pero, kakaiba ang request na ito. Hindi pangkaraniwan, hindi rin simple. At lalong hindi niya alam kung bakit biglang ganito ka-protective si Mart
Wala nang nagawa ang landlady kundi tumango. At nang lumapit si Gabriel at iniabot ang envelope, ngumiti agad ito, yung ngiting napaka-ayos bigla pagkatapos sumigaw kanina. “Salamat po, Sir! Pasensya na po sa gulong dala ko…” Tapos mabilis itong umalis. Tumayo si Cassy nang mahinang-mahina ang tuhod niya. “S-Sir… hindi ko po alam kung bakit niyo ginawa iyon pero hindi ko po hinihiling na bayaran niyo—” hindi na natapos ang kanyang sinasabi. Tumingin si Martin sa kanya, malamig, diretso, at walang emosyon. “Hindi libre ang tulong ko sa'yo.” Napalunok si Cassy. Napaatras. Parang biglang lumitaw ang malinaw na dahilan ng pangamba niya. Hindi siya sanay tumanggap ng tulong mula sa isang estranghero. Lalo na mula sa isang lalaking tulad ni Martin, na kitang-kita sa postura, sa bihis, sa kilos, na may kapangyarihan ito. Kapangyarihang hindi basta nalalapitan. “A-ano pong ibig sabihin?” tanong niya, napakababa ng boses. Hindi agad sumagot si Martin. Parang pinag-iisipan pa kung sasagu
Maagang-maaga. Hindi pa sumisikat nang husto ang araw, ngunit binulabog na ang katahimikan ng buong apartment complex.Malakas ang katok mula sa pinto.Kasunod ang malakas at nakakabusang sigaw.“Cassy! Cassy Dela Vera! Lumabas ka riyan, kundi wawasakin ko talaga ito!”Napabalikwas si Cassy mula sa kanyang manipis na kutson. Nagkatinginan sina Levi at Liam, parehong nagising at kinakabahan.“Mama… sino po ba ‘yan?” halos bulong ni Liam.“Ah, yung landlady lang, pero don’t worry, Mama will talk to her,” pilit na kalmado niyang sagot kahit ang puso niya’y kumakabog.Tumayo siya, mabilis na inayos ang buhok, at lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa galit na mukha ng landlady na si Aling Mercy, pulang-pula ang pisngi at singhigpit ng bakal ang titig.“Ayan ka pala! Dalawang buwan kang hindi nagbabayad! Akala mo siguro pwede mo akong paikutin, ano?!” sig
Pagkadating nila sa mansyon, mabilis na bumaba ang mga staff para salubungin si Martin. Tahimik siyang itinulak ng isa pang bodyguard papasok sa grand foyer, habang si Gabriel naman ay nasa likod, hawak ang daily report tablet. Malawak ang loob ng mansyon. Ito ay marmol ang sahig, malalaking chandelier, at malalamig na kulay ng ilaw na sumasalamin sa katahimikan ng tirahan ng isang CEO. Pero sa likod ng katahimikan na iyon, kumukulo ang dugo ni Gabriel sa tanong na kanina pa niya pinipigilang bitawan. Hindi na niya kinaya. “Sir,” mahinahon ngunit ramdam ang pag-aalinlangan niyang sabi, “pwede ko po bang itanong… bakit hindi n’yo pinarusahan yung babae kanina sa elevator?” Hindi tumingin si Martin. Sa halip, dahan-dahan niyang tinanggal ang blazer at ipinatong sa armrest ng wheelchair. Tahimik. Matipid. Parang wala siyang naririnig. Pero hindi pwedeng bingi si Martin. Lalo na kapag siyang C







